Chereads / That Predator / Chapter 10 - Chapter 7: The Prey That Hunts The Predator

Chapter 10 - Chapter 7: The Prey That Hunts The Predator

CHAPTER 7

THE PREY THAT HUNTS THE PREDATOR

TERESA'S POINT OF VIEW

Friday. January 2020

At eighteen, I never thought that I would be hunting predators themselves. One of them took both of my 9-year-old twin sisters.

That predator wasn't just talking to them online—he was abusing them, brainwashing them that sex is good, and taking advantage of their innocent and curious minds.

Back then, as a little girl, I don't have a phone. I involved myself with the children in our province—playing a fucking hide and seek in our backyard. It was fun, I was happy. My childhood was great... until Ysa died because she was raped and murdered at the age of eight.

Social media right now is a menace. The abuses online are growing nonstop and most of the victims are innocent children.

"Nak ng! Mukha kang timang, Tesa! Umuwi ka sa bahay niyo, magpalit ka. Tangina, kahit ang inosente mong tingnan ngayon, hindi ako makikipaglaro ng taya-tayaan sayo. Hindi ka na bata, naiirita ako sa ribbon mo."

Sobrang sama ng tingin ni Nico sa akin ngayon. Nasa couch siya at alam kong hindi siya natutuwa sa suot kong maikling shorts na may disenyong pambata at sa ribbon na nasa buhok ko.

Nandito na naman ako sa bahay nila kasi nasa ospital ngayon si mama at binabantayan ng mga tita ko. Walang tao sa bahay. Hindi ako mapirmi sa isang tabi. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa mga kapatid ko.

Gusto kong gumawa ng paraan, ayokong umasa lang sa mga makukupad na pulis na may hawak ng kasong 'to. Oo, pakialamera na kung pakialamera. Mahal ko ang mga kapatid ko at ayokong magaya sila sa nangyari kay Ysa noon.

"I need to catch that predator before it's too late, Nico. No one can stop me now." Ramdam ko ang pamumuo ng likido sa mga mata ko hanggang sa isa-isa na silang tumulo.

Nag-aalala siyang tumayo at dinaluhan ako, pinunasan niya ang mga luha ko. "Damn it. So, what's your plan?"

"I need your expertise in photo manipulation. Make me 10 years younger." I told him. I wiped my tears, pinigilan ko ang sarili na lumuha na naman.

"You... don't tell me..." Ngayon lang niya na-realize ang plano ko. Pinagmasdan niya ang ayos ko mula ulo hanggang paa.

Simpleng t-shirt na pink at maikling shorts ang suot ko. Naka-headband ako na may medyo malaking ribbon. Hindi ko alam kung paanong pagma-magic ang gagawin niya sa editing software na laman ng laptop niya pero alam kong kaya niya akong gawing bata sa litrato.

"I won't do it. It's dangerous, Tesa. Wala akong tiwala sa mga taong balak mong kausapin. Dalawin na lang natin ang mama mo sa hospital." Tatalikod na sana siya ngunit mabilis kong nahuli ang pulsuhan niya. Iniharap ko muli siya sa akin.

"Nico, ayokong tumunganga lang dito. I want to do something. I need to do something."

●●●

"Amputa, anong ayos 'yan, Madam Tesa? Throwback?! Putek! LT!" Sabi ni Gardo nang iluwa siya ng pintuan.

Tinatawanan ako ngayon ng mga tukmol. Ang sarap nilang pagsasapakin. Pero wala ako sa mood makipag-away ngayon.

"Shut up. Instead of making fun of me, bakit hindi niyo kaya kami tulungan?" Sabi ko sa kanila kaya't natigilan sila at biglang nagseryoso. Inaayos ko ngayon ang mga extension outlets. Si Nico naman ay kinuha ang laptop niya sa kanyang kwarto sa second floor.

Lumapit agad si Angelo sa akin at tinulungan ako. Ang tatlo ay umupo muna sa sofa. Mga tamad talaga.

Ako naman ang natigilan nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis na tumayo si Samson at pinagbuksan ang bagong dating. Isang babae... at maganda.

"Hi," bati niya, nakangiti pero medyo nahihiya.

"Uhm... siya si Vanesa, bago kong girlfriend." Proud na sabi ni Samson.

"Promise, Vanesa, mas maganda ka sa ex niyan." Supportive naman si Brandon.

"Tara dito, Vanesa! Upo ka muna! Feel at home. Kuha lang ako ng meryenda." Ani Gardo, mabilis na tumayo at nagtungo sa kusina.

Wow, akala mo naman siya may-ari ng bahay.

At itong si Samson, lakas ng loob mag-imbita ng hindi namin tropa. Honestly, hindi ako natutuwa. At babae pa, hindi ko 'yan magiging ka-close.

Bumaba na si Nico, dala-dala ang kanyang laptop, charger, mouse, at hindi ko na alam kung anong tawag sa iba pa. Dumiretso siya sa mini table na nasa tapat ko. May ikinabit pa siya sa TV na nasa harapan. Gets ko na kung para saan.

"Sino 'yan?" Tanong ni Nico, natigilan siya sa ginagawa at napalingon sa babaeng nasa sofa.

"Si Vanesa, tol. Yung sinasabi ko na bago ko." Nakangiting sagot ni Samson. Ngumiti ang babae, nahihiya.

"E, paano 'yong exー" pinutol nila si Nico.

"Shh!" Sabay-sabay na awat sa kanya ng apat.

Nanahimik na lang si Nico, umupo sa couch at binuksan na ang laptop. Tumabi ako sa kanya. Sumunod naman si Angelo at nakitabi rin. Ang ending, nasa gitna ako ng dalawa.

"Tesa, ano... ang cute mo palagi pero mas cute ka ngayon." Ani Angelo, nag-iwas pa ng tingin.

"Mukha siyang timang. Cute? Nak ng. Alis nga muna kayo, nasisikipan ako, amputa." Bigla namang na-badtrip si Nico.

Parang ewan naman. Umalis na lang kami ni Angelo kahit na ang laki pa naman ng space sa sofa na inuupuan niya.

Naalala ko ang plano kaya't hinila ko si Angelo sa sulok. Tinuro ko ang phone niya para pang-picture sa 'kin, malinis kasi camera.

"Picture-an mo 'ko. Dali na, magpapa-cute lang ako na parang bata. Ayusin mo ah?" Utos ko pa sa kanya. Sunod-sunod naman siyang tumango.

●●●

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Ang mukha ni Teresa sa litrato ay napagtagumpayan na ni Nico na baguhin. Mukha na siya ngayong mas bata. Hindi nila sinunod ang unang plano dahil masyado raw bata ang 8 years old kaya't naisipan nilang gawing 12 years old para mas malapit pa rin sa mukha ni Teresa kung sakali mang may makipag-video chat sa kanya.

Mabuti na lamang din at magaling sa makeup ang bagong gf ni Samson na si Vanesa. Naiirita man si Teresa ay wala naman siyang choice kundi magpa-makeup upang mas pakinisin at pabatain ang mukha niya.

Tutol man si Nico at ang mga kaibigan niya ay wala na rin naman silang nagawa dahil diterminado na si Teresa. Ang laptop nila ng kambal ang gagamitin. Hindi muna nila pinalitan ang litrato ng kambal sa account. Inisip nilang pakiusapan muna ang lalaki na kung maari bang ibalik na lang nito ang mga kapatid niya. Kailangan lang niyang galingang mangumbinsi.

"Tesa, sigurado ka ba talaga rito? This isn't easy and simple as you think. Ayokong pagsisihan natin 'to." Ani Nico, bakas sa mukha ang pag-aalala.

Tahimik lang si Teresa. Nakaharap na siya sa laptop. Nasa gilid na rin ang mga kaibigan, pinagmamasdan siya. Kumpleto na ang mga kailangan. May plano na at handa na siya. Wala nang atrasan ito. Pinindot na niya ang enter at napunta na sila sa site. Nag-flash din iyon sa screen ng TV na nakakonekta sa laptop.

Welcome to Stranger X Stranger Dating Site, Marialeonora!

Chat | Video

Opening conversations...

Connected to Matthew

You are talking to Matthew from the Philippines

Matthew: Typing...

___

"Typing na! Ang bilis naman amputs!" Hiyaw pa ni Gardo.

___

Matthew: Don't talk to me.

Matthew Blocked you

Matthew ended the chat

You can't reply to this conversation. Learn more.

__

"PUTA NAMAN! KAPAL NG MUKHA!" Inis na inis na sigaw ni Brandon habang nakatitig sa TV.

"SARAP BASAGAN NG BAYAG ANG GAGO!" Si Samson naman iyon.

"THE FUCK!" Ani Gardo.

"Account ng kambal ang gamit natin. I think alam na niya na hinahanap natin mga kapatid mo, Tesa." Sabi naman ni Angelo bago napabuntong-hininga.

"We should make a new account and find that fucking Matthew. Sabi ko na, e. Mapapasubo talaga tayong gamitin ang picture ni Tesa." Si Nico iyon bago tinabihan si Teresa at nagtipa sa laptop.

"We should create a fictitious 12-year-old girl with different social media accounts. Mas maniniwala sila kapag gano'n." Suhestiyon ni Vanesa.

"I agree," Sabi naman ni Samson bago kinindatan ang girlfriend niya.

Tahimik lang si Teresa, parang maiiyak na naman pero pinipigilan niya.

"No. We will not be exposing Teresa's pictures everywhere. She's still that kid in the photo. Let's stick to the plan. Itong site na ito ang dahilan kung bakit nawala ang kambal, kaya ito rin ang gagamitin natin para bawiin sila. Social media is dangerous. Let the authorities do their job. Ang kambal lang ang priority natin ngayon. Let's just make a new account." Mariing saad ni Nico, kapansin-pansin ang inis niya.

"Tesa, change your goddamn clothes. Marami akong jacket sa closet. They don't need to see your body. Kalahating mukha mo lang ang ipapakita mo at wala nang iba." Utos pa niya bago pinindot ang enter sa bagong gawang account.

Welcome to Stranger X Stranger Dating Site, Ivana!

Chat | Video

Searching for Matthew...

There are 1,158 users with the account named Matthew