Chereads / That Predator / Chapter 12 - Chapter 9: The Victims and The Confession

Chapter 12 - Chapter 9: The Victims and The Confession

CHAPTER 9

THE VICTIMS AND THE CONFESSION

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Matthew Serio Escalante. 38 years old. Drug user, drug seller, online sex predator, at ilegal na nagbebenta ng mga bata sa mga pedophiles na katulad niya.

Kasalukuyan na siyang nakakulong ngayon sa bilibid na may patong-patong na kaso. Natunton ng mga pulis ang lungga ng suspect sa isang apartamento sa Manila. Cocaine, cannabis, methamphetamine at iba't ibang klase pa ng ipinagbabawal na gamot ang bumungad sa mga pulis. May milyon-milyong halaga rin ng pera at mga mamahaling alahas ang natagpuan. Mayroon ding mga damit at gamit ng mga bata at ilang bakas ng dugo sa loob ng silid nito.

Halos manlumo ang ina ni Teresa, si Mercedes, nang makita ang kaawa-awang kalagayan ng anak. Si Maria, tulala lang, blangko ang ekspresyon sa mukha ngunit hindi tumitigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Maraming galos at sugat sa iba't ibang parte ng katawan na nalagyan na ngayon ng paunang lunas.

Nasa ospital sila ngayon kung saan katatapos lang ng physical examination ng batang si Maria. Ngunit hinayaan muna ng mga doktor at nars na makita ng bata ang nangungulila niyang pamilya. Niyakap na rin ni Teresa ang kapatid, sobrang higpit. Si Maria, ganoon pa rin, walang imik pero lumuluha.

Tumayo si Teresa, nilapitan ang doktor na kalalabas lamang sa kabilang pinto. "S-si Leonora po? Gusto ko rin po siyang mayakap, dok." Naluluhang ani Teresa.

Saglit pang yumuko ang doktor bago napahinga nang malalim. "Pasensya na po, ma'am. Masaklap po ang sinapit niya. Nakikiramay po kami." Tinapik pa nito ang likod ng dalaga bago tahimik na umalis. Sumunod naman ang mga nars sa kanya.

Napaupo na lamang si Teresa sa sahig habang pinagmamasdan ang ina at kapatid sa gilid. Mukhang alam na rin ng mama niya ang nangyari dahil humahagulgol ito habang yakap-yakap si Maria.

"Tesa, ito na 'yong tubig-" Natigilan si Nicolai nang makitang nakasalampak na sa sahig ang kaibigan. Mabilis siyang tumakbo at niyakap ito.

"N-Nico... nagsisinungaling lang 'yong doktor na 'yon 'd-di ba? 'Di ba?"

Hindi naman nakaimik ang lalaki. Niyakap na lamang niya ang kaibigan dahil alam niyang ito lang ang kaya niyang maitulong ngayon.

●●●

TERESA'S POINT OF VIEW

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mailibing si Leonora. Maraming dumalo. Mga guro, kaklase, kaibigan, kapit-bahay at maging mga kamag-anak namin na nagmula pa sa malalayong lugar.

Alam kong masaya na si Leonora kasama si Papa God. Hindi na siya maghihirap doon. Puro masaya na lang kasi nasa paraiso na siya. Siya na ang guardian angel namin ngayon.

Si Maria naman ay namalagi muna sa isang foundation sa bayan kung saan palagi naming dinadalaw ni mama. Sabi nila mayroon daw Post-traumatic stress disorder (PTSD) si Maria dahil sa sexual assault na naranasan niya. Inaasahan namin na ang foundation na iyon ang makakatulong upang bumuti ang lagay ng kapatid ko. Nangungulila man ay kailangan naming magsakripisyo para sa ikabubuti niya.

Sabado ngayon, nandito na naman ako kina Nico para gumawa ng project. Sa kabila ng mga nangyari last month, hindi ako pwedeng sumuko na lang. Kailangan ko pa rin namang mag-aral. Isa pa, ilang buwan na lang naman graduate na ako ng senior high. Sa bakasyon, tutulungan ko si mama na makaipon para sa pang-college ko at para kay Maria.

"Tesa, alam kong mahirap pinagdadaanan mo ngayon pero sana naman 'wag mong pabayaan ang sarili mo." Sabi ni Angelo, may hawak na cartolina at gunting.

Ibinaba ko ang cardboard at glue na hawak. "Kumakain naman ako ah?" Natatawa kong sabi.

"Pansin ko kasi... medyo pumayat ka. Sabi ni Tita Mercedes, kumakain ka lang kapag trip mo. Parati ka rin daw walang gana." Nakasimangot na turan niya.

"Thank you sa concern mo, Angelo. Pero promise, okay lang talaga ako." Nakangiting sabi ko sa kanya bago nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Tesa, libre ka ba bukas?"

Dahil sa tanong niya ay kinunutan ko na siya ng noo. Alam ko na kasi kung saan papunta 'to.

Sa limang tukmol, si Angelo ang pinakamadaling basahin. Hindi niya man aminin, noon pa lang ay alam ko nang may crush siya sa 'kin. Hindi naman ako kasing ganda ng babyloves nilang si Ivana pero hindi ko alam kung anong nakain niya at palagi siyang ganyan kapag kaming dalawa lang.

"Nasaan na ba sina Gardo? Bakit ang tagal naman nila?" Pang-iiba ko ng usapan.

Binitawan ko ang mga hawak, inilapag sa mini table. Tatayo na sana kaso mabilis akong nahawakan ni Angelo sa braso para pigilan. Napaupo ulit ako sa sofa.

"Simba tayo bukas. Tapos pasyal tayo after?" Sabi pa niya.

"Pwede naman para mabawasan kasalanan ng mga tukmol. Tanong natin sila Samson kung saan nila gustong mamasyal pagkatapos." Natatawang sabi ko naman.

"Tesa, hindi sila kasama. Tayo lang sana..." Nahihiya niyang saad.

Doon na ako napabuntong-hininga. Tiningnan ko siya diretso sa mata pero umiwas siya ng tingin. "Ano ba talagang gusto mong sabihin?"

"Tesa, b-bukas ko na lang sasabihin." Yumuko siya, napahilamos pa sa mukha niya.

Masyado naman siyang halata, e. Kaloka naman 'tong tukmol na 'to. Gwapo naman si Angelo. Maraming babae ang magkakagusto sa kanya. Bakit ako pa?

"Makakapaghintay ka ba?" Tanong ko. Mabilis siyang napalingon sa akin.

"S-seryoso ka ba?" Gulat pa niyang tanong.

"Mukha ba akong nagjo-joke, Angelo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"M-marunong akong maghintay. Makakapaghintay ako." Napahawak pa siya sa magkabila kong braso.

Nakarinig kami ng pagdabog mula sa second floor. Akala ko ba lumabas 'yong mga tukmol?

"Sige. 5 years." Sabi ko sa kanya.

"5 years?" Kunot-noong tanong niya.

"After 5 years. Kapag gusto mo pa rin ako, sasagutin kita. Promise ko 'yan." Nakangiting sabi ko sa kanya pero kapwa nalanta bigla ang mga balikat niya. Bumaba, nawalan ng pag-asa.

"Sana sinabi mo na lang na basted ako. Ang tagal ng 5 years mo, e. Paano kung bigla na lang akong may magustuhang iba?" Napanguso siya.

"Exactly. Ngayon, napatunayan ko na hindi mo naman talaga ako gano'n kagusto. Parang kuya na kita, e. We can be friends forever. Ayaw mo ba no'n?" Pinisil ko siya sa pisngi.

"Aba! Aba! SPG! Porn! Porn!" Sigaw ni Gardo bago inilapag sa table ang mga dalang cartolina. Binitawan ko naman ang pisngi ni Angelo at natawa na lang. Ungas talaga.

Tumatawa rin sina Samson at Brandon habang bitbit ang pinamili nilang gagamitin namin para sa project. Mga school supplies.

"Kayong tatlo lang? Nasaan si Nico?" Tanong ko kasi tatatlo lang silang dumating. Baka napagtripan na naman nila 'yong isang tukmol sa market.

"Ha? Kaming tatlo lang naman lumabas. Naiwan siya sa kwarto niya. Aayusin daw laptop niya kasi naghihingalo na dahil sa dami ng dinownload naming porn." Natatawang sabat naman ni Gardo.

●●●

"Sabi nila mabenta raw 'yong restaurant niyo sa kabilang lungsod. Galing talaga ni Tito Alfred magluto 'no? Noon nagtatakha ako kasi tuwing Friday lang siya nakakauwi. Siya pala head chef. Akala ko naman may iba pa siyang raket. Grabe gusto ko talaga matutong magluto. Alam mo, Nico, magpaturo ka sa kanya para kahit wala si Tita Melba mo, keri mo mag-isa sa bahay niyo. Para hindi mo siya maabala 'di ba? May mga anak din 'yon." Sabi ko sa kanya habang nilalaro-laro ang nakasabit na keychain sa tabi.

Pareho lang kasi kami ni Nico. Siya, baby pa lang, nawalan na ng mama. Ako naman, noong 5 years old ang kambal, naaksidente si papa. Pareho tuloy kaming may magulang na single parent. But that doesn't mean na hindi na nila kami kayang itaguyod. Kasi kayang-kaya nilang maging both mother and father figure sa amin. Pero syempre, may mga trabaho sila kaya't hindi all the time ay nakakasama namin.

Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa harapan. Focus na focus sa pagda-drive. Punyeta, kanina ko pa siya dinadaldal pero ni isang reply mula sa kanya wala akong nakuha. Problema nito?

"Hoy, tukmol!"

Wow, nilakasan niya konti 'yong volume ng music! Aba, akala niya titigil ako?

"Binasted ka ni Divine Marcene? Sabi ko naman kasi sayo, mga nerd ang type niya. Ayaw niya ng mga tukmol na kagaya-"

"Will you shut up, Teresa Florence Salamanca?" Hindi niya ako nilingon pero ramdam ko ang inis niya. Inihinto niya ang sasakyan sa tabi. Napatingin ako sa labas. Madilim na pala.

"Galit ka talaga, Quijano? Kaya mo ako hindi kinakausap? Bakit?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Kanina pa ako naririndi. Ang sakit mo sa tenga." Mariin pa siyang napapikit.

"Ah gano'n? Ano bang ginawa ko sayo ha? Nitong mga nakaraang araw napaka-moody mo na! Ayaw mo ngang sumabay sa 'min nila Samson kapag lunch, e! Sinong kasama mo? 'Yong Divine na 'yon na ayaw naman sayo!?" Tinaasan ko na boses ko kasi nakakairita na rin siya.

"Nak ng! Wala akong gusto kay Divine!" Sigaw pa niya bago hinampas ang manibela. Nagulat pa ako sa ginawa niya. Galit na galit!?

"Sabi mo crush mo 'yon! Anong walang gusto!? Sabi mo maganda siya tapos sexy! Parang Ivana tapos maganda, lalo na kapag ngumingiti!" Tiningnan ko siya diretso sa mata. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pati ako, galit na galit na rin ngayon.

"Maganda siya, oo! Pero anak ng tokwa naman, Tesa! Sinabi ko lang 'yon para isipin mo na may iba akong gusto!" Hinampas na naman niya 'yong manibela.

"Kapag nasira 'yan, lagot ka sa papa mo-"

"PUTANGINA, TESA!" Bigla siyang lumabas ng sasakyan.

Mabilis din akong lumabas para sundan siya. Ang sarap upakan ng Nico na 'to ngayon! Bigla-bigla na lang siyang mang-aaway kahit na wala naman akong ginagawa sa kanya!

"Hoy, Nico! Ano ba kasing problema mo ha?!" Hinuli ko ang pulsuhan niya bago pinaharap sa akin. Parang hindi ko na siya kilala ngayon. Parang ang dami-dami na niyang tinatago.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Nakakairita na!" Sigaw niya pabalik bago ako tinabig. Pucha! Ang sakit! Bigat ng kamay ni gago!

"Kung maglalandian kayo, 'wag naman sana sa pamamahay ko!"

"Nakakagago kasi! Who gives you both the right to flirt in front of me?! Well, it's not like you knew I was there, but still! Nasa pamamahay ko kayo!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko ang nangyari noong Saturday. Nagdabog siya dahil kay Angelo? Nagseselos siya?

"Shit... may gusto ka kay Angelo?" Halos lumuwa ang mga mata ko.

"NAK NG!" Sinipa niya 'yong basurahan sa tabi. Halos mapalundag pa ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

"Putragis naman, ang tanga oh! Alam mong hindi ako bakla, Tesa! Tangina naman!"

"Bakit ba kasi napakamanhid mo?" Umupo na siya sa sementong upuan sa tabi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo rin ako sa tabi niya. Sabi niya kasi noon never niya akong magugustuhan kasi bestfriends kami for life...

"Iniwasan ko kayo kasi naiinis ako kay Gelo. Hindi alam nila Samson. Nakipag-close siya sa 'kin kasi bestfriend kita. Hinayaan ko siyang sumama sa tropa kasi gusto niyo naman siyang kasama. Pati ako, nae-enjoy ko na rin na kasama siya kasi... okay naman siya. Mas close ko na nga siya kesa sa mga tukmol. Pero, putangina, hindi ko naman alam na unti-unti ka na niyang aagawin sa 'kin." Yumuko siya, nakapatong ang mga siko sa tuhod niya, sapo-sapo ang mukha.

"Mukha ka namang masaya sa kanya. So, gusto mo rin siya." Dagdag pa niya.

"Noong nagdabog ka... hindi mo na pinakinggan usapan namin?" Tanong ko. Lumingon naman siya. Ang seryoso ng mukha.

"Putek, sa tingin mo papakinggan ko pa? Natural hindi na! Umamin na siya. Tapos pumayag ka na. Maghihintay siya!" Tinaasan na naman niya ako ng boses.

"Ang sabi ko sa kanya, after 5 years kapag gusto pa rin niya ako, sasagutin ko siya. Pero nakita ko sa mga mata niyang hindi niya kayang maghintay. Alam na niyang basted na siya umpisa pa lang." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Palagi akong nago-overthink kapag may mga ginagawa kang hindi ko inaasahan. Madalas napapaisip ako na baka may gusto ka sa 'kin... pero binabalewala ko kasi mukhang malabo naman." Napabuntong-hininga ako. Bakit ko ba sinasabi 'to sa kanya ngayon?

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Nangungusap. Ayan na naman. Ayan na naman 'yong mga mata niyang parang ang daming gustong sabihin.

"Kahit lasing ako, alam ko ang ginagawa ko. Sinasadya ko 'yon. Gusto kong halikan ka. Naisip ko lang na pwede kong takasan ang nagawa ko kasi lasing naman ako."

Parang biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam. Bakit ganito? Parang kinakabahan ako. Hindi dapat ako ganito sa harapan ni Nico.

"Alam kong inis na inis ka na no'n. Ayaw mo ata talaga sa 'kin kasi parang gusto mo na akong isumpa. Kaya pinanindigan ko na lang. Kunwari wala akong alam. Kunwari hindi ko maalala."

"Noong hinalikan kita... hindi ako umaasa na papatawarin mo ako kasi ginusto ko 'yon. So, I'm not sorry."

"Tangina," Iyon na lamang ang nasabi ko.

"I really like you, Tesa."

"Tangina ulit." Mahina kong sabi.

"Isa pang mura mo, hahalikan ulit kita."

Putangina mo, Nicolai Rylee Quijano.

Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Seryoso ang mga titig niya. Sa mata ko. Hanggang sa napunta iyon sa labi ko. Naramdaman ko na lang na may dumapong malambot na bagay doon. Para akong sasabog.

Pero punyeta! Bakit niya ako hinalikan!? Sa isip ko lang naman sinabi 'yon ah! Tukmol ka talaga, Quijano!