Kinagabihan,
Naghahapunan yung magkakapatid "Babysis, balita ko mag co-coslay raw kayo."Ang sabi ni Keith.
Kelly: Tsk...
Kim: Oh bakit? Parang bigla ka namang na badtrip dyan.
Kevin: Pffft..ahahaha...paano mag papalda siya.
Kelly: Tsss...happy?
Kevin: Syempre makikita ka naming girly-girly.
Kelly: Tsss...ewan.
Kian: Anong oras ang event?
Kelly: Pupunta kayo? Wag na!
Keith: Oh eh bakit naman? Syempre susuportahan namin ang bunso naming kapatid.
Kelly: Pero kuya...
Kim: Wag ka ng mag pero diyan alumni rin kami ng DLRU kaya imbitado kami.
Kevin: Yes, kaya no choice ka babysis pupunta sila brother.
Kelly: Humph...bahala kayo. Ge tataas na ko.
Tumayo na si Kelly "Tapusin mo ang kinakain mo!" Ang sabi ni Kian.
Kelly: Tsk...
Keith: Wag kang mag-alala di kami makikilalang kapatid mo.
Kim: Oo nga di naman kami kilala ng mga kaklase mo di ba?
Sa isip-isip ni Kelly "Hindi nga pero sure takaw atensyon yang mga karisma niyo. Sigh..."
Kevin: Anyways, nga pala mga bro papakilala ko sa inyo si Mina sa biyernes.
"Mina?" Anila maliban kay Kelly.
Kelly: Wait...don't tell me kayo na ni Prof.Mina? Paano si Prof Arnie?
Kevin: Syempre na realized niya na mas worth it ako.
Kelly: Tsss...yabang.
"May Gi---Girlfriend ka na?" Tugon nila Kian.
Kelly: Oo nga mga kuy's binge lang?
Kian: Heh! Bakit wala ka namang nababanggit na may nililigawan ka.
Keith: Sandali lang yung Mina ba yung bestfriend mo nung highschool kayo?
Kim: Na...later on na develop siya dito.
Kian: Wala talagang babae at lalaki na mag bestfriend lang.
Kelly: Tsss...meron kaya.
"Sino naman?"Anila.
Kelly: Duh...kami ni Vince.
Kevin: Baliw! Eh pinsan natin si Vince eh.
Kelly: Kahit na babae at lalaki parin kaming mag bff. Bleeeh...
Kain: Tama na yan nasa harap kayo ng pagkain.
"Sorry kuya."Anila.
Kelly: Anyways, kuya Keith kamusta si ate Faith? Kailan kayo magpapakasal?
Keith: Kasal?
Kim: Bakit di niyo pa ba napagusapan?
Keith: Ah...eh...kasi...
Kevin: Don't tell me wala kang balak pakasalan si ate Faith.
Keith: Syempre meron kaso..
"Kaso???"Anila.
Keith: Ayaw niya.
"AYAW NIYA???"Anila.
Keith: Oo nung hinatid ko siya kanina sa kanila nabanggit ko yun pero ayaw niya akong sagutin nagmadali lang siyang pumasok sa bahay nila ni hindi nga ako inimbitahan sakanila mag kape man lang.
Binato ni Kian si Keith ng table napkin "Malamang! Babae si Faith baliw! Malamang gusto niya na may manligaw sa kaniya suyuin mo gago! Kausapin niyo nga yang tungaw na yan nang gigil ako."Aniya.
Kelly: Gusto mo samahan kita kuya?
Kim: Babysis, ang panliligaw ay between sa babae at lalaki lang at di kailangan ng kapatid o sino mang kasama pwera nalang kung haharanahin niya.
Kelly: Ay...sorry...hehe
Kevin: That's it!
"Ha?"Anila.
Kevin: Ligawan mo tapos haranahin mo siya Bro.
Keith: Baliw! Ang luma na ng harana noh. Bakit ikaw hinarana mo ba si Mina?
Kevin: Ha? Hi---hinde pero...matagal ko na siyang nililigawan kahit na alam kong wala akong pag-asa pero ano ngayon? Kami na kaialngan lang talaga ng sipag at tyaga.
Kelly: Nice...kala mo naman tunay.
Kevin: Baliw totoo talaga yon di ba ang gusto naman talaga niya ay si Prof. Arnie pero siguro nagsawa siya kaya ayon na appreciate niya na ko.
Kelly: Sa makatuwid panakip butas ka lang.
Kevin: ANO???
Kian: Shhh...tahimek!
Kevin: Si Kelly kasi epal.
Kelly: Tsss...kung ako yan pahihirapan ko yung lalaki gaya noong unang panahon aba mahal ang matamis kong "Oo" kaya kailangan pag hirapan.
"HEH!" Anila.
Keith: Pero may point si Bunso, baka gusto ni Faith na maghirap muna ako?
Kim: Kaya simulan mo ng magsibak ng kahoy Bro. Ahahaha...
Keith: Busy pala ako.
Kian: Luko! Kim, kung kinakailangan samahan niyo yan ni Kevin para manligaw kay Faith nakakahiya sa mga kuya niya.
Keith: Di na uy...Mas nakakahiya kung magsasama pa ako.
Kelly: Pwes, simulan mo ng haranahin si ate Faith tama gabi na tara punta tayo?
Kian: Mag tigil ka nga diyan may pasok ka pa bukas lakad na tumaas ka na.
Kelly: Humph...
At tumaas na nga si Kelly "Keith, lakad haranahin mo na si Faith."Sabi ni Kian.
Keith: Ano???
Kian: Tama si Kelly simulan mo na ngayon para naman pumayag na siyang pakasal sayo.
Keith: Pero Bro, di ko parin naman siya mahal ni hindi ko nga alam kung ano ba itong nararamdaman ko sa kanya.
Natahimik naman yung tatlo pero may sumigaw bigla "EH DI I-DEVELOP MO!"
"KELLY!!!!" Anila.
Pandalas naman ng pasok si Kelly sa kwarto niya "Pero tama si Kelly kuya Keith." Ang sabi ni Kevin.
Keith: Sigh...
Kim: Pag-isipan mo kung ano ang gagawin mo dahil ilang buwan nalang magiging tatay ka na.
Kian: Tama sila matanda ka na, kaya mo na yan Keith...simulan mo sa pagliligpit.
Keith: Ano???
Pandalas naman ng tayo yung tatlo "Hoy...aba ano ako magliligpit?"
"OO!!!"Anila.
Kinabukasan sa DLRU,
Kelly: Wow...parang tunay ah...Morning guys.
Habang busy naman yung iba bineltukan siya ni Vince "Aray...."
Vince: Parang tunay ka diyan anong tingin mo diyan peke?
Kelly: Tsss...ano nga palang maitutulong ko?
Vince: Sus...ano namang nakain mo at tutulong ka kahapon lang puro ka upo at laro sa telepono mo.
Mimay: Oh...Kelly andiyan ka na pala Morning.
Kelly: Morning, anong pwede kong itulong?
Mimay: Eh? Sigurado ka ba di ka ba nilalagnat?
Hinipo ni Mimay ang noo at leeg ni Kelly "Luka, wala akong lagnat gusto ko lang talaga tumulong masama ba?"
Vince: Sus...malaki allowance mo noh? Kaya good mood ka.
Kelly: Sira! Maganda lang ang gising ko bano.
Mimay: Hmmm...Harvey!!!
Lumapit naman si Harvey "Oh? Bakit na naman? Oh...Kelly ang munting prinsesa."
Kelly: Tsss..
Mimay: Wag mo na ngang i-bully si Kelly ko tutulong na daw siya.
Harvey: Weh?
Vince: Oo Bro, pagbigayan na natin ang kamahalan.
Kelly: Bungol!
Harvey: Hmmm...let's see.
Luminga-linga si Harvey at nakita niya sa isang sulok si Patrick na may ginugupit "Tamang tama tulungan mo si Patrick mag gupit ng mga flyers natin."Aniya.
Kelly: A---ano? Wala bang iba? Ano ginawa ni Vince? Dun nalang ako sa kaniya.
Vince: Nagpupukpok ako gusto mo?
Kelly: Ha? No way masaktan pa kamay ko ikaw Mimay ano ginagawa mo?
Mimay: Ah...nag aayos ako ng mga mesang gagamitin pero katulong ko na si Darla eh.
Kelly: Ay...ganun ba ikaw Class Pres? Anong ginagawa mo?
Sinenyasan ni Vince si Harvey " Ha? A---ako? A---ano..."
Vince: Ahh...siya? Pinapatawag siya ng student council. Di ba Harvey?
Harvey: Ah? O---oo pupunta na nga ako ngayon eh.
Kelly: Humph...ganun ba wala pala kong choice.
Vince: Lumakad ka na para makarami kayo ni Patrick ng flyers.
Kelly: Tsss...oo na!
Lumapit nga si Kelly kay Patrick "Bakit mo ginawa yun? Wala naman kaming meeting ng SC." Ang sabi ni Harvey.
Mimay: Oo nga alam mo namang ayaw ni Kelly dun kay Patrick eh.
Vince: Hayaan niyo sya para naman magkaroon siya ng bagong kaibigan masyado kasi siyang dumedepende satin parati hayaan niyong matuto siyang makipagkaibigan
"Ayos lang sayo?"Anila.
Habang nakatingin kila Kelly at Patrick "Bakit naman hinde? Kung mapapabuti naman siya doon?"
Mimay: Bakit feeling ko tinataboy mo si Kelly kahapon ka pa.
Harvey: Oo nga nagkaalitan ba kayo?
Vince: Ha? Hi---hindi noh bumalik na nga lang kayo sa mga ginagawa niyo.
Samantala,
Nagsisismula na mag gupit si Kelly ng mga flyers pero may isang silyang pagitan sila ni Patrick "Badtrip, bakit kailangan areng kumag na ito pa ang makakasama ko?" Sa isip-isip ni Kelly.
Patrick: Bakit ngayon ka lang?
Kelly: Pake?
Patrick: Ah...eh...sorry.
Kelly: Pwede ba dito sa classroom na ito di kita boss kaya wag ka ngang feeling boss.
Sa isip-isip ni Patrick "Eh kahit nga nasa office tayo ganyan ka...Nako! Kung di lang talaga sa mukhang yan di kita para kausapin."
Kelly: At wag mo nga akong kausapin na parang close tayo.
Patrick: Eh di...wag!
Pabulog-bulong si Kelly "Tsss...kala mo naman kawalan ka."
Patrick: Sige tapusin mong lahat ng yan.
At umalis si Patrick "Hoy! Bumalik ka dito." Ang pagalit na sabi ni Kelly pero di siya nilingon nito.
Dumating naman si Dave at sinabi niyang "Bakit kasi ang sungit mo sa kaniya?"
Kelly: At sino ka man?
Sa isip-isip ni Dave "Ano? Si---sino raw ako? Banatan ko kaya ng isa ito ng matauhan?"
Dave: Ha---ha---ha...Ako si Dave di mo na agad naalala?
Kelly: Ohh...I see di ko kasi tinatandaan ang mga di naman importante.
Sa isip-isip ni Dave "Nang gigil na talaga ko eh."
Dave: Ha---ha---ha...ganun ba? Pwede bang makiupo?
Kelly: Tsss...bahala ka.
Naupo nalang si Dave "Oh? Ano pang tinutunganga mo diyan? Mag gupit ka rin."
Dave: Ha? O—oo sige.
Sa isip-isip ni Dave "Kakaiba talaga tung si Kelly kaya pala interesadong interesado sa kaniya si Patrick."
Kelly: HOY!
Dave: Ah? Oo eto na.
Kelly: Ang tamad.
Habang nag gugupit "Balita ko inalok ka ni Patrick ng trabaho?"
Kelly: So? Ano naman?
Dave: Ahem...kung ako sayo tatanggapin ko yun ang dami kayang benifits tapos ora mismo I.T Specialist ka na agad laki kaya ng sahod don. Grab it Girl!
Kelly: So? Bakit di ikaw ang mag apply?
Sa isip-isip ni Dave "Kung pwede lang sakin nalang yung posisyon pero di ako inalok ni Patrick bwiset na yon."