TGIF! Yan ang naisigaw ng isip nya matapos magising ng umagang iyon. Biyernes ngayon at sa wakas ay araw ng pahinga. Bilang nagtatrabaho sa Middle East, ang weekends dito at Biyernes at Sabado. Subalit imbes na magpahinga ng umagang iyon ay dali dali siyang gumayak. Ngayon ay makapamamasyal na siya. Tinignan nya ang napremyuhan. Ayos! What a lucky person I am this time! May kasamang ningning ang mga mata niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabunot siya sa raffle. Dalawampu't limang taon na siya subalit sa natatatandaan nya ay nunca siyang nabunot sa kahit na anong raffle ultimo panyo o ballpen kahit na Christmas party pa yan, sa escuela o sa opisina. At ngayon ay eto na nga. Three days sa isang kilalang hotel sa downtown Dubai, free accomodation, free breakfast, plus 500 dirhams allowance for 2 persons. Hindi niya akalain na sa unang pagkakataon na mabunot siya sa raffle ay ganito pa kaganda ang nakuha nya. Kahit bimpo nga lang ay okay na siya masabi lang na na-experience nya ang manalo sa raffle. Natatawa siyang iiling iling sa sarili.
Tinawagan niyang muli ang kaibigang si Audrey para kamustahin kung gising na ba ito. Ito ang niyakag niyang sumama sa kanya. Agad agad namang sinagot sa kabilang linya ang tawag nya. Husky pa ang boses nito na sa palagay nya ay kakagising lang.
"Hey Auds! Gising na. Tanghali na." Sinadya nyang lakasan ang boses para tuluyan itong magising.
"Ha?" Isang namamaos na boses ang bumungad sa kanya. Ilang sandali muna ang lumipas bago ito ulit nakapagsalita. "Ah, hello Lilac. Bakit ang aga mo naman yata? Alas siete pa lang ng umaga ah?" Pupungas pungas nitong sabi sa kanya. Narinig pa niya ng maghikab ito.
"Ano ka ba. Siyempre igagayak ko pa mga gamit ko. Nakagayak ka na ba?" Pumasok na siyang tuluyan sa banyo dala ang mga gamit nya panligo at nakaipit sa tenga ang cellphone.
"Ha? Eh hindi pa." Natatawang sabi nito sa kanya.
"Abay gumayak na din po kayo. Eleven A.M. ang check-in natin sa hotel ngayon. Huwag ka na tamarin dyan at minsan lang to noh!" Baling nya naman dito. Isinukbit na niya ang mga damit sa robe hooks ng pinto at kinuha ang sipilyo at toothpaste upang simulan na ang morning rituals nya.
Nag-inat inat naman ang kaibigan at sa dinig niya ay bumangon na ito sa wakas. "Eto na po Madam. Nakabangon na. Sige see you mamaya. Aabangan na lang kita dito sa ibaba ng building namin."
"Alright. I'll be there."
ISANG malaking "OH" na lang ang nasabi nilang dalawa pagdating sa lobby ng hotel. Everything inside was work of art! It was not the classy type but a modern one. Contemporary ang tema ng hotel. Gayun pa man ay hindi nabawasan ang class nito. The chandeliers and pendant lights which looked like abstract matched the matte painted walls. Ang mga artworks na nakadisplay ay kakaiba rin at makukulay. Even the big wall clock sa likod ng reception na imbes na numero ay mga letra na may ilaw ang makikita mo ay nakakabighani. The designer of this hotel was really fascinating to conceptualize these interesting accessories of the hotel. Bilang siya ay arkitekto at si Audrey naman ay isang interior designer, they know what is beautiful sa tunay na kahulugan nito pagdating sa art.
Isang attendant ang sumalubong sa kanila at ipinakita niya dito ang hawak nyang papel. Habang si Audrey naman ay nagsimulang mag-ikot ng mga mata sa loob ng lobby. She's pretty sure in Audrey's mind, she recognizes all the branded furniture and furnishings inside the hotel. Hindi nito maitago ang excitement at fascination sa mga mata.
"This way please, Madam." Magalang na wika nito. Palagay niya ay isa itong Pakistani sa accent nito ng pagsasalita.
"Thanks." Iyon lang at lumapit na siya sa reception habang si Audrey ay umupo muna sa isang indigo wing chair.
Saglit lamang siyang inasikaso ng receptionist at ibinigay na ang room keycard nila. Binitbit naman ng isang attendant ang mga maleta. Pitong palapag ang hotel. Kumpleto ito sa pasilidad tulad ng swimming pool, gym, spa, kids club, flagship restaurant, at play area. Sa labas ng hotel ay may mga outdoor activities din na maaring gawin tulad ng horseback riding, golf, ATV at go karting. Maaari ka namang mag-cruise dining, swimming, wakeboarding at snorkeling sa beach sa likod ng hotel. The rooms at the rear side were facing the wide blue sea while on front were tall masterpiece structures of Dubai where in the middle you'll find the tallest skyscraper in the world, Burj Khalifa.
Dinala sila sa ikaapat na palapag ng attendant kung saan sila magkukwarto. Matapos nitong ipasok ang mga gamit nila ay pinasalamatan niya ito at binigyan ng tip.
"Sa wakas! Makakapahinga din ng mahaba haba!" Tinaas pa niya ang dalawang kamay na akala mo si Rose ng Titanic bago ibinagsak ang sarili sa kama. Dinama niya muna ang lambot ng beddings at ang bango ng fabcon na ginamit dito. Amoy bulaklak ito. She thought she time travelled for a while and remembered the familiar scent of her childhood while she sniffed through the soft fabrics.
"Alright! Selfie is life muna! Mag-picture picture muna tayo dai." Inilabas ni Audrey ang selfie stick at cellphone. Ito talagang kaibigan nya, instagram is life! Well, Audrey was really a good photographer. Ilang mga contests na ang sinalihan nito at madalas itong manalo kaya tiyak na hindi makakalagpas ang magandang hotel at magandang tanawin dito.
Matapos silang kumuha ng mga litrato ay nagpaalam muna itong bababa upang kumuha naman ng litrato sa magagandang bahagi ng hotel at ng dalampasigan. Niyakag siya ng kaibigan at sumama naman siya.
"Halika na muna sa baba. Doon tayo mag-picture," aya nito sa kanya.
"Sure! Let's go!" Sinuot nilang muli ang eye shades at tig-isang hat. Medyo mataas na ang araw subalit dahil papa-winter na ay hindi naman mainit sa labas. Tamang tama lang ang panahon.
"Woowww!!!" Sabay nilang bulalas! The scenery before them was just so majestic! The wide unending blue sea, some palm trees paglabas mismo ng hotel, the white fine sand, at buhay na buhay na mga seashells at starfishes sa dalampasigan. May naaninag pa siyang ilang maliliit na crab na naglalakad malapit sa tubig. Nature at it's best!
Si Audrey naman ay hindi na niya napansin na agad nang nakalayo at tuwang tuwang kinuhanan ng litrato ang mga nakikita gamit ang SLR nito. Siya man ay may dalang sariling camera.
Sinimulan na rin niyang maglakad at kumuha ng mga pictures. Iilang turista din ang naroroon. Hindi crowded dito pagka't may kamahalan din ang bayad sa hotel lalo ngayong malapit na ang winter.
Ang scenery ang inuna niyang kuhanan. Mamaya ay isusunod nya ang maliliit na creature na gumagapang sa dalampasigan. She zoomed in and out her lens trying to find all good angles of each spot she took as subject. Hanggang sa mapadako sa isang parte ng dalampasigan ang lente ng kamera nya. May malalaking boulders dito na tila ang pagkakaayos ay isang masterpiece. At natuon ang pansin nya dito dahil sa isang bulto na animo'y Greek god ang nakatayo. Mukha itong isang sculpture sa sobrang perpekto ng katawan pero nasisiguro niyang totoong tao ito. Nakaharap ito sa malawak na karagatan at nakalagay ang dalawang kamay sa beywang na tila ang lahat ng oras ay naririto. Suot ang isang puting sando at shorts na nahahapit sa katawan nito. She never had thought that sando and shorts could be that sexy. Sexy? Ano bang naiisip nya?
The guy was a bit dark, with rugged black hair, and that masculine body! Hindi na niya namalayang naisu-zoom na pala niya ang lente sa pagmamasid dito. She was thinking it was the Greek god Zeus! Damn! At napindot nya ang kamera. To her surprise, the guy suddenly turned to her direction. At kinabahan siya!
ILANG malalaking hakbang ang hindi na niya namalayan kung paano nakalapit sa kanya sa isang iglap. At panay ang tambol ng dibdib nya habang hindi makakilos na nakatingin lang dito. "Oh, Lord what should I do?"
Subali't hindi niya gusto ang tinging walang kakurap kurap na tila nagbabaga na nagmumula rito.
"What do you think you're doing?" Hindi malakas subalit ramdam niya ang talas ng salita nito na parang humahagupit.
Hindi agad siya nakahanap ng sasabihin. She only stared at him in confusion.
"I'm asking you what the hell are you doing?" Madiin nitong sambit sa kanya na ang mata'y dumako sa hawak-hawak niyang camera sabay hablot dito. Wala itong pakialam kung masira ang gamit at kung masaktan man siya sa pagkakahablot niyon.
"Ouch! That hurts! Are you crazy!?" Bulalas niya ng sa wakas ay makapagsalita.
Ngumiti ito ng patuya sa kanya. "Do you think that will work on me? I don't hit women but I don't tolerate them either."
Nanlalaki ang mga mata niyang sa mga sarkastikong banat nito. "Just who the hell are you para kunin ang gamit ko ng ganun na lang sa akin!" She used the same tone. Akala yata nito ay hindi siya lalaban. Pwes nagkakamali ito!
Amused itong tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Wow! So marunong na din pala kayong umarte ngayon? The likes of you. How dare you interfere my privacy? Hanggang dito ba ay hindi nyo ako kayang patahimikin?"
What??? Anong sinasabi ng lalaking ito? Nagugulumihanan na siya sa mga inaakto nito sa kanya.
"I bet you have mistaken me for someone." Siniguro niyang malinaw ang pagkakabigkas niya ng bawat salita rito. Mukhang nahihibang na talaga ito. Akma niyang aabutin ang camera mula rito subalit mabilis nitong naitaas iyon.
Ngumiti na naman ito na hindi nya alam kung nanunuya ba o natatawa sa kanya sa inis. But she swore this man was nerve wrecking everytime he smiles like that kahit hindi totoong ngiti ang mga iyon.
Ano kayang itsura nito kung ngingiti talaga ito ng totoo? God damn Lilac! Kaaway mo na hinahangaan mo pa! He was insulting you!
"We'll see." Tinapunan siya nito ng isang tingin na hindi niya mawari. Hawak ang camera niya ay pinindot-pindot nito ang mga buton. At nang tila makita ang hinahanap ay tinitigan siya nito ng matalim at hindi niya mapigilang kumunot ang noo. Ano bang iniisip ng lalaking ito?
"Then how can you explain this?" Walang kurap ito at tila nais basahin ang pag-iiba-iba niya ng ekspresyon ng mukha. Waring may hinihintay itong makita sa mga mata niya. As if he could see through her sunglasses! Iniharap nito sa kanya ang maliit na screen ng camera.
Mula pagkalito ay nagbago ang itsura niya. Natutop niya ang bibig ng maaunawaan ang ibig nitong sabihin matapos bumungad sa screen ang half body na kuha nito. What the heck! How will she explain this to this bastard!? Paniguradong hindi siya paniniwalaan nito.
"I-I was just trying to capture a nice view. It just---." Pinutol nito ang sinasabi niya.
"It just happened to be me." It was more on a statement rather than a question. She didn't know if it was amusement in his eyes that she saw or was it sarcasm?
Hindi na niya mapigil ang malakas na pagbuga ng hininga sa inis nya dito. She pulled her shades from her eyes to face him eye to eye. Ito naman ang tila natigil panandali. She saw an eyebrow raised when he saw her face at napatitig ito ng mataman sa kaniya. It looks as if his eyes were torn between hostility at paghanga. But no. It must have been only her imagination.
"Listen, mister. I don't know ano ba ang nasa isip mo talaga. I could have just captured one. And maybe because I just thought you were a nice subject. But I could swear I am not what you think I am. At kung umasta ka naman, akala mo kung sino kang kilalang tao. I don't even know you!" Wika niya sabay irap dito.
Ito naman ang tila nalito sa kanya. I don't even know you. Is this lady telling the truth? He can no longer sense kung totoo o hindi ang sinasabi ng babae. Subalit malapit na siyang maniwala.
"Are you sure you don't know me?" Naniningkit nitong tanong na tila winawaring mabuti kung tunay ang sinasabi niya.
"Not a chance!" Hinalukipkip pa niya ang dalawang braso sabay taas ng kilay dito. Maldita na siya kung maldita. Wala siyang pakialam sa sasabihin nito. At nang hindi pa ito magsalita ay inunahan na niya. "Alam mo, kung mali man ang ginawa ko, then just erase the photo yourself. At ibalik mo na sa akin yang camera ko. You are wasting my time!"
Hindi makapaniwalang nameywang ito sa harap niya. "Really? Time is gold huh!" Mukhang hindi pa rin ito naniniwala. Saglit pa itong hindi kumibo. At muli ay pinindot ang camera nya. Mukhang binubuklat nito ang mga kuha niya. And to hell she cares! Wala itong makikita roon na ano mang anomalya.
Habang nakatingin ito sa hawak-hawak ay nagbago na namang muli ang itsura nito. He looked like the same mad man she saw walking towards her with fiery eyes ready to eat her alive!
"How many photos did you take of me?" Hindi ito nagtataas ng tingin sa kanya subali't naaaninag niya sa mukha nito ang kinikimkim na galit.
"Just one?" Hindi niya alam kung bakit biglang hindi sigurado sa isinagot. Tila isang bagyong nagbabadya ang kaharap niya ngayon.
"One." Ninanamnam nito ang salita. Matapos ay tuluy-tuloy na itong naglakad at nilagpasan siya papasok sa hotel.
What did I say wrong?