CHAPTER 8
CAPTURED BUT NOT REALLY
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Putek? 1158 users? Imposibleng mahanap natin 'yon, men!" Reklamo ni Gardo.
"Sino ba kasi 'yang Matthew na 'yan at magugulpi ko talaga." Si Brandon.
"Anong gagawin natin, Nico?" Naiiyak na saad naman ni Teresa.
Napamura na lang si Nico dahil nakikita na naman niyang umiiyak ang babae. Gusto niyang sigawan ito dahil naiirita siya pero ayaw naman niyang mas lalo itong umiyak. Napapikit na lang siya para mag-isip kung anong dapat gawin.
"Tesa, t-tahan na..." Mabilis na lumapit si Angelo at tinabihan ang babae sa sofa, pinapatahan.
"Fix yourself. Wipe your tears. Walang magagawa ang pag-iyak-iyak mo dyan, Tesa." Mariin at seryosong wika ni Nico.
Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Listen, it will take time but I know we can find him. Lahat kayo, ilabas niyo phones niyo, sasabay-sabay natin siyang hahanapin. He's just around Manila sabi rito sa about." Nagtipa muli si Nico sa laptop. "Now, kung tatanggalin natin ang ibang Matthew na outside Manila at ise-search lang ang Matthew from Manila, ito ang lalabas..."
There are 103 users named Matthew from Manila, Philippines
Lahat sila ay nanlaki ang mga matang napatitig sa TV screen. Agad nilang inilabas ang mga phones at nagtipa na rin.
"One more thing, walang nakalagay na picture sa profile niya no'ng tingnan ko kanina. Isang avatar lang na mukhang dahon, ready-made na sa site. Maraming magkakapareho." Si Nico ulit.
"Icha-chat natin lahat ng Matthew na pasok sa sinabi mo ganun ba, men?" Si Gardo naman iyon.
"Deputa! Tol, malamang!" Binatukan siya ni Brandon.
"Tokwa! 'Wag na maingay! Chat na agad!" Si Samson naman iyon, seryoso at focus na focus sa sariling phone.
"A-anong itatanong ko, Nico?" Mahigpit na hawak ang phone, tanong ni Teresa. Tumigil na rin sa wakas sa pagluha. Tila nagkaroon ulit ng tapang para magpatuloy.
"Bitawan mo 'yan. Kumalma ka muna kasi ikaw makikipag-usap sa kanya maya-maya." Sagot naman ni Nico, hindi lumingon dahil abala sa pagtitipa sa laptop.
"GUYS!" Agad napatayo si Angelo, pumunta sa gitna at ipinakita sa mga kasama ang nasa screen ng kanyang phone.
___
Matthew: Hi!
Matthew: ang cute mo sa profile mo
Matthew: Pwede ba kitang makita ineng?
Matthew: Don't worry mabait ako. Taga manila ka rin pala. Gusto mo mamasyal?
Matthew: Typing...
___
Lahat sila ay natigilan at biglang nakaramdam ng kaba. Ito na 'yon, malakas ang kutob nila. Mas mabilis pa sa inaasahan. Ang lalaking hinahanap nila... mahilig talaga sa bata.
___
Matthew is requesting for a video chat
Accept | Decline
___
"P-PUSANG GALA! PEDOPHILE AMPUTA!" Si Samson.
"Putek, nagi-guilty tuloy ako sa mga nilalandi ko sa Omegle! Pero at least hindi ako pumapatol sa bata!" Si Gardo.
"Puta, ako rin punyemas! Sa Chatous ako, e. Potek! Potek!" Si Samson ulit.
"Basta ako, nanonood lang ako ng hentai, minsan censored pa." Si Brandon naman.
"Guys, ano ba? Seryoso 'to." Nahihiya namang pagpapatahimik ni Vanesa.
"Hanggang kay Ivana Alawi lang ako! Pero ano na!? Sasagutin ko ba o hindi!? Tokneneng naman oh!" Nanginginig naman ang kamay ni Angelo habang nakatayo pa rin sa gitna.
Mabilis na hinablot ni Nico ang remote sa mini table at binuksan ang connection. "Connect mo sa TV phone mo, Gelo! Tapos bigay mo kay Tesa! Putangina naman, dalian mo na!" Sigaw pa ni Nico na kahit hindi man aminin ay kinakabahan din.
Nang mai-connect, halos madulas si Angelo sa pagtakbo pabalik sa puwesto ni Teresa. Nanginginig ang mga kamay na iniabot niya iyon sa babae. Maging si Teresa ay gusto na lang maglaho o 'di kaya'y magpalamon na lang sa sofa na inuupuan dahil kabadong-kabado na. Ngunit wala siyang choice, ito ang plano. At kailangan niyang maging matapang para sa mga kapatid.
___
Matthew is requesting for a video chat
Accept | Decline
___
"Ready ka na? Huminga ka muna, Tesa." Diretso, mata sa matang sabi ni Nico sa katabi. Lumayo rin siya upang hindi siya mahagip ng camera mamaya. Tiningnan din niya si Angelo at na-gets naman nito agad kaya lumipat ito sa kabilang sofa.
Ginawa ni Teresa ang sinabi sa kanya, huminga siya nang sobrang lalim. Inayos niya ang makalugay niyang buhok at headband na pink. Wala na ang ribbon dahil binaklas iyon ni Nico mula sa headband dahil sa sobrang pagkairita kanina. Inayos din niya ang jacket na suot bago humarap sa camera, kalahati lang ang mukha. Hinawakan niya nang mahigpit ang phone ni Angelo kahit halata na medyo nanginginig ang kamay niya.
___
Matthew is requesting for a video chat
Accept | Decline
___
"Ang cute mo namang bata, Ivana. Ilang taon ka na?" nakangiti, napaka-friendly ng approach.
Masama ang tingin ng mga kaibigan ni Teresa sa lalaking nasa TV screen. Kulang na lang ay sugurin at pagtatadyakan na ni Gardo ang TV kung hindi lang siya pinigilan nila Angelo at Brandon.
"Putangina mo! Panot! Mukha kang ebak!" naiinis na hiyaw pa ni Gardo.
Sinamaan naman siya ng tingin nila Nico at binato siya ng unan ni Samson. "Takte! Mapanakit!" reklamo pa ni Gardo.
"Sino 'yon?" Kumunot ang noo ng lalaki sa screen.
"W-wala po. Mga kuya ko po. Nag-aaway na naman po. Ano po kasi... nag-try po 'ko dito kasi po sabi po ng classmate ko po madami daw po pwede kausap po dito po kapag malungkot po." Kunwari'y nag-pout pa si Teresa upang mas maipakita na nalulungkot nga siya. Kinakabahan man ay pinipilit niyang maging kalmado upang hindi masayang ang plano nila.
Kapansin-pansin naman ang pag-thumbs up nila Samson, Gardo, Vanesa, at Angelo sa gilid na mukhang namamangha sa biglaang paga-acting ni Teresa. Si Nico naman ay seryosong pinagmamasdan ang itsura ng lalaki sa screen. Ganoon din si Brandon na biglang nanlaki ang mga mata nang mapansin ang paggalaw ng kaliwang braso ng lalaki.
"Amputa, nagsasarili si gago." Mahinang sabi ni Brandon. Mahinang napamura rin ang iba. Hindi naman nagsalita si Nico kundi inilagay lang ang index finger niya sa tapat ng labi upang iparating na tumahimik muna sila.
"Ilang taon ka na? Libre ka bukas? Sabado naman. Gusto mo mamasyal? Meet up?" Tila hindi ito napapagod kakangiti.
"12 na po ako. Bukas po? Meet up po?" Sagot naman ni Teresa, halata na ang panginginig ng kamay niya.
"Saan ba banda bahay niyo? Ako na lang magsusundo sayo. Chat mo sa akin address niyo."
"A-ano po. Kita na lang po tayo sa labas po. K-kaya ko naman po pumunta ng market po. Sa may coffee shop po, p-pwede po doon po. Chat ko po kung saan po banda po." Sagot naman ni Teresa sabay napalingon kay Nico na nasa dulong bahagi ng sofa.
Kalma, kalma. Nabasa ni Teresa ang galaw ng labi nito.
"Ayos. Kita tayo bukas ha? Gusto ko cute isusuot mo. Pasyal tayo ng mall. Ako na bahala, libre ko na. Goodnight, Ivana!" Sabik na sabik, napakasaya nito bago magpaalam.
Matthew ended the video chat
___
Halos malagutan ng hininga si Teresa kanina. Ngayon niya lamang nagawang makahinga nang maluwag. Inilapag niya ang phone sa mini table bago napayuko. Kusang pumatak ang mga luha niya hanggang sa humikbi na siya nang humikbi.
Mabilis siyang dinaluhan ni Angelo at niyakap. Lalapit din sana si Nico kaso naunahan na siya kaya nanatili na lamang siya sa puwesto niya.
"Makikipagkita talaga si Tesa sa pedophile na 'yon, Nico? Hindi ako papayag!" Naiinis na sabi pa ni Angelo habang pinapatahan si Teresa.
"Sa tingin mo ba gusto ko!? Ayoko rin namang makipagkita siya sa putanginang matanda na 'yon!" Tila nagbabaga ang mga mata at kulang na lang ay bumuga na rin ito ng apoy sa sobrang galit niya.
"Anong nangyayari rito?"
Napalingon silang lahat sa lalaking bagong dating. Inilibot nito ang tingin sa buong sala at kunot-noo silang pinagmasdan.
"Pa, a-ano kasi..." ani Nico, napatayo.
Biyernes nga pala ngayon.
●●●
"Retired na ako sa pagiging pulis. Hindi ko alam kung bakit ko ba kayo tinutulungan ngayon. Dapat otoridad gumagawa nito." Napabuntong-hininga si Alfred, ang tatay ni Nico.
"Tinawagan ko na mga pulis. Parating na sila. Papasok ka ba talaga, hija? Delikado ang taong 'yon." Tanong pa nito kay Teresa na todo bihis ngayon. Mukha talagang nene. Naka-jumper, may headband, at pigtail ang style ng buhok.
"Kapag nahuli po siya, sasabihin niya po kung nasaan mga kapatid ko. Papasok po ako, tito." Diterminadong ani Teresa bago tuluyan nang pumasok sa coffee shop.
Sina Nico naman at ang mga tropa niya ay pumasok na rin para magkunwaring costumer. Agad na nag-order ang mga tukmol at pasimpleng lumilingon sa paligid para alamin kung nandyan na ba ang pakay. Nanatili naman si Alfred sa labas upang hintayin ang mga tinawagang mga pulis.
Umupo na si Teresa sa isang tabi, malapit sa bintana. Pumikit at tahimik na nagdasal. Kinakabahan siya ngayon, halata naman, ngunit kailangan niyang itago. Kailangan niya ulit magtapang-tapangan para harapin ang predator na iyon. At oo, siya ang pain, isang prey.
"Hi? Ikaw ba si Ivana?"
Agad siyang napamulat ng mata. Halos magsitindigan ang mga balahibo niya nang marinig sa personal ang mababa nitong tinig. Mukhang mabait, ngunit ang totoo'y mapanlinlang at makamandag.
"O-opo, Ivana po pangalan ko." Yumuko ito saglit para huminga nang malalim.
Umupo naman ang matanda sa katapat nitong silya. Mukha itong disente sa suot na dilaw na polo na hanggang braso lang ang sleeve. Itim ang pants at itim ding sapatos. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok, naka-brush up at tila nilagyan ng hair wax. Maaliwalas din ang mukha nito dahil mukhang kaka-shave lang ang bigote. Napakalinis nitong pagmasdan. Kaya sinong mag-aakala na masama ang taong ito?
"Tara na? Nasa labas ang kotse ko." Mukhang nagmamadali ang matanda, hinawakan pa nito ang pulsuhan ni Teresa. Nagulat naman ang babae dahil sa kakaibang hawak nito.
Muntikan nang mapatayo si Angelo ngunit mabilis siyang hinila paupo ng mga kasama. Masama ang tingin nilang lima sa matandang kaharap ni Teresa.
"N-nagugutom po ako. G-gusto ko po ng milktea." Dahilan ni Teresa. Wala pa rin kasi ang mga pulis.
"Pwede naman sa restaurant. Mas masarap pagkain doon. Tara na, Ivana." Ngayon ay hinahaplos na nito ang mga braso niya.
"P-pero mahal po doon." Kinakabahan na siya ngayon at unti-unti nang nababawasan ang katapangang ilang oras niyang inipon.
"Don't be shy, darling. Ako na ang bahala." Ngumiti pa ito bago hinawakan at hinaplos ang ibabaw ng ulo niya. Lumapit pa ito at tila nilanghap ang mga hibla ng buhok ni Teresa.
Mabilis na nagsulputan ang mga pulis, pinalibutan ang target. Tinutukan nila ang matanda ng baril. "Don't move. You have the right to remain in silence." Agad nilang naposasan ang lalaki.
Tumayo si Teresa at lumayo. Hindi na niya napigilan ang tuluyang pagbagsak ng kanyang mga luha. Mabilis naman siyang dinaluhan nila Angelo.
"A-anong ginawa mo sa mga kapatid ko? Saan mo d-dinala ang kambal!?" Pagtangis ni Teresa, nakakuyom ang mga palad tila gustong manampal ngunit hindi niya magawa dahil sa takot.
"Sabi ko na nga ba't parang iba ang pakiramdam ko." Natawa ang matanda.
"Nahuli niyo man ako, marami pa rin kami. Hindi mo na makikita ang mga kapatid mo. Pagkatapos ko silang pagsawaan, binenta ko na sila." Nakangisi pa nitong sabi bago humalakhak. Matapos niyon ay kinaladkad na siya paalis ng mga pulis.
Tila nanghina ang mga tuhod ni Teresa sa narinig. Napasalampak na lamang siya sa sahig. Nag-aalala naman siyang pinatahan ng mga kaibigan. "T-Tesa..."
Kung gaano siya natatakot ngayon, paano pa kaya ang mga kapatid niya?