Maliwanag ang aming tahanan nang gabing yaon. Gagawin ang kasayahan mismo sa aming tahanan sapagkat kaarawan ng aking Ama, ang Kapitan sa aming baryo, ang San Rafael.
Ang kalansing ng mga pinggan at kubyertos na andun sa hapag ay siyang kusang sinalakay ng mga iba't-ibang panauhin. Abala naman ako sa silyon na nasa sulok ng aming tahanan. Nagbabasa ng mga libro. Malapit sa aking gawi ay nasilayan ko ang mga panauhing kasama ang aking Ama na nagtatawanan.
Tanaw ko naman sa di kalayuan ang mga bagong panauhing kapapanhik sa aming tahanan. Hindi ko pamilyar ang kani-kaniyang mga mukha ngunit bugtong sigurado ako'y kasama ni Ama ang mga iyon sa politika.
Tanging abala naman si Ina sa pag-alalay sa mga panauhin. Namamayani ang kagalakan sa apat na sulok ng aming tahanan.
May mga panauhing nagsilapitan kay Ama at pinabukas-palad ang Ama upang kunin ang mga handog para sa kaarawan nito. Magalang na nagsibatian sila sa isa't-isa. Maraming maririlag na mga kababaihang panauhin ang nagsidatingan pa at mga makikisig na mala-Crisostomo Ibarra.
Ako nama'y kasalukuyang may hinihintay habang itinuon muna sa mga libro ang pagkabagot. Kusang nabitawan ang aking librong hawak-hawak habang namalayang may nakasupalpal sa aking bibig. Iwinaksi naman niya iyon agad at mabilisan kong iniligo'y ang aking paningin sa kaniya. "Eliza!" Namayani ang sobrang kagalakan ng makita si Eliza, ang aking kalaguyo o nag-iisang kaibigan.
"Akala ko'y hindi kayo paparito Eliza," saad ko. Umupo naman ito sa aking tabi.
"Puwede ba iyon Diego? Kaarawan kaya ng pinakamamahal na Kapitan ng San Rafael ang may kaarawan ngayon," wika nito'y may handog na ngiti.
"Si Ama lang ba talaga ang sadiya mo kung bakit naparito Eliza?" Isinirado ko na ang libro at kasalukuyang nakatutok na sa kaniya.
"Diego, kahit ngayo'y hindi ka parin nagbabago. Ikaw parin ang masatsat kong kaibigan." Mariin na titig ang aking isinumbat sa kaniya. "Isang pag-aalipastangan ang iyong sinasabi. Nais mo bang dalhin ko ang hukom?" Nagsabayan kami sa pagtawa.
Kung kami ang magkasama ay kung ano-ano lang ang kusang mga iniisip at iyo'y agad namang masambit ng aming bibig ngunit hindi naman namin dinadamdam ang bawat salita sapagkat alam naming iyon ay biro.
"Kahindik-hindik iyang mga pinagsasabi mo Diego," dagdag na wika niya na mas ikinalakas ng aming tawanan. Mas nag-iibayo sa aking buong katauhan ang sobrang kagalakan nang dahil sa kaniyang walang tigil na biro.
"Diego, ngayon ba ay may mga paputok sa selebrasyon ng kaarawan ni Kapitan Hacob?"
"Wala akong kaalam-alam Eliza ngunit tatanungin ko si Ina tungkol diyan."
Walang pag-alinlangan naming pinuntahan si Ina upang kusang tanungin ang tungkol sa paputok. Ngunit, ang nakalap ko ay wala, sapagkat hindi hinayaan ni Ama ang mga paputok uli upang maiwasan ang mga disgrasya.
Naging mapanglaw bigla si Eliza ng malaman iyon. "Eliza, nais kong humingi ng tawad."
"Wala iyon Diego, nais ko lang sanang makakita ng mga paputok ngayong gabi. Napakalawak ng papawirin mula sa labas at nang-aakit ang buwan at mga nakapalibot nitong mga bituin. Mas kaaya-aya sana kung may mga paputok Diego."
Hinawakan ko ng biglaan ang kaniyang kamay at hinila siya papuntang labas. "Saan tayo papanhik?" naguguluhang wika niya.
"Pupunta tayo sa kastilyero, bibili tayo ng mga paputok." Umapaw ang kasiglahan sa kaniyang mukha ng marinig iyon. "Isa pa, hindi iyon kalayuan, kasama mo naman ako." Mas lalong namumutawi ang kaniyang matatamis na ngiti.