Chereads / Dating the CEO / Chapter 1 - Prologue

Dating the CEO

MasterMistyy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 29.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Busy ako sa paghahanda ng hapunan nang maagaw ang atensyon ko ng malakas na pagbagsak ng pinto. Inuluwa nito ang lalaki na hubad ang pang itaas at kita ang bundat na tiyan at laylay na taba ng braso.  Naglakad ito ng pagewang-gewang papunta sa kusina kung saan ako nagluluto ng noodles na ulam namin ngayong gabi.

"A, Tay! Andiyan na ho pala kayo. Gusto niyo na po ba kumain? Umupo lang po muna kayo riyan sa sala, ipaghahanda ko kayo ng bagong luto na noodles." Inalalayan ko si tatay maka-upo sa sala nang hawakan niya ang bewang ko.

"Pa'no ba 'yan, ikaw ang gusto kong kainin ngayong gabi,Shaye," naka-ngisi nitong bulong sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit na hininga ni tatay at ang amoy ng gin na hinaluan ng pulutan na maasim.

Buong pwersa kong itinulak ang kahoy na upuang sinasandalan ng tatay ko na naging dahilan para makalas ang pagkakahawak niya sa maliit kong bewang.

"E, Tay, lasing lang ho kayo. Mabuti pa, paghahandaan ko na lang kayo ng mainit na noodles para mahimasmasan kayo."

Nang wala akong narinig na sagot ay nagpatuloy ako sa pagsandok ng kumukulong sabaw ng noodles.

Maya-maya pa, naramdaman ko ang pagpulupot ng matatabang braso sa tiyan ko at ang mainik na halik sa pawisan kong leeg.

"Ang bango mo pa rin kahit pawisan ka, Shaye." Maririnig ang kalaswaan sa boses ni tatay habang nuaglalakbay ang dalawa niyang kamay sa katawan ko.

"Piste ka talagang bata ka!" Pwersahan niya akong pinaharap sa kaniya nang mabagsakan siya ng plastic na platito kasama ang mainit na sabaw nito sa paa.

Rinig ang paglagapak ng pisngi ko sa buong kusina nang sampalin ako ni tatay. Nanginginig akong tumayo at tumingin sa kaniya na may halong takot ang mga mata.

Itinulak niya ako sa kalan na naging dahilan para masagi ko ang kaserolang may laman na noodles paalis sa kinalalagyan nito at mapaso ang aking siko.

"Tay, hindi ko po sinasadya. Sorry po! Sorry po!" Hinila niya ang kamay kong nakataas saka kinaladkad papunta sa madilim na kwarto. Nasa sala at kusina ang lampara kaya kunting liwanag lang ang makikita rito sa kwarto.

Ibinato niya ako sa kutson ng katre. Tatayo na sana ako no'ng hindi ko maramdaman ang presensya niya nang biglang may aninong pumatong sa akin.

Walang nagawa ang pagpupumiglas ko dahil sa pagkakahawak niya sa dalawang braso na nasa itaas ng ulo ko. Mapusok at mainit ang paghalik niya sa'kin, pati ang mainit niyang palad na nilalakbay ang katawan ko.

Walang katapusan ang pag-agos ng luha ko nang may makita akong usok sa nakauwang na pinto ng kuwarto. Maya-maya pa, narinig ko ang boses ng mga tao.

"May sunog! Kumuha kayo ng tubig, bilis!"

"Kuya Dodong! Shaina! Nandiyan ba kayo sa loob? Nasusunog ang bahay niyo!" Takot at pagpapanic ang maririnig sa boses ni Aling Pasing.

"Naku, mga kapitbahay! Wala yata ang mag-ama. Mabuti pa, magtulong-tulong na tayong patayin ang apoy!"

Lahat nang 'yon ay siguradong narinig ng sarili kong tatay pero sadyang hayok na hayok siyang magpa-init ng katawan.

Nakita ko ang babasaging vase na may lamang abo ni nanay. Bago pa man niya maipasok ang batuta niya, hinampas ko ang vase sa ulo niya.

"Tangina kang bata ka!" Sinabutan niya ako ngunit nang makatapat kami sa pinto ng kwarto na nasusunog ay nabitawan niya ang buhok ko.

Tinulak ko siya sa nasusunog na sala. Nang tangkain niyang hilain ang paa ko gamit ang nasusunog niyang braso ay inihipan ko siya sa mata ng abo ni nanay na naging dahilan para mapuwing siya.

"Tangina ka, Shaye! Makakatakbo ka sa'kin pero hindi ka makakapagtago!"

Nagising ako ng hingal na hingal sa loob ng madilim na kuwarto kasama ang anak ko, si Adrian. Napaiyak na lamang ako nang maalala ang bangungot ng kahapon.

Kailan ba 'ko titigilan ng punyetang demonyo na 'yon?

Alas tres pa lang ng umaga, ayaw kong magising ang anak ko dahil lang sa ka-dramahan ng nanay niya.

Nanatili akong nakatitig sa puting kisame ng kwarto bago ko maramdaman ang unti-unting pagsara ng talukap ng mata ko dahil sa kaantukan.