Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29

Naka-tingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin kung saan kitang-kita ang bawat parte ng suot kong puting wedding gown, habang ang sarili ko ay hindi ko na makilala sa sobrang ganda ng pag kaka-ayos sa mukha ko.

Ito na ang araw kung saan walang kasiguraduhan ang pwedeng mangyari, ang araw na inaasam ko at matagal kong pinangarap.

"Ang ganda ko," puri ko sa sarili ko bago hinawakan ang parte ng bewang ko, buti na lamang ay nag kasya pa ang wedding gown ko at nag lagay sila ng konting adjustment.

"Maganda ka naman talaga kahit hindi ka naka-ayos pero mas maganda ka sa araw na 'to." Napa-ngiti ako sa bagong pasok. Si Dylan.

"Akala ko hindi ka makaka-punta?"

"Hahayaan ko ba naman na hindi makita ang pinaka-importanteng araw mo?" mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

"sabi ko nga, paano ka n aka pasok?" mas lalong lumawak ang ngiti ko ng pumasok si Leah.

Wearing his Black and white gown at hawak niya si Dexter na may suot na putting tuxedo na bumagay sa maganda n'yang balat.

"Tita, ang ganda mo po!" napa-tawa naman ako sa sinabi ni Dexter at humawak pa sa dulo ng gown ko. "Kaso po ang laki ng damit n'yo." Mas lalo naman kaming na pa tawa.

"Ang ganda mo ngayon gurl! Pumapalag ka na sa ganda ko pero dapat ngayon lang 'yan ah!" Lumapit sa akin si Leah bago ako niyakap, ang nag iisa kong kaibigan na sinupportahan ako sa lahat ng bagay.

"Ang ganda mo rin ngayon, bagay na bagay sa'yo ang suot mo."

"Nambola ka pa! ano hand aka na para mamaya?" Ngumiti ako ng pilit at tumango.

Ito na ang araw na sana ay piliin niya ako at ito rin ang araw na matagal ko ng hinihintay-ang araw na matagal naming hinintay dalawa.

"Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko sigurado sa sarili ko kung ako pa rin ang pipiliin n'ya sa bandang huli, pero kahit anong mangyari- kung ano man ang kahinatnan nito at magind desisyon n'ya masaya kong tatanggapin." Muli akong tumingin sa repleksyon ko at tinignan ang sarili ko.

Hindi ako maka-ngiti ng maayos sa mismong kasal ko, hindi ko kaya lokohin ang sarili ko na masaya ako ngayon. Dahil ang nararamdaman ko ngayon ay tanging puro kaba lang, kaba nab aka hindi na ako ang piliin niya this time.

"Pipiliin ka n'ya dahil mahal ka niya Preets, tatanggapin n'ya ang sitwasyon mo dahil mahal ka niya." Napa-baling ang atensyon ko kay Dylan na seryosong naka-tingin sa akin. "Kung hindi ka n'ya pipiliin isa lang ibig sabihin non, Preets. At kung sakaliman na hindi ka n'ya piliin nandito kami para supportahan ka."

"May balak ka pala landiin kaibigan ko kung sakaliman?" bara ni Leah sa kanya.

"Why not? Mabait at maganda ang kaibigan mo kaya hindi Malabo na magustuhan ko s'ya." Sagot niya rin na para bang mag kaibigan silang dalawa kung mag bangayan.

"Basta, mark my words. Kung hindi n'ya kayang panindigan 'yan ako nalang ang aako." Seryoso na sabi ni Dylan sa akin.

Di na umimik pa si Leah dahil si Dexter ay mukhang kailangan mag cr kaya tarantang hinatid sa Cr ng kwarto ko.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanila bago muling hinawakan ang t'yan ko na hindi halata dahil sa type ng gown ko.

"Don't stress yourself, okay?" tumango ako sa kanya.

"Hindi ko lang mapigilan ang mag overthink kung paano—"

"Basta, pipiliin ka n'ya dahil mahal ka nya pero kung hindi kawalan nya na 'yon" putol ni Dylan sa sinabi ko.

"Tama! Pero ngayon kailangan na natin pumunta sa simbahan."

Tinulungan nila ako lumabas at pumunta sa sasakyan. Naisip ko bigla sila mama at papa siguro'y masaya at kinakaawaan nila ako ngayon dahil sa mismong araw ng kasal ko puro kaba lang ang nararamdaman ko.

"Mag ingat ka, pag may humarang sa inyo sa gitna ng daan tumawag ka kaagad sa akin." Paalam ni Leah at inabutan ako ng cellphone. Ang mga camera man naman ay walang tigil sa pag kuha sa akin ng litrato na mukhang utos sa kanila ni Tita.

Simula kasi ng gumising ako ay na sa kwarto ko na sila at kumukuha ng mga litrato, buti nalang ay babae ang photographer kundi. Ewan ko nalang.

Nauna na umalis sila Dylan ng maka-sakay na ako sa bridal car. This is it! Kailangan ko nalang maging malakas sa kahit ano mang mangyari sa araw na 'to, ito ang araw na sasaya ako o magiging malungkot.

Ito ang unang araw na nag kita kami at ito rin ang araw ng kasal namin na pwede maging wakas lahat sa amin.

Umandar na ang mga sasakyan at ito na rin ang pinaka-matagal na byahe para sa akin. Hawak ko ang kumpol ng pink na bulaklak sa kamay ko at tahimik nan aka-tingin sa labas ng sasakyan.

"Ngumiti ka ija, ito na ang araw mo." Napa-tingin ako sa nag drive. Si Manong.

"Masaya ako na ako ang mag hahatid sayo sa simbahan, dati kasi sa dates niyo lang ngayon sa kasal n'yo na." naka-ngiti niyang sabi.

"Masaya po ako, kinakabahan lang po." Sabi ko sa nararamdaman ko.

"Natural lang 'yan pero wag mo pa rin kalimutan ngumiti. Baka isipin ng iba n'yan hindi ka masaya na ikakasal ka." Biro n'ya.

"Opo manong hehe, ang lakas lang ng kabog ng dibdib ko ngayon."

Ngumiti s'ya sa akin at muling tumingin sa daan, ako naman ay naka-tingin lang rin sa labas ng sasakyan.

Sana kahit ngayon lang, hindi na umeksena pa si Raven. Sana kahit ngayon lang ako naman ang panigan ng tadhana.

Dumating na kami sa simbahan, ang mga bisita ay nag pasukan nang makita ang pag dating ng sasakyan ko pero si Kurt ay hindi ko nakita sa kumpulan ng mga tao kanina.

Muling umusbong ang kaba sa dibdib ko ng ayusin na ang linya ng mga rarampa papunta sa loob.

"Gurl! Smile! Wag ka masyado kabahan d'yan!" sigaw ni Leah bago lumapit sa akin at inayos ang gown ko.

"Basta, ngumiti ka at pag hindi ka n'ya tinggap tayong dalawa ang mag papalaki sa bata." Niyakap ko si Leah para kahit papaano ay mawala ang kaba ko dahil;

Alam ko anytime pwede na ako bumagsak sa panginginig ng tuhod ko.