Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16

"Are you sure about this?" may halong pag dadalawang-isip na tanong ni Leah sa akin, hawak niya ang kamay ko at pinigilan sa pag pasok sa loob ng isang building. Ilang araw na rin ang lumipas, sa ilang araw na pag-iisip ay na isipan ko na kausapin si Kurt, gusto ko malaman ang side niya pati na rin ng maliwanagan na ako.

"Hindi naman ako pupunta dito kung hindi pa ako sigurado," sabay hila ulit sa kanya, narinig ko nalang ang buntong hininga niya at tuluyan na siya nag pahila sa akin papasok. Gusto ko mag-usap kami pero itong si Leah ay ayaw naman ako papuntahin sa condo na ako lang mag-isa kaya sinama ko nalang siya para incase na kailangan ay nandyan lang siya sa tabi ko.

"May gusto akong---"

"Mamaya na 'yan, nandito naman na tayo." Pinutol ko na ang sinabi niya at pumunta na sa elevator, ang na sa isip ko ngayon ay makapag usap kami ni Kurt. Wala na akong pakealam kay Raven, wala na akong pakealam kung naging kaibigan ko siya dati dahil ngayon ang alam ko. HINDI SIYA TITIGIL HANGGA'T HINDI KAMI NA SISIRA NI KURT.

Ayan ang na realize ko habang mag isa akong na sa condo, hindi pa ako pinayagan na pumasok dahil sa pinirmahan ko last time at next week pa ako ulit pwede pumasok. Sinulit pala nila ang hindi ko pag take ng leave sa ilang taon kaya hindi ako pinigilan na mag leave ngayon ng ilang lingo.

"Pero kailangan mo muna makita 'to Preets!" sabi ni Leah at hinablot ang kamay ko, napangiwi nalang ako sa pag hablot niya sakin. Halata naman na normal na lakas niya lang ang ginamit niya pero ang sakit pag hinawakan niya na ako.

"Mas kailangan ko siyang maka-usap ngayon Leah, please? Supportahan mo nalang muna ako dito," sabay alis ng kamay niya sa braso ko. Pinuntahan na naman ang unit ni Kurt, ilang doorbell lang ay kita mabilis na nabuksan 'yon.

"Preets," gulat niyang sabi bago nilakihan ang bukas ng pinto para Makita ko ang na sa loob. Walang pag-babago at para bang nadumihan lang ng konti ang buong unit. Hindi ko na s'ya hinintay pa mag salita at tuluyan na ako pumasok sa loob at hinatak papasok si Leah.

Kita ko naman ang pagka-gulat niya ng Makita niyang kasama ko si Leah at parang nanginig ang kanyang kamay bago sumunod sa amin. Ganon din si Leah na masama ang tingin kay Kurt at mabilis na ngumisi pero ng Makita niya ako na nakatingin sa kanya ay mabilis niya akong inirapan.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Kurt na hindi makatingin ng maayos sa akin.

"Bakit bawal na ba pumunta ang fiancee mo dito?" pambabara ni Leah at muling umirap. Hindi naman ganito ang pakikitungo ni Leah sa kanya dati pati na rin ng na sa hospital pero ngayon parang bumaliktad ang lahat.

"Hindi naman sag anon per—"

"Hindi naman pala, wag ka na mag tanong." Putol niya sa sinasabi ni Kurt bago tumingin sa akin, "Mag usap na kayo, bibigyan ko lang kayo ng isang oras para mag usap" tumango nalang ako sa sinabi niya.

Gabi na rin at dinaanan ko lang siya sa trabaho kaya alam kong pagod na siya, ayaw ko lang na mag aalala siya ulit katulad ng nangyari ng nakaraang lingo na hindi ako nag paalam na aalis. Pumasok ako sa kwarto, ramdam ko naman ang pag sunod niya dahil sa lakas ng pag hinga niya na tila ba nag hahabol ng hinihinga.

"Kamusta ka na?, maayos na ba ang pakiramdam mo?" agad na tanong niya pag saran g kwarto. Tinignan ko lang naman siya at hindi sinagot ang mga tanong niya.

"Bakit mo na gawa 'yon?" pigil hinihinga kong tanong sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko na once na nakaharap ko siya ay walang kasiguraduhan ang mararamdaman ko at ang magiging possibleng emosyon ko.

"Im sorry," tangi niyang sabi bago yumuko.

"Bakit Kurt? Bakit mo na gawa sa akin 'yon?!" pag taas ko ng boses ko.

"Matagal na 'yon Preets, ang tagal na nangyari 'yon. Inaamin ko na niloko kita ng ilang taon natin dahil hindi ko napigilan ang pangangailangan ko bilang lalaki, maniwala ka Preets. Wala na kami ni Raven, matagal na nang marealize ko na baka mawala ka sa akin pag malaman mo. Makulit si Raven hindi niya ako tinigilan non, tinatakot niya sa akin na pwede niyang sabihin sayo pero nakuha pa siya ng pag bantaan ko pero ngayon sumobra na," lumuhod siya sa harap ko bago yumuko. Nag taas baba ang kanyang mga balikat, umiiyak siya.

"Sobrang nag sisi ako na ginawa ko 'yon dati, na niloko kita. Hindi ko napigilan ang pangangailangan ko, hindi ko na hintay ang mga panahon na pwede na ang lahat. Hiniwalayan ko siya agad, nang mapag usapan natin na kung anong gagawin mo kung malaman mo na sakaliman na mag loko, Preets. Natakot ako na baka ganon ang mangyari satin pero maniwala ka, wala na kaming relasyon dalawa." Umiiyak niyang sabi. Hindi ako na niniwala, may parte sa akin na hindi na niniwala sa sinasabi niya. Ganito pala pag niloko, ganito pala ang pakiramdam.

"Sobrang sinisisi ko ang sarili ko Love, na kung hindi ako nakipag kita sa kanya ng oras na 'yon siguro hindi 'yon nangyari. Siguro hindi ka na gahasa, kasalanan ko lahat, lahat lahat." Sabi niya bago niyakap ang bewang ko.

"Nang gabi na 'yon ang sabi mo ay meeting ka bat siya ang kasama mo?" tumingala siya sa akin bago muling yumuko.

"May hawak siyang sex video naming dalawa. Noong nalasing ako ng isang beses, siya ang na sa tabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maakit sa kanya. Ang sabi niya sa akin ay ipapadala niya sayo ang Video pag hindi ako sumunod sa mga gusto niya," diretso niyang sabi.

"Natakot ako na malaman mo, natakot ako na baka hindi mo na ituloy ang kasal natin at iwan ako. Natakot ako Love, please give me another chance. Pangako, hindi na 'to mauulit"

Tumingin ako sa malayo, matagal niya na pala akong ginagago. Silang dalawa ni Raven. Kagat ang ibabang labi ko tinignan ko s'ya sa mata.

"Gawin mo lahat ng ipapagawa ko sayo."