Chapter 30
Pag bukas ng malaking pinto ay kasabay ng pag umpisa ng kanta sa loob ng simbahan, Maraming tao na halos ng mga 'yon ay mga ka-trabaho at mga iba naming kaibigan. Ang buong paligid ay napu-puno ng kualy Pink, itim at puti na pinag-sama katulad ng lagi naming usapan dati.
Napa-ngiti ako, ang usapan namin dati na parehas lang naming pina-pangarap at iniisip kung paano namin maabot ay nandito na.
Tumingin ako sa altar, naka-ngiti siya at may luha ang kanyang mga mata na ganon din ang akin.
Nag umpisa ako humakbang at kasabay non ang saya, lungkot at kaba ko ngayon araw.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
Naalala ko ang panahon na una kaming nag kita, ang araw kung kailan s'ya pina-kilala sa akin ni Raven. Sobrang kinakabahan ako dahil baka hindi n'ya ako magustuhan, hindi niya rin ako kinaki-usap dahil ang rason niya nahihiya s'ya kaya naman ako pa ang unang lumapit sa kanya para kausapin siya.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang mag umpisa bumalik an gala-ala naming dalawa.
In that very moment I found the one
And
My life had found its missing piece
Hindi ako naging interesado sa lalaki pero nang una ko s'yang makita pakiramdam ko ay sobrang panget ko at tanging na sa isip ko lang ay ang sana magustuhan niya ako. Hindi ko akalain sa araw na 'yon ay ang araw na nakita ko ang taong mahal ko at taong mamahalin ko ng sobra.
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
Kahit anong mangyari, hindi ako titigil na piliin ka at mahalin ka dahil simula ng dumating ka. Ikaw na ang naging buhay ko.
And from now to my every last breath
This day I'll cherish
You Beatiful in white
Tonight
Ito ang araw na hindi ko kalianman makaka-limutan, ang araw na pina-ngako natin dati sa isa't-isa na hihintayin mo ako sa altar sa mismong araw na 'to.
Nandito na tayo mahal, hinihintay mo nalang ako na makalapit sayo.
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
Ang pagma-mahal ko sayo ngayon ay higit pa sa buhay ko, hindi ko kakayanin kung wala ka na sumusupporta sa bawat desisyon at ngiti sa mga labi mo. Hindi ko kaya na mawala ka pa dahil ang pag mamahal ko sa'yo ay walang katapusan.
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word
Ikaw lang ang paniniwalaan ko, dahil ang puso ko simula ng una palang ay na sayo na.
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look sa beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
Oh, oh
You look so beautiful in white
Na na na na na
So beautiful in white
Tonight
Huminto ako sa pag-lakad at tinignan ang lahat ng mga tao nan aka-ngiti na naka-tingin sa akin. Ang mga tao na naging parte ng realasyon at buhay namin ni Kurt, ang mga sumupporta at ibang nag sabi na hindi kami sa huli ay nandito.
And if our daughter's what our
Future holds
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did, yeah.
When she falls in love we let her gp
I'll walk her down the ais;e
She'll look so beautiful in white..
You look so beautiful in white
Muli akong nag pa-tuloy nag lakad, pinunasan ang mga luha sa mga mata ko habang diretso na naka-tingin sa kanya na nag hihintay sa harap at pasimpleng napa-kapit sa tyan ko.
So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look sa beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
You look so beautiful in white
Naka-ngiti ako sa kanya habang hawak ko na ngayon ang kamay n'ya na nanlalamig at nanginginig.
Humarap ako sa maraming tao, wala si Raven. Napa-dako ang tingin ko sa pwesto ni Leah na umiiyak at nag pupunas nang luha. S'ya nalang ang pamilya ko at batang na sa tyan ko.
"Ang ganda mo," naka-ngiti n'yang sabi bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Matagal na pero thanks, ikaw rin ikaw ang pinaka-pogi dito." Bola ko sa kanya bago mahina na tumawa.
"We gather here to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been entered into lightly and today they publicly declare their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other in relationship is one in which neither person in overpowered nor absorbed by the other, one which neither person is possessive of the other, one in which both give their love freely and without jealousy."
"Kurt Martias. Do you pledge to share your lives openly with one another and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for all the days of your lives?"
"I do, father." Naka-tingin ako sa kanya habang ang luha ko ay patuloy na lumalandas sa pisngi ko.
Ito na ang tamang panahon, ito na ang pag kaka-taon para sabihin ko sa kanya ang totoo.
"Preets San Diego. Do you pledge to share your lives openly with one another and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for all the days of your lives?"
Hindi ako nag salita, naka-tingin lang ako kay Kurt na nag aalalang tumingin sa akin.
"I repeat. Preets San Diego. Do you pledge to share your lives openly with one another and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardships and triumphs for all the days of your lives?"
Hindi pa rin ako umimik at tinignan muli ang mga tao na nag tataka na sa nangyayari, ang iba ay nag uumpisa na mag bulungan at si Leah na marahan na tumango sa akin.
"Kurt, bago ako sumagot. Gusto ko malaman mo na, Im pregnant."
"what?!" halos na madinig ang sigaw niya sa buong lugar kaya ang mga bulungan ay mas lalong lumakas. Nakita ko ang pag lapit nila tita sa pwesto naming at umiling ako.
"Sinong ama?"
"Im pregnant, Kurt. Ang naka-buntis sakin ay walang iba kundi ang gumahasa sa akin." Diretso sa mata kong sabi sa kanya, kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag agpas ng mga luha sa mga mata ko.
"Sabihin mo kurt, love. Kung kaya mo pa rin ako tanggapin?" may halong pag mamakaka-awa ko sa kanya, samantala s'ya ay napa-hilamos na ng mukha at umiling.
"Im sorry."
"Kurt,--"
"Im sorry pero hindi ko kaya tanggapin 'yan." At tuluyan na ako napa-humagulgol.
Ang sakit, ang sakit-sakit na hindi n'ya ako kayang tanggapin.
"Im sorry." Tumalikod na s'ya sa akin at umalis sa harap ko.
Tinignan ko lang s'ya habang papunta sa malaking pinto para lumabas, papalayo sa akin at paalis sa kasal na matagal naming pinag-handaan. Ang pangarap naming na pamilya.
Napahawak ako sa tyan ko, habang ang mga tao ay nag kakagulo na kasama na ang parents ni Kurt na hinabol s'ya palabas.
"Leah, ang sakit." Umiiyak kong sabi bago s'ya niyakap, nakita ko naman ang pag sunod ni Dylan at Dexter sa pwesto naming.
"Diba ang sabi mo kahit anong mangyari ngayon tatanggapin mo, please?" sabi ni Leah at inaalo ang likod ko.
Wala na akong pake-alam sa mga tao na nandito, wala na akong hiya pa sa kanila dahil ang nanaig sa buong sistema ko ay ang sakit. Sakit na binigay sakin ng tadhana.
Muli akong sumulyap sa pintuan ng simbahan at doon na kita ko si Raven naka-ngiti sa pwesto ko at pumapalakpak. Masayang-masaya dahil sa nangyari sa akin.