Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22

"Bakit na naman ngiting-ngiti ka dyan?" naiirita na tanong ni Leah habang nilalagyan ng pag kain ang batang lalaki na kasama niya kagabi, "Kumain ka nang marami para lumaki ka" paalala niya dito bago hinaplos ang buhok.

Tinaas ko ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing bago ginalaw ang mga daliri ko para ma emphasize kung ano talaga ang gusto ko ipakita sa kanya.

"Inalok niya ako mag pakasal ulit kagabi. Hindi ko expected 'yon, ang akala ko ay mag dinner date lang kami dahil 'yon naman talaga lagi naming ginagaw pero kagabi" napangiti ako habang inaalala.

"Tuwang-tuwa ka naman d'yan baka nakakalimutan mo ang ginawa niya sayo, Preets?"

"Kinikilig lang naman ako, Leah! Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, pwede naman ang second chance pero pag inulit niya ulit 'yon ay hihiwalayan ko na s'ya kahit kasal pa kami."

"Sabi mo, e. Anong balak m okay Raven?"

"Hindi ko alam, siguro naman ay madadala na siya sa ginawa ko. Iyon naman ang matagal niya ng gusto makita at malaman e, kung paano ako magalit at mapuno. Isa na s'ya sa naka-kita at bonus na doon ang pag kalat ng Video." Tama naman, nakita sa video kung s'ya lumaban at ang caption pa ay totoo. Tanging mga kagaya nalang niya ang kakampi sa kanya at ang mga tao na nag sasabing mabait siya.

"Wag kang pakampante, mas lalong mangangalaiti 'yon pag nalaman niya na tuloy pa rin ang kasal niyo at gagawa't gagawa 'yon ng paraan para mapabagsak ka." Seryoso niyang sabi.

Tama siya, kilala ko na si Raven. Alam kong lahat ng gustuhin niya ay kailangan makuha niya at gagawa siya ng paraan para makuha ang mga gusto niya, handa siyang gawin ang lahat katulad nang ginawa niya dati kay Joseph na sinamantala niya ang kabaitan.

Hindi na ako umimik at kumain nalang, may dalawang lingo pa naman ako at sa dalawang lingo na 'yon ay hindi na ako papasok dahil sa kasal naming. Hindi na rin si Raven ang maid of honor kundi si Leah na.

Maayos na ang lahat, nag papahinga na kami at wala ng iba pang problema, sana ay mag tuloy-tuloy na at wag na pumasok pa si Raven sa eksena ng buhay ko. Marahan akong napatawa sa isip ko, hindi naman ako ganito dati at hindi rin ako humihiling ng ikakasama ng ibang tao pero ngayon parang ang daming nag bago.

Ang daming nag bago sa lahat sa akin, sa way of thinking at way of apologizing.

Tama naman sila, hindi lahat ng sorry ay totoo at hindi lahat ng luhang pumapatak ay tunay dahil karamihan sa mga 'yan ay made in China.

"Leah?"agaw ko sa atensyon niya, inaayos niya na ang gamit ng batang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan pero kung alagaan siya ni Leah parang sobrang importante sa kanya ng bata.

"Bakit may problem aba?" nag aalala niyang tanong. Umiling ako bago lumapit sa kanya,

"Sino ang batang 'yon?"

"Si Dexter. Nakita ko siya sa lansangan, nakalagay siya sa isang supot at tahimik na umiiyak," umiwas siya ng tingin at tinignan niya ako sa mata, kita ko naman ang pag guhit ng sakit sa mga mata niya.

"Naalala ko ang sarili ko sa kanya, Preets." Sabay iwas niya ng tingin.

"Anong balak mo sa kanya?"

"Hindi ko alam pero ang mga sugat niya sa katawan at ang pag kakalagay sa kanya sa supot alam kong hindi 'yon aksidente lang, alam kong may gumawa sa kanya." Napabuntong hininga na lamang siya bago tumayo ng makita ang batang lalaki na lumabas sa banyo na may tuwalya.

Inasikaso niya na 'yon at binihisan samantala ako ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. Naalala ko ang kwento ng buhay ni Leah, ang hirap ng naging buhay niya at ng dahil don ay natuto siyang lumaban at tumayo sa sarili niyang paa. Samantala ako ay umaasa pa rin sa iba.

"Preets, ikaw muna ang mag bukas." Utos ni Leah, tumango ako sa kanya at mabilis na pumunta sa pinto para buksan pero hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig at seryoso kong tugon. Isang babaeng nakangisi ang na sa harap ko, may kulay ang kanyang buhok at animo'y lumalaki ang kanyang mukha.

"Hindi matutuloy ang kasal niyo, sisiguraduhin ko 'yan." Pag babanta niya.

"Alam mo, Raven kung wala ka ng magawa sa buhay mo wag ka nang mangulo sa iba. Nakita at binigay ko na ang gusto mo pero hanggang ngayon ba hindi pa rin sapat?" mahinhin kong sabi. Mahina naman siyang tumawa, baliw.

"Sa tingin moa yon lang ang gusto ko mangyari? Hanggang ngayon Preets isa ka pa ring bobo. Gusto ko kunin sayo ang lahat-lahat at sisiguraduhin ko na walang matitira sayo." Tinaasan ko lang siya ng kilsy. So pumunta siya dito para sabihin lang 'yan at mag banta sa akin.

"Invitation para sa kasal ko, syempre hindi naman ako papaya na hindi ka invited." Sabay abot niya sa akin ng isang kulay Putting naka-sobre.

"Raven and Kurt? Nababaliw ka na talaga?" pangalan nilang dalawa ang nakasulat sa papel, ngumisi nalang siya sa akin/

"Dahil kasal naming ang matutuloy, Preets." Sabi niya bago talikod sa akin.

Grabe, ang effort niya talaga sa ganitong bagay pero bat hindi niya kaya ipakita sa mga tao ang tunay niyang ugali. Sinara ko ang pinto at tinawagan si Kurt na pumunta dito sa Raven, katulad ng inaasahan ko ay nagalit siya.

"Sino 'yon?" tanong ni Leah.

"Bumalik na siya at inabot niya sa akin 'to." Binigay ko sa kanya ang invitation na nakasulat sa labas ang pangalan nila ni Kurt. Binuksan naman ni Leah ang invitation bago tumawa.

"Peke na nga ang ugali at kabaitan niya pati ba naman ang picture sa invitation na binigay niya isa ring peke?" sabay pakita ng picture na nasa loob, picture nilang dalawa ni Kurt at halatang photoshop lang 'yon at pinalitan ang mukha ko.

"Sabihin mo nga sakin Preets, matagal na bang may sapak sa utak 'yang si Raven?" sabay hagalpak nanaman ng tawa ni Leah.

Pati ako ay natatawa sa ginawa nya, gusto pala niya kunin ang dapat ay sa akin. Hindi ako papaya dahil mamatay muna siya.