NGAYON ang araw ng pagbabalik niya sa Pilipinas. Matapos niyang manggaling sa restobar kung saan dating nagtatrabaho si Brian ay nakapagpasya siya agad na mag-resign sa trabaho at umuwi sa Pilipinas upang hanapin ito. Tinapos niya ang isang buwang notice period ayon sa kontrata niya.
"Mami-miss kita Lilac. Mag-iingat ka." Si Audrey na maluha-luha sa paghatid sa kanya sa airport. Alas tres ang flight niya kung kaya't alas dose pa lamang ay nandoon na sila sa Dubai Airport Terminal 3.
"Mami-miss din kita Audrey. Ingatan mo ang sarili mo habang wala ako." Niyakap niya ang kaibigan.
"I will Lilac. Ikaw din." Ginantihan siya nito ng mas mahigpit na yakap.
"O siya. At pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Natatawa niyang wika rito. Hindi na nila napigilan ang sariling maluha. Audrey and her were already family. "Uuwi ka pa naman sa Pinas kaya magkikita pa rin tayo. Sabihan mo lang ako."
"Yes. I will see you." Kumalas na ito at pinunasan ang mga luha.
"I hope you and Kit will be happy." She said after a while. Gusto niyang sumaya ang kaibigan ano man ang sirkumstansya. Tumango naman ito.
"Take care Lilac." Nginitian siya ng kaibigan. Tumango siya at umalis na.
Habang nakaupo at naghihintay siya sa boarding gate ay naghanap siya ng mga balita tungkol sa bandang kinabibilangan ng lalaki. Ayon dito ay lima ang miyembro nito. Si Lyka Brianne, ang babae sa banda at bokalista, si Daniel ang bahista, si Enzo ang drummer, si Brix ang electric guitarist at si Seph ang lead guitarist. She was somehow happy that Brian still made it through his passion.
Ayon sa mga article ay naging aktor si Seph two years ago nang mabigyan ito ng break sa acting at naging kilalang celebrity simula noon. She's been in Dubai for three years so she wasn't aware of these celebrities. Isama pang hindi siya mahilig sa social media.
The band hasn't been playing for almost a year now though the news said they weren't even disbanded. But the members kept quiet about the reason. What she found out also surprised her. Ang mga miyembro nito ay mula rin sa mga kilalang pamilya sa Pilipinas.
Naghanap siya ng mga artikulo tungkol sa banda kung saan madalas makita ang mga ito. Subali't nahihirapan siya pagka't halos isang taon na nang huling tumugtog ang mga ito.
Naguguluhan siya. Paano niya uumpisahang hanapin ito? Nararamdaman niyang malapit na niya itong makita pero paano? She thought of it carefully.
"I think I have no choice." Tumawag siya sa Pariston Hotel.
ILANG minuto na siyang nakatayo sa harap ng isang malaking gate. Hindi siya makapagdesisyon kung pipindutin ba niya ang door bell o hindi. Mataas ang mga pader na yari sa bricks at nagsisilbing fence ng villa.
"Tama ba itong ginawa ko?" Paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Matapos niyang tumawag sa Pariston Hotel ay pinakiusapan niya si Kit na sabihin sa kanya kung saan matatagpuan si Seph. Ibinigay naman nito ang address ng binata at heto siya ngayon, nakatayo sa harap ng isang malaking gate sa Tagaytay. Ilang oras din siyang bumiyahe mula sa Manila International Airport papunta rito.
Nang sa palagay niya ay halos tatlumpung minuto na siyang nakatayo roon ay siya namang pagbukas nito. Nagulat pa siya nang lumabas ang isang matandang lalaki.
"Magandang umaga po Ma'am. Tumuloy po kayo sa loob." Binati siya nito at kinuha agad ang maletang hawak niya. "Hinihintay po kayo ni Señorito sa loob."
Napakurap siya sa sinabi nito. Hindi agad maproseso ng utak niya. Sa pagkakaalam niya ay hindi alam ni Seph na darating siya sa pakiusap na din niya kay Kit na huwag munang sabihin dito pagka't hindi pa siya nakakapagpasya.
"Po?" Yun lang ang nasabi niya.
"Halika na po kayo sa loob." Anyaya nito at naglakad na ito hila-hila ang gamit niya.
Hindi niya napigilang humanga sa pagpasok niya ng gate. Napakaganda ng two storey ancestral house na bumagay sa berdeng kapaligiran nito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang hilera ng mga bonsai sa kanan ng daan at mga orchids at mga halamang namumulaklak naman sa kaliwa na may iba't ibang kulay.
Binuksan nito ang double door sa entrada ng kabahayan. She stood there in awe! Para siyang nasa set ng sinaunang panahon. Mga antigong pigurin ang nakikita niya, ang grandfather's wall clock sa tabi ng grand staircase, ang kisame at flooring ay yari parehas sa matitigas na kahoy na pihadong ang tipo ng mga kahoy na primera klase at ipinagbabawal nang ibenta ngayon. Matataas ang mga kurtina pagkat high ceiling ang kisame. May malaking portrait din ng mag-asawa sa tapat ng landing ng hagdanan.
Naudlot ang pamamasyal ng mga mata niya nang madinig ang mga yabag mula sa grand staircase. Kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Joseph gayung hindi maganda ang huli nilang paghaharap.
"I'm interested how a Dubai lady landed in my house. Are you a runaway?" That smile sparked curiosity and fondness.
"Hi. I didn't mean to--." Hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Kumain ka na ba?" Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Ang mata nito ay dumako din sa maleta niyang dala. "Mukhang dito ka dumiretso mula sa airport."
She didn't expect him to say that instead.
"Mang Caloy, pakidala nyo sa guestroom ang gamit niya. Sabihin nyo din kay manang na kakain na kami." Utos nito sa matandang lalaki sa likod niya.
Agad namang tumalima ito. "Opo Señorito."
"Well, I-I don't intend to stay here. You can keep my things here. I will go after I talk to you." Pagpapaliwanag niya rito.
Tinignan siya nito ng mataman. "Don't refuse my hospitality lady. You came here anyway ng walang pasabi. Kumain na tayo. I'm starving. It's past ten." Lumapit ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at hinila papunta sa comedor.
As she was expecting, isang mahabang lamesang yari sa purong kahoy at mga dining chair na uphostered ang likod at upuan subalit kahoy ang frame. Nakahain na roon agad. Isang matandang babae na may dalang tray ang bumati sa kanya.
"Magandang umaga hija. Kumain na kayo ng umagahan. Mukhang pagod at gutom ka. Mahaba ba ang biyahe mo?" Tanong nito.
"Manang Lita, si Lilac. Lilac, si manang." Pagpapakilala nito sa kanila.
"Magandang umaga po. Salamat po sa almusal. Opo. Galing po ako ng Dubai kaya mahaba-haba po." Magalang na bati niya rito.
"Aba'y ganoon ba? Nako, hala kumain na kayo nang makapahinga ka agad." Pagyakag nito sa kanila. Lumabas na din ito matapos ibaba ang isang pitsel na may lamang tubig.
Hinila ni Seph ang upuan sa kanan ng mesa para sa kanya at ito naman ay umupo sa dulo.
"Let's eat." Maiksing sabi nito. "We can talk after." Sinimulan na nito ang pagkain. Siya naman, bagamat nag-aalangan ay kumain na rin. Nakakapagod ang buong biyahe niya bagamat may pagkain sa eroplano ay ramdam pa din niya ang gutom at antok.
Kumain siya at mabilis ding nakatapos. Masarap ang mga nakahain subali't hindi siya makakain ng maayos. Mas gusto ngayon ng katawan niya ang pahinga.
Nakatitig lamang ito sa kanya.
"You must be tired. I'm really curious anong klaseng babae ka to be so impulsive. You travelled for almost a whole day. Sasamahan kita sa cuarto mo sa itaas para makapahinga ka." Tumayo na ito.
"Ah. Wait Joseph, I won't be long. I can rest sa nearest hotel. I just really need something from you." Huminto ito at tumitig sa kanya.
"I don't know how important is it for you to look for me at pumunta dito. But I believe that can wait. Sa nakikita ko sa mukha mo ay mukhang hindi din tayo makakapag-usap ng maayos." Tumalikod na ito. "Sumunod ka sa akin sa itaas."
Wala na siyang nagawa kundi sumunod rito. Umakyat sila sa ikalawang palapag. Binuksan nito ang ikatlong pinto sa kanan at pinapasok siya.
"Feel at home, sweetheart." Sumandal ito sa hamba ng pintuan at pinagtiklop ang dalawang braso. Siya nama'y umupo sa kama. "You need sleep. You travelled for almost fifteen hours. Pinagtataksilan ka na ng mga mata mo."
Namula siya sa sinabi nito. "Do I look that bad?" Wala sa isip niyang naitanong.
"You're as beautiful as always." Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
Inilihis niya ang paningin rito. "Then I'll rest for a while."
"You should." Wika nito na hindi umaalis sa kinatatayuan.
"Are you going to stay there?" Babantayan ba siya nito? Paano siya makakapahinga nang naroon ang presensya nito.
"If you want me to." Ngumiti ito na tila nanunudyo.
"I--I mean, can I rest here alone? Hindi ako makakapahinga kung nandiyan ka."
"I didn't really mean to stay. Namamangha lang ako kung paano ka nakarating dito. Pero mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko. Anyhow, I'll go." Umayos na ito ng tayo at lumabas.
Napabuntong hininga siya. Naiwan siyang nakatingin na lamang sa pinto. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakatulog.
NAGMULAT siya ng mga mata. Tila naaalimpungatan pa siya. Madilim ang paligid. Pinikit-pikit niya ang mga mata at iniisip kung nasaan siya.
Bigla ang pagbangong ginawa niya nang matanto ang lugar niya.
"O my God! Gabi na!" Napasinghap siya nang masulyapan ang bintana. "Ilang oras ako nakatulog?" Dali-dali niyang kinuha ang bag sa ibabaw ng bedside table at binuksan iyon. Hinanap niya ang cellphone. 10PM.
"Oh no! I slept for half a day!" Napahawak siya sa noo. Sa sobrang pagod niya ay nahimbing siya ng tulog. Binuksan niya ang ilaw ng cuarto. Kung ganitong inabot na rin siya ng gabi, pihadong bukas na niya makakausap si Joseph. Pumasok siya ng banyo dala ang pares ng pajama upang magshower. Mayroon na doong malinis na tuwalya, toothbrush at toothpaste na naka-plastic. Siguro ay dahil guestroom ito, laging may nakahandang gamit para sa bisita.
Muntik na siyang mapatili nang sa paglabas niya ay naroon si Seph sa loob ng cuarto.
"How did you come here?"
His eyebrows raised in amazement. "This is my home, sweetheart. How do you think I did?"
"Foolish of me. Pero paano mo nalamang gising na ako?" Manghuhula ba ito?
"I saw you turned on the lights. Nasa garden ako." He looked at her from head to toe. "You're wearing pajama." He smiled.
"You look like a baby Lilac." She didn't know if it was a compliment or what.
"I brought you sandwich and milk. You slept for half a day. Malamang ay gutom ka na." Sinulyapan nito ang coffee table kung saan nito nilagay ang tray ng pagkain.
"Thank you." Joseph was sometimes hostile pero may mga pagkakataon ding gusto niyang isiping ibang tao ito lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Want to join me?" Umupo siya sa silya at ininom ang gatas.
"I'm done. Help yourself." Lumakad ito at umupo sa dulo ng kama nang nakaharap sa kanya.
"So, maybe we can talk now. Kit told you I'm here." Paninimula nito.
"Y-yes. I asked him. He was hesitant at first but I insisted so please huwag mo sanang sisihin si Kit." Alam niyang hindi gugustuhin ni Joseph ang malaman ng kung sino kung saan ito nakatira.
"I know Kit. Ikaw ang gusto kong malaman kung ano ang sadya mo sa akin." Mataman itong nakatingin sa kanya.
"You know where I can find Brian." She said. She didn't know kung bakit parang nag-iba ang anyo nito.
"Brian?" He asked. Naningkit ang mga mata nito."Your boyfriend. How will I know kung nasaan ang kasintahan mo?"
"Kasintahan?" Naguguluhan siyang tumingin dito.
"Nakita ko sa camera mo. So nawawala pala siya kung ganoon?" He seemed to be in deep thought. Magkasalubong ang mga kilay nito.
"Sa camera ko?" Sandali niyang pinroseso ang sinabi nito. Kung ganoo'y nakita pala nito ang video niya. "He is not--"
"I don't know him Lilac. You came to the wrong person." At tumayo na ito.
"Daniel Santillan" She said urgently to stop him from leaving. "His name is Daniel Santillan. You know him."
Marahas ang paglingong ginawa nito. "What?!"
"Please Joseph, help me find him. Ikaw lang ang alam kong maaaring tumulong sa akin. I've been looking for him for the past three years. Hindi ko rin akalain na kilala mo siya. But I was glad I saw you together in a magazine." Pakiusap niya rito.
"What is your relationship with Daniel?" Hindi pa rin nagbabago ang anyo nito.
Napalunok siya. Paano ba niya sasabihin rito? Sa nakikita niya ay hindi rin alam ng mga ito ang totoo kay Brian. Lahat ng mga artikulo tungkol sa binata ay puro haka-haka lamang sa pagkatao nito. Brian remained a mystery to everyone at alam niya na hindi gugustuhin ni Brian na malaman ang tungkol sa kanila ng mga tao.
"I can't tell you. I'm sorry. I cannot say unless I meet him." Yumuko siya. Paano kung hindi na siya nito tulungan?
"Then I can't help you." Pinal na wika nito.
"Please Joseph. I promise sasabihin ko sa iyo oras na magkita kami. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo tulungan mo lang ako."
Huminto ito at tumitig sa kanya. Hinihintay niya ano man ang sasabihin nito. Lumakad ito palapit sa kanya.
"Kahit na ano?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. Napalunok siya.
"Your reactions intrigue me a lot Lilac. Have you never been this close to your Brian before? Why do I feel you shiver everytime I get close to you?"
"W-What do you mean?"
Tumayo ito ng matuwid ngunit ang mga mata ay hindi humihiwalay sa kanya.
"Then, do one thing. Work for me."
Lumabas na ito ng cuarto niya. Naiwan siyang nakatulala sa sinabi nito.
ALAS Dos na ng madaling araw ay gising pa din siya. Ang mga braso ay nasa likod ng ulo at nakahiga lang siya sa kama. Magmula ng makausap niya kanina ang babae ay hindi niya alam ang iisipin tungkol rito.
Narito ito sa kanyang bahay. Mula sa kung saan ay bigla na lamang itong sumulpot nang walang pasabi. Nagulat pa siya ng makita ito sa CCTV monitor na palakad lakad sa tapat ng gate niya. Mukhang hindi ito makapagdesisyon kung kakatok o hindi kung kaya't inutusan na niya ang matandang lalaki upang sunduin ito sa labas.
At ngayon ay heto nga. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na ang Brian na hinahanap nito at si Daniel ay iisa. Matagal na silang hindi nagkikita ni Daniel mula nang bigla na lamang nagdesisyon ang banda na hindi na muna tumugtog dahil kay Lyka. Si Daniel ay nakikita niya lamang tuwing may mga importanteng okasyon. Bukod sa pagiging myembro nito ng banda, sa pagkakaalam niya ay nagka-car racing din ang lalaki. Maliban dito ay nanatili itong misteryoso sa kanilang lahat. Hindi ito nagkwento ng tungkol sa pamilya, o sa kasintahan kung kaya't ang alam nilang lahat ay wala itong mga kamag-anak. Sa halos dalawang taon nilang magkakilala ay wala ring dumalaw ritong kapamilya. At ngayon ay ito, binulabog siya ng babaeng nakilala sa Dubai upang hanapin si Daniel. How ironic!
Subali't hindi niya rin maialis sa isip si Lyka. Hindi naging lingid sa kaalaman nila ang pagtitinginan ng dalawa bagama't ang alam niya ay tutol ang pamilya ni Lyka sa lalaki. Masasaktan ito oras na malaman nito ang tungkol sa babae. She had enough. Nahihinuha niyang kahit hindi niya tulungan ang dalaga ay mahahanap rin nito sa sariling paraan si Daniel sa nakikita niyang determinasyon ng babae. Hindi niya kayang makitang masaktan pa ang matalik na kaibigan gayong alam niyang mahal pa nito ang lalaki. Lyka had been through a lot and he had to protect her from hurting more.