Chereads / Dating the CEO / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

Kulang man sa tulog, pinilit ko pa rin ang sarili na maagang gumising para hindi kami ma-late. Kagabi pa naka-handa ang mga gamit namin ni Adrian kaya pag-aasikasong umalis na lang ang gagawin namin.

Isa pa, kaya maaga akong gumising kasi napag-isipan kong gawan ng cookies si Mr. Tarranza. Kung hindi niya tatanggapin, e di 'wag! Kami na lang kakain ni Adrian!

Mabuti na lang, kompleto sa gamit si Aizel. Iba talaga 'pag manager ng isang restaurant.

Chocolate cake ang gagawin ko. Naisipan ko ngang 'wag tamisan para advance na pambawi kung sakaling hindi makatao ang gawin niya sa'min kaso hindi ako magiging sincere no'n.

"Ang bango naman. Bakit tayo may handa? Sinong may birthday?" Kukusot-kusot pa'ng mga mata ng bagong gising na si Adrian.

Ngumiti ako't lumuhod saka hinalikan siya ng binati ng good morning. Pinaliwanag ko sa kaniya kung para saan o kanino 'yong cake na b-in-ake ko.

"Hooyyy, Shayeee! Ang tagal mo naman maligo! Naghihilod ka pa o kaya nagpapaganda sa boss mo, 'no? Bilisan mo na riyan, mali-late na 'ko lahat-lahat, hindi pa rin ako nakaliligo sa kakuparan mo!" Halos masira na ang pinto sa lakas ng paghampas ni Aizel sa kahoy na pinto ng cr.

"Oo na, ito na, lalabas na! Hindi ka marunong maghintay? Nang-wa-warshock ka talaga, e, 'no?" sigaw ko pabalik habang nagtatapis ng tuwalya, sa loob na lang ako ng kwarto magbibihis. Baka ngumawa na 'yong isa rito, e.

"Mabuti naman, tapos ka na. Akala ko pinaghahandaan mo talaga ang muli niyong pagkikita ni Mr. Boss. Malay mo, maakit mo siya sa pagkahalimuyak ng 'yong kababaihan."

Nawala ang ngising naka-guhit sa kaniyang labi nang batukan ko siya.

"Puro ka talaga ka-tarantaduhan! Pagta-trabaho ang ipupunta ko ro'n, hindi kalandian. Isa pa, kaya nga kasama ko si Adrian, 'di ba? Kasi 'pag trabaho lang, trabaho lang. Walang dapat feelings na kahalo. Ikaw kasi pinagsasabay mo, psh."

"Oo na! Psh, ang dami mong sinasabi. Halatang indenial! Makaligo na nga lang." Nagmartsa ito papunta sa cr, 'kala mo mananalo ka sa'kin ngayon? Bleh.

Pinahiram ako ni Aizel ng maleta para sa mga gamit namin. Malaking tulong na rin 'yon, baka mahirapan ako sa pagbitbit 'pag masiyadong madaming dadal'hin na bag. Tanging school bag lang ang dala ni Adrian kung saan naka-lagay ang mga damit niya. Sinama ko na rin kasi sa maleta 'yong school supplies niya lara hindi hassle.

Pasado alas otso na no'ng mag-doorbell ako sa gate ng bahay ni Mr. Tarranza. Nag-sign of the cross pa 'ko bago bumukas ang gate. Seryosong mukha ng guard ang bumungad sa'min.

"Magandang umaga po, ako po 'yong bagong katulong na natanggap kahapon," kabado-bente kong pagsisimula ng usapan.

"Tama na ang satsat, pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Ivan." Ay, ang sungit. Attitude ka, Sis? Inismiran ko siya saka nagpatuloy nang pumasok kasama si Adrian na hawak ko sa kanang kamay.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Pumasok ka na't magligpit ng gamit niyo, ipaghahanda mo pa 'ko ng almusal." Sarcastic akong ngumiti sa bagong magiging amo ko. Ang ganda mo naman bumati, sarap mong ibaon sa lupa!

Lumapit sa'min ang medyo may katandaan na matanda. Buti pa 'to si manang, mukhang approachable. Hindi tulad no'ng guard do'n sa labas pati 'yong amo niya na magka-hype. Parehas yata silang may regla. Psh.

"Ito na lang ang natitirang kwarto para sa mga katulong kaya medyo maliit pero kayo lang namang mag-ina ang tutuloy rito kaya siguro naman, okay lang 'yon?" Naka-ngiting pagbati sa'min ng matanda.

"Oo naman po, hindi naman po kami maarte. Ako nga po pala si Shaina, Shaye for short. Kayo po?" Nilahad ko ang kamay ko para makipag-kilala. Mas maganda nang may kausap ako rito paminsan-minsan 'pag wala si Adrian.

"Sinang... Sinang ang pangalan ko. O, sige na, mag-ayos ka na ng gamit niyong mag-ina. Bilin kasi sa'min ni Sir Ivan, hayaan kang ipaghanda siya ng pagkain kaya hindi kita matutulungan. Ipapakilala kita kanila Zyra pagtapos mo. Tip ko sa 'yo, dapat malutong ang pagkakaluto ng bacon at spam. Sa sunny-side-up naman, gusto niyang luto ang pula. Mauna na 'ko."

Sabi na, e! Approachable si Nanay Sinang! Sana sila Zyra din. Mahirap na 'yong may kasamahan kang sipsip.

Pinagmasdan ko ang yellow na kwarto namin ni Adrian. Pagpasok mo ng pinto, kama agad ang sasalubong sa 'yo. Katapat ng kama ang cr na may shower at sa gilid naman nito ang mataas na cabinet na naka-dikit sa dingding. May table rin sa gilid at electric fan naman sa gilid nito.

Nawala sa isip kong kasama ko pala si Adrian. Saka ko lang napansin no'ng hindi ko naramdaman ang presensya niya. Aish, naaliw ako agad!

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Adrian na papalapit sa kwarto kasunod si Sir Ivan. Mukhang trouble agad sa unang araw, a? Napa-kagat ako sa labi ko dahil sa inis.

"Sa susunod, h'wag mong hahayaang pagala-gala ang anak mo. Baka kung saan-saan 'yan mapunta." Ginugulo pa nito ang bagong suklay na buhok ni Adrian. Galit ba siya?

"Opo, Sir. Sorry po. Maghahanda na po ako ng almusal niyo, sorry po natagalan."

Preskong tumalikod ito saka bumalik sa sala kung saan siya nagbabasa ng dyaryo habang sumisimsim ng kape. Kinausap ko si Adrian na mag-stay muna sa loob ng kwarto't babalikan ko na lang siya 'pag tapos na 'ko magluto.

"Ang bait naman pala ng boss mo, Ma. Binigyan niya pa ako ng action figure na Superman, tignan mo!" Inilabas nito mula sa likod ang laruang si Superman.

"Oo naman. Pero h'wag ka na ulit pagala-gala, ha? Baka magalit 'yon, kakainin ka no'n! Mukha pa naman 'yong l—"

"Mukhang ano?" Napalingon ako mula sa pintuan nang biglang may magsalita. Huli ka balbon. I mentally slap myself. Hindi kasi nag-iingat!

"Mukhang anghel po, Sir, hehe. Diyan ka muna, Adrian, magluluto lang si Mama."

Pagkasarado na pagkasarado ko sa pinto ng kwarto, hinila ako ni Sir Ivan papalapit sa puting pader saka ikinulong habang naka-taas ang dalawang kamay ko.

Unti-unti nitong inilapit ang mukha niya, naaamoy ko na ang amoy listerine niyang hininga. Kunti na lang, maglalapat na ang mga labi namin kaya pumikit ako ng mariin. Diyos ko po! Ito na ba 'yon? Oh, my God!

Ilang sandali pa, wala pa rin akong nararamdamang malambot na labi na nakarapat sa'kin. Nang imulat ko ang mata ko, natatawang mukha niya ang nakita ko.

Pinag-ti-trip-an ako nitong kumag na 'to, a! Aish, bayagan ko 'to! Nakakahiya! Inakala ko bang hahalikan niya 'ko? Waaaah!

"Akala ko ba, mukha akong anghel? Bakit mukha kang natatakot kanina?"

Tinadyakan ko ang paa niya saka nagtungo sa kusina para maghanda ng almusal. Punyetang lalaki 'yon, pinaasa ako! Akala mo naman ang gwapo-gwapo!

Hindi na naalis sa utak ko ang nakaririndi niyang halakhak. Grrr, mabilaunan ka sana! O kaya makidlatan ka paglabas mo!

Naka-simangot ako't may matatalim na tingin habang nagluluto. Lagyan ko kaya 'to ng lason? Nakaka-irita.

Rumeplika sa mga mata ko ang apoy ng nasusunog na kawali. Hindi ako naka-galaw sa nakita ko. Nasusunog ang kawali! Ang taas ng apoy. Anong gagawin ko?

Nasusunog na bahay. Lalaking nangha-harass. Ang abo ni nanay. Lahat nang 'yon ay bumalik sa alaala ko't wala akong nagawa kun'di ang maupo sa sulok ng kusina habang umiiyak.

Nakita ko ang lalaking nagpa-panic na tumakbo papalapit sa kusina. Agad-agad nitong hinubad ang sandong suot at binasa saka inilagay sa kawaling nasusunog.

Hindi ako agad makapag-react ng yakapin niya ako. Hindi ko man gusto, walang hinto ang pagtulo ng luha ko't hindi ko mapigilan.

"Ayos ka lang ba? Napaso ka ba? Hoy, magsalita ka naman," walang hinto ang pagsasalita ni Sir Ivan habang ch-in-eck ang katawan ko.

Napako ang mga mata niya sa balat ng siko ko na nasunog noon. Dahan-dahan niya 'tong tr-in-ace habang malamlam na naka-tingin sa'kin.

Nang mapansin niyang kumalma na ako, tumayo siya't pumunta sa lababo ng kusina.

"Ang sabi ko, "ipagluto mo 'ko". Hindi, "sunugin mo ang kusina ko". Pwede ka na lumayas, ipapahatid ko na sa labas ng gate ang maleta mo." Lumabas na 'to sa kusina, hindi alintana ang iba pang katulong na nanonood.

Maya-maya pa, pumasok na ang guard na naka-salubong ko kanina lang. Parang bata akong naglumpasay habang bitbit-bitbit ako ng guard sa siko.

"Hindi pwedeeee! Kailangan ko ng trabaho! Paano na lang ang anak ko? Teka... teka lang kasi Manong Guard! 'Yong anak ko, nasa loob pa!" Nagmistulang bingi ito, hindi man lang niya pinansin ang mga pinagsasabi ko.

Pabagsak nitong sinarado ang gate sa pagmumukha ko. Bwisit naman! 'Yong anak ko, nasa loob pa!

Hinampas-hampas ko ang gate habang sumisigaw. Hindi ba nila ako naririnig? O kaya ni Adrian man lang? Baka naman dinemonyo siya no'ng Ivan na halimaw na 'yon?

Umatras ako hanggang sa gitna ng kalsada para silipin ang salamin na pader. Doon ko nakita ang naka-talikod na lalaki—na may maliit na lalaki sa balikat? Si Adrian ba 'yon? Wari ko, kandong-kandong ni Ivan si Adrian. Baka kung anong gawin no'n!

Tumakbo ulit ako papalapit sa gate at nagsimula muling magkalabog. Napadako ang tingin ko sa CCTV sa taas ng bobong ng gate. Kumaway-kaway pa ako rito, baka may makapansin, papasukin ako.

Lalo pang dumilim ang paligid kahit maaga pa. Tumitig ako sa langit na maulap, nagsimula na naman akong sumigaw.

"Lord! Bakit naman gan'to? Naging mabait naman ako no'ng bata pa 'ko, a? Lord, patayin niyo na po lahat ng masasama rito sa Pilipinas!" Napatigil ako sa sinabi ko. Kung papatayin ang masasama rito, e di ako na ang mauuna?

"Binabawi ko na po, Lord! Unahin niyo na po 'yong nagpalayas sa'kin tapos nag-kidnap sa anak ko!"

Tanghali na rin no'ng tumigil ako sa pagwawala. Kung ayaw nila ako papasukin, ako ang gagawa ng paraan para makapasok. Kailangan kong mabawi ang anak ko, mga hangal!

Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ko ang mas mababang bakod ng garden kaysa sa gate. Akala mo, Ivan, ha? Matalino yata 'to!

Inuna kong itapon ang mabigat na maleta. Feeling ko nagka-muscle ako sa bigat, psh. Mabuti na lang at siksik 'yon kaya hindi matunog no'ng bumagsak. Lalo na't damo naman ang binagsakan. Grabe, feeling ko, napakagaling kong magnanakaw.

"Hay! Nakapasok din!" Buntong hininga kong pagkakasabi habang pinapagpag ang nadumihan ng lupang mga kamay.

Napa-atras ako matapos kong umikot para makita ang view ng bahay. Nang tumalikod ako sa inakyat kong bakod, nakita ko ang nakatayong si Sir Ivan habang nakatitig sa'kin ng matalim. Mas ikinabigla ko ang sumunod na ginawa niya...

"Ahhh! Putangina, tulong! Hindi ako marunong lumangoy!" Pilit akong tumatalon sa malalim na pool kung saan niya ako tinulak. Demonyo talaga 'to!

Laking pasalamat ko nang may naramdaman akong dumampot sa damit ko. Grabe naman 'to! Hindi nga ako nalunod, namatay naman ako dahul sa pagkakasakal!

"Easy lang, hindi rin ako makahinga, nasasakal ako!" maubo-ubo kong pagpupumiglas.

"Ilang beses ko na ba sinabi sa 'yong, lumayas ka na?" Masisilayan ang ngisi at pang-aasar sa tono ng boses ni Ivan.

"Ibalik mo muna ang anak ko! Nasaan na ba 'yon? Adrian? Adrian! Adrian, nandito na si mama! Sinaktan ka ba ng baliw na 'to?" Kahit anong sigaw ang gawin ko, hindi ko man lang nakita kahit anino ni Adrian. Hindi kaya—

"Halimaw ka! Anong ginawa mo sa anak ko? Wala kang awa! Paano mo naaatim pumatay ng tao? Tatawag ako ng pulis!"

Tanging halakhak lang ang naging tugon ng guard at ni Ivan. Mga baliw na nga sila, baka ako na ang isunod nila.

"Tingin mo, ano'ng kabayaran ng mga pinaggagawa mo sa'kin?" May halong pagbabanta ang pagkakasabi ni Ivan.

Nanlaki ang mata ko sa narinig, agad akong lumuhod sa harap niya kahit pa nasasakal ako sa pagkakahawak ng guard sa kwelyo ko.

"Sorry, hindi ko naman—oo, baka nga sinasadya ko. Ikaw kasi, basta-basta nambubunggo! Sorry na!"

He made no response and let the guard throw me away from his house. Merciless!

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang magsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Binalewala niya ang sorry ko tapos ngayon, nandito na lang ako sa labas ng gate niya.

Naisipan ko na ring umuwi kay Aizel kanina kaso hindi ako pwedeng umuwi nang hindi kasama si Adrian kaya napabalik ako.

Naalala ko rin ang pagyakap ni Ivan kanina habang naka-exposed ang abs niya. Parang totoo 'yong concern niya kanina kaso bigla akong pinalayas. Panira!

Hinayaan kong mabasa ako ng ulan buong gabi. Isa lang ang naisip ko, "hindi ako aalis nang wala si Adrian sa tabi ko".