Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

"Diba ang sabi ko sayo kanina wag kang aalis dito sa loob ng condo? Hindi ka rin tumawag o nag text manlang na aalis ka pala kasama ang parents ni Kurt, jusko ka naman Preets! Hindi moa lam kung gaano mo ako pina-kaba kanina!" gigil na sermon k okay Preets.

Kanina ko pa s'ya sinesermonan dahil sa ginawa niya, paano kung tumawag ako agad kay Aizen at tumawag ng pulis para hanapin siya edi malaking kahihiyan 'yon, buti nalang at medyo naging kalmado ako kanina at kinausap muna ang guard kung lumabas ba siya.

"Sorry," sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa akin.

Naka-tayo ako sa harap niya samantala siya ay nakaupo at nakayuko na parang bata na umaamin sa kasalanan. Bumuntong hininga nalang ako bago tumabi sa kanya,

"Ano bang ginawa nila at kailangan niyo pa lumabas?" seryoso kong tanong sa kanya, siya naman ang bumuntong hininga ngayon.

"Nangamusta sila kung anong kalagayan ko ngayon pati na rin nag tanong kung anong pwede nilang maitulong." Diretso niyang sabi bago tumayo, "Tinanong nila ako kung itutuloy pa naming ang kasal" dagdad niya bago pumasok ng kwarto.

Napa-buntong hininga nalang rin ako dahil sa nangyari bago hinawakan ng mahigpit ang phone ko kung saan nakalagay ang video nila Raven pati ni Kurt, hindi ko na alam ngayon kung kailangan ko pa sa kanya ipakita 'to dahil sa kalagayan niya pero paano kung ituloy niya nga ang kasal na hindi 'to nalalaman?

Tumayo nalang ako bago inayos ang mga grocery na dala nila kanina, masyado 'tong marami para sa amin dalawa pero ang sabi ng nanay ni Kurt ay madadagdagan pa 'to, hindi ko alam kung ito ba ang ginagawa nilang luho sa amin para pag takpan ang anak nila o sadyang concern lang sila kay Preets.

Sana malinawan na ang lahat, sana ay hindi na lumala pa.

PREETS POINT OF VIEW

"Oo na, mag pahinga ka muna dyan. Saglit lang ako." Sinara niya na ang pinto at iniwan akong mag-isa dito sa kwarto, maganda naman ang condo ang kaso'y masyado na akong nahihiya kay Aizen kaya hanggang sa kakayanin ko na gumaling agad ay gagawin ko.

Inayos ko nag ilang mga bagay na hindi pa rin maayos sa kwarto naming bago muling umupo sa kama. Hindi ko alam kung ano na ba ang gagawin ko ngayon, alam kong si Leah lang ang makakatulong sakin ngayon at siya lang ang pwede kong sandalan sa krisis na pinag daraanan ko pero ang hiya na ang nangingibabaw sa akin.

Lumabas ako ng kwarto nang makaramdam ako ng uhaw, buti nalang ay mayroon nang mga bottled water ang nakalagay doon pero wala pang groceries na nakalagay, ako nalang ako mamimili bukas at aayain ko si Leah.

Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

Buntong hininga nalang ako bago tumulala sa kawalan, ito nalang ang magagawa ko ngayon habang wala pa rin plano sa utak ko. Hindi ko na rin alam kung saan ako pupulutin pero ang balak ko ay babalik na sa trabaho para naman hindi ako puro isip dito.

Naagaw ng atensyon ko ng tumunog ang telephone na nasa gilid ko, mabilis ko naman 'tong sinagot dahil mukhang importante. Agad akong napa-tayo ng sabihin kung sino ang na sa labas, ang buong akala ko ay na sa bakasyon sila ngayon dahil s anniversary nila.

Nag ayos ako ng gamit at mabilis na bumaba para abangan sila, ayaw ko na papasukin sila dito sa loob baka ay mag tanong pa sila kung kaninong condo ang gamit ko at malaman pa nila na kay Aizen to baka kung ano pa ang isipin.

"Tita!" tawag ko sa kanila bago ngumiti ng maliit sa kanila,

"What happened Preets?" napa-iwas naman ako ng tingin ng tanungin niya yun, pinapasok naman ako sa sasakyan at umandar. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinext si Leah ng mag error, wala na pala akong load.

Huminto naman ang sasakyan para kunin ang Id na iniwan nila sa guard ng mag salita ako, "Tito, pakisabi po sa guard na pag may mag tanong na babae ay sabihin po sa kanila na kasama ko kayo. Baka po kasi mag alala 'yon pag nakauwi na wala ako." Sinunod naman ni Tito ang sinabi ko at nag bigay ng business card sa guard at nag habilin na tumawag agad.

Pumunta kami sa pinaka-malapit na restaurant dahil gabi na rin ay nag-aya na si Tita na kumain ng dinner, pansin ko naman na wala silang kasama na body guard pati na rin driver ngayon.

"So, how are you ija?" umpisa ni Tito bago tumingin sakin ng seryoso.

"T-tita, I was raped!" naiiyak kong bulaslas bago yumuko. " I was raped, sa mismong araw na malaman ko na may relasyon si Kurt at Raven." Pabulong kong sabi.

Mabilis na inalo ni Tita ang likod ko, ramdam ko na rin ang pag bigat ng mga mata ko para bang gusto na lumabas ng mga luha ko. Nakakahiya.

"Anong sabi ni Kurt, nag-usap na ba kayo?" umiling ako sa kanila.

"Hindi ko pa po kaya na harapin s'ya ngayon, pakiramdam ko po para na akong iniwan ng lahat." Natahimik naman ang dalawang matanda at patuloy na pag –alo ng likod ko si Tita.

"Hindi ka naming pipilitin na mag kwento Ija, wag ka na umiyak at baka makasama pa sa lagay mo." Sabi ni Tito, tumago naman ako bago pinunasan ang mga mata ko. Natahimik ulit kami ng dumating na ang pag kain, hindi naman na sila nag salita at hindi na rin nag tanong pa sa kung anong nangyari.

Natapos kaming kumain ay saglit na nag pahinga ng biglang mag salita si tito "Alam kong hindi ka pa ready ija, pero gusto ko 'to itanong sayo. Anong balak mo sa kasal niyo ngayon?" kagat labi akong humarap kay tito.

"Ija, ang desisyon ngayon ay na sayo. Kung anong mangyari o maging desisyon mo ay susupportahan naming, alam kong naging mali ang ginawa nang anak ko kaya ija kung anong maging desisyon mo sa panig mo kami," sabi ni tito. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Hindi ko pa po alam tito, hindi ko pa po talaga alam."