FINAL CHAPTER
NICOLAI'S POINT OF VIEW
Tesa changed her phone number. She deactivated all her social media accounts. She really cut all our connections.
Bakit ganito? It wasn't my fault; it was my dad's. Pero bakit parang kasalanan ko?
Ysa was my friend too! Nagluksa rin ako no'ng nawala siya. Just because it was my dad who killed her, kasalanan ko na rin? Gano'n ba dapat 'yon? Bakit kailangang madamay 'yong kami kahit wala pa naman talagang kami?
As expected, I knew this would happen. I tried to hide dad's secret nang malaman ko, but I know malalaman din naman niya. So, what's the point of hiding it? Yesterday, I finally got the courage to let her know about what had happened. And as expected, she hates me now.
"Here's your coffee, sir." Inilapag ng waiter ang order ko bago siya umalis.
I took a sip from my coffee and sighed. Even my favorite coffee can't help me feel better anymore.
"Tesa, I know you're hurt. I am too..." I muttered.
Tumingala ako at bumungad sa akin ang ceiling ng café. Nanatili ako sa ganoong posisyon para pigilan ang sarili kong umiyak. Putangina, hindi naman masamang umiyak ang mga lalaki 'di ba? Sa buong buhay ko, never akong naging iyakin. Kahit noong bata pa ako, hindi ako 'yong umiiyak kapag inagawan ng laruan. I wasn't... except when it comes to my love ones.
Damn love. Bakit ba ang dami mong pinapaiyak?
My phone rang. I'm not expecting a call from anyone. Sino naman kaya 'to? Definitely not Tesa.
Papa calling...
My chest throbbed. I've been ignoring him since I found out about Ysa's diary. This time, I answered his call.
"Nico, I'm home. Kararating ko lang." Sabi niya sa kabilang linya.
I stayed quiet.
"Yesterday, I received a message from your friend, Teresa. She... she knew about... the diary."
Narinig ko na lang na umiiyak na pala siya. I can feel his pain. Pero hindi ko siya kayang damayan ngayon. I hate him. Wala akong tatay na mamamatay tao.
"So... you f-found out and... you told her?"
"You killed her. You killed Ysa." It was almost a whisper but I know he heard it. Napahagulgol siya dahil sa sinabi ko.
Kumuyom ang kamao kong nakapatong sa mesa, ang isang kamay ko naman ay napahigpit sa paghawak ng phone na nasa tapat ngayon ng tainga ko.
"Believe me, Nico. Pinagsisihan ko na ang nagawa ko noon. Dati akong pulis, anak. A-ayokong mawalan ng trabaho noon so I hide it. I know it's wrong butー"
"But you still did it! Bata 'yon, pa! I didn't know you're like that!" Wala na akong paki kahit na pinagtitinginan na ako ng mga customers ngayon.
"I'll pay for it. I will definitely pay for it. I'm sorry, Nico. Always remember na mahal na mahal kita. Paalam, anak..."
The call ended. Ilang segundo ko pang tinitigan ang screen ng phone ko para pagmasdan ang kakatapos lang na tawagan namin.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Na para bang may masamang mangyayari.
Mabilis akong napatayo at kumaripas ng takbo palabas ng café. "No... please no."
Ilang minuto ang lumipas bago ko narating ang bahay namin. Marahas kong binuksan ang pinto at agad na pumasok. Tahimik ang buong bahay. Walang ibang nasa isipan ko ngayon kundi si papa. Hinanap ko siya sa buong bahay ngunit ni anino niya hindi ko mahagilap.
Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa terrace. And I saw him there hanging with a rope on his neck. That's when my tears fell down.
He left me, too. How am I supposed to live now?
●●●
TERESA'S POINT OF VIEW
That predator was no other than but Nico's father, Tito Alfred.
And yes, he committed suicide.
He did that... maybe because he's guilty of taking an innocent child's life, and wanted to pay for it with his life? Or maybe because he wanted to escape the life that's waiting for him in the prison?
Whatever his reasons are... it doesn't matter to me anymore. He's gone, and no one can ever change that.
A week had passed. Ang daming nangyari. I know he's absolutely grieving right now. He's not fine. Of course. He just lost his dad, his beloved companion. Malungkot din naman ako sa nangyari pero 'yong sakit alam kong nandito pa rin. Hindi ako dumalo sa libing ng papa niya at alam kong mas lalo siyang nasaktan dahil doon. Pakiramdam niya siguro wala na akong pakialam sa kanya.
Sa totoo lang gusto ko siyang yakapin ngayon. Gusto ko siyang i-comfort, samahan, alalayan... pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi hindi ko mapigilang magalit sa kanya dahil sa nagawa ng tatay niya noon.
Kaya siguro hindi niya masabi-sabi sa akin ang tungkol sa nalaman niya kasi alam niyang magagalit ako hindi lang sa tatay niya, kundi pati na rin sa kanya.
Hindi ko alam. Hindi ko rin alam. All I know is that... even if Ysa died 10 years ago, the pain was still here.
Hindi ko makakalimutan ang kaibigan kong nakahimlay sa munti niyang kabaong. Masyado pa siyang bata para lisanin ang mundo. Namatay nang walang kalaban-laban. Ultimo pamilya niya, hindi nila ito nabigyan ng hustisya noon.
Now that we know who the predator is, Ysa's parents decided to close the case. Sabi nila okay na raw ang lahat dahil mas naging malinaw na sa kanila ang mga nangyari. Sa wakas ay lumabas na rin ang katotohanan.
Okay na sila, samantalang ako hindi pa rin. Masyado ata akong apektado kaya parang ako na lang ang hindi pa rin tanggap ang mga nangyari.
Dahil sa ganitong kalagayan ko, araw-araw akong binibisita ng mga ungas. Sila Gardo, Samson at Brandon. Naka-video call ko rin noong nakaraang araw si Angelo. Pinapagaan nila loob ko kahit papaano. Hindi rin nila binabanggit ang pangalan niya, marahil ay alam nilang hindi pa ako handa para sa taong 'yon.
I love him, I really do... but why did we end up like this?
●●●
3 years after.
As usual, maingay na naman ang buong bahay dahil inaraw-araw na ng mga tukmol ang pagbwisita rito. Palibhasa walang pasok. Hindi naman ako tumututol kasi masaya naman ako kapag nandito sila. Ang boring din kasi kapag kami lang ni mama at Maria ang nandito.
"SAMSON! PUTANGINA MO TALAGA KAHIT KAILAN!"
"HAHAHAHAHA! ANG KORNI MO! IMBES NA KILIGIN 'YON, BAKA TAWANAN KA LANG DIN!"
Naghahabulan na naman 'yong dalawang tukmol. Parang hindi college ang mga hayop. Nahihilo na rin kami kasi paikot-ikot sila rito sa sala. Pinakialaman kasi ni Samson 'yong phone ni Brandon kaya na-send 'yong mga panis niyang banat sa crush niya. Si Gardo naman tawa lang nang tawa sa sofa habang binabasa 'yong mga messages.
"PUCHA! NA-SEEN NA NIYA!" Bulalas pa ni Gardo.
Biglang natigilan ang dalawa sa paghahabulan at kumaripas ng takbo para daluhan si Gardo at nakisilip din sa phone. Mabilis na inagaw ni Brandon ang phone niya at tinitigan ang screen.
"TYPING! TYPING!" Excited na turan pa ni Samson na nasa likod ni Brandon habang sumisilip din.
"You're funny. Yes, I'm free on Saturday. Let's meet." Binasa ni Gardo ang reply ng babae.
"AYOS! HAHAHAHA! TANGINA MO! MAG-THANK YOU KA SA 'KIN, LECHE!" Ani Samson sabay hinampas sa balikat si Brandon na halos mangisay na sa kilig.
"Congrats, Brandon! Goodbye single life!" Sigaw ko pa kasi nakakatuwa dahil first time niyang magkaka-girlfriend if ever sagutin siya ng babaeng crush niya simula pa noong first year namin sa college. At third year na kami ngayon.
Namumula pa rin ang gago kaya hinayaan na namin siyang tumakbo palabas. Baka magsisisigaw pa sa tuwa. Natatawa pa rin sila Samson at Gardo pero humupa na ang kagaguhan nila kaya umupo na lang sila at nanood sa TV.
"E, ikaw, ate? Kailan ka maggu-goodbye sa single life mo?" Natatawang sabi naman ni Maria. Ito talaga, ang bata-bata pa pero ang dami-daming alam.
Nakaupo siya ngayon sa hita ko dahil bine-braid ko ang buhok niya. Marunong na ako kasi tinuruan ako ni Vanesa na girlfriend ni Samson. At oo, bestfriends na kami. Hindi ko nga alam kung paano nangyari basta nagising na lang ako isang araw na tanggap ko na siya bilang barkada at girl bestfriend ko. Dati kasi sobrang tatag ng bakod ko sa mga babaeng gusto akong maging friend pero nawasak 'yon ni Vanesa and I'm thankful to her kasi pinakawalan niya ako at hinayaan niya akong mahalin din ng iba at maging open sa iba.
At si Maria? Okay na siya. Alam kong hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga pinagdaanan niya pero alam kong mas matatag pa siya sa akin kaya kinakaya niya. Strong girl kaya 'tong kapatid kong ito. Alam kong proud din sa kanya ang kambal niyang si Leonora sa langit. Buti pa nga siya e naka-move on na sa past niya.
"Ang saya kayang maging single!" Sabat ko naman.
Sabay naman napalingon sa akin sina Samson at Gardo bago napangiwi. Tinawanan tuloy ako ni Maria.
"Ate, hindi mo ba nami-miss si Kuya Nico?"
Natigilan ako sa pagbe-braid ng buhok niya. Tumayo ako at iniwan sila sa sala. "Kuha lang ako ng tubig." Pagpapaalam ko bago dumiretso sa kusina.
"Ate, 'di pa tapos hair ko! Sorry naaa!"
"Daldal kasi." Boses 'yon ni Samson.
"Uuwi raw si Angelo ng pinas?" Tanong ni mama nang makarating ako sa kusina. Abala siyang naghuhugas ng mga gulay sa sink. Ala-sais na rin kasi at naghahanda na siya para sa dinner.
Nang mailabas ko ang pitsel at makapagsalin ng tubig sa baso ay tsaka lang ako sumagot. "Opo, ma. Bakasyon daw. Baka next week bibisita rin siya rito." Sabi ko bago ko nilagok ang tubig sa baso.
Nakarinig kami ng doorbell kaya napalingon kami sa sala. Inutusan ako ni mama na tingnan ko kung sino 'yon kaya dumiretso ako sa sala habang hawak-hawak ko pa rin ang babasagin kong baso na ininuman ko ng tubig. Pagdating ko roon ay nandoon na pala 'yong tatlong tukmol at sila ang nagbukas ng pinto.
"ANGELO!?" Nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
May mga dala pa siyang maleta. Apat? Ang dami naman nitong dala? At alam kong uuwi siya pero hindi ko alam na ngayon mismo!
Napalingon ako sa mga tukmol na hindi man lang nagulat. What the heck? So alam pala nila!
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin!?" Pinaghahampas ko silang apat pero hindi sila gumaganti as always.
"Tesa, pwede maki-sleepover din?" Nakangiting paalam pa ni Angelo.
"Sinabi niyo na makikitulog kayo rito?" Kunot-noong tanong ko pa sa tatlong tukmol at sabay-sabay naman silang tumango. Nakakapagtakha lang kasi ang tahimik nila ngayon.
"Sige, dito kayong apat sa sala. I miss you, gago." Sabi ko pa bago ko niyakap si Angelo. Na-miss ko talaga siya, e.
"Ibaba mo muna baso mo, Tesa. Baka mabitawan mo 'yan." Sabi pa niya matapos ng yakapan namin.
"Parang tanga 'to, ba't ko naman bibitawan." Natatawang sabi ko.
Itong tatlong tukmol sa tabi namin ang tahimik pa rin. Anong meron?
"Tesa, may kasama ako. Baka pwedeng makitulog din siya rito ngayon? Dito na kasi kami dumiretso mula airport, e." Sabi ni Angelo kaya lumingon-lingon ako sa likuran niya para hanapin 'yong kasama niya.
"Asan kasama mo?" Tanong ko pa kaya nilagpasan ko siya at tuluyang lumabas ng pintuan.
Lumingon ako sa paligid at napako ang tingin ko sa isang lalaking nakatalikod sa 'di kalayuan. Nang humarap ito ay doon ko na nabitawan ang baso. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Nagulat din siya kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa pwesto ko.
"You're bleeding. Don't move, baka maapakan mo pa." Nakayuko siya ngayon at pinupunasan ng panyo ang binti kong nagdurugo dahil natalsikan ng bubog.
Hanggang sa tinalian niya 'yon ng panyo kahit maliit na sugat lang naman. Tumayo siya at binuhat ako paloob. Pinaupo niya ako sa couch. Sobrang tahimik ng lahat. Alam kong nasa amin ang atensyon nila.
"B-bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya.
Ngayon ko lang napansin na umiiyak nga talaga ako.
"Masakit ba? Kukuha ako ng band aid saglit." Sabi pa niya at aalis na sana kaso natigilan siya dahil nagsalita ako.
"Oo, masakit. M-masakit pa rin. Masakit pa rin, Nico." Humihikbing turan ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.
Alam kong ako ang unang umiwas pero hindi ko naman inaasahan na iiwan mo talaga ako. Bakit ka nawala, Nico? At bakit ngayon ka lang bumalik?