Chereads / That Predator / Chapter 8 - Chapter 5: Blaming Social Media

Chapter 8 - Chapter 5: Blaming Social Media

CHAPTER 5

BLAMING SOCIAL MEDIA

TERESA'S POINT OF VIEW

"Good morning, Madam Tesa." Nakangiting bungad ni Nico nang makapasok ako sa kotse niya. Mali. Kotse ng tatay niya.

Hindi ako sumagot. Dumiretso ako ng tingin sa harapan. Na-gets naman niya agad na ayaw ko siyang kausap kaya agad na lamang niyang pinaandar ang sasakyan.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami ng school. Huminto ang sasakyan sa parking lot. Plano kong lumabas na agad, bubuksan ko na sana ang pinto ngunit naka-lock pa ito.

Ampucha naman, Nico.

"Unlock the goddamn door, Quijano." Masama ko siyang tiningnan pero parang wala lang 'yon sa kanya.

"Pwede mo namang buksan. Pipindutin mo lang lock, e." Sabat naman niya, nakatingin lang sa harapan at parang wala pa ring balak lumabas ng sasakyan.

Hindi naman siya ganito dati! Pagdating namin dito, ia-unlock na niya agad para diretso ang pagbukas ko ng pinto at paglabas ko. Iniinis niya ako lalo!

"Mamayang uwian, sabay ulit tayo. Hindi ka makakasabay kay Angelo kasi may gasgas kotse ng mama niya. Ayon, pinagalitan. Hindi na niya ulit magagamit 'yong sasakyan." Ngayon, nilingon na niya ako.

May naalala tuloy ako dahil sa sinabi niya.

"Angelo! Angelo 'yong aso!" Sigaw ko habang lumalamon ng pizza, nahulog ko pa nga dahil sa kaba. Shit! Sayang!

Mabilis niyang iniliko ang kotse at sumagi ang side mirror nito sa magaspang na pader sa kalye papasok sa barangay namin. "Tokneneng. Lagot na 'ko nito kay mama."

"Na-miss ko pagngiti mo. Too bad, I'm not the reason." Nakangiting sabi ni Nico bago napangiwi.

Hindi ko alam na napangiti ako dahil sa katangahan ni Angelo kagabi. Mabilis kong binago ang ekspresyon ko. Inirapan ko siya. Ibinalik ko ang pagiging pokerfaced.

"Today, focus on your studies. Kung anuman ang ikinagagalit mo dyan, don't let it bother you. Alam kong hindi ka masyadong pala-review kasi kahit stock knowledge lang, e, kaya mo nang ipasa ang mga exams natin, but I still want to say na 'good luck sayo mamaya,' I'll do my best, too. Nag-review ako, e."

Matapos niyang sabihin iyon ay narinig ko na ang pag-click ng locks ng mga pinto ng sasakyan. Hindi ako lumingon sa kanya pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. "See you after class, Tesa."

Hindi ako nagsalita. Mabilis ko na lamang binuksan ang pinto at lumabas. Patakbo na akong umalis para magtungo sa classroom.

Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan ngayon. Kung dahil ba sa exam ngayong araw o sa pagpapaliwanag na gagawin ko mamaya kasi alam kong tatanungin niya kung bakit ako naging snob nitong mga nakaraang araw. And I think, the answer for that is the latter.

●●●

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Lunchbreak na ng mga elementary students. Nasa playground ang karamihan, nakikipaglaro ng kung ano at ang iba ay naghahabulan. Marahil kung wala pang mga gadgets ay lahat ng bata sa paaralang ito ay nakikipaglaro sa kapwa nila bata. Bilang na lamang ang mga naglalaro ng taya-tayaan. Karamihan ay phones o dili kaya'y Ipad o tablet ang hawak.

Mukhang mas nage-enjoy pa ang karamihan na maka-chat ang mga kalaro nila kahit na magkakatabi lang naman sila.

Maging mga parents na nandito nga ay phones din ang hawak. Halos mabulunan na sa kinakain ang isang batang lalaki, ngunit hindi man lamang iyon napansin ng ina dahil abala ito sa pinapanood. At oo, naka-headset kasi ito.

"Leonora, nag-chat yung si kuya na 17 years old dito sa app. He said I'm cute! Kilig ako ihh!" Tumitiling ani Maria, hawak-hawak ang phone.

"Magka-video call kami netong matandaーHALA KA! ANLAKI!"

Napahiyaw si Leonora dahil sa nakita sa screen ng kanyang Ipad. Sumilip naman ang kakambal niya para malaman kung bakit.

"Hi, darling! Say 'hi' to daddy's huge friend. Don't be shy."

●●●

TERESA'S POINT OF VIEW

Katatapos lang ng exams namin ngayong araw. May ilang subject pa kaming e-examine bukas. Sa Thursday at Friday naman ay wala kaming pasok. Alam kong magyayaya na naman ang mga tukmol na gumala sa mga araw na 'yon.

Pansin ko ang mga kalalakihan na nagkumpul-kumpol sa likuran. Sa pagkakarinig ko ay pinapanood nila ang trending na scandal ngayon sa social media. Ang nakakaloka pa ay schoolmates daw namin at pareho na silang nag-dropout. Rinig na rinig ko ang kantyawan at tawanan ng mga kaklase ko sa likod.

"College yung lalaki, men."

"Juts naman si gago! Putragis na 'yan!"

"Grade 12 'yang babae. Sa kabilang section. Alysa pangalan."

"Amputa, tol, 'yan yung babaeng mahiyain daw. Putek, e ang bagsik pala sa kama!"

Iba na talaga nagagawa ng social media ngayon. Kung ako siguro ang babaeng 'yon ay magpapakamatay na lang ako dahil sa kahihiyang naidulot ko sa pamilya ko. Mababaliw siguro ako sa mga hate comments at panggagago na mababasa ko. Imbes kasi na pagsabihan ka't pangaralan, mas lalo ka pang ida-down ng sambayanan. Kasalanan 'to ng social media at irresponsible users. Sa kasamaang palad, napakarami nila.

"Hoy, Teresa! Anong sagot mo sa number 9?"

"Bingi! Hoy, bitch!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakatayo siya sa harapan ko ngayon. Siya ang kaklase kong makeup na tinubuan ng mukha na sinusubukang kumopya kanina pero eksperto ako sa pagtakip ng sagot kaya wala siyang napala.

Alam kong inis na inis na sila sa akin ever since kaya normal lang na hino-hoy ako ng mga 'to. Isa pa, never kong naramdaman na parte ako ng section na kinabibilangan ko. Hindi kasi ako friendly lalo na sa mga bitches at sinusungitan ko lahat ng mga nagbabalak makipag-close sa akin.

Iba trip nila, iba rin trip ko. Grupo-grupo nga sila, e. Hindi solid ang section namin. Adviser nga namin ang hilig mag-drama, sarap matawa sa ka-OA-han niya. Minsan kasi gets ko naman pinaghuhugutan niya, pero madalas nagiging OA na lang siya. Bigla na lang kasing sisigaw na maingay kami kahit na ang tahimik naman.

Ewan ko ba, basta ayoko sa kanilang lahat. Mas natutuwa pa akong katabi mga walis at dustpan sa gilid kaysa maging ka-close sila.

"Bingi ka ba or nagbibingi-bingian? Nagtatanong ako, sagutin mo! Anong sagot mo sa number 9 ka ko!"

"Secret." Iyon na lang ang sinabi ko.

"Wala ka talagang kwenta. Nyeta ka." Sabi pa niya bago ako inirapan at umalis.

Kung murahin ako wagas, samantalang ang galing niyang magpabuhat kapag may group tasks. Tuwang-tuwa pa siya kapag nakakagrupo niya ako kasi alam niyang wala akong choice kundi buhatin sila. Mga dumbbells.

Kung kaklase ko lang sana ang mga tukmol ay ipapatira ko talaga ang bitch na 'yon. Sadly, nasa kabilang section sila. Magkaklase sina Nico at Angelo at magkakaklase naman sina Gardo, Brandon, at Samson. At for sure, kung hindi dahil kay Nico ay hindi ko naman magiging tropa ang apat pang tukmol.

Bestfriend namin ni Ysa si Nico simula pa bata. Alam ko ang mga strengths at weaknesses niya. Alam ko ang mga kagaguhan niya at mga sikretong itinatago niya sa magulang niya at sa iba pang tao. Alam ko rin na sobrang sweet niyang tukmol pero ang isiping may gusto siya sa akin kaya niya iyon nagawa noong gabing lasing siya ay... hindi ko alam kung paano ko tatanggapin.

Baka nago-overthink na naman ako. Ayoko namang umasa kasi alam kong may iba siyang gusto rito sa campus. At alam ko sa sarili kong wala rin akong gusto sa kanya. Kaya hindi dapat ako parang timang ngayon na kung ano-anong iniisip.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at dinampot ang aking backpack bago isinabit sa likuran ko. Naglilinis na ang mga kaklase ko ngayon. Alam kong pinapanood nila ang paglabas ko ng classroom. Paniguradong pag-uusapan na naman nila ako kapag nakalabas na ako.

At gaya nga ng inaasahan, may narinig ako bago ko tuluyang maisara ang pinto ng silid.

"Matalino, maganda, sexy, at talented. Perfect package na sana kung hindi lang suplada."

"Kurt, okay ka lang? Siya? Maganda? Bulag ka ba? Mas maganda pa 'ko, e."

"Tsaka ang sama ng ugali niya. Hindi rin siya marunong makisama. For sure, sa Christmas party natin hindi siya dadalo. Ganyan din daw siya last year at nung junior high."

"I know right. Masyado siyang self-centered. Wala siyang pakialam sa iba. No wonder marami siyang basher."

"Pasimpleng malandi rin 'yan. Puro lalaki kasama. Hindi ko nga alam kung paano sila naging close ni Nicolai e napaka-friendly no'n at pogi pa. Alam ko maloko rin si pogi. Nagpapatira siguro siya kaya close na close sila. Tsk."

Mga deputa.

Dumiretso ako ng parking lot, hihintayin ko si Nico kahit labag sa loob ko. Kung tutuusin pwede naman akong mag-jeep na lang para makauwi na pero pinili ko pa ring maghintay dito sa tapat ng sasakyan niya.

Nagulat ako sa pagsulpot niya at bigla niya akong ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Ang bawat palad niya ay nakikipag-apir sa sasakyan. Nasa gitna ako, gustong kumawala pero walang magawa. Nakasandal ako ngayon sa kotse, sa may pinto ng backseat to be exact. Hindi ako makagalaw nang maayos kasi ang lapit niya. At punyeta, naiilang ako.

"Ano? Bakit ka nga galit? Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi." Ani Nico, seryoso. Nakakunot ang noo niya.

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya akong ganituhin o sadyang wala lang talaga siyang maalala that night. Kilala ko si Nico. He's good at acting to the point na mapapaniwala ka na lang niya sa kagaguhan niya. But I think this is not the right time para mag-pretend siya na wala siyang alam. Ewan ko rin, hindi ako makapag-isip nang maayos these days.

"Tesa, I know this position is awkward at may nakatingin nang ibang students pero hindi pa rin ako aalis hangga't hindi mo sinasabi." Seryoso niyang wika. Mukhang wala talaga siyang maalala.

Ano ba kasing ikinagagalit ko? Paano kung hindi talaga niya maalala dahil sa kalasingan at hindi naman niya talaga sinasadya? Nakakahiya namang sabihin na naba-bother ako ng halik niya. Tama. Wala lang dapat iyon sa akin kasi bestfriends lang naman kami. Tsaka pake ko ba sa tukmol na 'to?

Muntanga lang, Tesa? Chill! Lips mo lang ang hindi na virgin.

"Wala. J-just let me go, Nico. Uwi na tayo. I'm not mad at you. You did nothing."

Marahan ko siyang itinulak, ni hindi siya pumalag. Wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga. Binuksan na lang niya ang sasakyan at pumasok. Pumasok na rin ako.

Woman's instinct. I don't know if I'm just being assuming but his stares just now want to say something.

Whatever, I'll just let this slide. Kakalimutan ko na lang. Tutal mananatili kaming awkward sa isa't isa kapag hindi ko ito pinalagpas. We're friends, after all. Kunwari hindi na lang 'yon nangyari.