Makalipas ang isang oras,
Kevin: Mga bro tara papakilala ko kayo kay Mina.
Ethan: Ah...si Mina? Yung bff mo nung highschool tayo.
Kevin: Baliw! Para namang di mo din siya bestfriend sira.
Ethan: Ahahaha...syempre nakwento na sakin ni Mina.
Kim: Pwes kami di pa kaya sige nasan si Mina?
Kevin: Sabi ko pumunta sa clinic eh.
Kian: Okay sige tara na Keith tawagin mo na yung waiter para makapagbayad na.
Keith: Libre mo ba? Hehehe..
Ethan: Ako na...Kelly!
Natahimik at nag katinginan nalang sila Kian "Yes Sir?" Ang sabi naman ni Kelly.
Samantala,
Mimay: Aalis na kaya sila? Sayang di man lang ako nakapag paicture.
Harvey: At bakit naman? Artista ba sila?
Mimay: Hinde! Pero ang makasama ang nag gugwapuhang mga lalaki sa isang larawan ay isang prebilehiyo.
Harvey: Tsss...Ang babaw.
Dave: Yun lang pala eh andine naman kaming apat nila Patrick, Harvey at Vince kami nalang kung gusto mo.
Mimay: Ah...sige may nag oorder doon.
Dave: Hoy! Nung nakarang araw lang ang clingy niya sakin bakit biglang nagbago na siya?
Patrick: Ganyan naman talaga mga babae.
Vince: Hugot?
Patrick: Si---sino ako? Wala!
Dave: Talaga lang ha?!
Vince: Alam niyo guys? Di ko rin talaga masisisi ang mga girls kung magkanda rapa sila sa mga kuya ni Kelly nasa lahi talaga namin ang mga artistahin eh.
Nagkatinginan yung tatlo "Dude, katol pa!" Ang sabi ni Harvey.
Dave: Lakas bigla ng hangin.
Vince: Malamang may aircon.
Patrick: Sobrang close ba sila Kelly at yung Ethan na yon? Bakit ganun si Kelly kung umasta? Parang di siya yung Kelly na barumbado.
Vince: Grabe ka naman sa barumbado but yes nag-iiba talaga si Kelly lalo na kapag kaharap si Ethan lumalabas ang version 2.0 nya.
"Version 2.0?" Anila.
Patrick: Sandali lang ibigsabihin nagiging girly girly si Kelly pag andiyan yung mokong na yan?
Vince: Natumbok mo pre!
Dave: Ibigsabihin lumalabas ang soft side niyang ganyan dahil sa lalaking yon?
Harvey: Dahil crush niya ito?
Vince: Hindi naman dahil sa crush niya si Ethan pero ewan ko kahit ako nagiging good boy pagkausap siya.
Patrick: What do you mean?
Vince: Di ko alam baka dahil sa pulis siya? Kaya siguro dami niyang napaamo.
"Isa siyang pulis?" Anila.
Harvey: If I remember nabanggit mo noon na gusto ni Kelly na mag pulis di ba?
Vince: Oo pero di siya pinayagan ng mama at mga kuya niya.
Dave: Si Kelly gusto mag pulis? Di naman na nakakagulat sa personality niya pero bakit di nya tinuloy?
Vince: Dahil sa yumao niyang daddy.
Dave: Pulis rin ang daddy niya?
Vince: Oo limang taon palang si Kelly ng nabaril sa mismong bahay nila ang daddy niya tapos yun umalis naman ang mama niya nag trabaho sa Canada as caregiver kaya mga kuya niya nalang nag alaga sa kaniya. Kaya ayan naging boyish pero tanging si Ethan lang ang nakakapag palabas ng version ni Kelly na ganyan. Tignan niyo papalapit na dine ngiting ngiti ang lola nyo.
Natahimik lang si Patrick "Kelly!!!" Ang sabi ni Harvey.
Kelly: Ano yon Class Pres.? May kailangan ka?
Nagulat yung tatlo na ang hinhin ng pagkakasabi ni Kelly "Sigh...HOY!!!" Ang pasigaw na sambit ni Vince.
Kelly: ANO BA??? Di ako binge!!!
Sa isip-isip nung tatlo "Ayan, bumalik na siya sa dati."
Vince: Told you guys.
Kelly: Ano bang pinagsasabi mo diyan? Nga pala eto yung bayad nila kuya at ni Ethan.
Ngumiti si Kelly pagkasabi niya nung Ethan "Ha? O---oo sige ilalagay ko muna doon sa kaha maiwan ko muna kayo diyan." Tugon ni Harvey.
"Waiter..."Sabi nung dalawang costumer.
Vince: Sige ako ng kukuha ng order nila.
Sinenyasan naman ni Vince si Dave "Ah...A---ako na dun sa isa diyan na muna kayong dalawa." Sabi ni Dave at umalis.
Naupo si Kelly at nakangiti "Mukhang ang saya mo ah." Sabi ni Patrick.
Kelly: Ha? Hindi naman sakto lang.
Pabulong-bulong si Patrick "Tsss...sa sobrang saya mo nga nalimutan mo ng pagtaasan ako ng boses."
Kelly: Ano yon?
Patrick: Wa---wala anong gagawin mo pagtapos dito?
Kelly: Hmm...wala pero pinapauwi ako nila kuya agad ng bahay.
Patrick: Ahh...ganun ba?
Kelly: Bakit? May kailangan ka?
"Waiter..."Sabi nung isang costumer.
Ang lungkot ng mukha ni Patrick at sinabing "Wala naman...Sige kunin ko lang yung order nung customer."
Kelly: O---okay...Sandali lang!
Napahinto si Patrick "May kailangan ka?"
May inabot si Kelly "Oh...yema yan sorry isa nalang natira paborito ko kasi...Ah...eh...kasi...SALAMAT!!!
Patrick: Salamat? Para saan?
Kelly: Yung...yung...ano basta yung sa kagabi.
Napangiti si Patrick at kinuha yung yema "Wala yon basta ikaw tsaka ayokong mawalan ng empleyado."
Sa isip-isip ni Kelly "Emleyado? Huh! Sabi niya mag kaibigan na kami tapos...Empleyado? Ibang klase talaga!"
Kelly: Sige diyan ka na!
Patrick: Ha? San---sandali lang.
"Waiter."
Kelly: Sige na! Kunin mo na ang order ng customer Mr. GENERAL MANAGER!
At iniwan na nga sya ni Kelly at ang nasabi nalang ni Patrick "Ha? Ke---Kelly...Anong nangyare don? Napaka moody talaga ng mga babae. Sigh...."
5:45pm,
Harvey: Salamat sainyong effort para sa ating love cafe mga classmate.
"Yeah..."Anila.
Habang nagsasalita si Harvey "Sigh...sa wakas natapos rin." Ang sabi ni Vince.
Mimay: Oo nga ang sakit na ng mga paa ko dapat talaga di nalang ako nag heels.
Dave: Guys, nakita niyo ba si Patrick?
Mimay: Hindi bakit?
Dave: Kanina ko pa kasi hinahap eh.
Vince: Sandali lang si Kelly?
Mimay: Ah? Oo nga nasan?
Vince: Di ba kasama mo kanina?
Mimay: Oo kanina nagpunta kami ng canteen para bumili ng snacks pero sabi niya naiihi na siya kaya na una na siya sakin.
Vince: San kaya nag punta yon?
Dave: Pati si Patrick nawawala saan naman kayang lupalop nag punta ang mokong na yon.
Vice: Sya! Hanapin na nga natin mga bungol na yon.
Sa Hardin,
Nakahiga at natutulog sa may damuhan si Kelly ng makita ni Patrick "Kelly?"
Nilapitan niya ito "Si Kelly nga!"
Naupo siya sa tabi ni Kelly "Hah! Dito talaga niya naisipang matulog? Kakaiba talaga ang babaeng ito ni hindi man lang natakot ang daming tao kanina di niya na naisip na baka mapahamak siya sa pag tulog dine."
Pinagmasdan ni Patrick si Kelly "Mas maganda pala siya sa malapitan ang tangos at mamula mula pa ang pisnge at ang labi niya."
Napatigil at napatunghay si Patrick "Dude, ano bang ginagawa mo? Kamukha siya ng kapatid mo kaya di ka pwedeng ma fall sa kaniya." Sinampal nya ang sarili.
Kelly: Mmm...kuya wag kayong maingay natutulog ako.
Huminto si Patrick sa pagsampal sa sarili "Kelly? Are you awake?"
Kelly: (Naghihilek)
Patrick: Pffft...hahaha...naghihilek siya?
Pinagmasdan ni Patrick si Kelly habang ang hibing ng tulog nire "Papalubog na ang araw gisingin ko na kaya siya?"
Kelly: Mmm...Mmm...
Patrick: Ke---Kelly?
Pagmulat ni Kelly "Ikaw?" Nagulat siya kaya lumayo kaagad kay Patrick.
Kelly: Ba---bakit ka nandito?
Patrick: Ha? Bakit masama na bang pumunta ng hardin ang estudyante ng DLRU? May isa nga diyan natulog pa dito.
Kelly: Tsss...
Patrick: Pero wag kang mag-alala di ko ipagkakalat na may natulog dineng isang cosplayer na naghihilek.
Kelly: A---ANO??? Sinong nahilek???
Patrick: Di ko naman sinasabing ikaw yon pero parang eh.
Tumayo at papaalis na si Kelly "Humph...Ewan diyan ka na nga!"Aniya pero hinila siya ni Patrick kaya napaupo siya sa mga hita nito.
Nagkatitigan ang dalawa at namula ang kani-kaniya nilang pisnge "Ah...eh...so---sorry..."Sabi ni Patrick.
Tinulak naman siya ni Kelly "Bitawan mo nga ko manyak!" Tumayo siyang ka agad.
Patrick: Sorry na nga! Gusto ko lang naman sabihin na tignan mo yung araw.
Lumingon si Kelly "Woah...live na sunset?"Aniya.
Tumayo si Patrick at lumapit kay Kelly "Ang ganda di ba?"Aniya.
Kelly: Oo...Ahem...lumayo ka nga sakin!
Patrick: Pwede ba? Kahit sandali lang manahimik ka at sumunod sakin tutal you awe me tinulungan kita kagabi.
Kelly: Tsss...fine!
Pabulong bulong pa rin si Kelly "Sus...nabigyan na nga ng yema eh ang arte arte pa."
Patrick: Shhhh...
Kelly: Tsk...
Ang di alam nung dalawa nasa may bandang likod nila yung tatlo "Ahhh...ang sweet ang ganda ng scenery."Ang sabi ni Mimay.
Vince: Shhh...wag kang maingay baka madinig nila tayo.
Dave: Sa tingin ko ganre nalang talaga ang magiging Vday ko. Sigh..buti pa di Patrick.
Mimay: Ha? What do you mean na buti pa si Patrick? May gusto siya kay Kelly?
Dave: Ha? Ah...eh....ang sabi ko buti pa siya may kasamang chix tapos sunset pa di ba ang ganda nun.
Mimay: Well, tama ka naman .
Vince: Parang di naman ganun yon.
Dave: Ha---ha---ha...ganun talaga yon tara alis na tayo?
Sa isip-isip ni Dave "Buti nalang di masyadong matatalino ang mga ito kung hindi yari ako nire kay Patrick."
Kinagabihan,
Kelly: Andito na ko...
Luminga-linga si Kelly "Eh? Nasan ang mga tao dine?"
Kevin: Kelly? Andito kami sa likod.
Kelly: Likod? Ano kayang ginagawa nila doon?
Nag tungo nga si Kelly sa likod bahay nila "Woah...may party?" Aniya.
Keith: Halika dito sa kubo babysis.
Kelly: Okay, Anong meron bakit may pa party party ata kayo dine?
Kian: Wala,! pagkakakita mo
Kelly: Wow....pork barbeque, pork chop, adobong baboy...Birthday ko ba?
"Andito na ko."
Paglingon ni Kelly "E---than?" Aniya.
Ethan: Hi babygirl!