TANGHALI na siyang bumangon nang araw na iyon. She could not face Joseph right now after what happened last night. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakatulog kagabi. All she knew was that she was hurting so badly she could not help it but cry.
Mabigat ang katawang bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Isang maliit na papel ang nakita niya sa ibabaw ng tray na may lamang pagkain.
Eat before I'm back or else..
Matagal niyang tinitigan iyon.
Or else.. Inulit niya sa isip ang katagang iyon.
Naramdaman niya ang pagpasok nito ng cuarto kanina subalit nagpanggap siyang natutulog. Ayaw niyang makita ng lalaki ang namamaga niyang mga mata mula sa pag-iyak.
Binuksan niya ang nakatakip na pagkain. Chicken Pesto with bread, at gatas. It only hurts more when he does these things with no specific reason at all. She took few bites and stood up to take a shower.
Nang makapag-ayos na ay lumabas siya ng cuarto. Nilinga niya ang buong unit. Napakalaki niyon at siya lamang mag-isa. Dumako ang mga mata niya sa pinto ng cuarto ni Joseph at sinilip iyon. Gusto niyang isipin ang lalaki. Umupo siya sa dulo ng kama nito at inikot ng mata ang kabuuan ng cuarto. Malaki ito kumpara sa cuarto niya. Kumpleto sa gamit at naaamoy niya ang pabango nito sa buong cuarto. The smell of forest.
Napako ang mga mata niya sa isang maliit na kahon sa harap ng vanity mirror. Mukhang alahas ang laman nito. She looked at the large portrait on top of the bed headrest. It was Joseph, the famous Seph Leandro. She touched it.
"Is it really possible Joseph?" Nagsalita siya na para bang naririnig din nito ang sinasabi niya. Napabuntong hininga siya.
Lalabas na muna siya. Gusto niyang magpahangin at mag-isip-isip. She felt like she needed to inhale the salty breeze of the ocean. Baka sakaling makahanap siya ng sagot sa mga tanong.
She walked along the shoreline. The place was really perfect. Bluest of blue. Marami-rami na ring turista ang nasa labas at nagsa-sun bathing. Mayroon ding mga naliligo sa di kalayuan. Sa isang parte naman ng dagat ay ang mga nag-i-snorkeling. The place was so perfect, only her heart wasn't. I don't think I fit in here.
Nagpasya na siyang bumalik matapos ang halos kalahating oras na paglalakad sa dalampasigan. Siguro ay tatawagan na lang niya si Audrey upang kamustahin ito. Malapit na siya sa entrada ng hotel nang matanaw ang isang pamilyar na tao. Her heart started to pound hard. She recognized that man standing in front of the reception.
"Brian." Halos hindi lumabas iyon sa bibig niya. Tila natuyong bigla ang lalamunan niya. Hindi agad siya nakakilos. Unti-unti ang paghakbang na ginawa niya palapit rito hanggang sa ilang dipa na lamang ang layo niya.
"Brian." Tinawag niya ito. At lumingon ang lalaki.
Tinignan muna siya ng lalaki na waring sini-sino. Nang mapagtanto nito kung sino ang tumawag, sa dalawang hakbang ay naabot na siya ng binata. Agad siyang hinablot nito at niyakap. Bigla ang pag-agos ng mga luha niya.
"Flower." Mahigpit ang yakap nito sa kanya. Gayun din ang ginawa niya sa lalaki. Hinalikan siya nito sa ibabaw ng ulo. "You're here. I've missed you so bad."
Tuluy-tuloy ang pagluha niya. "You have no idea Brye." Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ito.
"Shhh.. It's okay Lilac." Hinalikan siya nitong muli sa noo. "You've grown up. I didn't recognize you." Batid ang galak sa mukha ng lalaki. Kailan nga ba niya ito huling nakitang ngumiti ng ganoon?
"And so are you." Makalipas ang ilang sandali ay niyakag siya nito palabas ng hotel.
Brian brought her to the part of the beach na wala halos mga tao. They sat there on the sand near the shore.
Hindi siya humihiwalay sa lalaki.
"I can't explain how I feel now that you're here Brye. Ang tagal kitang hinanap. Bakit mo kami iniwan?" May hinanakit na sabi niya rito. Ang mata ay muling nagbabadya ng mga luha.
He touched her cheek at pinalis nito ng hinlalaki ang pumatak na luha. "Don't cry flower. It breaks my heart." Pinigil niya ang mapahikbi. Tumingin ito sa malawak na karagatan. Kung gaano kalalim ang dagat sa pakiwari niya'y ganoon din ang iniisip nito.
"I had to leave flower. For all of you." Saglit itong tumigil. Tila binabalikan ang mga pangyayari.
"I don't understand."
"That day, narinig kong nag-uusap ang mama at papa. They were talking about us and our finances. Nalugi ang papa sa negosyo dahil itinakas ng tauhan niya ang mga pera at baon tayo sa utang. Inilihim nila iyon sa atin nang mga panahong iyon. I was in my last year in college and you were on your second year." Tinignan siya nito.
"But I don't get it Brye. Why do you have to leave just because we were financially unstable?" Naguguluhan niyang tanong sa kuya.
Tinignan muna siya nito sa mga mata bago nagsalita. "I am a bastard Lilac. I am our mom's illegitimate child. " Mapait nitong wika.
She was shocked. She could not say a word. His brother was a bastard? Paano nangyari iyon?
Nagpatuloy dito.
"I heard mama cried to our father. Thanking him for still raising me even though he wasn't my real father." He said not looking at her. He faced the blue sea. And she saw the pain in his face. Gusto niyang pawiin iyon.
"Papa has always been a good father Lilac. We both know that. I never felt different from you. But knowing that, I could not take it na maging kargo pa niya ako. So I left. To help him. Nagtrabaho ako sa malayo habang tinatapos ko ang natitirang mga semester. I was sending money to help our family." Bumuntong hininga ito.
"For how many times, I wanted to come back. But however I tried, I could not come home. Hindi ko kayang harapin ang Papa. Plus the fact that I wanted to find my biological father. I wanted to know sino ba talaga ako." Paliwanag nito sa kanya. Pain was all over his face.
"Oh Brye!" Niyakap niyang muli ang lalaki sa pag-asang kahit paano ay mapapalubag nito ang loob ng kuya.
"When you were on your last year in college, I decided to go abroad so I can send a larger amount 'cause I did not want Papa to work too hard."
Kumalas siya rito. "I followed you there Brye. For three years I've been looking for you." Wika niya sa nakatatandang kapatid. "But you never wanted to be found. All the addresses you used, you never left a trace. You did not even used your fullname."
She remembered how she found lead of his whereabouts. "Then I was able to find the restobar you worked at. Mar, one of your friends, showed me a magazine where you were on the cover. I didn't know that you made it through your passion. I am really proud of you." She smiled at him with teary eyes.
"I know you went there flower. So I decided to leave Dubai when I had a chance to be part of their band. I was not ready to face you then." He looked at her with guilty eyes. Apologizing. "I'm so sorry Lilac."
Umiling siya. "No Brye. Thank you. I had no idea what you've been through. You must have been so lonely all this time." Hindi niya napigilan ang isang hikbi nang muli niyang maisip ang mga pinagdaanan ng kapatid.
He reached for her. "I'm just happy you are here flower." He hugged her so tightly. "How did you get here anyway?" Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya.
"Well, I-- I met Seph sa Pariston Hotel. And when I saw that magazine, you were with him. So I looked for him. I was hopeful I'll be able to find you with him. And ironic, I ended up as his assistant." She could not look at him straightly while explaining. Sa pakiramdam niya ay para siyang may itinatago rito.
"I see." Tinignan siya nang mataman ng kapatid. Tila nababasa nito ang nasa isip niya. Subali't pinili na lamang ng lalaki na huwag muna magsalita.
"Aren't you coming home with me Brye? Matagal ka nang gusto makita ng Mama at Papa." Pagbabago niya ng usapan. Ayaw niyang maging topic ang lalaki.
Tumayo na ito at nagpagpag ng pantalon. Inabot nito ang kamay niya upang alalayan siyang tumayo.
"Hindi pa ako handa. But one of these days, uuwi ako. Pangako." Inakbayan na siya nito pabalik sa hotel. "You've grown up so well flower."
Inilagay niya ang kanang braso sa likod ng beywang nito. "And you've become so gorgeous Brye. I'd never thought you'll be so handsome." Biro niya sa kuya.
Ginulo nito ang buhok niya. "What did you say???" Natatawang sabi nito.
Tinawanan niya ito.
"And you, you're still an ugly duckling!" Pang-iinis nito sa kanya.
"Ano? Bawiin mo yan Brye!" Tinulak niya ito.
"There is no other person who is qualified to call you that." Tumawa ito ng malakas. They were laughing their hearts out while heading back to the hotel.
"Yeah. You are the only one who calls me ugly." Sinimangutan niya ito.
"That is what brothers are for." Nakangisi nitong wika na ikinairap niya rito. Sobra niyang na-miss ang kuya.
Matapos ang ilang sandali ay sumeryoso siya. "Brye, nobody knows who you really are. Even Joseph."
Pinasok nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Yes."
"Do you have plans of telling them?" She was concerned about his brother. Hanggang kailan ito maglilihim?
"Siguro ay hindi pa sa ngayon Lilac. There are lots of things I still need to take care of." Nakita niya ang lungkot na dumaan sa mga mata nito.
"Like Lyka?" Nilingon siya nito.
"H-how did you know?" Nang mapagtanto ay hinagod nito ng kamay ang buhok. "Oh. He told you." Naglakad ito na sa baba ng daan nakatingin.
"You like her." She concluded.
"Flower, things are more complicated than how it looks." Nginitian siya ng kuya. "Let's not talk about me. Ihahatid na kita sa unit mo. I just need to do some errands. Anong number ang room mo?"
"5143." Wika niya. Nakapasok na sila sa loob ng hotel. At ngayon ay naroon na sila sa tapat ng lift. Pinindot niya ang button paakyat.
Natigilan ito nang maisip ang sinabi niya. "5143?" Tinignan siya nito at sa palagay niya ay biglang nagdilim ang mukha ng kapatid. "Seph's unit."
"Y-yes. He gave me one room. Is there a problem Brye?" Tanong niya sa kuya habang hinihintay na pagbuksan sila ng elevator. Hindi niya gusto ang itsura ngayon ng kapatid.
"Seph likes you Lilac doesn't he?" She felt the intensity of his voice. It was a statement.
Hindi niya matignan ng diretso ang kapatid. Hindi na siya nito hinintay pang sumagot. "Lilac, lumayo ka kay Seph. I don't want you getting hurt."
Bumukas na ang pinto at sumakay sila sa lift car. "I know you are worried Brye. But I have taken care of myself for many years now. Don't worry about me. I'll be fine."
"I'm just being a big brother to you. Kung ano man ang mangyari, I'll be here for you. Matagal akong hindi naging kapatid sa 'yo. And I won't let anyone hurt you. Not under my watch." She could see the sincerity and concern in his face.
Hinawakan niya ito sa braso at nginitian. It felt so good to have a brother back.
HE was looking from the balcony of his unit. Hawak ang bote ng alak at isang baso. He could see them walking papunta sa may kalayuang parte ng dalampasigan. Hindi na niya aninag ang mukha ng mga ito subali't kitang kita niya sa mga kilos nito kung gaano kasaya ang mga ito. They were hugging each other. This was the first time he saw Lilac so intimate with a man. At si Daniel pa of all people. Nagtatagis ang mga bagang niya sa nasasaksihan.
Nilagok niya ng isang inuman ang laman ng baso. He could not stand the sight. Tumayo siya at pabalyang binuksan ang pinto ng balkonahe papasok.
"Damn it!"
Muli siyang nagbukas ng alak mula sa minibar at umupo sa barstool sa tapat ng counter. May mahigit isang oras na din siyang umiinom at tila unti-unti na siyang tinatablan ng alak.
Why does it hurt like this? It was the first time he felt so damn wasted.
Ilang sandali ay nagbukas ang main door na siyang nagpaangat ng ulo niya. He was hoping it was Lilac.
"Jassie!" Bulalas niya nang mapagtanto kung sino ang pumasok. Naningkit ang mga mata niya pagkakita rito.
"Anong ginagawa mo rito? How did you come in?" Tanong niya rito sa mapanganib na tono.
Iwinasiwas nito ang keycard na animo ito modelong naka-pose. "I have my ways darling." She said smiling. This witch!
"Tapos na ba ang pagtatago mo Seph sweetheart?" Lumakad ito palapit sa kanya. "I heard, may kasama ka raw dito. Nasaan siya?" Lumingon ito sa buong paligid.
Ngumiti ito nang nanunuya. "I'd never thought papalitan mo ako ng isang cheap na babae. What's her name again?"
"Leave Jassie." Nagpipigil niyang wika rito.
"Tsk.tsk.tsk.. Not so fast darling. Didn't you miss me Seph?" Ikinawit nito sa leeg niya ang mga kamay nang makalapit. "Kailan mo dadalawin ang anak natin? We've been waiting for you."
"You are hallucinating Jassie. Hindi ko alam kung ano ang nagpapalakas ng loob mo to insinuate like that. You're a bitch!" Marahas niyang tinanggal ang mga kamay nitong nakapalupot sa leeg niya. Ngunit tila balewala lang iyon sa babae.
Tumayo siya. "Pinagbigyan na kita Jassie para itama mo lahat ng mga sinabi mo sa media. For eight months that you were pregnant lady. At halos tatlong buwan na rin mula nang manganak ka. Huwag mong sagarin ang pasensya ko."
Tila nagbago ang anyo ng babae at lumambot ang mukha nito. "Seph, mahal kita." Niyakap siya nito. "Pinilit kong mapalapit sayo. Ginawa ko ang lahat. Ano bang ayaw mo sa akin Seph? Tell me." Binuksan nito ang butones sa harap ng damit.
"Maganda naman ako, mayaman, kilala ako ng lahat. Bakit ayaw mo sa akin Seph?" Hinalik-halikan siya nito sa leeg at sa mukha.
"You had your fling with Mikael." He said without blinking. "You used what happened between the two of you to blackmail me. Akala mo ba ay wala akong alam Jassie?"
Natigilan ito. "I-I don't know what you are talking about." Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.
"I stayed silent para bigyan ka ng panahon na ayusin ang gulong ginawa mo. You thought setting me up in front of the camera will make me marry you Jassie?" Nanunuya ang ngiting ibinigay niya rito.
"Damn you Seph! Kasalanan mo kung bakit nangyari iyon! Kung binigyan mo lang sana ako ng atensyon ay hindi mangyayari ang lahat ng iyon! Sa akin ka lang Seph!" Histerikal na sigaw nito sa kanya. "Kung hindi ka rin lang mapapasaakin, then I'd rather make your life a living hell."
Hinawakan nito ang batok niya at pilit siyang hinalikan. Ikinakaskas nito ang sariling katawan sa kanya.
Hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto. Napatingin na lamang siya roon nang may bumagsak na kung ano sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya. Si Lilac!
Tinanggal niya ang mga kamay ni Jassie na mahigpit na nakakapit sa leeg niya.
"I-I'm so sorry. I didn't mean to--" Mahina ang boses ng dalaga subali't naramdaman niya ang panginginig noon. Mabilis nitong inalis ang tingin sa kanilang dalawa at yumuko. Dinampot nito ang nahulog na cellphone at agad na lumakas palabas ng pinto.
Noon lamang niya napansin si Daniel na matalim ang mga titig na ipinukol sa kanya.
"Sa susunod na lang Seph." Si Jassie na nilakasan pa ang boses at waring sinasadyang marinig iyon ni Lilac bago ito tuluyang makalabas. Balewala nitong pinulot ang blusa na nahulog kanina.
"You never change Seph Leandro." Nagpupuyos na wika ni Daniel bago nito sinundan si Lilac palabas ng suite. Sa itsura nito ay animo makakapatay ito ng tao.
"Welcome to the club." Wika ni Jassie sa kanya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito bago tuluyang lumabas.
Nagtatagis ang mga bagang niyang sinuntok ng kamao ang pader.
Bullshit!