Chereads / THE RAPIST SON / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

Tangina.

Biglang nanginig ang kamay ko sa nakita ko, nakapatong si Raven kay Kurt habang ang magaling naman na fiancée ng kaibigan ko ay sarap na sarap sa ginagawa nilang kababalaghan. Alam nilang hindi maayos ang kaibigan ko at alam nilang na sa kasagsagan ng problema nakuha pa nilang mag ganyan.

Mabilis na kinuha ko ang phone ko sa bag at Vinideohan ang ginagawa nila, ang kakapal ng mga mukha! Hindi ko akalain na 'yan ang naging kaibigan ni Preets dati. Ito naman si Kurt akala ko nag aalala talaga sa kaibigan ko 'yon pala mukhang may masaya pa sa kalandian niya.

Hindi na ako makapag-hintay sa ginagawa nila at padabog kong tinulak ang bagay na pinaka-malapit sa akin, buti nalang pala ay hindi talaga sumama si Preets ngayon kundi ay baka mas matulala siya sa makikita niya ngayon.

"What the fuck are you doing here?"

"Leah!"

Sabay nilang sabi. Nakita ko naman ang inis sa mukha niRaven, mukhang bitin ang ahas.

"Naistorbo ko ba kayo?" naka-ngisi kong sabi sa kanila bago pumasok ng kusina, tinakpan naman ni Raven ang katawan niya. Nakaramdam pa ban g hiya?

"Raven, I am the one should ask you right? What are you doing here, nang-aahas?" taas na kilay na tanong ko sa kanya, ngisi naman s'ya sa sinabi ko. "And you Kurt?"

Mabilis na nag iwas ng tingin si Kurt ng tignan ko siya, mukhang nakunsensya ang gago.

"Ipag patuloy niyo na ginagawa niyo, gusto ko lang naman malaman n'yo presence ko dito. Mukhang nabitin ka rin Raven," ngisi ko sabi bago tinaas ang phone ko.

"Goodluck!" sabi ko at sinadyang i-play ang video nilang dalawa, nakita ko naman ang panlalaki nang mata nilang dalawa na ikinalaki ng ngisi ko.

"Enjoy kayo, mas lalo ka na Raven baka mamaya o bukas wala ng papatol sa'yo" sabay talikod ko sa kanila, ramdam ko naman ang pag habol nila sa akin pati na rin ang matinis na sigaw ni Raven.

"Leah, please pag-usapan natin 'to"

"Anong kailangan pag-usapan Kurt?, ang panloloko mo sa kaibigan ko o tungkol sa ahas na 'yan kasi kung parehas wala akong balak." Matigas kong sabi bago kinuha ang bag kung saan naka-lagay mga gamit ni Preets.

"Akala mo naman makaka-labas ka dito give me your phone!" tili ni Raven na hinarangan ang daanan ko, ngisi naman sinagot ko sa kanya ng hablutin ko ang braso niya na ikinadala ng buong katawan niya.

"Open your phone first." Natatawang sabi ko sa kanya bago tuluyan na tinulak siya, wala naman siyang palag at nag paawa kay Kurt para alalayan siya tumayo. Ang OA.

Mabilis akong lumabas ng condo niya pati na rin ng building, buti na lang ay may nag aabang na taxi na sa labas kaya hindi na ako na hassle sa mga bitbit ko, binigay ko ang address kung saan ako ibaba para bumili ng pag kain ng maisipan ko na buksan ulit ang cellphone ko.

Hindi ko talaga akalain na kayang mag loko ni Kurt simula una palang, hindi ko rin akalain na kaya niyang saktan ng ganito si Preets para sa ahas na 'yon. What if i-upload ko ang video niya? Wag, baka makasuhan ako ng paninirang puri pati na rin kung anong pwedeng ikaso. Sabi pa naman ni Preets sa akin ay magaling si Raven mag baliktad ng sitwasyon.

Ipakita ko nalang kaya kay Preets? Pwede rin pero hindi muna ngayon, kailangan ko muna ayusin ang lahat at kailangan muna maayos si Preets bago niya malaman 'to. Sigurado naman ako na hindi na siya tutuloy sa kasal nila ni Kurt dahil sa nangyari.

Dumaan ako sa isang fastfood chain para mag take-out ng dinner, pati na rin bilhin ang milktea ni Preets. Dumating ako sa condo ng mas maaga pa sa inaasahan ko, ang balak ko rin kasi kanina ay mag grocery at kausapin si Kurt pero sapat na ang nakita kong ka-gaguhan nila ni Raven.

Kung hindi kaya ni Preets ipag tanggol ang sarili niya, pwes ako ang mag tatanggol sa kanya sa lahat ng umaapi sa kanya. Napangisi nalang ako sa iniisip ko, feeling hero ko naman pala. Hahaha.

Dumating ako sa condo na patay lahat ng ilaw, tinagnan ko ang kwarto kung nandon si Preets pero mabilis akong kiniliabutan dahil wala siya don. Hindi ako mapakali at mabilis na hinagis ang bag na gamit ni Preets at mabilis n denial ang phone niya, pero walang sumasagot at ring lang ng ring.

Lumabas ako ng condo at pinuntahan ang guard sa baba. "Manong nakita niyo po balumabas ang kaibigan ko?" sabay pakita ng picture ni Preets sa phone ko. "Ito po itsura" dagdag ko pa.

Tinignan niya naman ng mabuti at tinignan ang Log book na na sa gilid niya, "Maam kayo po ba ang bagong nakatira sa condo ni Sir Aizen?" tumango naman ako agad.

"May pumunta po na sasakyan kanina dito, dalawang matanda po ang sakay." Sabay pakita ng log book niya sa akin. "Si Mr and Mrs. Martias po ang matanda na pumunta, pag labas po nila ay may kasama na po nila 'yong babae na hinahanap niyo." Sabi niya pa bago pakita na rin ng number.

"Ito po ang contact na binigay po bago umalis, try niyo poi dial."

"Salamat manong!" tumango ako at pasa-salamat kong sabi at mabilis na denial ang cellphone number na . ilang ring lang nito ay may mabilis na sinagot.

"Good evening po, ako po si Leah kaibigan ni Preets.---"

"Oh, its you! Pabalik na kami, kumain lang kami sa labas kanina. Balak k asana naming tawagan para sumabay na sa amin pero hindi naming ma-contact ang phone mo." Sabi sa kabilang linya, halata naman na may katandaan na ang boses dahil sa tono ng pananalita niya.

"10 mins nandyan na kami, kasama na rin naming si Preets don't worry. Btw, kilala mo naman kami right?"

"Opo, kayo po ang parents ni Kurt Martias," na hayop na manloloko.

"Wag ka na mag alala, maayos si Preets." Pinatay naman naming ang tawag ng sabihin na paliko nalang sila papunta sa guard.

"Manong, sa susunod po pwede pag hindi po ako sumagot ng tawag ay wag niyo po hahayaan na lumabas ang kaibigan ko. Salamat po, pasensya na po sa abala." Sabi ko sa guard na nag kamot ng noo.

"Pasensya na rin po maam, hindi nap o mauulit." Tumango naman ako at nanghingi ng pasensya. Wala naman silang kasalanan dahil wala naman silang alam.

Muli kong na isip ang video na meron ako, sasabihin ko ba o itatago nalang,

Muna?