Chapter 10
Flashbacks
"Be, bat ba hindi ako pinapansin ni Raven?" takang tanong ko kay Jonna na kasabay kong kumain ngayon, nandito kami sa mcdo para kumain ng luch. Tanghali na at break na naming para sa next subject kaya na isipan naming na dito nalang kumain bukod sa maraming tao na rin ang na sa karendirya.
"Hindi ko rin alam, na pansin ko na hindi pala kayo nag papansinan nang nakaraan pa. ano ba nangyari?" tanong rin pabalik sa akin ni jonna.
Kumibit balikat naman ako sa kanya bilang sagot. "Hindi ko rin alam, bigla nalang hindi namansin noong nakaraan pa kaya di ko rin pinapansin." Sabay subo.
Hindi ko alam kung ano ba ang problema ngayon ni Raven para bigla nalang lumayo sa akin, maayos naman kami last time at wala rin naman kaming pinag awayan. Maliban na lang na minsan ay pinapalabas niya na pine-perahan ko si Kurt sa bawat kinikilos niya.
Tumahimik nalang ako pati na rin sila sa pag kain, habang ang isip ko ay puno nang pag-ooverthink ng mga bagay-bagay. Ito naman talaga ang sakit ko, mahilig ako mag overthink kahit hindi naman dapat kahit alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginagawang mali.
Sa panahon kasi ngayon kahit anong pakisama mo sa mga naka-paligid sayo impossible na wala silang masasabi pag naka-talikod ka na sa kanila. Hindi mo na alam sa panahon ngayon kung sino ang tunay at hindi.
Kami nila Candies, Rose, Bryan at Jonna ang laging mag kasama kumain, si Raven kasi ay kela Sarah na sumasabay. Ang akala nang iba ay iisang group lang kami pero sa totoo ay dalawa ang group namin, hindi rin makasundo nila Candies sila Sarah kaya naman mas pinipili naming humiwalay.
Hindi naman na nag taggal ang pag kain naming at lumabas na rin kami agad, ayaw nila na mag tagal sa loob dahil marami na rin ang mga students na walang ma pwestuhan kaya naman na isipan nalang naming pumunta sa main building para doon tumambay, si Rose lang naman ang may papasukan na klase kaya hinihintay nalang naming siya.
Para sa akin friendship is the best, walang makaka-pantay sa friendship kahit sa boyfriend na 'yan, and thankful ako na hindi ako sinusuway ni Kurt pag may gala kami mag kakaibigan.
"Wala na akong pamasahe para bukas, kulang na kulang talaga allowance ko." Sabi ko sa kanila para sa pag open ng another topic, mag kano nalang kasi ang natira kong pera at sa susunod na araw pa ang padala ni tito sa akin.
"Punta ka ulit sa Palawan, sabihin mo sa boyfriend mo na padalhan ka ulit." Sabi ni Rose, na tahimik naman ako sa sinabi niya. Iba ang impact sa akin pero mas pinili ko nalang ang ngumiti sa kanya.
"Nakaka-hiya ang laki nan g utang ko sa kanya, baka mas lalo akong magipit next month." Paliwanag ko.
"Wag mong bayaran, boyfriend mo naman 'yan tsaka halata naman na ma pera yan si Kurt. Sabihin mo nga sa kanya libre niya kami sa mcdo o milktea pag pumunta s'ya dito sa school ulit."
Mas lalong hindi ako nag papabili ng kung ano-ano kay kurt.
titignan ang yaman at pakinabang nang isang tao dahil hindi ko minahal si Kurt nang dahil lang sap era niya kundi sa pagiging sweet at paparamdam niya sakin kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Lumipas ang oras at natapos na ang klase, sabay-sabay kaming umakyat ng jeep pauwi at na pansin kong hindi pa rin ako pinapansin ni Raven kaya hinayaan ko nalang, siguro ay sa susunod na araw tatanungin ko nalang kung bat hindi niya ako kinakausap o may problema ba.
--
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para mag take ng Midterm exam sa Finance, na late kasi ako ng gising ang buong akala ko ay alas-nwebe pa ang klase kaya naman ay 6:30 ako nagising without knowing na 7:30 pala ang start ng exam.
"May bago kaming binili na Nailpolish." Sabi ni Raven sabay pakita ng kulay Blue na nailpolish na hawak niya, mabilis naman na kinuha ni Rose para tignan at mukhang maganda nga kaya nag palagay na rin ako sa kanya.
"Hanggang ngayon wala pa rin si Jonna, ang sabi ko sa kanya ay agahan niya ang pag pasok n'ya." Sabi k okay Rose na inaayos ang nailpolish ko.
"As aka naman don, mas late pa sa late 'yon." Nakasimangot niyang sabi bago tumayo.
Buti na lamang ay mamaya pang 12 ang oras na binigay samin ni Sir, mukhang hihintayin ko siya para sabay na kami mag exam tsaka may nag bigay na rin ng sagot sa akin kaya alam ko na ang mga isasagot.
"Una na kami!" sabi ni jonna, mabilis na tumakbo kami papunta sa office ni Sir para mag take at ang loka ay wala pang ballpen.
Kalahating oras ay natapos na naming ni Jonna ang exam at nag mamadali na kaming lumabas ng office para kumain, nag chat naman kami sa gc kung na saan sila para mapuntahan namain pero walang n aka-online pumasok nalang kami sa karenderya para mag lunch.
"May na sabi ba sayo si Raven kung bat hindi niya ako pinapansin?" tanong k okay jonna, sa toto niyan ay kaninan nginitian ko si Raven ay ngumiti rin siya sa akin pero after that ay wala na.
"Ang sabi n'ya lang ay hindi mo siya pinapansin kaya hindi ka na rin niya pinapansin, naloloka ako sa inyo. Mag usap kaya kayo?" natatawa niyang sabi.
"Balak ko nga na kausapin na s'ya, naiilang ako pag may hindi ko maka-sundo sa inyo tsaka malaman ko na rin kung bat bigla siya hindi namamansin."
Mabilis naming na tinapos ang pag kain namin, nakita naming na nag chat pala sila na nasa kabilang kainan sila. Mabilis kaming pumunta sa next subject naming at ang unang dumating ay si Bryan, ang nag iisang bakla sa group naming.
"San ba kayo galing kanina mga bakla?" bungad niya sa amin
"Huli na namin na basa ang chat niyo, patapos na kami kumain non." Sabi ko sa kanya. Si Jonna naman ay nag tingin-tingin sa paligid.
"San na sila?"
"Nag banyo pa, na una na ako dito. Loka kayo alam niyo ba na kayo ang topic kanina nila Raven." Ang kaninang kalmado ko na pag iisip ay biglang nag init.
Ang pinaka-ayaw ko sa laha ay ang pag uusapan kami behind our backs, wala naman kaming ginawa ni Jonna sa kanila para pag usapan kami.
"Anong sabi?" tanong ko sa kanya. Ito ba ang dahilan kung bat hindi ako pinapansin ni Raven?
"Ang sabi ni Anne ang dami mo daw pera na kinukuha sa Palawan, mga pera daw na galing sa boyfriend mo." Kagat labi akong nakatingin lang sa kanya, iniiwasan ko na sumabog sa inis. Naiinis ako dahil simula una wala akong ginawa kundi ang ipag tanggol sila at makisama sa kanila, wala silang alam na tungkol sap era na pinapadala sakin ni Kurt dahil lahat 'yon binabayaran ko at sinasauli ko ng buo.
"sabay sabi ni Raven kay Jonna na bestfriend daw kayo kaya lagi kayo mag kasama." Sabay tawa nito.
Ilang sandali ay nakita ko sila papasok sa banyo ng mga babae, kompleto sila at nag tatawanan silang lahat. Ang saya siguro plastikin ng mga kaibigan kaya ang saya-saya nila, ganon ba kasaya 'yon?
Padabog na pumasok ako sa loob ng classroom, wala akong pinapansin at total ay si Jonna ay hindi na pumasok ay nanahimik nalang ako ng dumating si Roselle para umupo sa tabi ko.
"Tabi nga dyan Preets!" maldita niyang sabi.
Binaba ko ang cellphone ko bago tinignan siya, "Ang lawak dyan Barbie 'di ka kasya?"
"Ang Barbie mo naman, ganyan ba 'yon ang lakas mag kwentuhan na pag nakatalikod. Ano ka Barbie?" ngayon, ako naman ang nag maldita.
"Parang ikaw hindi ka Barbie" amin niya.
"Alam mo Barbie din ako pero hindi ko kahit kalian na siraan ang kapwa kaibigan." Sabi ko. Tumayo naman siya at kinuha ang bag niya bago pumunta kela Raven, kampihan naman pala ang mga kapwa plastic.
Uwian ay humiwalay ako sa kanila sa pag-uwi, hindi ko kaya na makisama sa mga barbieee.
Nang una ay pinaparamdam at sinasabi nila na perahan ko at pie=neperahan ko si Kurt tapos ngayon malalaman ko na pinag-uusapan pala kami behind our back ni Jonna.
----
Umaga, may seminar kami ngayon at wala rrin ako balak sumabay sa kanila, kaya sa President ng room ako sumama at hindi naman sila mahirap pakisamahan. Ilang oras lang din ay natapos na angseminar at pumunta kami sa room.
"Tara nga, Preets mag usap tayo!" galit na sabi ni Raven. Taas noo akong sumunod sa kanya, kasama si Bryan, Jonna, Rose at Raven.
"Ano bang problema mo Preets?!" simula ni Raven.
"Kayo, anong problema n'yo sakin?" kalmado kong sabi.
"Kaya hindi kita pinapansin dahil nginitian kita sa oras ng taxation natin pero hindi mo ako nginitian pabalik, kaya na isip ko na baka galit ka sa akin sabay hindi ka rin naman na mamansin kaya hindi rin kita pinansin. Sabay mababasa ko na nag paparinig ka sa mga post mo, hindi nga naming alam problema para mag parinig ka samin." Sabay duro kay Rose.
"Sabay malaman-laman ko na inaway mo 'tong si Rose, hindi mob a alam na umiyak 'yan siya kahapon dahil sa kung ano-anong sinabi mo, ano bang problema mo ha?" may halong gigil na sabi ni Raven.
"Problema ko? Na pinapalabas niyo na pineperahan ko si Kurt para sabihin ko sa inyo lahat ng mga pera na pinapadala niya sakin ay binabalik ko, alam niyo naman sitwasyoon ko sa buhay at siya nalang ang nakakatulong sa akin pero bat ang pinapalabas niyo na pineperahan ko sya?"
"Sabay ngayon malalaman ko na pinag-uusapan niyo kami ni Jonna habang nakatalikod kami, kayo anong problema niyo samin para pag usapan niyo kami? Wala naman kaming ginawa sa inyo, ngayon lang kami na hiwalay sa pag kain tapos malalaman naming nag anon pala." Dugtong ko.
"Pinag-usapan? Paano mo nalaman na pinag-usapan ka naming-kayong dalawa ni Jonna." Maang-maangan niyang sabi.
"Bakit hindi mo tanungin si Beks?" sabay tingin ko kay Beks na nag cecellphone.
"Anong sinabi naming tungkol sa kanila?" tanong rin ni Raven.
"Ang sabi mo nga non mukhang Palawan si Preets na lagi nalang pinapadalhan ng boyfriend niya ng pera, sabay kay Jonna ang sabi mo Bestfriend silang dalawa dahil parehas sila ng ginagawa nila ni Preets." Diretso na sabi ni Beks.
"Wow, kalian kami nag usap ng ganon tsakakahit kalian hindi naming na isip na pineperahan ni Preets si Kurt. Kaibigan ng boyfriend ko si Kurt sa tingin niyo kaya kong sabihin 'yon edi para ko na rin siniraan kaibigan ng boyfriend ko." Pag mamalinis niya.
"Osige, sorry kung ganon pala nararamdaman niyo. Sorry dahil na misunderstood niyo lahat ng nangyayari, ako na mag sosorry." Pag suko ni Raven.
"Sorry din." Ayon lang ang sinabi ko sa kanya.
"Sa susunod kasi Preets tanungin mo rin side naming bago ka magalit, tignan mo tuloy nangyari." Pahuling habol ni Raven na sinabi.
So, totoo lahat ng sinabi na pinag uusapan kami nice.
Lumipas ang araw na naging maayos ang lahat, nag kabati kaming dalawa ni Rose at close na ulit kami kahit ang lahat ay dinadamdam ko. Pakiramdam ko ay na sira ang lahat dahil sa nagalit ako dahil sa pinapalabas nilang pine-perahan ko si Kurt pati rin ang pag-uusap nila sakin habang nakatalikod. Tanga nalang ang hindi nakakaramdam na nangyayari ngayon, si Raven na todo iwas pa rin sa akin na sa tuwing nakikipag tawanan ako kela Rose ay bigla nalang s'yang tumatahimik.
Ayaw ko na mag overthink, ayaw ko na maulit ang ganon pero kahit anong pigil ko sa sarili ko ay walang araw na hindi ko na iisip na kung ano kaya mga pinag sasabi nila sa akin habang naka-talikod ako sa kanila mas lalo na pag hindi nila ako kasama.
Pakiramdam ko ay nag crack na ang tiwala ko sa kanilang lahat, mas lalo na't ang nangyari nang nakaraan ay ako ang naging mukhang masama kahit ako ang ginago. Tahimik lang ako sa tabi ni Candies at nag cecellphone, habang sila ay nag iingay at nag uusap-usap.
Nawalan na ako ng gana makipag-usap sa kanila dahil feeling ko anytime na may sasabihin ay ay mamasamain na nilang lahat, wala rin umaalam ng feeling ko ngayon at wala rin ni isa ang nag kikinig sa mga rants ko. Buti na lamang ay nandyan si Kurt para making sakin at hindi sumasalungat.
Sinasarili ko lahat ng nararamdaman ko, walang alam si Kurt tungkol sa naging away naming dahil ayaw ko mag mukhang masama ang mga kaibigan ko pati na rin ang magalit siya, ayaw ko na palayuin niya ako sa mga kaibigan ko kahit ang pakiramdam ko ngayon ay hindi na ako belong sa kanila. Isang buwan na din ang lumipas at ang iba ay limot na, samantala ang iba ay alam ko na kinikimkim parin pero hindi nag sasalita katulad ni Raven na nilalayuan pa rin ako at ako na hindi mapanatag sa nangyayari. Sinasarili lahat pati ang sisi kung bat nangyari 'to, nagagalit kung bakit hindi ba ako naging perpekto para wala silang masabi sa akin at;
Kung bakit ang dami nilang na sasabi tuwing na katalikod ako habang ako patuloy ko silang pinag tatanngol sa mga classmate naming na pilit na sinisiraan sila sa akin.
Sa panahon ngayon ay hindi mo na alam kung sino ang kailangan mo pag katiwalaan, ang iba ay kukunin ang tiwala mo at pag sa huli na may malaman na sila sa'yo ay gagawa sila ng paraan para hatakin ka pababa. Muling bumalik ang mga alaala ko ng mga college students pa lang kami,
Mag isa ako nag lalakad palabas ng school habang sila Raven at iba ko pang kaibigan ay parang kinalimutan na kasama nila ako, alam ko na may lamat na ang pag kaka-ibigan naming pero hindi ko rin kaya sisihin ang sarili ko dahil alam ko na ako ang na agrabyado at ako ang ginawan ng mga bagay na hindi magugustuhan ng kahit sinoman.
Tahimik akong humiwalay ng ibang daan, doon na pansin ko ang iba naming mga kaklase na masayang nag uusap na para bang walang problema, nakaka-inggit sila dahil kita mong walang inggitan na nangyayari sa samahan nila.
"Preets san ka pupunta?" bati ni Eunice na nasa likod ko lang pala.
"D'yan lang, hihintay ko rin boyfriend ko, mag kikita kami." Sabay isang pekeng ngiti ang ginawad ko, hindi ko na kaya ngumiti ng totoo. Sa lahat nang nangyayari sa buhay ko hindi ko na rin alam kung kalian nga ba ako ngumiti ng walang galit sa puso ko.
"Sana lahat, dito na kami. Ingat ka!" ngumiti naman ako sa kanya bago tumango ng marahan, totoo na hinihintay ko ang boyfriend kong si Kurt pero mukhang matatagalan pa s'ya dahil may isa pa silang subject kaya habang wala pa siya ay naisipan ko pumunta sa isang salon.
Nag pa-ayos ako ng buhok at nag pakulay na rin, hindi ko alam na kahit nag makutento ngayon sa sarili ko ay 'di ko magawa.
Lumipas ang oras ay naisipan ko i-chat ang isang classmate naming, siguro kaya ganito ako kasi ramdam ko na hindi na ako belong. Sino rin ba ang matinong kaibigan na ipaparamdam sa kabigan nila na pineperahan lang ang boyfriend.
Dumating na ang araw ng lunes at mabilis akong dumiretso sa side nila Jerwin at iba niyang mga kaibigan, mahirap maki-sama sabi ng iba pero ang walang masamahan ang pinaka-mahirap sa akin mas lalo na ngayon na college life, habang nag kwe-kwentuhan ay hindi ko na napansin ang oras matatapos na pala ang second subject kaya naman tumayo na ako at inayos ang bag ko.
"Bat mo ba gusto gusto lumayo sa kanila?" tanong ni Ria na kaharap ko ngayon, umiling naman ako sa kanya bago ngumiti.
"Matutuwa ba kayo pa gang tinuturing niyong kaibigan gumawa ng gc at pinapalabas na pineperahan ang boyfriend mo, kasi para sakin hindi 'yon pagiging mag kaibigan." Maigsi kong sabi.
Habang ang lahat ay kinikimkim ko sila patuloy na nag sasaya.
Last subject na naming at na sa harap lang naming sila naka-upo tinatanong ako ni Jonna kung bat ako lumalayo pero ang tangin sinasabi ko lang ay gagawa kami ng poerpoint para sa irereport sa susunod na araw, alam kong hindi siya naniniwala sa aki pero hinayaan ko nalang siya.
"PREETS BAT NA SA IBANG SQUAD KA, DIBA DOON KA SA KABILA? WARLA KAYO NO, HINDI KA NAMAN LALAYO KUNG HINDI KAYO WARLA!" Sigaw ni Pipay na nasa likod.
Kanina pa nila ako kinukulit kung bakit ako sa kabilang squad na sumasama at hindi na kela Raven pero wala akong masabi dahil alam ko na mag paparinig at kakalat lang 'yan sa iba.
"Si Raven kasi inaaway si Preets!" sigaw naman ng lalaki sa likod.
Mabilis naman ako na tameme dahil wala naman ako kwinekwento sa kanila pero alam nila ang lahat, parang alam nila ang nangyayari kahit na lahat ng problema ng group naming ay amin-amin lang at walang nakakalabas.
"wag kasi ganon Raven" sigaw naman ng nasa kabilang side na classmate din naming.
"Sure ba kayo na ako?" pag tanggi pero maldita niyang sabi.
"Ang taray mo naman pala Raven" sabay turo sa kanya ni Lovelyn.
Hindi naman na ako nag salita papero sigurado ako na ako na naman ang sisihin nila t hindi nga ako ng kamali.
Nang tinanong ko ang classmate naming galing sa angels ay nalaman ko ang lahat nang ginagawa nila, ang akala ko na maayos na pakikisama biglang nawala dahil matagal na pala nila ako ginagawan ng issue.
"Sabi ni Raven na pineperhan mo daw ang boyfriend dati pati ngayon, sa totoo nga niyan nainis kami sa ginawa mo daw na bigla mo daw dinuro at sinigawan si Raven sa harap ng klase."
Kagat labi na naman ako sabay na papikit sa sa inis.
Tangina.
Hindi ko akalain na magagawa nila sa akin 'to, pilit ko silang pinag tatanggol sa lahat ng mga galit sa kanila sabay ganito ang malalaman ko na sinisiraan nila ako sa iba, sira na nga.
At ngayon ayaw ko ng ayusin pa.