CHAPTER 10
DEVIANTS SHALL BE PUNISHED
TERESA'S POINT OF VIEW
Hindi na sumasama sa amin si Angelo isang buwan bago kami mag-graduate. Inamin niya kina Samson na sumasama lang naman siya sa amin noon para maka-close ako. Para maligawan ako. Oo, nagalit 'yong mga tukmol pero alam ko naman na love pa rin nila si Angelo.
Mabait naman si Angelo De Jesus, e. Sa tingin ko nga hindi makukumpleto ang tropang tukmol kung wala siya. Pero sabi niya kasi nagi-guilty siya. Sinabi naman naming welcome pa rin siya sa tropa. Sana maisipan niyang bumalik kasi pakiramdam ko, kulang kami kapag walang angel sa grupo. Nabawasan tuloy kasiglahan ng mga tukmol ngayon.
Kahapon ang flight ni Angelo papuntang New Jersey. Nandoon kasi ang papa niya at gusto nitong doon na sila tumira. Sosyal. Doon na magka-college ang tukmol.
Pumunta kami sa airport kahapon. Hinatid namin siya at ang mama niya. Binatukan pa siya nila Samson tsaka pinagsasapak. Aalis na nga lang, sasaktan pa, e.
CONGRATULATIONS DAHIL NAKA-GRADUATE DIN TAYO KAHIT PURO KATUKMOLAN LANG ANG ALAM NATIN! GRANT "GARDO" CHAVEZ, BRANDON CASTRO, SAMSONITE ESPEJO... SANA SA SUSUNOD NA PAGKIKITA NATIN HINDI NIYO NA AKO GUGULPIHIN. TERESA "TESA" SALAMANCA... HANGGANG NGAYON CRUSH PA RIN KITA. ALAM MO... TAMA KA. MAHAHANAP KO RIN ANG PARA SA AKIN. MAMI-MISS KITANG PATAHANIN, IYAKIN KA KASI. AT SAYO NAMAN TOL, NICOLAI "NICO" QUIJANO... SALAMAT SA FRIENDSHIP NA BINIGAY MO. SALAMAT SA PAGTANGGAP SA AKIN SA GRUPO. HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN, GUYS. MAMI-MISS KO KAYO. TOKNENENG... NAKAKAHIYA 'TO PERO MAHAL KO KAYO.
-ANGELO DE JESUS
Bago sumakay ng eroplano, may inabot pang papel sa amin. Iyong mama ni Angelo ang nag-abot kasi nahihiya raw 'yong tukmol. Muntik na ngang punitin ni Gardo kasi ang corny daw. Buti na lang pinigilan namin.
Pero noong natapos nilang basahin 'yong letter, akala mo mga babaeng umiiyak. Grabe kung humagulgol. Pinagtitinginan nga kami sa airport, e. Umiyak din naman ako pero hindi kasing OA nila. Natigilan nga ako sa pag-iyak kasi natawa na lang ako sa kanila. Mga ungas talaga.
"Tesa, ikaw na next!" Sigaw ni Brandon.
Naglalaro nga pala kami ng Jenga ngayon kina Nico. Nakaka-miss. Naalala ko na naman tuloy si Angelo. Ngayong wala nang taga-salo kapag natatalo ako... malamang ako na palagi ang mapaparusahan. Hayst!
Hahawakan ko pa lang ang Jenga block nang biglang tumili si Gardo kaya nagulat ako. Kasabay ng tawanan nila Gardo, Samson, at Brandon ay ang pagtumba ng tore namin. Nasagi ko ang mga blocks sa gulat. Ang daya!
"Wala 'yon! Ginulat ako ni Gardo! Nyeta naman! Ang tanda niyo na, madaya pa rin kayo maglaro!" Reklamo ko sa kanila. Si Nico naman tahimik lang. Blangko ang ekspresyon. Na naman.
"Wala! Wala! Kitang-kita! Ikaw ang nakawasak ng tore!" Ani Samson, napangiwi pa.
"Dirty ka talaga maglaro, Tesa! Nako!" Sabat naman ni Gardo.
Nakakainis naman! Bakit ko ba naging tropa 'tong mga tukmol na 'to?
"At ang parusa! Tatlong oras kayong makukulong ni Nico sa bodega nila!" Ani Brandon.
●●●
Simula ng gabing nakuha ko ang 2nd kiss ko, masyado nang ginulo ni Nico ang sistema ko. Palagi ko na siyang iniisip na hindi ko naman ginagawa dati. Naiinis ako kapag nakikita ko siya pero natutuwa rin at the same time.
Nandito nga na naman ako sa bahay nila kasi nakasanayan na naming gawing tambayan. Tsaka hindi na umuuwi palagi ang papa niya. Tsaka ayos lang kasi maraming laman ang ref nila.
Wala naman talaga akong interes sa mga ganito noon pero hindi ko alam unconsciously... simula noon pa ay may mga actions akong nagpapakita ng signs na may crush pala ako sa kanya. Pero hindi ko iniisip masyado kasi wala talaga akong pake. Kasi iniisip ko noon na bestfriends kami kaya natural lang na magselos ako kapag may ibang nakakaagaw ng atensyon niya.
Nakaupo si Nico ngayon sa sulok. Nasa kabilang sulok din ako katabi ng maalikabok nilang kahoy na cabinet. Siya naman may katabing mga nagpatong-patong na karton, mga balikbayan boxes. Kasi nga nasa bodega kami ngayon at mabuti na lang wala akong sinus kundi baka namatay na ako kakahatsing.
Sampung minuto pa lang simula no'ng ipasok at ikulong kami rito ng tatlong tukmol. Rinig na rinig ko kanina ang mga tawanan nila pero wala na ngayon. Mukhang may iba nang pinagkakaabalahan sa sala. Baka nanonood na naman. Siguro sa TV para mas malaki ang screen. Hayst.
Naalala ko pa ang tinuran ni Gardo bago nila i-lock ang pinto. "Masikip dito sa bodega, pero alam naming magagawan niyo ng paraan. Goodluck! Pakasaya! Magpapakasaya rin kami!"
Ang dudumi talaga ng utak, sarap linisan.
Hindi madilim dito sa loob dahil nakasindi ang ilaw. Dim lang pero kitang-kita ko si Nico, ang mga gamit, at ang kabuuan ng bodega. Teka, bakit ba kasi ang layo namin sa isa't isa ngayon? As if namang gagawa kami ng milagro rito.
"Nico." Ako ang bumasag ng katahimikan. Alam ko kasing nahihiya siya ngayon, naiilang dahil pinagkaisahan na naman kami ng mga tukmol.
"Lakas ng loob mong mag-confess last time tapos hindi mo ako matingnan diretso sa mata ngayon? Kailan ka kikilos, Quijano? Kapag nakabalik na si Angelo?" Natawa ako. Mabilis naman siyang napalingon sa akin.
Hindi pa kasi kami graduate noong umamin siya, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya gumagawa ng move para manligaw. Pansin ko nga 'yong mga tukmol palagi ang gumagawa ng paraan. Ang hina mo pala, Quijano, e.
At kaya pala. Kaya pala hindi ko malingon-lingon si Angelo noon dahil unconsciously na akong naka-focus sa tukmol na 'to.
Hindi naman sa nagmamagaling ako pero may tanong lang ako. Bakit ka pa magpapakatorpe kung ramdam mo namang gusto ka rin ng taong gusto mo?
Anong dahilan niya? Hindi ko alam. Gusto kong malaman.
Dalawang araw simula noong gabing umamin siya, hindi man niya ipahalata, ramdam ko kung paano niya ako iwasan. Inililihis niya palagi ang topic kapag nagsisimula nang mang-asar sina Gardo. Alam kong gusto pa rin niya ako kasi ramdam ko naman. Pero bigla-bigla na lang siyang napapatigil. Umiiwas. Hindi nagsasalita. Madalas.
May problema ba siya? O kasalanan? May kasalanan ba siya sa 'kin? May nagawa ba siya? Baka naman nakabuntis na?
"Tesa, 'wag kang mag-overthink. Mahal kita noon, mahal pa rin kita hanggang ngayon." Seryosong sabi niya bago umiwas ulit ng tingin.
Pucha. Nabasa niya 'ko.
"E, bakit nga? Kung mahal mo ako, bakit wala kang ginagawa? Bakit hindi ka nanliligaw? Alam mo namang sasagutin kita, e! Ano 'yon? Pagkatapos mong umamin, wala na?! Gano'n na lang?!"
Napalakas tuloy ang boses ko. Nahampas ko pa ang cabinet kaya't nagsiliparan ang mga alikabok. May nahulong pang maliit na notebook. Pero wala akong pakialam sa mga pesteng alikabok na 'yon ngayon.
Nanatili lang siyang tahimik sa sulok. Naiinis na naman ako sa kanya ngayon! Hindi ko siya maintindihan!
"Akala nila Samson ngayon na ako kikilos. Kinuntsaba ko sila ngayon para malaman mo na. Kasi hirap na hirap na akong itago." Hindi ko alam kung bakit pero bigla-bigla na lang siyang lumuha ngayon.
Tumayo na ako. 'Wag niya akong dadaanin sa paiyak-iyak niya ngayon. 'Wag niya akong gamitan ng bagong style!
"Ano ba kasing trip mo sa buhay!? Gustong-gusto mo ng surprises, e! Pasabog gano'n! Tapos magugulat na lang ako!" Pinagdududuro ko siya.
"Putangina, oo, Tesa! I love surprises! Pasabog! 'Yong nakakabaliw! 'Yong nakakaguho ng mundo! 'Yong nakakayurak ng pagkatao! 'Yong nakakamatay!"
Natigilan lang ako nang makita siyang humahagulgol na. Na para bang ngayon lang niya nailabas ang matagal nang kinikimkim.
Tumayo siya. Lumapit sa akin. Pinulot niya ang maliit na notebook at iniabot sa akin. Bakit 'to? Anong meron dito? Ito ba ang iniiyakan niya ngayon?
"Pasensya ka na kung nitong nakaraang mga buwan ko lang nalaman. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol dito." Sabi pa niya. Hindi niya ako matingnan sa mata.
Para bang madudurog ang puso ko dahil ramdam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Bakit hindi niya ako diretsuhin?
"I didn't know it was him. I shouldn't have let him near you."
Iyon ang huli niyang sinabi bago niya binuksan ang pinto gamit ang kanina pang nakabulsang susi. Iniwan niyang nakabukas ang pinto. Lumabas na siya't iniwan akong mag-isa.
Pinagmasdan ko naman ang maliit na notebook na hawak ko ngayon. Kulay dilaw ang pabalat. Kapansin-pansin na luma na ito, halatang matagal na itinago. Ilang minuto kong tinitigan. Parang ayokong buksan. Bigla akong kinabahan. Pero gusto kong malaman ang laman.
Para akong kinakausap ng maliit na notebook. Parang gusto niyang buksan ko siya. Kaya binuklat ko sa unang pahina. At ang bumungad sa akin... ay isang talaarawan na isinulat gamit ang lapis. Hindi gaano maganda ngunit naiintindihan ang penmanship.
Diary ito ni Ysa. Ito ang hawak niya noong huli ko siyang makita.
Binasa ko ang mga laman. Puro kami lang naman 'yong nakapaloob sa mga kwento niya. Tsaka maikli lang. 7 years old siya nagsimulang magsulat dito. Nandoon iyong mga nakakahiya niyang nagawa. Mga kasalanan niya. Mga hinanakit niya sa mga parents niya dahil hindi nila siya madalas bigyan ng attention. Mga masasayang moments naming tatlo nila Nico at ng iba pang kalaro. Ang crush niyang si Jed noong grade 2 nandito rin. Halos alam ko na lahat ng nakasulat dito.
Binuklat ko sa bandang likod. November 2010 ang nakalagay. Sobrang laki kasi ng pagkakasulat kaya naagaw nito ang atensyon ko. Naalala kong hindi na siya pala-kwento that time.
__
Dear Diary ko,
Bakit ambait nya saken? Palage nya ko binibigyan ng pagkain diary. Sabi nya everyday pag nagkikita kami ang ganda ganda ko daw. Ang saya naman sa feeling diary noh?
Nagpasyal nanaman kami kanina. Punta kami ng park tapos bumili siya ng madameng cotton candy. Hinatid nya ko sa labas ng bahay. Naglakad lang kami. Sabi ko pa pasok muna kami sa loob ng bahay para alam nila Mommy kung sino nagbibigay ng mga chocolates ko. Ok lang naman yun kase magkakilala naman sila. Kaso ayaw nya. Pero ok lang naman den.
Madami ako chocolate nanaman kaya ang saya ko diary. Bigyan ko si Tesa bukas sa school. Hindi ko bibigyan si Nico kasi pinaiyak nya si Tesa kahapon. Nilagyan gagamba buhok eh. Galit ako sakanya.
__
Dear Diary ko,
Naglaro kami kanina ng tagutaguan kanila Tesa diary. Kaso ewan ko ano na nangyari diary. Nagwiwi lang ako diary kasi nawiwiwi na talaga ako. Ayaw ko magwiwi sa tabi ni Nico diary kase baka silipan nya ako talaga. Kaya ayun diary lumayo ako.
Nung nagwiwi na ko diary bigla ako tinawag ni Tito daddy diary. Tapos sabi nya pasyal daw ulet kami. May chocolates at candy nanaman ako kaya pumayag na ko diary. Bait nya talaga.
Hindi kami pumunta sa park diary. Sa palayan kami pumunta. Presko daw hangin dun. Ayaw ko sana kase baka boring pero sabi nya may alitaptap daw. Ayun sumama ako diary kasi gusto ko makita yung alitaptap.
Pero diary hindi naman nya ko hinulian ng alitaptap. Bigyan nalang daw nya ko ng madaming chocolates basta daw hihiga kami dun sa may kubo. Kahit makati diary humiga na lang ako. Tapos tumabi sya diary. Inaamoy nya buhok ko diary. Nahihiya ako kasi amoy pawis ako pero sabi nya mabango daw ako.
Medyo matagal kami dun diary. Niyakap yakap lang naman nya ko. Buti pa sya niyayakap ako. Si Daddy at Mommy kase hindi. Puro sila work. Kaya niyakap ko den si Tito daddy para happy sya. Baka kasi hindi sya palagi niyayakap ni Nico. Pasaway kasi yun. Baka hindi nya love si Tito daddy.
__
Dear Diary ko,
Umiiyak ako ngayun. Sorry kung matagal ako hindi nakasulat. Nagtatampo ako kay Tito daddy kase sinira niya shortpants at panty ko. Wala sya binigay na chocolate diary. Umuwi ako na damit lang suot. Gulat nga sila Yaya pero sabi ko nalang na natae ako sa labas kaya iniwan kona.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Tito daddy yun. Pumunta ulit kami sa palayan. Sa may kubo ulit. Hinahawakan nya flower ko diary. Sabi nya wag daw ako maingay para daw hindi magising mga kambing doon. Tapos dinidilaan den nya flower ko diary. Hindi ko alam yung nararamdaman ko diary.
Pero masakit kasi nung may pinasok siya sa flower ko. Daliri nya ata diary. Umiyak pa ako nun. Tapos nagsorry sya diary kaya pinatawad ko kasi nagsorry naman sya. Yun kasi sabi ni Teacher Anabel kapag nagsorry dapat patawarin.
__
Dear Diary ko,
Baka hindi na ako makasulat sayo diary kasi gusto ka kunin ni Tito daddy. Nakita kasi nya sinusulat ko nung bumisita sya dito sa bahay.
Umiiyak na naman ako ngayun. Kahapon kasi pinakita nya sakin yung bird nya tapos pinasok nya sakin diary. Sobrang sakit kaya umiiyak ako hanggang ngayon. Nagdugo flower ko diary kaya nagkukulong ako sa kwarto ngayun baka makita nila Yaya. Baka isumbong ako kay Mommy tapos pagalitan ako. Nagasgasan lang kasi tuhod ko noon pinalo na ako.
Gusto ko magsorry kay Tesa kasi may secret ako sa kanya diary. Ayaw kasi ni Tito daddy na sabihin ko sa iba kasi sasaktan daw nya si Mommy at Daddy kapag sinabi ko. Sana po hindi magalit si Tesa sa akin noh diary? Maglalaro ulit kami bukas kasi wala nanaman pasok. Sana hindi na magdugo bukas flower ko diary.
Sabi pa pala ni Tito daddy na Daddy Alfred na daw itatawag ko sa kanya.
__
Natuluan ng mga luha ko ang diary ni Ysa. Gusto kong sumigaw pero tanging pagtangis lang ang nagawa ko. Parang bumalik ang sakit na naramdaman ko noong makita siyang walang buhay sa kabaong niya noon. Parang kahapon lang iyon nangyari. Naalala ko rin si Leonora at Maria. Ganoon din marahil ang naranasan nila.
Nasaan si Tito Alfred!? Bakit hindi pa siya bumabalik dito!? Dapat matagal na siyang nakakulong!
Everyone deserves justice. Deviants of God who attempt to escape justice shall be punished and should never get away with it!
Tumayo na ako habang mahigpit na hawak ang diary. Naalala ko bigla ang umiiyak na itsura ni Nico. Parang pinipilas ang puso ko ngayon. Sobrang sakit. Nanginginig din ang halos buo kong katawan.
Hindi ko ata kayang patuloy na mahalin ang anak ng taong pumatay sa bestfriend ko.