Ala una ng hapon,
Naupo sa may counter si Kelly kasama sila Vince at Harvey "Sigh...pagod na ko...pwede na bang magpalit?"Aniya.
Harvey: Ano? Hindi pwede nakakalhating araw palang tayo.
Kelly: Pero banas na banas na ko tsaka naasiwa na ko sa suot ko.
Vince: Magtiis ka nalang muna tol kita mo ang dami nating customer dahil sayo.
Dumating si Mimay "Beshie Kelly!!!" Ang paghangos niyang sambit.
Kelly: Oh? Bakit? May multo ka bang nakita?
Harvey: O baka na ccr ka?
Mimay: Ewan! Yung mga kuya mo nandiyan.
"ANO????" Ang pasigaw na tugon nila Kellly at Vince.
Harvey: Oh? Gulat na gulat?
Mimay: May kasama ring isang lalaki at ang hot niya my goodness andoon nga pinagkakaguluhan sila.
Harvey: Tsss...
Vince: Anong itsura? Naka clean cut ba? May dimple? Matangkad medyo singkit at maputi?
Mimay: Oo yun mismo ang bango niya ngang tignan eh.
Napatayo naman ka agad si Kelly "Ethan?"
Vince: Ke---lly...
Nakita ni Kelly ang mga kuya niya at yung lalaki at nag madaling lumapit "Kelly...saan ka pupunta?" Ang sabi ni Patrick.
Lumapit naman sila Vince "Sa mga kuya niya."
Dave: Kuya? Yung limang yon kuya niya? Kala ko ba apat lang mga kuya niya?
Vince: Yung isa doon kababata namin ni Kelly.
Mimay: Pinsan niyo rin?
Vince: Hindi anak yon ng ninong Mike niya.
Patrick: Yung pulis kahapon?
Harvey: Sino?
Mimay: Mamaya ka na nga lang maki tsimis diyan.
Harvey: Humph...
Dave: Oh? Anyare kay Kelly? Bakit ayaw niya lumapit?
"KELLY!!!!" Sabi nung kasamang lalaki ng mga kuya niya.
Mimay: Bakit parang...
Vince: Si Ethan ang crush ni Kelly.
"CRUSH????"Anila maliban kay Patrick na natahimik at nakatingin lang kay Kelly habang nilapitan nung Ethan at ng mga kuya niya.
Harvey: Si---Si Kelly? May Crush na lalaki??? Eh...ka---kala ko tibo sya?
Bineltukan siya ni Mimay "Hoy! Babae si Kelly boyish lang talaga siya kasi lumaki siya kasama ang mga kuya niya."
Bumulong si Dave kay Patrick "Dude, ayos ka lang?"
Patrick: Lubayan mo nga ko.
Samantala,
Keith: Babysis, na surprise ka ba?
Kelly: A---ayos lang.
Kevin: Weh? Bakit kinakamot mo yang ilong mo?
Binaba naman ka agad ni Kelly ang kamay niya "Hindi kaya."
"Hahaha...gaya parin siya ng dati pag nagsisinungaling." Si Ethan Basquez isang pulis at anak ni Ninong Mike at ang aking dream guy pero nakikita niya lang ko bilang nakababatang kapatid.
Nahihiya si Kelly "Ah...eh..." Aniya at nagkatinginan ang mga kuya niya.
Kian: Ahem...saan kami pwedeng umupo?
Kelly: Ah? O---oo kuya di---dito nalang kayo.
At umupo nga angg lima habang nag tsi-tsismisan naman yung iba "Kilala ni ate girl ang mga hottie na yon?" Sabi nung isang babae na nakikiusyoso.
"Hmm...baka mga kapatid niya di ba kapatid niya si nurse Kevin?"
"Ang swerte naman niya."
"Anong meron dito?" Ang sabi nung isang babae na naka pang cheer dance uniform at may kasama ring dalawa pang babae.
"May limang hottie na dumating dito sa love cafe."
"Ohhhh...at dito pumunta imbes na saming tourism department?" Si Bella ang queen bee ng campus.
"Girl, tignan mo at yung maid na yun pa ang umaasikaso sa kanila." Si Cherry ang sidekick ni Bella.
Bella: Hindi ako papayag girls lets go.
"Sandali lang queen andun rin si nurse Kevin." Si Gigi isa rin sa sidekick ni Bella yung unang nag tanong kanina.
Cherry: Oo nga queen anong gagawin natin?
Bella: Really? So what are we waiting for? Let's go na I want to see my king.
Sa isip-isip nung dalawa "Sigh...di pa ba niya na babalitaan na si Prof. Mina at si Nurse Kevin na?"
Bella: Girls ano na? Come on!
"Ha? O---oo andiyan na."
Habang kausap ni Kelly yung lima "Baby girl ako gusto ko ng espresso at ng chocolate cake." Ang sabi ni Ethan.
Kelly: Si---sige.
Nakatitig lang si Kelly kay Ethan "Kellang!!!" Ang sabi ng mga kuya niya.
Kelly: Ku—kuy's?? Baket?
Kim: Sigh...ano pa gang inaantay mo?
Kelly: Ha?
Kian: Yung order namin.
Kelly: Ahhh...O---oo kuya wait lang.
At kumaripas na ng alis si Kelly "Ahahaha...kakatuwa talaga yang si Kelly dalagang dalaga na siya bagay sa kaniya yung costume niya."Ang sabi ni Ethan.
Nagkatinginan mga kuya ni Kelly "Ahem...Anyways, buti napadaan ka dito wala kang duty?" Ang sabi ni Kevin.
Ethan: Ahhh...wala off ko ngayon tsaka Vday eh kayo wala kayong date?
Kevin: Well, ako meron ewan ko sa iba diyan.
"HEH!!!" Ang tugon nung tatlo.
Ethan: Pffft...hahaha...di na kayo nag bago.
Keith: Sus...ikaw lang naman ang nag bago sigurado ang dami mong chikas. Baka naman.
Bineltukan siya ni Kian at Kim "AHHHH...ano bang problema niyong dalawa?" Aniya.
Kian: Manihimik ka nga diyan napuntahan mo na ba si Faith?
Keith: Tsss...ayaw niya akong makita.
Kim: Yan kase! Suyuin mo bungol na to!
Keith: Humph...
Ethan: Wait...sino si Faith? May gf ka na bro? Wow...paano ang motto mong "Gym is Life?"
Keith: Mahabang istorya gang kailan ka ba dito?
Kian: Oo nga, dito ka na ba madedestino sa Manila?
Ethan: Hindi ko pa sigurado pero pinag rereport ako dito bukas kaya baka dumito muna ako kasama si Papay.
Kieth: Oo nga pala kamusta si tito? Nagkita sila ni Kelly eh.
Ethan: Ahhh...oo nakwento nga niya sakin kagabi okay naman sila Papay yun rin ang dahilan kaya pumunta rin ako dine para i-check si Kelly mukhang she's doing good naman pala.
Kian: Oo ayos naman na siya pinagsabihan na rin namin masyadong nagiging pasaway eh.
Kim: Buti nga kamay lang yung naging galos niya susme kung hindi baka di na namin alam gagawin.
Keith: Pagsabihan mo nga Bro.
Ethan: Ako?
Kevin: Oo simula bata yun mas nakikinig pa yon sayo kesa samin eh.
Ethan: Hahahaha...di naman siguro nagkataong lang.
Sa isip-isip nung apat "Kung alam mo lang...Crush ka ni Kellang!"
Ethan: Guys?
Kevin: Ha---ha---ha...anyways, may gagawin ka ba pagkatapos dito?
Ethan: Hmmm...wala naman day off ko kasi ngayon eh.
Keith: Yun naman pala eh tara sa bahay?
Kian: Oo nga minsan ka lang mapadpad dine eh ano dating gawe?
Kim: Oo nga miss ka na ng mga board games sa bahay eh.
Ethan: Sige ba, ano pustahan?
Kevin: Sa lahat ng pulis ikaw ang sugalero.
Ethan: Sira! Syempre in a good way naman tsaka yung pustahan naman natin di illegal satin satin lang parang larong bata. Hehehehe...
Dumating naman sila Kelly at Vince "Good afternoon eto na po ang order niyo."
Ethan: Ohhh...Vince.
Vince: Yow...
Ethan: Magkaklase kayo ni Kelly?
Kevin: Oo kailan ba naman nag kahiwalay ang dalawang yan? Pati nga sa ojt nila eh magkasama din ang dalawang yan.
Ethan: Really? Galing naman.
Vince: Hehe...kambal tuko kasi talaga kami eh.
Bumulong si Kelly "Anong pinagsasabi mo? Sapakin kaya kita dyan gusto mo?"
Vince: Oy...sige nakatingin si Ethan.
Kelly: Ha----ha----ha----may gusto pa po ba kayong iorder?
Kian: Wala na sige na bumalik na kayo sa pwesto niyo wag nyo na kaming intindihin dine.
Kelly: Ikaw? Ethan?
"Kuya Ethan!" Ang sabay-sabay na sambit ng mga kuya niya at titig ng pagalit kay Kelly.
Kelly: Tsss...
Ethan: Nako wala na babygirl ayos na ko dito.
Vince: Ha---ha---ha...si---sige enjoy your meal po mga Sir.
Bumulong si Vince kay Kelly "Tol, halika na yung mga kuya mo nakakatakot."
Kelly: Humph...
Sa magkaparehong oras at lugar,
Gigi: Queen, di ba tayo oorder?
Cherry: Oo nga gutom na ko parang ang sarap ng mga cakes nila dito.
Nakatingin si Bella sa may table nila Kevin "Bahala kayo umorder na kayo kung gusto niyo busy ako."
Pabulong bulong yung dalawa "Tsss...busy daw eh nakatingin lang naman siya kay nurse Kevin." Sabi ni Gigi.
Cherry: Kaya nga, di kaya mag ka steep neck sya?
Bella: Naririnig ko kayo!
"So---sorry Queen..."Anila.
Bella: Tsss...mag order na nga lang kayo diyan.
"Sige." Anila.
Gigi: Waiter!!!
At lumapit naman si Patrick "Good Afternoon, ano pong order nila?"Aniya.
Nagkatinginan yung dalawa at sinabing "Ikaw pwede?"
Patrick: Ha?
Bella: Ano naka order na kayo? Gi---girls???
Nakatitig lang yung dalawa kay Patrick "GIRLS???!!!"
"Qu---Queen???"Anila.
Bella; Sigh...nakakahiya kayo sorry Mr. pero can we have 3 cheesecakes and 3 matcha flavoured milk tea?
Patrick: O---okay paki intay nalang po.
"Bye..."Ang sabi nung dalawa at umalis naman ka agad si Patrick.
Bella: Alam niyo nakakahiya kayo.
Gigi: Pero Queen ang pogi niya.
Cherry: Oo nga grabe kung alam ko na ganun ka popogi ang mga I.T student na lalaki nag I.T nalang sana ko.
Gigi: Tama...
Bella: HEH! Magtigil nga kayo nakakahiya.
Gigi: Bakit naman? Were famous here kaya kung anong gustuhin natin nakukuha natin.
Cherry: Yes girl, lalo ka na Queen.
Bella: Humph...pero di ko naman makuha si nurse Kevin.
Gigi: Sumuko ka na kasi balita namin sila na ni Prof. Mina.
Bella: So?
"Di ka nagulat?" Anila.
Bella: Hinde! Why pa?
Gigi: Eh...bakit andito pa tayo?
Bella: I just want to see him without Prof. Mina.
"Sorry...Queen" Anila.
Bella: I don't need your sympathy girls alam niyo bata pa tayo may makikilala pa tayong mas better sa mga crush natin.
At biglang dumating naman si Harvey "Like him." Anila.
Harvey: Ha?