Chereads / That Predator / Chapter 15 - Epilogue

Chapter 15 - Epilogue

EPILOGUE

TERESA'S POINT OF VIEW

Niyakap ko nang sobrang higpit si Nico kagabi matapos kong sabihin 'yon. Pagkatapos ay tumakbo na ako patungo sa kwarto. Hindi na rin ako kumain kahit pinipilit nila ako. Nagkulong lang ako sa kwarto habang nakikinig sa mga tawanan nila sa labas. Syempre, na-miss din nila ang isa't isa kaya malamang mag-iinuman sila.

Hindi ako nakatulog agad kagabi kasi nagdadalawang isip ako kung makikisali ba ako sa welcome home celebration nila. Ang ending, nanatili lang ako sa kwarto habang nakatulala at nakikinig sa mga kwentuhan at tawanan nila. Ang nakakaloka pa e kasama roon si mama at mukhang nakikiinom din.

No'ng pumatak ang alas-onse ay pumasok na rin sa kwarto ang kapatid ko na mukhang nabusog sa pulutan. Nagkwentuhan pa kami ni Maria at doon ko na nalaman lahat. Alam pala nilang lahat na makakauwi sila Angelo rito kahapon.

Pinagmamasdan ko ang limang tukmol na natutulog ngayon dito sa sala. Mga wasted. Nasa couch sina Samson at Gardo, habang sina Brandon, Angelo... at Nico ay nasa carpet sa lapag. Napako ang tingin ko kay Nico na gaya ng apat ay sobrang himbing din ng tulog.

Huli ko siyang nakita ay noong araw na malaman ko ang tungkol sa diary ni Ysa. Ang tagal na rin pala. Tatlong taon na rin pala ang nakalipas.

Lumapit ako sa pwesto nila para mas matitigan ko sa malapitan si Nico. Wala pa rin namang nagbago. Pogi pa rin siya. Teka, e parang mas pumogi siya lalo ngayon.

Inayos ko ang bangs niya dahil nakaharang iyon sa mukha niya kaya lang bigla siyang gumalaw. Doon na ako kinabahan nang magising na siya kaya't bigla akong napatayo at lumayo.

"Good morning, Tesa."

Nakangiti siya ngayon. Bumangon siya, umupo at humikab pa tapos ay tumayo na. Patungo siyang CR, ngunit bago pa siya tuluyang pumasok ay lumingon muna siya sa akin.

"Usap tayo mamaya."

●●●

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Akala ko ba usap lang? Bakit may pa-restaurant pa?" Tanong ni Teresa.

Suot niya ang isang simpleng dress na pinasuot sa kanya ng supportive niyang nanay. Si Maria naman ang nag-makeup sa kanya. Nasa isa silang restaurant ngayon at nakalatag ang mamahaling mga pagkain sa harapan nila.

"This is a date." Anunsyo ni Nico.

"And I'm not informed? Kahapon din ako lang walang alam na darating kayo! Tapos ilang years ko ring hindi alam na kasama mo palang nag-aaral si Angelo sa New Jersey! Ano pang hindi ko alam? Syempre maramiー!"

"Ang ganda mo pa rin, Tesa."

"Nico, seryoso ako."

"I'm serious too, Tesa."

Nagkatitigan sila sa isa't isa at sabay na umiwas ng tingin. Ilang segundo silang binalot ng katahimikan. Hanggang sa binasag na iyon ni Nico.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko noon. Iniwan kasi ako ng mga mahal ko e. Si papa... tapos... ikaw." Pagkukwento ni Nico.

"Tita Melvs was there with me in the house pero hindi rin nagtagal. Syempre, she has children to take care of... and they needed her more than me. So, I let her leave. Halos isang buwan din akong mag-isa sa bahay. Samson and the guys wanted to accompany me pero hindi ako pumayag. I told them to stay with you instead. I always think of you at sa tingin ko mas kailangan mo sila."

Napayuko si Nico habang inaalala ang mga nangyari noon. Tahimik lang naman na nakikinig si Teresa at nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nalulungkot siya sa narinig.

"Nalugi mga negosyo ni papa. Nagkautang kami and... Tita said we need to use our savings and sell the car to pay for his debts. So, we did and... sadly walang natira sa 'kin maliban sa bahay. There were times na hindi ako kumakain kasi wala akong pambili. Hindi rin kasi madalas dumalaw si tita. I never blamed anyone. Gano'n talaga ang buhay, e."

Alam ni Teresa ang tungkol sa pagkalugi ng negosyo nila dahil kumalat iyon noon. Ngunit hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin dahil ayaw niya ng mga balita patungkol kay Nico noon. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya dahil hindi siya aware na gano'n pala ang sinapit ni Nico.

"Until a hope came. Angelo contacted me. His parents offered a help. Kukunin daw nila ako para may kasama si Angelo sa America. It was Angelo's idea and his parents really wanted to help me too. Sino ba naman ako para tumanggi pa. Kahit mami-miss ko 'yong bahay, sumama pa rin ako kasi sayang naman 'yong offer. Isa pa, willing silang pag-aralin ako." Nakangiti si Nico ngayon at kitang-kita na sobrang thankful ito sa mga magulang ni Angelo.

"Bakit hindi sinabi ni Angelo na magkasama kayo?" Tanong ni Teresa, nagpupunas ng luha.

"I told him not to. Ayoko kasing maalala mo lahat ng mga nangyari kapag naalala mo rin ako." Sagot naman ni Nico bago yumuko.

"That was years ago, Nico! Palagi kaya kitang iniisip! Oo, I admit na ako ang umiwas pero hindi ko naman alam na hindi ka na talaga magpaparamdam! Nakakainis ka t-talaga kahit kailan! Hindi mo man lang ba ako na-miss!?" Umiiyak na turan ni Teresa habang nagpupunas pa rin ng luha.

"Paanong hindi kita mami-miss e palagi rin kitang iniisip? It hurts like hell. Lalo na kapag naaalala ko na wala naman akong kasalanan pero parang ako sumalo lahat. Lahat kasi ng mga kakilala natin nagalit sa akin noon dahil nalaman nilang si papa ang pumatay kay Ysa. It hurts when I see them hating me dahil sa nagawa ng papa ko. I can't defend myself. Kaya siguro okay na rin na lumayo ako sa inyo."

"Alam ba nila Samson n-na nandoon ka kina Angelo? 'Wag mong sabihing ako lang na naman ang hindi nakakaalam?" Humihikbi paring ani Teresa.

"I'm sorry. Oo, alam nila."

Dahil doon ay hinampas siya ni Teresa sa braso. "Ano pang hindi ko alam!? Sabihin mo na bago pa ako magwala rito!"

"After how many years I'm finally going to ask a girl out. 'Yan ang hindi mo pa alam."

"Sino!? Sino siya!? May babae ka na sa Amerika habang ako muntanga na naghihintay sa pagbalik mo!? Tangina! Kung gano'n edi bakit ka pa bumalik dito!?" Umiiyak na ani Teresa bago tumayo at patakbong aalis na sana ngunit mabilis na nahuli ni Nico ang braso niya.

"That's why I'm here to ask you out. Will you officially be my girlfriend, Tesa?"

●●●

TERESA'S POINT OF VIEW

Sinulit ko ang panahong meron ako kasama si Nico. Ang bilis natapos ng isang buwan. Nakabalik na ulit sila sa Amerika ni Angelo. Hindi mo talaga namamalayan ang oras kapag sobrang saya mo. Tapos gusto mo na lang pahintuin ang oras na kasama mo siya pero hindi pwede.

Naging masaya ang vacation ko dahil kumpleto kami ng mga tukmol. Pumunta kaming magtotropa sa Palawan. Dinala pa ng mga tukmol girlfriends nila para madami raw kami. Mas madami mas masaya raw kasi. Si Angelo nga lang ang walang partner kaya tinulungan siya ng mga tukmol na mandagit ng chicks doon. Sobrang saya ko talaga that time.

Sa ngayon, may pasok na ulit kami at maging sila Nico ay ganoon din. Nakaka-proud lang dahil top student pala ang boyfriend ko sa university niya. Mas nakaka-inspired tuloy magsipag para naman deserving akong maging girlfriend niya. Nawala kasi ako sa top pero sinisikap kong mapabilang ulit doon ngayon.

Abala akong gumagawa ng reports ko sa laptop nang biglang mag-ring ang phone ko. Video call. Si Nico. Agad kong iniwan ang ginagawa ko at mabilis ko iyong sinagot.

Bumungad ang gwapong mukha ni Nico sa screen. "Good morning, wife. Naaalala mo ba kung anong araw ngayon?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Saturday ngayon. Teka... oo, Saturday nga ngayon. Tama ako." Sabi ko naman matapos kong masiguro na Saturday nga dahil lumingon ako sa kalendaryong nakasabit sa gilid.

"Lagot ka. Ysa would be mad at you. It's our 15 years of friendship and you forgot about it?" Nakangiwing sabi pa ni Nico.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko. "Shet! Teka! Magpapalit lang ako ng damit! Call tayo ulit kapag nandoon na ako kay Ysa!" Sabi ko pa bago pinatay ang video call at kumaripas ng takbo patungo sa banyo.

Matapos ang halos isang oras ay nakarating na rin ako sa sementeryo. Sumalampak ako sa tapat ng lapida ni Ysa bago ako nag-video call kay Nico. Mabilis naman niyang sinagot. Ang nakangisi niyang mukha ang bumungad sa akin.

"Wife, iharap mo ako kay Ysa." Sabi pa niya kaya ginawa ko. "Ysa, ako na magso-sorry para sa kanya."

Iniharap ko ulit si Nico sa akin. "Hoy! Busy kasi ako! Ysa, sorry talaga kasi naman sobrang busy ko lang kaya nawala sa isip ko!" Depensa ko naman bago hinaplos ang litrato ni Ysa sa lapida. Sana hindi siya galit.

"Hey, wife, I'm sure naman hindi magagalit si Ysa sayo. E, love na love ka niyan." Natatawang sabi pa ni Nico. Naka-jacket siya ngayon at mukhang naka-chill lang sa kama niya.

"Sana all hindi busy. Netflix and chill ka siguro dyan." Napairap ako sa kanya.

"Gusto ko nga rin kasama kita para tayo rin mag-Netflix and chill." Natatawang sabat naman niya.

"Bwiset ka talaga! Mahiya ka naman! Nandito si Ysa oh!" Sigaw ko pa.

"Joke lang. Pero Ysa, alam mo ba ang saya ko ngayon kasi magkakasama tayong tatlo. Tsaka... kapag talaga marami na akong pera papakasalan ko si Tesa dyan sa pinas. Gusto ko magarbo tapos papakantahin ko si Jed Madela at Gary V. Shet ang solid non!" Sabi pa ni Nico.

"Talaga lang ah? Baka iba pakasalan mo, e." Inirapan ko ulit siya.

"Kapag ikaw pinakasalan ko, humanda ka sa 'kin. Dapat mo akong bigyan ng sampung anak." Natatawang banta pa ni Nico.

"Kahit bente pa kung gusto mo." Biro ko naman.

Siguro nga nasa tao pa rin ang desisyon kung gusto niyang magkaroon ng happy ending o sad ending sa buhay niya. Kasi kung desidido kang maging masaya, gagawa at gagawa ka ng paraan para mapagtagumpayan mo 'yon. Kung susuko ka naman, walang mangyayari sayo at matatapos ang buhay mo na malungkot.

Kami? Kahit LDR kami ngayon, we chose to be happy. Kasi kung para sayo talaga, kahit malayo pa 'yan sayo, babalik at babalik pa rin 'yan sa huli.

Wakas.

MissJC20 © 2020