Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28

Preet's Point of View

Ang tadhana masyadong mapag-laro, akala mo ayos na ang lahat pero hindi pa pala. Akala ko ayos na kami pero patuloy pa rin na hinahadlangan kami ng tadhana, ang tadhana na gumawa ng paraan para mag kita kaming dalawa.

"Anong ginagawa mo?" nakangiti kong sabi sa kanya bago ngumuso sa harap ng cellphone ko.

"Iniisip ka, hindi ba talaga tayo pwede mag kita ngayon? I miss you."

"Hindi nga pwede, gusto mo ba hindi matuloy ang kasal?" umiling naman siya sa akin bago tinutok ang camera ng cellphone niya sa suit na maayos naka-sabit sa kwarto niya.

"Bukas na ang kasal natin, ilang taon ba natin 'to hinintay at pinag handaan?"

"7 years?" napa-tawa siya sa kabilang linya at ngayon ay mukha na n'ya ang naka-tapat sa camera.

"Bukas na ang araw na pipiliin natin ang isa't-isa, bukas na rin ang pangarap natin. Ang bilis ng panahon no?" Sumeryoso ang mukha niya bago muling ngumiti.

"Bukas na nga, sana wala ng humadlang pa." sana.

"Wala na 'yan bukas, sa tingin mo ba papaya sila mommy na may hahadlang pa sa atin? Sila pa nga ang excited sa kasal natin at sila rin ang hindi makakatulog mamaya. Haha" natawa ako sa sinabi n'ya dahil totoo.

Totoo na mas excited pa ang magulang n'ya sa amin dalawa, matagal na rin nila kami hinihingian ng apo pero dahil sa kasunduan namin na hangga't hindi pa kasal ay bawal pa kami mag ka-anak ay hindi naming sila mabigyan ng apo.

Ang rason nga nila ay kaya naman buhayin pero para sa akin ang kasal ang kailangan mauna bago ang bunga ng pag mamahalan, dahil pag mahal ka ng isang tao hand aka n'yang pakasalan kahit anong meron at kung sino ka man.

"Wag kang tatakbo sa kasal bukas. Baka takbuhan mo 'ko" may halong kaba na sabi ko sa kanya dahil hindi naman impossible mangyari 'yon.

"Baka ikaw ang tumakbo bukas pag nag bago ang isip mo," seryoso naman n'yang sabi.

"Tanggap mo naman ako diba?" tumango naman s'ya sa kabilang linya.

"'yon naman pala, bakit pa tatakbo?"

Ilang oras din kaming dalawa na nag usap, pinag-usapan kung paano naming gagawin na masaya ang buohin naming pamilya kahit-kahit alam ko bukas ay walang kasiguraduhan ang lahat.

Hindi ko alam kung ano din ang magiging desisyon n'ya pag malaman n'ya na may bata akong dinadala sa sinapupunan ko at ang tatay non ay walang iba kundi ang walang hiya na gumahasa sa akin.

Ang pag imbistiga ng kaso ko ay pinag papatuloy ng mga magulang ni Kurt. Nahihiya na ako sa lahat ng naitulong nila sa akin pati na rin ang mga bagay na pinaramdam nila sa akin kasama na don ang pag turing n'ya nila na parte ako ng pamilya.

Lumabas ako ng kwarto, bumungad sa akin si Leah at Dexter na nag haharutan habang bukas ang TV.

"San ka pupunta?" ngumiti ako kay Leah at pinakita ang wallet na bitbit ko.

"Bibili lang ako, you know cravings?" inirapan niya nalang ako bago muling kiniliti si Dexter nan aka-upo sa sofa, lumabas ako ng hotel para pumunta sa pinaka-malapit na milktea shoppe para kitain ang isang tao.

"Dylan!" tawag ko sa kanya, kumaway naman siya bago inuring ang upuan na nasa tabi niya.

"Himala ata at sa pangalan mo na 'ko tinawag ngayon,"

"Hindi rin naman masama pangalan mo." Natatawa kong sabi.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin bago tinuro ang na sa menu.

"Double Chocolate, 20 sugar. Thankyou!" umorder nalang s'ya at habang ako ay busy sa mga tao na dumadaan.

Ganito palagi ang Gawain ko, tinitignan ang mga tao na patuloy pa rin sa buhay kahit alam ko ang bawat isa sa kanila ay may hinaharap na mabigat na problema sa buhay.

"Anong itatanong mo 'ba?"

"May isa akong case na ipapa-solve sayo. Simple lang s'ya pero lalaki lang ang makaka-sagot." Kumurba ang kilay niya pataas habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako ng pilit sa kanya. "What if 'yong tao na ikakasal sayo ay na buntis ng isang rapist, anong gagawin mo?"

"Dipende 'yon sa sitwasyon, kung ang sitwasyon ko ay mahal ko ang babae at 'yon lang ang problema ay willing ako na maging tatay nang bata dahil first of all walang kasalanan ang mapapangasawa ko dahil isa lang rin s'yang biktima kaya kahit anong mangyari dahil mahal ko s'ya, siya at siya pa rin ang pipiliin ko." Naka-ngiti niyang sabi. "Bakit nag aalangan ka para bukas?"

Tumango ako sa kanya at hinawakan ang tyan ko. "Natatakot ako na baka hindi n'ya tanggapin ang dinadala ko, na baka iwan niya ako."

"Iiwan ka n'ya kung hindi ka n'ya mahal tsaka wag ka masyadong mag overthink." Tumango nalang ako sa kanya bago kinuha na ang order ko.

Ilang oras din kami nag usap at napag-pasyahan na umuwi na rin dahil pagabi na at may duty pa s'ya sa hospital.

"Bukas na ang kasal mo, anong nararamdaman mo?"

"Kabado, sobra."

"Basta kahit anong mangyari nandito ako para sa'yo gurl!" ngumiti ako at niyakap si Leah.

Nandito na kami sa hotel kung saan kami aayusan bago kami pumunta ng simbahan bukas ng umaga. Ang pakiramdam ko ay na pupuno ng kaba at pag asa na ako ang pipiliin niya sa mismong kasal naming dalawa, ang araw na pinakahi-hintay naming.

"Salamat, sana maging maayos ang lahat." Nakangiti kong sabi bago tinignan ang wedding gown na susuotin ko, kompleto na ang lahat at handa na rin ang lahat nang gagamit mismong kami nalang ni Kurt ang hinihintay.

Napahawak ako sa tyan ko, kailangan bago kami ikasal at manumpa sa hirap at ginhawa sa hrap ng d'yos ay wala na kaming sikreto na tinatago sa isa't-isa.

Bukas. Mismo sa kasal naming ay sasabihin ko na ang lahat sa kanya, ang batang dinadala ko at bukas ko na rin malalaman kung ako pa rin ang pipiliin niya hanggang huli.

"Dexter!" sigaw ko at sumilip sa kusina, hindi nga ako nga kakamali at nandon nga si Dexter mag-isang kumakain .

"Baka sumakit ang ngipin mo n'yan?" sita ko sa kanya bago umupo at ganon din si Leah na nakasunod sa akin.

"Hindi po tita, sinusunod kop o ang sabi niyo para hindi masira ngipin ko po." Pinakita niya naman ang ngipin niya sa akin bago inabutan ako ng chocolate na kinakain n'ya, "Gusto n'yo po tita?"

"Hindi na Dexter, baka hindi na mag kasya ang susuotin ni Tita bukas," sagot ni Leah bago tumawa.

"Grabe ka naman sa'kin." Natatawa ko rin na sabi.

Bahala na bukas.