Chereads / Finally in Love / Chapter 5 - I Charmed the Beast

Chapter 5 - I Charmed the Beast

"IBABA mo na ako. Nandito na tayo sa hotel." Wika niya sa lalaki.

"Shut up lady. People are looking at us. Huwag kang gumawa ng eskena." He told her with an annoyed voice.

Hindi siya makapaniwalang tumitig dito. Siya pa ngayon ang gumagawa ng eksena samantalang pinagtitinginan na sila ng ilang guests sa loob ng hotel.

Tumaas naman ang isang kilay nito nang mahulaan ang nasa isip niya.

"People will only panic if they see you walking injured at hinihila ang mga paa mong may dugo papasok. I would love not to attract attention Miss Montes. This will look more natural." Balewala lang na sabi nito.

Jeez! Subali't hindi niya kayang tagalan ang ganito. Para siyang napapaso.

"Ihahatid kita sa suite ninyo. Basta tumahimik ka lang diyan." Kung magsalita ito ay akala mo isang boss na nag-uutos sa empleyado.

Ilang minuto din siyang bitbit nito hanggang sa makarating sila sa lift. Pinindot nito ang ikaapat na palapag. Nang makalabas na sila rito at tumapat sa sariling suite ay nagsalita siya.

"How did you know?" Confusion was written in her eyes.

"I saw you earlier. What a great coincidence and you booked right in front of my suite." Matabang na sabi nito.

"Oh!" She was also dumbstruck.

"That is why I got more convinced you were a stalker." Tumaas ang isang sulok ng labi nito sa isang ngiti.

"Stalker! My ass! Are you serious? Why would I want to stalk you mister? Hindi ka naman--." Hindi na niya maituloy ang gustong sabihin. She was also not convinced with what she wanted to say.

He smiled at what she said. She tried to ignore him.

"Put me down. Kaya ko na maglakad. Wala na ring mga tao rito." Iniwas niya ang tingin rito.

"As you wish princess." He kept on using these endearment that she didn't know if he meant it or not.

Ibinaba siya nito. Naramdaman niya ang kirot ng mailapag sa sahig ang kaliwang paa. But she would not mind walking. Kaya niyang tiisin ang kirot.

"You're one stubborn baby." He said when he saw her face restraining the pain.

"I am." Dinukot niya ang keycard sa bulsa at itinapat iyon sa pinto upang magbukas ito. Hinawakan siya nito sa kaliwang braso upang alalayan at wala na siyang nagawa.

Umupo siya sa pinakamalapit na sofa.

"Lalapatan ko muna ng first aid ang paa mo. Kit will be here soon." Mabilis pa sa alas cuatro ay naroon na ito sa console table at hawak ang telepono. Nadidinig niyang tumawag ito sa reception upang magpadala ng first aid kit at ipinatawag nito ang manager ng hotel. Ilang sandali pa ay nakabalik na ito sa kanya na may dalang gunting na hindi niya alam kung saan nito nakuha.

Lumuhod ito sa tapat niya at walang anu-ano'y ginupit ang tela ng maong sa kaliwang binti. Tila ito isang eskperto sa ginagawa. Sinuri nito ang dumudugo niyang binti. Halos matuyo na ang dugo sa paligid ng parteng iyon bagamat mayroon pa ring tumutulo sa parteng nasugatan.

"Thank God you only got bruises at namaga lang ang paa mo. This wound will heal but you will need stitches. Malayo sa bituka." Anito nang nakayuko sa sugatan niyang binti.

"Doctor ka ba? How did you know?" She's getting curious about this guy. She couldn't say but she was impressed.

"I just know. Masakit pero naigagalaw mo tama ba? Kung may fracture iyan, hindi ka makakalakad." Napapatango na lang siya sa sinasabi nito.

Mayamaya lang ay tumunog ang door bell. Nilabas agad nito ang tao sa pinto. Natanaw niyang isang staff ang may hawak ng isang box na malamang ay ang first aid kit. Pumasok na ito matapos kausapin ang staff.

Joseph was flawlessly putting first aid on her wounds. Akala mo ito bihasa sa ginagawa. Ni hindi niya ito nakitaan ng confusion kung ano ang uunahing gawin.

She wanted to ask him but she did not want to make him feel obliged to answer personal questions kaya tanging pasasalamat na lamang ang nasabi niya rito.

"Thank you." She said with sincerity in her voice. She did not think this stranger will help her to this extent.

He looked up to her. "Anong kapalit?"

Nagulumihanan siyang tumingin dito. "Kapalit?"

"You said you were thankful I saved you life." He raised his eyebrows like he was waiting for her reply.

"Uhm. Well.." She did not know what to say. "Dinner?" Hindi niya alam kung tama ba ang nasabi niya.

Bumulalas ito ng tawa. Drat this man! He was playing on her. "I did not know your life costs only a meal."

Pinukol niya ito ng tingin.

"Save it later, sweetheart. One of these days ay sisingilin kita." Sasagot sana siya nang bumukas ang pinto at iluwa nito ang kaibigan. Kasunod nito ang manager ng hotel.

Audrey worriedly attended to her.

"What happened Lilac? Bakit may dugo?" Tanong nito sa kanya na umupo sa kanyang tabi.

"Are you okay Lilac?" Si Kit. "Nagpaakyat na ako ng wheelchair dito. We will bring you to the nearest hospital. I apologize this happened inside our premises."

"What happened to those bastards?" Si Joseph na ang mga mata ay muling nagdilim.

"I have already taken care of it. The police are arriving soon. They were held captive at the security office already. You might need to give your statement later. They were also captured sa CCTV kaya malakas ang ebidensya laban sa kanila." Hinarap naman siya nito at nagsalita.

"Lilac, two incidents in just one day. What a record!" Kit made it sound as if it was an accomplishment.

"You bet Kit. I never thought I will be this in demand." Nahahapo niyang ngiti dito.

"Maybe you're a charmer." Biro naman nito sa kanya.

"Yeah. I guess so." Natatawa na lang na wika niya rito. She looked at Audrey who looked so worried na gusto nang maiyak.

"Auds, okay lang ako huwag kang mag-alala." Pag-aalo niya rito.

"Sorry. Sobrang nag-aalala ako sayo dahil nalaman kong may humarang daw sayo sa daan kanina. Kung hindi lang ako natagalan hindi mangyayari iyon." Nanggigilid ang luha nito sa mga mata. "I'm sorry Lilac."

"Auds, it is not your fault. Kasalanan ko yun. Mali ako ng dinaanan and I was even more thankful na wala ka doon. Kung hindi ay baka pati ikaw napahamak just because I'm careless." Ayaw niyang sisihin nito ang sarili.

"Anyway, how did you know Auds? Sorry, hindi agad kita natawagan pagdating ko dito." Nagtataka niyang tanong rito.

"Ah..I-I-" Tila hindi nito maapuhap ang sasabihin.

"The reception informed her." Si Kit ang sumagot. "I saw her downstairs so we came together." He looked at Audrey while explaining.

Why did she feel something was not right? Audrey could not even look her in the eye.

"Ah. I see." She pretended that she was convinced. Audrey wouldn't want to expand the conversation sa nakikita niyang reaksyon nito. Hihintayin niyang magkwento na lamang ito sa kanya. She wanted to give her space.

Tumunog na muli ang door bell ng suite. "Lilac, I think the wheelchair is here. Let's bring you to the hospital so you can be treated there."

Akma na itong lalapit sa kanya upang alalayan siya patayo nang sa ilang hakbang ay nakalapit na sa kanya si Joseph at pinangko agad siya nito.

"Just get the door Kit." Wika nito sa isang lalaki.

"You're the boss." She was sure she saw Kit made a face when he suddenly brushed him off. Napapailing na lamang itong lumakad patungo sa pintuan.

Two tall, gorgeous, masculine guys inside one suite. Nagsu-shooting ba sila ng pelikula? How come these two ended up here? And to think, Kit could have been involved with Audrey in some ways. At siya? Well, hindi niya alam kung ano naman ang iniisip ng lalaking kaninang umaga lang ay kaaway niya, at ngayon naman ay tagapagligtas niya.

"Seph!?" Si Audrey na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakuhang humarap sa bisita. "How did you-? I mean why are you-?" Hindi nito malaman kung kanino sa kanilang dalawa ito titingin.

"Audrey do you know him? Siya yung lalaki kaninang umaga na kumuha ng camera ko." She saw him raised an eyebrow.

"He is an actor Lilac. And now I am certain why he did that." Tila may himig na panghuhusga ang boses nito.

"He saved me Audrey." She did not know why but it felt like she wanted to defend this guy.

Tumango lamang ito. Paglapit ni Kit sa kanila ay ibinaba na siya ng lalaki sa wheel chair.

TANGHALI na siyang nakabangon kinabukasan. Makikirot ang mga braso niya at ang paa ay hindi pa gaanong maigalaw. Pagmulat ng mata ay nakita niya ang tray ng tinapay at gatas sa bedside table. May nakasulat roon.

Eat your breakfast Lilac. I will be back. -Audrey

Tila napakahaba ng araw kahapon. Hindi niya lubos maisip na nangyari ang lahat ng iyon sa isang araw lamang. Matapos siyang gamutin sa ospital kahapon ay hiningan naman sila ng statement ng mga police. The whole day was tiring as it is. Hindi niya na nakita si Joseph pagkahatid sa kanila sa baba ng hotel.

Tinahi ang sugat sa kaliwang binti niya at nilagyan ng benda iyon. Tulad nga ng sabi ng lalaki ay wala siyang natamong fracture ayon na rin sa x-ray na ginawa sa kanya kaya kaagad din silang pinalabas subali't pinayuhang magpahinga ng isang linggo upang mailakad niya ng maayos ang namamagang paa at para huwag na ring bumuka ang tahi nito.

Kit was even kind enough to offer her to stay longer at the hotel subali't siya na rin ang tumanggi. Besides, she was sure enough that Audrey would not like that idea. Sa nakita niyang pagsulyapan ng dalawa kapag hindi nakatingin ang isa ay sapat nang senyales. Kung nakikita lamang niyang gusto ng kaibigan ay pauunlakan niya ito.

She finished her breakfast and after a while took a bath. Naging maingat siya na huwag mabasa ang kaliwang paa.

Mabilis lamang lumipas ang maghapon nang hindi siya lumalabas sa suite. Si Audrey ay binabalik-balikan siya sa cuarto upang daluhan at dalhan ng makakain. Pinilit niya itong magsaya sa labas ng hotel upang mag-enjoy sa mga gustong gawin. Gayunpaman ay pabalik-balik ito upang ipakita sa kanya ang mga nakuhang litrato kung saan ito nagpunta.

Pagsapit ng gabi ay isa isa na nilang ineempake ang mga gamit. Bukas ng umaga ang huling araw nila sa hotel.

"Lilac, ipinabibigay ito ni Kit sa 'yo. He said the lens was broken but Seph will compensate you." Iniabot nito ang camera habang naglalagay sila ng mga damit sa maleta.

"Thank you Audrey." Kinuha niya iyon at sinuri. May lamat nga ang lente ng camera niya. Binuksan niya ito. Nagulat siya nang naroon pa rin ang kuha ng lalaki. Tinuloy pa niya ang pagpindot dito at hindi siya makapaniwalang limang litrato nito ang lumabas. No wonder he was fuming!

"Are you okay?" Tanong nito sa kanya.

"Y-yes." Nginitian niya ito. "How about you Auds? Okay ka lang ba?" Alam niyang nararamdaman nito kung anong ibig niyang sabihin.

Nagyuko ito ng ulo at ngumiti. "Okay lang ako Lilac. One of these days ay ikukuwento ko sa iyo ang mga nangyari noong wala ka." She smiled at her.

"Sure Auds. I am always here to listen."

"Lilac?" Tumigil ito sa pagtutupi ng damit at hinarap siya. "Seph seems to like you."

"Ha?" She wanted to make it feel casual. "Paano mo naman nasabi iyon? Ngayon ko lang siya nakilala."

"I see it in his eyes." She seemed sure by the way she talks.

"Audrey, tinulungan lang niya ako. I think anyone will do the same." Pagtitiyak niya dito.

"I am sure Lilac. Not just everyone will do that to that extent knowing you barely knew each other." May punto ang sinasabi nito na nagpatuloy.

"I don't think it will be beneficial na mapalapit ka sa kanya Lilac. He was engaged. And soon to be a father. I don't want to see you hurting in the end."

"Oh!" She did not expect that.

Nang gabing iyon ay hindi siya halos nakatulog. Hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang kirot sa puso na nararamdaman niya.

KINABUKASAN ay maaga silang gumising. Bitbit ang saklay niya ay inaalalayan siya sa paglalakad ni Audrey. They wanted to witness the popular beach sunrise. Kung kaya't alas cinco pa lang ay bumangon na sila. Ito rin ang huling araw nila sa hotel kaya't nais nila itong sulitin.

Umupo sila sa buhangin upang doon abangan ang pagsikat ng araw. Dala ni Audrey ang camera nito at siya nama'y ang sketch pad. Gusto niyang gumuhit ng landscape bilang alaala rito. She suddenly thought of Joseph. Ang nakuha niyang litrato noon ay maganda ring gawan ng guhit.

Halos isang oras din silang nakaupo at nagkukwentuhan habang iginuguhit niya ang senaryo nang ilang malalaking yabag ang nadinig nila papalapit.

Sakay ng isang malaking kabayo ang lalaking iniisip niya. Mukhang katatapos lamang nitong maligo dahil sa mamasa-masang buhok. Napatigil silang dalawa sa ginagawa.

"Hi." Bati niya rito nang tumigil ito ilang hakbang mula sa kanila.

"Hi yourself." Bumaba ito sa kabayo. "What made you come here this early?" Lumakad ito papunta sa kanila at umupo malapit sa kanya.

"What about you?" She asked him.

Nangiti ito. "You always ask in reply." Tumingin ito sa kanya. "I need to talk to you. "

"About what?" Ano naman kaya ang sasabihin nito sa kanya ngayon?

"Sisingilin ko na sa 'yo 'yung utang mo sa akin." He looked at her without blinking. Pagkatapos ay tumayo na ito at pinagpag ang maong na pantalon. Inilahad nito ang isang kamay sa kanya upang alalayan siyang tumayo.

She looked at Audrey for permission.

"Sure. Go ahead Lilac." Si Audrey na walang emosyon at tila walang tiwala sa lalaking naroon. Pinukol siya ng isang warning look nito na waring sinasabing, basta mag-ingat ka Lilac.

Kukunin sana niya ang dalang saklay subali't pinigilan siya ng lalaki. "We are riding a horse. I don't think you need that."

Inalalayan siya nito sa paglakad papunta sa kabayo at iniangat paakyat sa likod ng malaking hayop. Para lamang siyang bulak sa gaan na hindi man lang ito nahirapan.

"Humawak ka sa beywang ko miss kung ayaw mong mahulog." Nilingon siya nito sa likod matapos itong makaakyat.

"I know." Alanganing humawak siya rito. This kind of closeness will not benefit her at all. Para siyang napapaso. "Where are we going?"

"You'll see." At pinitik na nito ang paa upang patakbuhin ang kabayo. Napilitan siyang kumapit ng mahigpit dito.

Naaamoy niya ang cologne nito. It smelled of forest and grass. Sanay siyang sumakay ng motor pero hindi ng kabayo at kung iisipin ay hindi kasinglaki ng ganito ang mga nasakyan niya noon.

"I could get used to that." She heard him say.