Chereads / Dating the CEO / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Tinignan ko ang apat na basket na nasa harap ko. Ang tatangkad naman nito! Bakit kasi hindi na lang ako manalo sa lotto nang hindi ako naghihirap? E, paano nga naman ako mananalo kung hindi naman ako tumataya? Aish.

"Ate, ito pa, oh. Salamat!" Ibinagsak ni Nika ang isa pang itim na mahabang basket sa harap ko.

Mabuti na lang, maaga akong pumasok. Hindi ko aasahan na gan'to pala karami ang nilalabhan ni Aling Minda. Ako kasi muna ang pumalit sa kaniya sa paglalaba rito sa subdivision ng amo niya.

Mabuti pa ang matandang 'yon, tamang pagala-gala na lang 'pag niyaya ng anak. Aywan ko ba kung bakit pa siya naglalabada, nakapagtapos naman ng culinary arts ang nag-iisang anak niya.

Ipinaghiwalay ko na ang puti sa de-kolor, baka magkupas, lagot na. Mukha pa man ding mamahalin ang brand ng mga damit na 'to. Baka nga pang ilang araw na pang-kain na namin ni Adrian 'tong mga 'to, e.

Mabuti na rin at diretso banlaw na ang washing machine nila kaya makapaghahanda pa 'ko ng almusal. Alam mo na, mas maraming trabaho, mas maraming kita.

Malaki ang bahay ng mga Hernandez pero wala silang ni isang yaya man lang dito. Kwento sa'kin ni Aling Minda, labandera at taga-plantsa lang daw ang kailangan nila rito. Marunong naman daw kasi maglinis ang apat na anak at ang nanay naman ang taga-luto.

'Yon nga lang, t-in-ext ako ni Ma'am Jillian na ako muna ang magluto dahil tinatamad siya, babayaran niya naman daw ako kaya bakit hindi? Easy money, charot!

"Baby, you light up my whole world like nobody else!" Napapaindak pa ako habang pinagsasabay ang pagkanta at pagluluto.

Sabi kasi ng matatanda, 'pag kinantahan mo raw 'yong pagkain na niluluto mo, lalong sasarap. E, talaga namang masarap 'to dahil spam at sausages ang niluluto ko.

"The way that you flip your hair gets me—ayy, kabayong walang buhok!" Muntik ko nang maihampas ang metal na sandok na hawak ko sa taong nanggulat sa'kin mula sa likod.

"Ano ba 'yan, Sir! Bakit ka ba basta-basta nangingiliti riyan? Muntik na tuloy kitang mahampas!"

"Hindi ko naman alam na magugulatin ka pala, Shaina. Teka, malapit ka na ba matapos diyan? Sabayan mo na kami sa hapag kainan." Abot tenga ang ngiti nito nang paanyayaan ako. Masaya ka beh? Ako, hindi. Madami pa 'kong gagawin, e.

"A, hindi na po. Saka na lang po ako kakain 'pag tapos na kayo." Kinamot ko pa ang batok ko sa hiya, bakit naman niya ako yayayain? Labandera lang naman ako rito.

"E di hayaan mo na lang akong tulungan ka magluto rito."

Model yata 'to ng sikat na toothpaste, e. Ang ganda ng ngipin, ang puputi pa! Kumusta naman kaya ang hininga? Chour!

Naramdaman ko ang pag-init ng kapaligiran nang magdikit ang mga katawan namin. Dumampi rin ang palad niya sa likod ng kamay ko nang kuhanin niya ang sandok na ginagamit ko panghalo.

Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa gilid ng pisngi ko. I-kiss niya na lang kaya ako? Charot, ang harot Shaye, a? Sabunutan kita!

Medyo inilayo ko ang mukha ko sa kaniya para magkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan ang maganda niyang mukha. Ang tangos ng ilong niya kaso kirat. Pero 'yong mga labi niya, hugis puso!

Inihilig ko ang ulo ko pabalik sa kalan kung saan nakatuon ang atensyon niya. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang hinahalo ang sausages.

"Tama na 'to. Ayaw kasi nila Mommy 'yong overcooked." Kinuha nito ang nakahandang platito na nasa mesa.

Sayang naman, nage-enjoy pa nga ako sa posisyon namin kanina, e. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata, nandito ako para magtrabaho, hindi para lumandi!

Jusmiyo naman, Shaye! May anak ka na, o? Bakit humaharot ka pa? Hindi ka ba nahihiya? Maski ang konsensya ko, hindi sang-ayon sa kaharutan ko, tch.

"Shaina? Shaina!" Agad na napukaw ang atensyon ko sa pag-snap niya sa harap ko.

"Ang sabi ko, niyayaya ka na rin nila Mommy na samahan kami sa almusal. Mas maganda na raw 'yong makakapag-simula ka na agad pagtapos nating kumain saka bakit ba tulala ka riyan?"

Tanging iling lang ang sagot ko saka umiwas sa nakatayong pigura nito. Hmp, ang gwapo mo kasi kaya natutulala ako!

Kumuha ako ng mga plato para maghanda ng plato sa mahabang mesa na nasa loob. Nasa labas kasi ang kusina nila kung nasaan 'yong kwarto na pwede pagpahingahan ng mga nagta-trabaho rito. Kaharap ng kusina ang pulang gate na may dalawang kotse na naka-park habang nasa gilid naman ng kusina ang stock room.

Nanlaki ang bilugan kong mata kasabay ng pag-init ng pisngi ko at ang temperatura na bumabalot sa kusina. Tinignan ko ang magkahawak na kamay namin, hinila ko ang kamay ko pero masiyadong mahigpit ang pagkakahawak nito. Jowa kita, beh? Tch.

"O, andiyan na pala kayo!" Naka-ngiting bungad ni Mrs. Hernandez habang naka-tingin sa magkahawak naming kamay. Sa pangalawang pagkakataon, hinila ko ang kamay ko. Mabuti naman at pinakawalan na niya.

"Ija, tell us something about you." Palipat-lipat pa ang tingin niya sa'min ng anak niya.

Unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng kamay ko, parang bumaliktad din ang sikmura ko. Hindi ako sanay mag-introduce ng sarili ko. Like, anong sasabihin ko? 'Yong tungkol sa impyernong nakaraan ko? Ano bang gusto nilang malaman? Wala namang interesting sa buhay ko maliban kay Adrian—ah, tama! Si Adrian na lang.

"Ah, m-may anak ho akong w-walong taong g-gulang, hehe," nangangatal ang boses ko nang magsalita ako. Tumikhim ako para medyo mabawasan ang panginginig ng bibig ko.

Napansin ko ang pagbagsak ng balikat ng mag-ina. Ano bang inaasahan nilang introduksyon na gagawin ko? 'Yong pang-school na sasabihin kung anong pangalan, edad, at mga hobbies? Aish, bakit kasi hindi nila sinabi.

"So, may asawa ka na?" Napa-kunot ang noo ko sa malamig na pagkakasabi ng anak ni Mrs. Hernandez. May sinabi ba 'ko? Ang sabi ko lang, may anak ko, dzuh.

Naghihintay ng sagot ang dalawang pares ng mga matang naka-tingin sa'kin. Tanging iling lang ang naisagot ko dahil titip ang bibig ko para sumagot. Itinuon ko na lang sa mabilis na pagkain ang atensyon ko.

Nagmistulang sementeryo ang hapag-kainan nang sandaling 'yon dahil sa katahimikan at tila patay ang mga kasama ko dahil walang buhay sila kung tapunan nila ako ng tingin.

Nang matapos na kami kumain, ako na ang nag-insist na maglinis ng lamesa, si Angel daw kasi ang naka-atas para sa hugasin ngayon.

Maski ang kanina pang ngi-ngiti-ngiting si Angel ay hindi ako pinapansin. May nagawa ba akong mali? Aish! Parang kanina lang, ang warm ng pakikitungo nila sa'kin tapos ngayon... never mind.

Wala naman talaga akong karapatang magreklamo dahil paglalaba ang ipinunta ko rito, pero hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa inaasta nila. Parang may atraso ako sa kanila. Tch.

Nagpaka-busy na lang ako sa pagkukusot ng mga undergarments. Halos masuka ako sa huli kong nadukot mula sa mabulang tubig ng planggana.

Kadiri naman 'to! Aish, sinong magmamay-ari ng gan'to kadugyot? Eww, yuck! Disgusting!

Paano ba naman, may dugo dugo pa 'yong panty na nakuha ko! Pwede namang kusutan tapos 'pag natuyo na, saka ilagay sa labahan. Kadiri naman 'yong ibabalandra mo lang 'yong dinuguan mo sa maglalaba ng damit mo.

Pinihit ko pabukas ang gripo saka hinayaang mabanlawan ang panty na duguan. Kung may buhay siguro 'to, baka namatay na agad.

Ika-apat na ng hapon ako natapos sa paglalabada. Inabutan ako ni Mrs. Hernandez ng 700 nang hindi man lang nagsayang ng laway para kausapin pa ako.

Pinag-isipan ko kung pupunta pa 'ko kay Aizel na pansamantalang inaalagaan si Adrian. Napagpasiyahan kong dumiretso na lang sa address na s-in-end ni Aizel kung saan siya nagta-trabaho.

Maayos na'ng maaga, 'wag lang ma-late, dzuh. Saka kailangan ko munang kilalanin 'yong iba kong makakasama pansamatala para naman hindi ako mahirapan makipag-communicate.

"Hi! Ikaw ba 'yong sinasabi ni Aizel na pansamantalang papalit bilang janitor?" Daig pa ako sa sobrang hinhin nito magsalita, pustahan bakla 'to.

"Yuck, Shaye! Bakit ang judgemental mo? Buti nga magaan pakikitungo niyan sa 'yo, 'di tulad ng mga Hernandez!" suway ng konsensya ko, tama nga naman. Psh.

Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko saka inilahad ang magaspang na palad, "Ako nga po. Shaina—not Shaina Magdayao—but, Shaina Lanzaderas at your service, Sir!" masiglang pagpapakilala ko.

Makikita ang bagang niya sa paghalakhak ng lalaking may mahinhin na boses sa harap ko. Sa tingin ko naman ay tinanggap niya ng buong puso ang pagpapakilala ko sabay ng pagtanggap niya ng magaspang na palad ko dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin binabatawan ang kamay ko kaka-handshake.

Saka niya lang binitawan ang kamay ko nang akbayan niya ko papunta sa powder room ng restaurant.

"It's nice meeting you, Shaina but no need to call me Sir, mas bet ko ang Ma'am! Charot lang, gaga! Pamilya na ang turingan naming mga empleyado rito pero syempre, hindi mawawala ang respeto para sa isa't isa."

Ang saya naman dito! Alam kong siya pa lang ang nakakasalamuha ko pero na-fi-feel kong mabait ang iba pang nagta-trabaho rito base sa pag-de-describe niya.

"Maraming salamat po, pwede na po ba ako magsimula?"

Pagtapos namin magbiruan, tinawag niya ang lalaking payat na matangkad at may mahabang bangs na tumatakip sa mata niya. Ang emo naman nito. E-boy yata 'to.

"Nandito 'yong mga gamit na panglinis. Katatapos ko lang maglinis ng mga cr, magsisimula nang mapuno 'to maya-maya lang kaya mas maganda kung sisimulan mo nang mag-mop. Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako doon sa staff room." Tama nga ang hinala ko, e-boy 'to! Ni wala nga man lang ka-emo-emosyon 'yong tono ng pagsasalita niya.

Hindi nga nagkamali 'yong lalaking mapayat, matapos ko kasing mag-mop ay sunod-sunod na ang pagpasok ng mga costumer. Ang iba ay magkasintahan ang iba naman ay magto-tropa na parang mag-ce-celebrate.

"Harry, sino siya? Saka bakit kayo magkatabi sa kama—nang hubad?! A-akala ko ba, ako lang? Bakit? Hindi ba ako sapat, ha, Harry? Sabihin mo! Sabihin mo kung anong kulang sa'kin!" Uminit ang sulok ng aking mga mata at tumulo ang nagbabadyang mga luha.

Grabe ka, Harry Styles, ang sama-sama mo! Kinamumuhian kita, nagawa mong magkama ng ibang babae habang tayo pa?

Nagulat ako nang biglang may bumukas na pinto ng isa sa mga cubicle ng panlalaking cr. Agad kong pinunasan ang tumulong luha saka binitbit ang mop na dala-dala papunta sa pinto.

Tinignan ko ang kamay na nakahawak sa payat kong braso. Hinila ako nito papasok ulit sa cr saka kinulong ako sa bathroom sink.

Nalanghap ko ang hininga niyang amoy mint nang magsalita siya, "Ang galing mo naman umarte, nadala ako sa pag-iyak mo. But let me tell you, kaya rin kitang paiyakin sa sarap." Kinagat niya ang makapal at namumula niyang labi na sinabayan ng malanding tono ng pananalita niya.

Mabilis pa kay Flash ang pagkilos niya nang bigla niya akong sunggaban ng halik. Nananakit na rin ang kamay ko na dinadaganan niya sa pagkulong sa'kin.

Kinagat niya ang labi ko nang tanggihan ko ang pagpasok ng dila niya. Sadyang mapusok ang kaniyang ibinibigay na mga halik na nakapag-paalala sa'kin ng isang tao.

Nagsimula na namang bumalik kung paano ako binaboy ng isang taong minsan ko nang pinagkatiwalaan. Gustuhin ko mang gumanti pa ay 'di ko na magagawa dahil pumanaw na ang demonyong kumuha ng kinaiingatan kong handog para sana sa mapapangasawa ko.

Bumagsak ako nang mabitawan ng lalaki ang kamay ko. Nangangatog pa rin ang mga tuhod ko at walang tigil sa pag-agos ang luha ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod at humikbi, tila takot na marinig ng kung sino.

Rinig ko ang pagbagsak ng isang tao sa gilid ko pero wala akong pake. Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili sa ilalim ng sink nang may marinig akong hakbang papunta sa direksyon ko.

Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang pagdampi ng malambot na kamay sa balat ko. Nauntog pa ang ulo ko kaya medyo dumoble ang paningin ko sa lalaking nag-aalok ng kamay sa harap ko.

Nakaka-insulto man para sa kaniya pero tinabig ko pa rin ang kamay niyang nakalahad saka hinayaan ang sariling tumayo kahit medyo nahihilo pa.

Parang lasing na inayos ko ang nagusot na suot. Padabog kong pinulot ang nahulog na mop. Saka nag-martsa papunta sa pintuan.

"Ano bang problema niyo? Kanina pa kayo, a? Bakit lahat na lang kayo, ganiyan umasta tuwing may babaeng alam niyong hindi kayo kayang labanan?" Halos maubos ang natitirang hangin sa baga ko nang sumigaw ako.

"Chill, gusto ko lang sabihin na napahanga mo ako sa galing mo sa pag-arte. Gusto sana kitang imbitahang umarte para sa movie na i-sho-shoot namin." Inabot niya sa'kin ang maliit na medyo matigas na papel kung nasaan naka-print ang pangalan niya kasama ang number.

Nanginginig ang mga kamay kong pinagkatitigan ang calling card sa kamay ko. Kung tatanggapin ko 'to, anong role naman kaya ang makukuha ko?

Umalis ako sa restaurant nang hindi nagpapaalam at umuwi sa apartment na bagsak ang mga balikat.

Makikita ang matabang babae sa harap ng pinto kasama ang mga gamit—NAMIN?!

Daig pa ang venom ng ahas sa talim niyang mga tingin. Naka-crossarm pa ito habang mabagal na naglakad papalapit sa'kin.

"Maraming salamat sa wala! Ako na mismo ang naglabas ng gamit niyong mag-ina. Aba, limang buwan na kayong walang bayad dito sa bahay, a? Gaano ba kakapal 'yang pagmumukha niyo para isiping libre ang paninirahan niyo rito? Hala, sige! Bitbitin mo na 'tong mga gamit mo bago pa maabutan ng bagong maninirahan dito!"

Nasabi ko na bang napaka-malas ng buhay ko? Kung oo, pwes, uulitin ko, ANG MALAS NG BUHAY KO!

Tanginamo, satanas! Kasalanan mo 'to! Sabi ko sa 'yo, tigil-tigilan mo na 'ko't hayaang mamuhay ng payapa!

Lumuhod ako sa harap ng landlady na naka-daster, "Paki-usap, bigyan mo pa 'ko ng isang linggo, babayaran ko lahat ng utang namin na renta."

Tanging sipa lang sa mukha ang natanggap ko. Hinawakan ko ang ilong at pisnging namamanhid dahil sa lakas ng pagkakasipa niya. Hindi naman 'to soccer player o kaya kabayo pero bakit ang lakas niya manipa? Isang malaking ouch. Mas masakit pa 'to sa pang-iiwan ng ex ko kahit wala akong ex.

Iika-ika kong binitbit ang mga bag palabas ng teritoryo ng kabayong baboy na 'yon saka naghintay ng tricycle.

Kumatok ako ng tatlong beses sa puting pinto ni Aizel. Hindi raw kasi tao ang kumakatok sa pinto mo tuwing gabi 'pag hindi sumobra sa tatlong beses ang pagkatok. Wala, narinig ko lang 'yon baka kasi naniniwala si Aizel doon, e di rito ako sa labas natulog 'pag kulang?

"Bakit ka may dalang mga bag? Gago! Ang sabi mo, aalagan ko muna si Adrian, hindi rito na kayo maninirahan!" nakakarinding sigaw ni Aizel.

"Pinalayas na kami ng landlady, hindi na kasi kami nakakabayad ng upa nitong nakaraang limang buwan."

Hindi ko na sinabi kay Aizel ang nangyari sa restaurant. Idadahilan ko na lang na sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako.

Nag-panic din ako kanina no'ng 'di ko nahanap ang calling card ni Mr. Tiu. Paglipas ng oras na paghahalungkat ay sumuko na 'ko't napag-desisyunan na matulog na lang.

Marami pa namang opportunity—sana nga lang mayroon pa.