"Ding...Dong..."
Bubuksan na sana ni Kelly yung pintuan nila "Na naman?"Aniya.
"Nakakainis na ha!" Dagdag pa niya.
At walang paano ano'y binuksan niya na yung gate pero wala na naman siyang nakita "Anak ng! Kung sino ka man wag kami ang burautin mo bwiset!"
Pumasok na ulit si Kelly at pagkasara niya ng gate "Kelly!"
Luminga-linga si Kelly "Kuya?"
"Pssst..."
Kelly: Kuya?!
"Psst..."
Hinahanap pa din ni Kelly yung na sitsit sa kaniya "Kuya? Wag kang ano diyan..."
"Kelly!"
Kelly: Kuya Kim!!! Di na ako natutuwa.
"Pssst..."
Kelly: Kuya!!! Lumabas ka na diyan!
At lumabas naman si Kim "Kelly! Ano bang ginagawa mo? Sino yung nag doorbell??"
Kelly: Ku---kuya?
Lumapit naman ka agad si Kelly at niyakap si Kim "Bakit? Sino ba yung nag doorbell?"
Kelly: Bilis pumasok na tayo.
Kim: Ha? Ano gang nangyayare sayo?
Hinila ni Kelly si Kim papasok at sinarado niya ka agad ang pinto at ni lock "Kelly, ano bang nangyayare?"
Sumisilip pa rin si Kelly sa may gilid ng pintuan nila kung saan kita ang nasa labas "Kelly!!!"
Kelly: May....may...ano....
Kim: Ano nga?!!!
Kelly: May monster sa labas kuya.
Kim: Ano?! Kakanood mo yan ng horror eh tigilan mo na yan ha? Lakad dun ka na muna sa sala pauwi na rin sila kuya pumirme ka diyan.
Iiwan na sana siya ni Kim pero hinawakan siya ni Kelly sa braso "Kuya sama ko."
Kim: Ano?! Bitawan mo ko! Di pa ko tapos magluto Kelly!
Kelly: Pero kuya!
Nag pupumiglas si Kim pero di siya binibitawan ni Kelly "Kelly! Ano ka ba tuko?"
Kelly: Kuya!!!
Kim: Sigh...Bahala ka na nga!
Makalipas ang 30minuto,
Habang nanonood si Kim ng tv sa sala nila di parin siya binibitawan ni Kelly "Beep....Beep..."
Kim: Andiyan na sila.
Kelly: Baka di sila yan.
Kim: Ano? Kelly ha! Tinotopak ka na naman ba? Bitawan mo na nga ako bubuksan ko yung gate.
Kelly: Ehhh...sama ako.
Kim: Sigh...Ewan ko na sayo Kelly sabi na kasing wag manonood ng horror eh tapos ayan? Nako!
Paglabas nila "Oh? Baka gusto mong bumitaw na sila kuya na yan." Sabi ni Kim.
At binitawan nga siya ni Kelly nung nakitang sasakyan ni Kian nga ang dumating "Tsss...pasaway ka talagang bata ka."
Kelly: Hehe...
Kim: Tsk...ge diyan ka lang ako na mag bubukas ng gate.
Kelly: Um...
Pagpasok ng sasakyan "Babysis..."Ang bungad ni Keith at kumaway si Kelly.
Kim: Buti naman at sumabay ka na sakanila.
Kevin: Tsss...kaya nga kami nagtagal dahil sa kaniya.
Keith: Sus...
At nagsibaba na yung tatlo "Bakit ga ang tagal mong buksan ang gate?" Ang sabi ni Kian.
Kim: Si Kelly kasi tinotopak na naman.
Kian: Ha? Bakit na naman? Inaway mo?
Kim: Nako hinde!
Lumapit naman si Kelly "Kuy's..."Aniya.
Kim: Tsss...tara na pumasok na tayo at kakain na.
Keith: Babysis, anong nangyare?
Kelly: Wala bakit?
Kim: Sus...ang clingy bigla ng lukang yan habang nagluluto ako eh ayaw akong bitawan.
Kevin: Ey...at bakit naman?
Kelly: Eh...kasi...pumasok na nga lang tayo bilis.
Kim: Di mo na ako kakapitan?
Kelly: Ewan sayo kuya.
Kim: Asus...
Kian: Sya...sya...sya...tama na yan pumasok na nga tayo.
At pagkapasok nila may biglang lumitaw na isang taong misteryosong naka sumbrero at umalis rin ka agad "Bakit di mo sinabi sakin yan kanina?" Ang sabi nI Kim habang nasa hapagkainan ang lahat at kumakain.
Kelly: Eh sabi mo kasi baka napaparanoid lang ako sa kakanood ko ng horror movie.
Kian: Sandali lang, narinig mo rin bang may nag doorbell kanina Kim?
Kim: Oo narinig ko dalawang beses nga nung pangalawang beses sabi ko bakit ka ko di pa binubuksan ni Kelly yung gate kaya nilabas ko na sya nag-alala rin kasi ako syempre.
Kelly: Pero nung unang doorbell di ko binuksan kasi sinilip ko wala namang tao.
Keith: Aba, delikado yun gabi na bro naman bakit si Kelly pa inutusan mo?
Kim: Eh kasi nga nagluluto ako tsaka marunong naman si Kelly mag self defense.
Kelly: Sabi kasi ni kuya bibigyan niya ako ng 1k eh.
Kian: Ano? Kim naman!
Kim: Sorry na eh kasi nga baka masunog yung niluluto ko eh alam nyo namang pag uutusan yan kailangan may kapalit pa.
Kelly: Pero ayos lang naman sakin di naman ako takot.
Kevin: Nako Kelly! Yan ka na naman kala mo lagi kaya mo pero sa totoo lang magaling ka lang mag pretend.
Kelly: Di naman eh...
Keith: Tama na nga yan nasa harapan tayo ng pagkain.
Kevin: Pero nabanggit mo nung pangalawang doorbell binuksan mo yung gate?
Kelly: Oo kuya tsaka may sumitsit sakin tapos tinatawag pa yung name ko ang creepy nga eh.
Kim: Kaya ba nanginginig ka kanina?
Kelly: Oo pero feeling ko nakapasok sya eh kaya di ako nabitaw kay kuya Kim kanina.
"ANO?"Anila.
Kian: Sandale, Kim yung pinto sa likod sarado ba?
Kim: Oo kuya.
Kian: Yung mga bintana niyo sa kawarto sarado ba?
"Oo kuya."Anila.
Kelly: Wait...yung sakin...bukas ata kuya.
Kian: Ha? Teka, Kevin tawagan mo si Ethan.
Kevin: Oo kuya.
Kian: Bunso, dun ka na muna sa underground natin.
Kelly: Ha? Bakit? Ayoko dun ang dilim.
Keith: May ilaw ron buksan mo yung fuse box.
Kelly: Pero...
Kian: Sumunod ka na lang bilis.
Kelly: O---opo.
At pumunta na nga si Kelly sa kanilang underground "Guys, bilis kumuha kayo ng gamit niyo." Ang sabi ni Kian.
"Oo Bro."Anila.
At kumuha nga ang magkakapatid ng pwede nilang pang depensa "Kevin, anong sabi ni Ethan?" Ang sabi ni Kian.
Kevin: OTW na daw sya.
Kian: Okay, tara na.
"Roger."Anila.
Kevin: Bro, sandali lang maiwan na kaya ako dine sa baba? Baka biglang bumaba dine yung kriminal mapano si Kelly.
Keith: Oo tama si Kevin bro.
Kian: Okay sige kayong dalawa sumunod kayo sakin.
"Copy." Tugon nila Keith at Kim.
Kian: Let's go!
Kevin: Ingat kayo mga kuy's.
"Sige..."Anila.
Dahan-dahan umakyat yung tatlo papunta sa kwarto ni Kelly "Ako magbubukas ng pinto coveran nyo ko agad." Ang pabulong na sabi ni Kian.
Tumango naman yun dalawa at binuksan na nga ni Kian yung pinto "Spread mga bro." Senyas ni Kian.
"Roger." Anila.
Sa Underground,
Naglibot-libot si Kelly dahil namamangha siya sa mga nakita niyang mga larawan nilang magkakapatid simula pagkabata at mga painting ng daddy nila na animo'y ang madalim na underground na alam nya ay isa palang munting museum ng kanilang pamilya at unti-unti ng pumatak ang mga luha ni Kelly "Huh! Sila kuya talaga nakakainis simula pagkabata ako lagi nila akong tinatakot na may mumu daw dine at sobrang dilim yun pala..."
Bumuhos ang luha niya nung nakita niya ang malaking larawan ng daddy nila na karga-karga siya noong ika-limang taong gulang palamang siya "Boohoo...Daddy...Miss na miss na kita...Boohoo."
Nilapitan niya at hinawakan ang larawan "Boohoo...Daddy...Boohoo..."Iyak ng iyak si Kelly at napaupo nalang sa gilid ng larawan nila ng daddy niya.
Samantala,
Keith: Bro, walang tao sa c.r ni Kelly.
Kim: Clear din sa mga kabinet ni Kelly wala din sa ilalim ng kama.
Kian: Naisara ko na rin ang bintana niya at mukhang wala namang magkakasyang tao doon.
Dumating naman si Kevin "Mga kuy's dumating na si Ethan." Aniya.
Kian: Nasaan siya?
Kevin: Nasa labas tinitignan ang palibot ng bahay natin.
Kian: Okay, sige susunod ako sa kaniya sa labas kayong tatlo i-check niyo rin ang mga kwarto dito sa bahay.
"Noted bro."Anila.
Kian: Go....go...go...
"Sir, yes sir." Anila.
Makalipas ang isang oras ng paghahanap,
Nasa garahe ang lahat maliban kay Kelly "Clear naman ang paligid ng bahay niyo may nakita akong CCTv sa may poste sa labas saan ko pwedeng makita ang record nun?" Ang sabi ni Ethan.
Kian: Alam ko dito yun sa subdivision itanong nalang natin sa security guard.
Ethan: Okay sige maiwan nalang yung iba dito para kung ano may kasama si Kelly.
Kian: Sige, Keith pumunta ka na rin kay Mr. Nolasco ang homeowners associations president dito itanong mo kung may mga iba pang kaganapang nangyare dito mga nakakaraang araw.
Keith: Sige bro.
Kian: Kayong dalawa bantayan niyo si Kelly ilock niyo ang pinto at ang gate pag-alis namin.
"Roger that Bro."Anila Kevin at Kim.
Ethan: Tara na.
Kian: Okay.
Keith: Sige aalis na rin ako.
Pagkaalis ng tatlo "Ako na ang magsasara ng gate mauna ka na sa loob."Ang sabi ni Kim.
Kevin: Ge.
Pinuntahan agad ni Kevin si Kelly "Babysis? Nasan ka?"
Hinanap ni Kevin si Kelly at nakita niyang nakatulog na si Kelly sa sofa habang hawak hawak ang picture ng daddy nila "Nakatulog na pala siya." Naupo muna si Kevin at kinuha ng dahan-dahan ang litrato na hawak ni Kelly.
Kevin: Dy, mukhang miss na miss na kayo ng ating munting prinsesa.
"Bakit kasi ang aga niyong nawala alam niyo dalaga na si Kellang nagkaka-crush na siya ngayon at mukhang mana sya kay kuya Kian minsan manhid pero madalas bungol. Sigh...Miss na rin kita Dy...sana andito ka pa." Dagdag pa ni Kevin.
"Oh? Nakatulog na si Kelly?" Sambit ni Kim.
Kevin: Ah...oo at nakita ko yakap-yakap niya ito.
Inabot nya kay Kim at sinabing "Nagulat siguro na may ganitong lugar sa bahay."
Kim: Mukha nga...Sigh...nakakamiss na rin si Dad.
Kevin: Yeah...