Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 24 - Kabanata 24

Chapter 24 - Kabanata 24

Kinatanghalian,

Nakahain na ang pananghalian "Salamat sa pagkain."Anila.

Kian: Sige kumain na kayo.

Nasa hanay ng kinauupuan nila Kim at Kevin si Kelly "Mukhang masarap kuya."Sabi ni Kelly.

Kevin: Sus...panu'y puro paborito mo na naman.

Ethan: Di ka parin ba nakain ng gulay Kelly?

Kelly: Um...minsan patatas at stiaw lang.

Kim: Napaka pihikan kasi niyan.

Kian: Kayong dalawa? Bakit ayaw niyo pang umabot dito?

Dave: Si---sige po.

Kelly: Wag na kayong mahiya walang bayad yan.

Kevin: Nga naman, di ba kayo nakain ng baboy?

Dave: Ah...nakain naman po pero si Patrick kasi di gaano.

Kelly: Oh? Bakit? Wag kang mag-alala malinis lahat ng yan. Tsss...

Patrick: Wala naman akong sinabi grabe ka.

Kelly: Sus...arte!

Napatingin ang lahat sa dalawa "Ahem...Kelly nakain wag kang salita ng salita."Ang sabi ni Kian.

Kelly: Sorry kuya si GM kasi.

Patrick: Luh! Bakit ako?

Ethan: GM?

Dave: Ahhh...General Manager kasi si Patrick sa pinag oojthan ni Kelly.

Patrick: DAVE!!!

"GENERAL MANAGER?" Anila Kian.

Kelly: Ah...eh...oo kuya sya ang General Manager sa Santos Mall.

Patrick: Pero wag niyo pong masamain ojt parin po ako doon.

Kim: Pero ang bata mo pa para maging Genral Manager. Ilang taon ka na ba?

Patrick: 21years old po.

Kian: Tapos General Maagaer ka na? At nag o-OJT ka palang? Paano nangyare yon?

Patrick: A---ano kasi...

Ethan: Baka naman may backer siya.

Kevin: Backer?

Ethan: Oo di ba pangkaraniwan na yun sa mga kumpanya ngayon?

Sa isip-isip ni Kelly "Backer? Teka Santos Mall tapos Patrick Santos...OH...MY...PURPLE GOSH!!! Di kaya...asawa siya ng may-ari?"

Author: Medyo malawak ang pag-iisip ni Kelly pag pasensyahan niyo na.

Kian: Pero 21years old hindi pa na graduate general manager na? Imposible!

Patrick: Ah...eh...kasi po a---ano...

Dave: Working student po kasi siya noon palang.

"Ha?"Reaksyon ng lahat at sinenyasan ni Dave si Patrick.

Patrick: Ah...O----oo higschool palang kasi ako working student na ako tapos ayon di nag tagal na promote ako ng paunti-unti.

Dave: Ha---ha---ha...ganun na nga masipag kasi yang taong yan kaya ayan sa batang edad eh tumaas na ang promotion.

Kelly: Oohhhh...I see...pero di halata yung masipag sayo.

Patrick: Ah---ha---ha---ha...Oo di nga sorry ha? Ha---ha---ha...

Sa isip-isip ni Patrick "Nako Kelly! Kahit kailan talaga intrimida ka!"

Ethan: Pero kaklase ka ni Kelly di ba? Di naman business course ang kinukuha niyo tama?

Kian: Oo mga I.T student sila pero kung ako naman ang magiging boss ng kagaya ni Patrick well kung totoo nga ang sinasabi niyang masipag siya eh kahit di sya business course ipopromote ko parin siya. Kung may kakayahan naman siya why not di ba?

Ethan: Ah? O---oo Bro.

Pabulong bulong si Patrick "Huh! Ano ka ngayon?"

Kim: Tama na yan lalamig ang pagkain.

"Okay."Anila.

Pagkatapos nilang kumain,

Nasa kusina at nagliligpit si Kevin kasama si Ethan habang nasa sala naman sila Kelly at yung iba pa "Bro, bakit parang feeling close naman yung dalawang yon kay Kelly?" Sabi ni Ethan habang pinupunasan ang plato.

Habang nagliligpit naman si Kevin "Eh malamang mag kakaklase sila eh."

Ethan: Pero lalo na yung isa.

Kevin: Sino? Yung natawag kay Kelly na master? Ah...eh kasi nagpapaturo yun ng technique sa pagkuha ng maganda litrato kay Kellang.

Ethan: Hinde! Yung isa di ko gusto ang mga inaasal nya pakiramdam ko lagi niya akong tinitignan ng masama.

Kevin: Ano? Ikaw? Na Isang pulis?

Ethan: May pakiramdam akong di lang kaklase ang tingin niya kay Kelly.

Kevin: At ano pala?

Ethan: May gusto sya kay Kelly bro.

Kevin: Oh?

Ethan: Anong? Oh? Di ba dapat magalit ka? Bakit parang kalmado ka lang?

Kevin: Bakit sa tingin mo di namin ramdam? Bro, lalaki rin kami malamang alam namin yon.

Ethan: Eh bakit di kayo nagawa ng aksyon? Tignan mo nakikipag usap pa mga kuya mo dun sa Patrick na yon.

Nag punas na ng kamay si Kevin "Alam mo masyado kang aligaga eh ikaw nga di mo pa alam yang nararamdaman mo."

Ethan: Ano? Anong pinagsasabi mo?

Kevin: Wala! Tara na at makisali sa usapan nila.

Ethan: Pe---pero...Bro!!!

Sa Sala,

Tinuturuan naman ni Kelly si Dave sa pag edit at tamang pagkuha ng picture habang nag uusap naman sila Kian, Kim at Patrick "Salamat nga po pala sa masarap na pananghalian." Ang sabi ni Patrick.

Kian: Parang di ka naman na busog vegetarian ka ba?

Patrick: Ah...hindi naman ho di lang sanay kumain ng baboy.

Kim: Bakit maaari ba naming malaman?

Patrick: Ahhh...nung bata po kasi ako may alaga akong baboy yung ginagawa pong pet.

Kim: Ah...oo bakit?

Patrick: Nung kaarawan po kasi ng kuya ko napag diskitahan ng mga tropa niya yung alaga kong si Hammy.

Kian: Hammy? Yun ang pangalan ng baboy mo?

Patrick: Ah..opo yung bunso po kasi naming kapatid nag pangalan sa kanya.

Kim: Oh...eh anong nangyare sa alaga mong baboy?

Patrick: Dahil nga kaarawan po ng kuya ko di ko alam na kinatay nila si Hammy nung madaling araw tapos hinanap ko po siya pero di ko talaga makita sa buong bahay namin.

Kim: Sandali lang hulaan ko nung tanghali ulam niyo baboy tapos ang di mo alam si Hammy na pala yon? Tama?

Naupo at nakinig lang sila Kevin at Ethan "Ah...parang ganun na nga po pero mas malala naubos ko po yung parte na binigay sakin ng tropa ni kuya."

Kelly: Ahahaha...ang takaw mo naman pala'y.

Patrick: Ano?!

Kevin: Pagpasensyahan mo na sige tuloy ang kwento.

Napatingin lang si Ethan "Pano mo nalaman na sya yung alaga mong si Hammy?"Ang sabi ni Kian.

Kelly: Hulaan ko?

Kim: Sige nga babysis.

Kelly: May nakita siyang ham.

Ethan: Pfft...Ham, kasi naalala niya yung alaga niyang si Hammy. Ahahaha....galing mo talaga Kelly.

Kelly: Sorry pero di pa ako tapos.

Napahinto sa pagtawa si Ethan "Ha?" Reaksyon nya.

Kelly: Dahil nga may ham pero sa ibabaw ng ham andoon naman ang litsong ulo ni Hammy.

Pinalakpakan ni Dave si Kelly "Wow...master isa ka talagang henyo natumbok mo ang mga pangyayare ng araw na iyon."Aniya.

Kelly: Well, thankyou.

Kian: Totoo ba Patrick?

Patrick: Ahm...parang ganun na nga po.

Dave: Dude, ganun talaga.

Kelly: Ahahaha...don't tell me naglupasay ka?

Dave: Pa---paano...

Patrick: DAVE!!!

Kelly: Nyahaha...tama ako? Ahahaha...so lit!

Nagkatinginan ang mga kuya niya at napangiti samantala medyo inis naman si Ethan "Okay, tama na yan alaga ni Patrick ang nawala di dapat pinagtatawanan."Ang sabi ni Kevin.

Kelly: Sorry...pero last na feeling ko di naman dahil nawala yung alaga mong si Hammy kaya ka tumigil sa pagkain ng baboy kundi dahil sa science experiment.

Dave: Ahahahaha...oo master di ba sumikat yung nilalagyan ang karne ng baboy ng softdrinks tapos may uod na lumalabas yun dun talaga sya nandiri kaya di na talaga sya kumain ng karne ng baboy.

Patrick: Dave!!!

Kelly: Pffft...ahahahaha...ang oa mo naman daig mo pa ako.

Patrick: Pero kahit naman siguro sino makapanood noon mandidiri ng kumain ng baboy bakit ikaw di mo ba itinigil ang pagkain ng baboy?

Kelly: Uhm..parang wala akong maalala...Hindi kasi ako maarte.

Kevin: Tsss...kaya nga highblood ka na ka bata bata mo pa daig mo pa kami nila kuya.

Patrick: Talaga po? HB na si Kelly? Hala ang taba mo na kasi.

Kelly: Ano? Di kaya ako mataba di ba mga kuy's

"Um...Medyo?"Anila.

Kelly: Kuya!!!

Patrick: Ahahaha...told you...

Dave: Hinde master di ka mataba.

Kelly: Heh!

Napatingin si Ethan at na feel niyang na out of place na siya "Ahem...guys uuwi na muna ako."

Kevin: Ha? Maaga pa naman.

Ethan: Naalala ko kasing may gagawin pa pala ako.

Siniko ni Patrick si Dave "Bakit?"

Patrick: Umuwi na rin tayo.

Dave: Ha? Pero di pa ako tapos turuan ni master.

Patrick: Gutom na ko!!

Dave: Tsk...bakit kasi di ka kumain ng ayos eh.

Patrick: Basta umuwi na tayo!

Dave: Oo na!

Kinulbit ni Dave si Kelly "Master uuwi na rin kami."

Kelly: Ah? Uuwi na rin kayo?

Patrick: Oo may i-eencode pa kasi ako eh.

Kelly: Tsss...iba talaga ang GM.

Sa isip-isip ni Dave "I-eencode raw. Tsss."

Patrick: Sige una na kami.

Kian: Oh? Uuwi na rin kayo?

Patrick: Opo may files pa kasi akong aasikasuhin.

Kevin: Sumabay na rin kayo samin mag papalaundry kasi kami eh.

Dave: Sige po.

Patrick: Hindi na po taxi nalang kami.

Kelly: Tsss...kuya di yan sanay mamahalin ang kotse niyan eh.

Patrick: Grabe hindi naman.

Kelly: Sus...sports car kaya ang sasakyan mo.

Kim: Oh? May sports car ka? Anong klase?

Dave: May Ferrari po sya pero yung daddy niya...

Tinakpan ni Patrick yung bibig ni Dave "Ha---ha---ha...wag po kayong maniwala diyan di po sakin yun pinahiram lang po sakin yun."

Dave: Mmmm...mmm...

Kelly: Hiram? Bakit parang sayo naman yun.

Patrick: Ha? Hinde sige mauna na kami.

At kumaripas na yung dalawa "Hoy!" Ang pahabol na sambit ni Kelly.

Ethan: Mukhang close na close kayo.

Kelly: Sino ni Patrick? Hindi lagi ko nga yung kaaway kapag nasa school o office kami.

Ethan: Pero parang di naman.

Kian: Kelly, sige na ayusin mo yung damit mong ipapa laundry.

Kelly: Rogger, sige...ha?

Ethan: O---Oo.

Kian: Bro, can we talk?

Ethan: Oo naman.