Chapter 26
I was thinking this all the time, kung anong pwede maging paraan para matapos na ang problema na 'to at 'yon ay ang abortion o ang sabihin kay Kurt kung ano na ang tunay na nangyayari.
Sobra na akong na ko-konsensya, ilang araw nalang kasal na namin, pero patuloy pa rin siyang nanunuyo sa akin at bumabawi dahil sa nagawa n'ya dati.
"May problema ba?" nag aalala niyang tanong bago umupo sa tabi ko,
"Wala naman, may iniisip lang ako." Sabay iwas ng tingin sa kanya. Hindi ako maka-tingin ng maayos sa kanya pakiramdam ko ay sobrang na kokonsensya ako.
"Care to share?" niyakap ko siya sa braso at mahina na kinuskos ang ilong ko sa kanya bago tinignan siya.
He's smiling bago piningot ang ilong ko at hinalikan ako sa noo.
"Anong kasalanan mo at mukhang nanlalambing ka? Hahah"
"Kailangan ba may gawin akong kasalanan bago ka lambingin?"
"Hindi naman, wala naman akong sinabi nag anon." parehas nalang kaming napatawa sa pinag-uusapan naming.
Sana, sa maging desisyon ko ay ako pa rin ang piliin niya.
Ilang oras din ang ginugol nya sa condo, ilang araw na rin s'yang pabalik-balik dito at nag dadala ng kung ano-ano para sa akin. Pansin ko na rin na nag uusap sila ni Leah pero madalas ay binabara pa rin s'ya nito kaya naman minsan ay natatahimik nalang.
"Sinabi mo na?" umiling ako sa kanya. Here we go again, ang pag usapan ang problema naming.
"Ikaw, anong balak mo?" tanong ko sa kanya bago tinignan si Dexter na tahimik na nag lalaro sa sofa.
Sa ilang araw na pag stay dito ni Dexter ay hindi na rin siya naging iba, tinuturing siya ni Leah na parang tunay na anak at ako? Nandito ako para tignan silang parehas at supportahan ang mga ginagwa nila.
"Tara sa rooftop?" tumango ako.
"Dexter, aalis muna kami ni Tita Preets mo. Wag ka lalabas ng condo, okay?"
"Opo, mama." Magalang niyang sagot bago tumingin sa akin, "Tita Preets, pwede po ba pahingi ako ng chocolate mo sa ref?"
"Oo naman pero uminom ng maraming tubig at mag toothbrush agad?" sabay pakita ng ngipin ko at umaktong nag totoothbrush.
"Yehey, salamat po tita!" sabi niya bago tumakbo. Tumingin naman ako kay Leah bago tumango na.
"Leah, susupportahan mo naman ako sa lahat ng maging desisyon ko diba?" may halong pag aalinlangan kong tanong kay Leah.
Nandito na kami ngayon sa rooftop at parehas na may hawak ng kape.
"It depends, hindi ko susupportahan ang desisyon mo kung mali na pero hanggang sa may nakikita pa akong tama. Bakit hindi diba?" sabay ihop ng kape niya bago tumingin sa akin, "Ano na bang desisyon mo ngayon?"
"Hindi pa ako sigurado dito, gusto ko malaman muna ang opinion mo,"
"Ano ba 'yon?"
Sinabi ko sa kanya ang buong plano ko, ang bawat simpleng bagay o problema na pwede mangyari at ang possibleng maging kahinatnan ng lahat, alam ko sa desisyon na 'to ay walang kasigurauhan pero kailangan ko mamili sa isa at ganon din si Kurt.
"What if, ang negative ang mangyari?" napaiwas nalang ako ng tingin, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kung sakaliman na iba ang piliin n'ya.
"What if, ang positive naman ang piliin?" tanong ko rin sa kanya.
Parehas kaming na tumahimik at tinignan ang buong paligid, kitang-kita sa pwesto naming ang mga magandang ilaw ng city na sinabayan ng malakas na hangin dito sa taas. Dati, tuwang-tuwa ako sa mga mataas na bagay dahil pakiramdam ko nawawala ang lahat ng problema ko and hanggang ngayon, hanggang ngayon ang matataas na lugar pa rin ang takbuhan ko.
"Ikaw, anong balak m okay Dexter?" nag kibit balikat lang s'ya bago bumuntong hininga.
"Sa totoo n'yan hindi ko rin alam, masyado pa akong bata para mag palaki ng katulad ni Dexter pero alam mo Preets sa tuwing nakikita ko si Dexter naalala ko ang anak ko. Kasing laki na rin sana s'ya ni Dexter ngayon." Malungkot niyang sabi bago nilapag ang baso na hawak niya.
"Anak? Kalian? Bakit hindi ko alam?"
"Noong 20 years old ako, na buntis ako ng boyfriend ko. Sinadya ko naman talaga 'yon dahil akala ko ayon ang mag papaalis sakin sa pangungulila ko sa pag mamahal pero hindi pala. Nalaman ko na buntis ako at ang araw na rin na 'yon iniwan niya ako." Sandal siyang tumigil at pinunasan ang mukha niya, "Naisip ko pa-abort ang bata pero mas nanaig sa akin ang pag mamahal ko sa anak ko kahit na sa tyan ko palang s'ya. Ang hirap nang naging desisyo ko non, Preets. Walang umaalalay sa akin, walang magulang na nag tatanong sakin kung ayos lang ba ako pero ayon. Kahit sobrang hirap pinilit ko buhayin ang tao sa tyan ko, nag trabaho ako at ginawa ang lahat nang 'yon para may maibubuhay ako sa anak ko pero sa sobrang kapabayaan ko nawala siya."
"Anong nangyari?"
"Naging pabaya ako. Nalaglag ang baby ko na 'yon, halos mabaliw ako non Preets."
Tinignan ko lang s'ya habang umiiyak, hindi ko alam nag anon pala ang lagi niyang dala sa dibdib niya at kung ano ba ang problema n'ya dahil ang na sa isip ko lang all this time ay ang problema ko. Hinawakan ko ang likod niya at inalo, nahihirapan na rin siya huming sa pag-iyak pero pinilit niya pa rin mag salita.
"Kaya ng makita ko si Dexter naalala ko sa kanya ang sarili ko pati ang anak ko, halos mag kasing tanda lang sila at parehas silang lalaki. Kaya parang hindi ko kaya na siya kaya ibalik."
"Pero Leah, paano ang tunay niyang magulang?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, basta ang na sa isip ko ngayon ay ang alagaan si Dexter."
"Kung ano ang magiging desisyon at kung saan ka sasaya, Leah. Susupportahan kita katulad ng pag supporta mo sa akin," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Salamat, alam kong ikaw lang rin ang makakaintindi sa akin."
"Leah, sorry."
"Bakit?"
"Kasi all this time pala may kinikimkim ka pero hindi ko man lang inalam 'yon dahil puro 'yong problema ko nalang iniisip ko."
"Wala 'yon, ang akin tapos na at sayo pwede pa maayos. Kaya hanggang sa maari gusto ko maging masaya ka sa desisyon mo, Preets."
Nakangiti akong niyakap siya, hindi naman pala lahat ng kaibigan ay sisiraan ka lang at si Leah ang nag patunay non.