"Sorry, Ija, puno na kami, e."
"`Yan ba? Matagal na kaming may nakuha, hindi lang namin natanggal ang naka-paskil."
"Are you sure that you're qualified for this kind of job?"
"Sige, tatawagan ka na lang namin."
"Sorry, sa iba ka na lang mag-apply, hindi ka namin kailangan dito."
"Highschool lang natapos mo? Ano namang maitutulong mo rito?"
Sinipa ko ang maliit na bato dito sa gilid ng kalsada. Alas dos na ng hapon pero hindi pa rin ako natatanggap sa kahit na anong trabaho na pinag-apply-an ko.
Ang layo ko na rin sa bahay ni Aizel, isang sakay pa ng jeep bago ako makabalik. Ayoko ring mabawasan ang isang daang dala ko. Bakit ba kasi hindi ko kinuha 'yong pera kagabi no'ng naglinis ako ng cr? Psh.
Narinig ko ang pagkulo ng gutom kong tiyan nang madaanan ko ang stall na nagtitinda ng kwek kwek. Paborito ko 'yon pero kailangan kong magtipid.
Nananakit na ang mga paa ko kakalakad. Mula paglabas ko kasi sa kanto na tinitirahan ni Aizel, sinundan ko na ang sunod-sunod na flyer na naka-dikit sa mga poste. Wanted-wanted pa kayo riyan, hindi niyo naman ako tinatanggap!
Hayyyy, buhay! Sana tulad ng mga movies, may makababangga sa'king lalaki habang naglalakad kami tapos mahuhulog ko 'tong requirements na dala ko like, resume, birth certificate, diploma, etc. tapos sabay naming pupulutin tapos magkakahawak kami ng kam—"AY, PUTANGINAMO!"
Sinipa ko ang kotse na muntik nang maka-bunggo sa'kin. Hindi ba 'to tumitingin sa daanan? Baka may katawagang jowa habang nag-dri-drive? Mahigpit na pinagbabawal 'yon, a? Por que mayaman siya, basta-basta na lang niya lalabagin ang batas? Aba, hindi totoong para sa mayayaman lang ang kalayaan!
Napaatras ako nang mapagtantong nasa gitna pala ako ng daanan ng mga sasakyan na bawal tawiran. Pinulot ko ang nakita kong pinaka-malapit na bato saka inihagis sa windshield ng sasakyan, pinatama ko kung saan naka-pwesto ang driver. Lintik lang ang walang ganti!
Mabilis pa sa pang-iiwan ng ex ko ang pagtakbo ko nang makita ko ang pagbukas ng pinto ng saksakyan. Halos matalisod pa ko sa pagtakbo, nakita ko sa peripheral vision ko ang pagka-hulog ng isa sa mga papel na hawak ko sa loob ng folder pero hindi ko na pinansin dahil baka maabutan pa 'ko ng driver, patay ako.
Hingal na hingal akong huminto sa lugawan na ilang kanto pa ang layo sa bahay nila Aizel. Lalo tuloy akong nauhaw nang tinignan ko ang malalamig na softdrinks sa loob ng cooler. Binasa-basa ko pa ang labi ko saka lumunok sa nanunuyong lalamunan. Pwede naman sigurong makihingi na lang ng tubig dito? Ganoon sa amin, e.
"Ate, pwede po bang maki-hingi ng isang basong tubig? Uhaw na uhaw na po kasi ako kaso wala akong pera pambili."
Hinaluan ko ng acting skills ko no'ng kausapin ko ang babaeng naghuhugas ng mga pinagkainan sa likod ng container ng tubig.
Totoo naman 'yong sinasabi ko pero gaya nga ng sabi nila, "Wala nang libre ngayon" kaya imposibleng bigyan nila ako ng tubig kung hindi naman ako ka-awa-awa.
Inabot niya sa'kin ang basang baso na kaka-hugas niya pa lang. Inamoy ko ang baso bago lagyan ng tubig, baka kasi amoy sabon pa. Ang arte ko naman, ako na nga lang nakikihingi, e.
"Maayos ako maghugas. Ngayon, bilisan mo nang uminom diyan kung ayaw mong parehas tayong mapalayas dito ng may-ari."
Rinig na rinig ang bawat paglagok ko ng tubig. Hindi naman halatang uhaw na uhaw ako—sa pagmamahal mo! Jok.
Nagpasalamat ako sa babaeng taga-hugas at napag-desisyonan nang maglakad pauwi habang nag-i-imagine ng scenes kung saan, mayaman na kami ni Adrian at may sariling bahay. Kung gano'n lang din kami ka-yaman, hindi ako maga-atubili sabihing, "Ang sarap mabuhay".
"Mama, naka-balik ka na! May trabaho ka na po ba? Sabi po kasi ni Tita Aizel, may trabaho ka na raw po pagbalik mo." Mahihimigan ang paglalambing sa boses ni Adrian habang yakap-yakap ako.
Hinimas ko ang likod niyang may towel saka bumuntong-hininga.
"Wala pa Anak, e. Bumalik lang si mama para kumain, kumukulo na kasi ang tiyan ni mama baka kinakain na ng bulate ang bituka," pagbibiro ko. Pero sa halip na maka-receive ng tawa kay Adrian ay nag-aalalang titig lang itinugon nito.
"Ikaw talaga, ang corny ng mga joke mo! Halika na, inihanda ko na ang pagkakainan mo kanina jabang wala ka pa." Pakikisali ni Aizel sa usapan na naka-suot pa ng plain green na apron. Chef na chef ang peg, a?
Pinatulog na ni Aizel si Adrian habang tinatapos ko ang pagkain mag-isa sa square na lamesa. Nang makabalik siya ay umupo siya sa harap ko at kinumusta ang pag-a-apply ko kaya naisipan kong i-kwento 'yong pambabato ko ng bato sa kotse na naging dahilan para makatanggap ako ng isang malakas na batok galing sa kaniya.
Babae ba talaga 'to? Parang wala man lang kahinhinan sa katawan, grabe kung maka-batok! Pero okay lang, parehas naman kaming hindi mahinhin.
"Bobo ka ba? Paano kung ipa-blotter ka no'n? Minsan talaga, utak mo may ubo!"
Ouch, ha? Ouch. Grabe maka-lait 'tong bruhildang 'to. Hindi mo lang tanggap na mas maganda ako, tse! Inirapan ko siya't tinalikuran para ilagay ang plato sa lababo. Nag-flip hair pa ako na lalong kinainis niya. Sayang naman ang long and shiny hair ko kung hindi ko i-fe-flex.
"Siya nga pala, may wanted-wanted thing na naka-paskil diyan sa kabilang village. Try mo, baka matanggap ka na. Hirap nang may palamunin dito sa bahay, charot! I love you!"
"So, sinasabi mong palamunin kami, ha?" Umuusok ang mga butas ng ilong ko no'ng tanungin ko siya.
"Alam mo 'yong joke? Psh, diyan ka na nga! Inayos ko na pala ulit 'yong requirements mo, tingin ko kaya hindi ka nakukuha dahil wala ka naman dalang diploma."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? Anong sinasabi niya? Dala-dala ko 'yon, e! Ayt, baka 'yon 'yong nahulog kanina habang tumatakbo ako.
Makakahinga na sana ako nang maluwag kaso biglang sumabit sa utak ko na paano kung 'yong driver pala naka-pulot ng diploma ko tapos ipa-blotter niya talaga ako tulad no'ng sinabi ni Aizel? Aaahhhh! Putanginang buhay 'to. Tanginamo ulit, Satanas!
"Matatanggap ako, hindi ako matatanggap, matatanggap ako, hindi ako mata—" Nahinto ang pagpipitas ko ng petals ng bulaklak nang harangin ako ng guard. Shit, bawal nga pala magkalat!
"Ma'am, private village po 'to. Pwede ko bang malaman kung anong sadya niyo?" Bumuntong-hininga ako, hindi dahil sa bigat ng pakiramdam, kun'di dahil na-relieved ako. Akala ko kasi sa kulungan na ang diretso ko.
"Nakita ko po kasi 'yong nakapaskil doon sa ika-apat na poste mula rito 'yong hiring ng yaya. Pwede pa po ba mag-apply?"
Mukha namang mabait si Kuyang Guard, sana nga lang pwede pa mag-apply. Papakalbo ako 'pag hindi pa 'ko natanggap, charot! Ayoko magmukhang may cancer. Cancer na nga sa lipunan, e.
"Ah, yes po, Ma'am! Diretsuhin niyo lang po 'yan tapos liko ka 'pag nakita mo na 'yong street ng cherry. Sa ika-lawang bahay, nandoon na ang bahay ni Mr. Tarranza. Goodluck pala Ma'am, marami-rami na rin po kasing umuwi na bagsak ang mga balikat." Sumaludo ako kay Kuyang Guard saka magsiglang naglakad papasok sa village.
Halos kalahating oras din akong naglakad bago ko makita 'yong street ng cherry. Kung anong sigla ko kanina pagpasok, siya ring tamlay ko ngayon. Nauubusan na 'ko ng energy.
Bumungad sa'kin ang napaka-habang pila mula sa unang malaking bahay hanggang sa pangalawang beige na kulay ng bahay.
Ang iba'y naka-simangot palabas ng street, pero karamihan ay mukhang kinikilig. Eh? Anong klaseng interview ba ginagawa nila roon? Tch, nakakapag-pabagabag ang mga kinikilos nila, a?
Mabuti na lang at ako ang nasa pinaka-dulo ng pila kaya nakakapag-muni-muni ako habang naghihintay sa turn ko. Ang tagal naman kasi nila, grabeng pagbubusisi naman ang ginagawa no'n? Baka istrikto? Aww, men! Wala akong pag-asa.
"Ano ba? Wala na bang mas titino pa? Tch, mga wala kayong kwenta!" galit ang tinig ng pagsigaw ng lalaki mula sa loob ng garahe, grabe ka naman zer, g na g.
Mangiyak-ngiyak din ang babaeng huling pumasok. Sinong hindi maiiyak kung sigawan ka ng gano'n tapos tawagin ka pang walang kwenta? Psh.
Agad akong sumulpot sa harap ng lalaking naka-white na sando habang hinihimas niya ang nananakit na sintido. Wow, stressful nga.
Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya nang masilayan ako. Eh? Parang manyak na gwapo—pero manyak pa rin! Nagtama ang mga mata naman. Mayroon siyang bored na kulay chestnut brown na mga mata.
"So, it's you. Shaina Lanzaderas, right?" Tinignan ko siya ng may halong paghihinala, paano niya nalaman ang pangalan ko, e, hindi ko pa naman naipapasa 'yong requirements ko?
Lumaki ang mga mata ko nang itaas ng dalawang niyang daliri ang diploma ko. Shit! H'wag mong sabihing, siya ang may-ari no'ng binato kong sasakyan? Aish, tadhana nga naman! Tanginamo ulit, Satanas!
Saka ko lang napansin ang fountain sa likod nito at tig-dalawang kotse naman sa gilid nito. May basag ang windshield ng kotse na nasa kanan niya. Okay, nasagot na ang tanong ko. Wala na akong magagawa, nandito na ako, e.
Inilapag ko ang resume at iba pang requirements sa harap niya na pinagkatitigan niya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Iba talaga bumawi ang karma, pota.
"So, you're Shaina Lanzaderas, 24, black hair, brown eyes, are you sure?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Sinasabi niya bang hindi ko kilala ang sarili ko?
"Yes naman, Sir! Kilala ko ang sarili ko kaya sigurado ako sa mga nakalagay riyan." Taas-noo kong pagsagot. Dzuh, ano ka ngayon? Hindi ako mapi-pipi sa gwapo mong itsura!
"Okay, if you say so. But let me tell you, it's actually amber, not brown, idiot." Ibinalik nito ang tingin sa resume pagtapos akong insultuhin. Wala bang filter bunganga nito?
"And you already got a son, am I reading this right? But you don't have a spouse, are you a single parent? Maybe he dumped you for being reckless."
Nararamdaman ko ang pag-usok ng ilong at tenga ko. Gustong-gusto ko na 'tong sapakin kung pwede lang!
"Yes, Sir. He's eight years old. And yeah, you read it right."
Hmp! Akala mo ikaw lang ang marunong mag-ingles? Pwes, ako rin! Hindi kita uurungan!
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit ng mukha niya na may halong pang-aasar.
"Kung tatanggapin kita, kaya mo bang gawin lahat nang ipapagawa ko sa 'yo?" kagat-kagat pa niya ang manipis na pang-ibabang labi. Dahil sa inaasta niya, iba ang pumasok sa utak ko.
"Gago!" Lumagapak ang soft niyang pisngi nang sampalin ko. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko pero bakit kasi siya ganoon umasta?
Agad kong hinawakan ang namumula niyang pisngi. Masakit nga talaga 'yon, bumakat 'yong daliri ko, e.
"Hala, sorry po! Hindi ko po sinasadya! Naku, patawarin sana ako ng Diyos!" Halos lahat ng santo, natawag ko na dahil sa kakabahan.
Mukhang kahit anong oras, mananapak 'to ng babae, e. Mula sa mapang-asar niyang mukha ay napalitan ng isang inis at seryosong mukha. Ito, legit na patay ako.
"Sige, tanggap ka na. Hindi dahil pasok ka sa standard ko, kun'di dahil may atraso ka sa'kin. Gusto kong dal'hin mo ang anak mo, dito kayo maninirahan dahil stay in ka. Bukas na ang simula ng trabaho mo, h'wag kang ma-la-late kung ayaw mong maparusahan."
Walang pasabi itong tumalikod matapos sabihin ang mga katagan 'yon. I really get into his nerves.
Umuwi ako sa bahay ni Aizel na may halong tuwa at kaba. Tuwa dahil may trabaho na 'ko at kaba dahil sa pagbabanta niya kanina bago umalis.
Tuwang-tuwa si Adrian no'ng i-kwento ko sa kaniya kung gaano kalaki ang bahay no'ng abnormal na 'yon. Mula sa malaking swimming pool sa harap ng main door hanggang sa batong hagdan sa labas na pwedeng daanan papunta sa second floor ng bahay. Babasagin din kasi ang salamin nila at napaka-laki ng garden.
"Ayan, ang tanga-tanga mo kasi! Grabe gumanti si karma, 'no? Lasapin mo, mukhang masarap naman 'yang bagong amo mo!"
Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko 'yong huling sinabi ni Aizel. Gusto ko mag-sorry pero paano? 'Yong napapanood ko kasing peace offering ng mayayaman sa telibisyon, e, masiyadong mamahalin din. 'Di ko afford!
Hanggang sa pagtulog ni Adrian, wala siyang ibang gustong marinig kun'di ang paglalarawan sa napaka-laking bahay ng Tarranza.
Sana maging maayos ang unang araw ng pagpasok namin doon. At mas lalong sana hindi idamay ng amo ko si Adrian sa kung anumang atraso ko sa kaniya.