Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23

"Anong ginawa niya sa'yo ija?" nag aalalang tanong ni Tita, ang mama ni Kurt at sinusuri ang katawan ko kung may ginawa bas a akin si Rave.

"Wag po kayo mag alala, pumunta po s'ya donn ppara sabihin na hindi matutuloy ang kasal naming ni Kurt at binigay niya po sa akin 'to." Sabay abot ko ng isang invitation na puti. Ang invitation na binigay niya na ang sabi niya ay sa kasal nilang dalawa ni Kurt.

"Naba-baliw na ang babaeng 'yon! I should make our security more secured, hindi ako papaya na hindi matuloy ang kasal niyo ng anak ko. Ikaw lang ang gusto ko maging anak ija, hindi ang malanding 'yon." Galit na sabi ni tita bago hinagis ang invitation.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, pinasundo ako ni Tita ng malaman niya na pumunta si Raven sa condo, masyado siyang nag alala kaya naman heto siya ngayon natataranta.

"Ikaw, Kurt! Pag sabihan mo 'yang kabit mo na tigilan si Preets, isa pang malaman ko na sinugod niya 'tong fiancée mo I will make sure na sa kulungan ang bagsak niya. Alam mo ang kaya kong gawin Kurt Martias." Pag babanta nito, tumango naman at halatang problemado si Kurt dahil sa nangyari.

"Yes mommy" sagot niya bago lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Let's go for a date?" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng ayain niya ako sa harap ng mommy niya.

Tumingin ako kay tita, tumango siya sa akin at ngumiti na para bang kinikilig din sa inasta ng anak niya. Hinila ako patayo ni Kurt at hinawakan ang bewang ko,

"Mommy, aalis lang po kami" paalam niya sa mommy niya.

"Osige, ingatan mo ang fiancée mo at wag mong papalapitin ang kabit mo. Sinasabi ko sayo, Kurt Martias. Pag nalaman ko lang ang ginawa ni Raven, hindi mo na ako mapipigilan at sana pag balik niyo may aasahan na akong apo next month" mas lalo naman namula ang mukha ko.

"After wedding ma, I will make sure na bibigyan ka agad naming ng apo diba love?" tumango nalang ako bilang pag sang-ayon.

Lumabas kaming dalawa ni Kurt na mag kahawak ang amay, hindi ko naman maisip ang mga gagawin namin dahil biglaan ang lahat. Sa tuwing nag dadate kami ay talagang pinag hahandaan niya, kaya ngayon hindi ko alam kung saan pa pupunta.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa mall, na pansin ko kanina na tingin ka ng tingin sa cellphone mo ng Jollibee at Mcdo." Napatawa naman ako.

Sa totoo lang ay noong nakaraang araw pa ako nag crave sa kung ano-ano specially sa mga chocolates kaya ang unang mauubos sa stock naming ni Leah sa condo ay ang chocolates, honahayaan niya lang naman ako kumain ng kumain at minsan ay nagagalit siya sa tuwing nag rereklamo ako sa ulam.

"Salamat, mag Jollibee muna tayo. Bilhan mo ako ng sundae, fries, yumburger, burger steak at 2 piece chicken." Excited sabi ko bago tumingin sa daan,

"Alam mo pag kakamalan na kitang buntis," natatawa niyang sabi. Natahimik ako sa sinabi niya, ganyan din ang sabi sa akin ni Leah pero hindi naman ako nag susuka at nag crave lang ako sa pag kain pati na rin—

Natulala ako, hindi ko maiwasan ang kabahan sa bigla kong na realize. Mag dadalawang buwan na simula na mangyari ang pang gagahasa sa akin, dalawang buwan na rin akong hindi pa dinadatnan.

Noong mga nakaraan, ilang beses akong nag suka sa umaga at ang pagiging sensitive ko sa amoy, samahan pa ng pagiging mapili ko sa pagkain. Signs na 'yon ng babaeng nag dadalawang tao at ngayon, sana ay epekto lang ng iniinom kong gamot ang lahat.

Tahimik lang ako buong byahe hanggang makapunta kami sa Moa, wala pang gaanong tao dahil maaga pa at hapon pa dumadagsa ang mga tao. "Dahan-dahan sa pag kain baka mamaya ay hindi na mag kasya ang wedding gown mo sa kasal natin" biro ni Kurt sabay lapag ng mga inorder niya.

"Kasya 'yan." Sabi ko bago inumpisahan ang pag kain, hindi naman kami madalas kumain sa fast food kaya naman ay hindi ako nauumay. Madalas kami sa mga restaurant dahil ang reason niya ay hindi makakabuti sa katawan ang puro fastfood.

"9 days nalang," napatigil ako sa pag kain ng muli siyang mag salita, doon ko na pansin na tanging fries lang ang kinakain niya at nakatingin lang siya sa pwesto ko.

"9 days nalang, ikakasal na tayo. Siyam na araw nalang at ako na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo." Nakangiti niyang sabi, "Hindi ako papayag na may humadlang pa sa atin, hindi ako papaya na may sisira pa sa relasyon natin love. Tama na ang isang beses akong nag kamali, tama na 'yon para bumawi ako sayo habang nabubuhay ako."

"Kurt,"

"Kumain ka na d'yan, na isip ko lang habang tinitignan kita. Naiimagine ko tuloy na kayo nan g mga anak natin ang kakain sa mga pinag hirapan ko." Sabay pingot niya sa ilong ko na madalas niyang ginagawa.

Sana nga Kurt, sana nga't wala na maging hadlang sa relasyon natin dalawa. Sana nga'y maging matatag tayo parehas na walang inaalala pa.

Tinapos ko na ang pag kain ko at pinabalot ang iilang pag kain na natira, ang dami naman kasi niyang order na ako lang ang kumakain kaya impossible talaga.

"Naalala mo dati?" tanong ko sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"hmm?"

"Nag promise tayo sa isa't-isa na tayo pa rin hanggang dulo, na pipiliin natin ang isa't-isa kahit anong mangyari. Nagawa natin nang ilang taon 'yon love, nakakatuwa lang isipin na ang daming nangyari kung kalian pa malapit na tayo ikasal doon pa nag kanda gulo-gulo ang lahat." Sabi ko at ninignan ang dagat bago bumuntong hininga.

"Gusto ko na bumitaw non, na rape ako at nag ka-trauma na sinabayan pa ng nalaman ko ang relasyon niyo ni Raven pero mas pinili kita kahit walang kasiguraduhan at pinili mo ako at ang realasyon natin dati kesa kay Raven."

"Sana, kurt. Kahit anong mangyari ako pa rin ang piliin mo at habang buhay ay ikaw ang pipiliin ko."