Chereads / Finally in Love / Chapter 3 - The Unexpected

Chapter 3 - The Unexpected

Hindi siya kaagad nakagalaw sa kinatatayuan. She was totally shocked! It was a first time that a strange man acted like that in front of her that she wasn't even able to move. Nagbagong bigla ang anyo nito matapos siyang tanungin kung ilang larawan ang kinuha niya. Mali ba ang sinabi niya? Isa lang naman ang naaalala niya. Were there more? But it seems impossible. Once lang niya nadinig ang click.

A few more seconds and she was able to pull herself together. Isa man o dalawa o ilan pa, hindi dapat nito tinangay ang kamera niya. "I need to go after that bastard." At humakbang siya papunta sa hotel. Lumulubog ang mga paa nya sa buhangin sa bawat hakbang na ginagawa papasok dito. She is now equally mad!

Galit ang nagbabadya sa mga mata niya. "Bastos na lalaking 'yun! I will charge him of theft sa ginawa niya sa akin." At higit pa niyang binilisan ang paglakad. Binati siya ng isang staff pagpasok niya subali't hindi na niya ito napansin. Magkasalubong ang magaganda niyang kilay na ang mga mata nama'y iniikot ang paligid.

Karamihan sa mga guest ng hotel ay nasa loob dahil halos katanghaliang tapat na. Nagpalinga-linga siya. Hinahanap ng mga mata ang lalaki. Pumunta siya sa hotel lobby subali't wala ito roon. Agad siyang dumiretso sa lift lobby kung saan naroon ang elevator paakyat sa mga guestrooms. Sigurado siyang isa ito sa mga guest ng hotel. She saw a few more people waiting na magbukas ang pinto ng lift pero wala rin ito roon. Damn!

Nag-isip siya ng mabilis. Sa ilang malalaking hakbang ay nakarating na siya sa reception counter. Naroon ang apat na receptionist, dalawang lalaki at dalawang babaeng sa palagay niya ay Western pagka't maputi ang kulay ng mga nito. Nilapitan niya ang babaeng receptionist.

"Hi. Excuse me." Kinuha niya ang atensyon nito na agad namang nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa screen ng computer katapat nito.

"Good afternoon Ma'am. May I help you?" Magalang na bati nito sa kanya.

"Yes. Please. Have you noticed a guy who went here inside just a few minutes ago? He came from the beach side of the hotel. He is wearing sando and shorts and holding a camera." Walang patumpik-tumpik niyang tanong dito. Hindi na niya naiwasang gumamit ng intensed na tinig na siya namang ikinagulat din ng babaeng receptionist. Subalit agad din nitong naitago iyon at kalmado pa ding ngumiti.

"I'm sorry Madam but the guests have started arriving so I cannot really say." Paghingi ng paumanhin nito. "May I know why?"

Huminga muna siya ng malalim. Muling pumasok sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon at higit na inis ang nadama niya.

"He has something that belongs to me. He took my camera." Tumaas ang dalawang kilay ng receptionist at ang tanging nasabi na lang nito ay "Oh."

"Can you help me find him?" She asked her with a firm determined voice.

Agad din siya nitong isinama sa security office ng hotel upang doon siya asikasuhin. Sandali siyang naghintay sa loob nang bumukas ang pinto at iluwa nito ang isang lalaki. Nakasuot ito ng uniform na kulay maroon na katulad ng suot ng mga staff dito subali't naiiba ang disenyo ng suot nito. Sa hinuha niya ay ito ang manager ng hotel. Sinabi niya roon ang mga detalye ng mga pangyayari matapos itong umupo sa swivel chair sa likod ng desk kaharap niya.

"I was just taking photos outside the beach when I accidentally took a photo of him. He saw me and in a flash he was already in front of me. He took my camera and found there his photo. I already apologized and told him to just erase the picture but he did not listen and ran away with it." She paused for a second to justify her statement.

"Well, 'technically', ran. Cause I no longer saw him after. He's like the Flash and suddenly disappeared." Tuluy-tuloy na lintanya niya.

"That camera is important to me. That was my mom's gift." Hindi niya naiwasang maging sentimental sa parteng iyon. Hindi niya na din alam kung bakit pati iyon ay nasabi pa niya. Maybe out of so much embarrassment.

Tumangu-tango naman ang lalaking manager na nakaupo sa harapan niya. Iniisip ang kanyang mga sinabi. Pinuntahan agad siya nito sa opisina matapos i-report dito ng receptionist ang nangyari. Mukhang mabait naman ito and in fact is a good looking guy. He seems to be in his early thirty's. Sa totoo lang ay parang modelo ang kaharap niya at hindi isang manager. Sa obserbasyon niya ay mukha itong Western dahil sa dominanteng features ng mukha nito. He has green eyes, matangos na ilong at medyo maninipis na labi. His jawline was also very well defined. Sa unang tingin ay nahahawig ito kay Nikolaj Waldau. Mangyari nga lamang ay may pagkamoreno ito kumpara sa una.

"I understand your concern now Ma'am." Anito nang maunawaan ang sinasabi niya. "But I have to be honest with you. Since you told me that the reason why he took your camera was because of the photograph you took of him, I need to be fair in taking care of this matter. We value all our guests in this hotel madam so I assure you we will fix this issue. Meanwhile, I will find that guest for you and contact you as soon as I'm able to reach that person." Nakangiti at mahinahon nitong paniniguro sa kanya na siya namang ikinakalma niya. Sa sobrang soothing na mala-boses DJ nito ay kahit na sino yatang galit o nagpa-panic ay 'di maiiwasang hindi ma-relax. No wonder he's the manager!

Nakahinga siya ng maluwag. "That assures me. Thank you Mr. Manager." Pagpapasalamat niya rito.

"Kit na lang." Inilahad nito ang palad sa kanya. "Tawagin mo na lang akong Kit. Later or tomorrow I'm sure I'll be able to contact you." She paused for an awe! Nagsalita ito ng Tagalog. That was unexpected! Nangiti ito sa nakitang pagkagulat niya.

"I thought.." Hindi niya napigilang mag-react sa sinabi nito. "Well, I did not think you're a Filipino. You don't look like one." Iniabot naman niya ang kanang kamay sa nakalahad nitong palad.

"Yeah, I know. No one ever does. But I'm half Filipino, half not." Nagbibiro nitong wika na sinamahan ng palakaibigang ngiti.

Nang hindi pa din siya magsalita ay dinugtungan nito ang sinabi. "I got my color from my mom and the rest from my dad. So that's why." Kibit balikat nito.

So, that explains the dark skin! At obviously ang ina nito ang Pilipino at ang ama ang ibang lahi.

"Oh. That's very interesting Kit. All along I thought ibang lahi ang kausap ko. You pranked me." Natatawa niyang sabi.

"Ayan sa wakas tumawa ka na Madam. You we're very stressed earlier. Siguro ngayon ay mapapanatag ka na. Don't bother yourself about it. I'm sure we can find him. May CCTV naman sa buong hotel at sa paligid. At nasa akin na ang details mo so we'll contact you right away." Nakangiti nitong wika sa kanya. Para itong model ng toothpaste sa pantay-pantay at mapuputing ngipin.

"Well that felt really good. I'll count on you." May kapanatagan din niyang sagot.

"Yeah, sure do!" Sumaludo pa ito sa kanya na ikinatawa naman niya.

"Salamat, Kit. Ngayon na napanatag na ako, siguro ay magpapaalam na ko para magawa ninyo ang trabaho nyo." Aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa silya katapat ng desk nito.

"Save it later pag nasa akin na ang camera mo madam." Tumango naman ito bilang pag-acknowledge.

PABALIK na siya ng lobby nang makita niya si Audrey. Mukhang hinahanap siya nito.

"Lilac! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Nanggaling na ako sa cuarto natin pero wala ka din. Tatawagan sana kita kaso nakita ko yung phone mo sa side table. Anong nangyari sayo? Para kang nalugi sa itsura mo." Magkakasunod na tanong nito.

"Sorry Audrey. Naiwan ko yung phone kanina. Galing ako sa security." Nahahapong sagot niya rito.

"What?? Bakit?" Napakunot ang noo nito sa tinuran niya.

"Yung camera ko. A bastard took my camera from me." Ikinuwento niya rito ang nangyari habang pabalik sila sa kwarto sa ikaapat na palapag. Muling bumalik ang galit na nararamdaman niya habang inilalahad dito ang mga nangyari. Hindi naman ito makapaniwala sa kanya.

"I mean, Lilac, anong klase namang tao 'yung biglang mang-aagaw ng gamit dahil lang nakuhanan mo siya ng litrato? Are you sure hindi mo nakilala yung tao?" Pag-uusisa nito sa kanya.

"There's no way na makikilala ko siya Audrey. Maybe he is a bit familiar pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maisip kung sino siya. Siguro may kahawig lang siya. Ilang tao ba naman sa mundo ang magkakahawig 'di ba?" Hindi niya talaga maisip ang sinasabi nito.

"Maybe he's a famous person dahil magagalit ba ng ganoon na lang ang ordinaryong tao? For sure matutuwa pa nga siguro kung iba yun 'pag nakita ang kuha mo dahil magaling kang kumuha ng pictures." May punto ang mga sinasabi nito. Sa ilang pagkakataon ay nagkasama na din sila ni Audrey sa photowalks. Tinuruan siya nito ng mga technics kung paano kumuha ng magagandang litrato kaya natuto siya kung paano humanap ng magandang anggulo. At tama ito na kung sa ibang sirkumstansya ay matutuwa pa ang taong kukunan niya at hihingi sa kanya ng mga kopya ng litrato.

"I mean let's think about it. Baka isa siyang kilalang businessman? Or pulitiko kaya? O baka naman singer?" Nanlalaki ang mga mata nito sa mga naiisip.

"O di kaya....artista??? Celebrity???OMG!!" At natutop nito ng mga kamay ang bibig dahil na din sa mga naiisip na posibilidad.

Siya naman ay hindi umiimik habang papalapit na sila sa pinto ng suite. Patuloy ang daloy ng kanyang isip.

"Lilac, kung nagkataon na tama ang iniisip natin, oh my! May kasama tayong artista sa hotel na 'to! Ang swerte naman natin!" Hindi nito mapigil ang excitement.

Nakarating na sila sa tapat ng pinto ay hindi pa din siya umiimik. Inilabas ni Audrey ang keycard it itinapat iyon sa automatic card reader. Hawak na nito ang seradura ng pinto nang magsalita siya.

"Kahit na ano pa siya. He won't get away with this Audrey." There was finality in her voice.

"Fierce!" Tudyo nito. Hindi alam ng kaibigan kung matatawa o matatakot sa kanya. At tuluyan na silang pumasok sa cuarto.

Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa isang nakauwang na pinto katapat.

HALOS tatlumpung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya nagagawang buksan ang mga nakatakip na pagkain sa ibabaw ng dining table. He ordered Arabic food for lunch. There were Hommous for appetizer, Fatta Chickpeas bilang main course, at Pistachio Baklava na siyang dessert na tinernuhan ng red wine na nakapaibabaw sa ice bucket. But he felt he already lost the appetite at ngayo'y paniguradong malamig na ang mga ito.

He was only sitting there. Nakadantay ang mga braso sa taas ng backrest ng upuan na nakahalang dahil sa pagtaas baba niya sa dining chair na animo ito isang tumba-tumba habang nakatingala sa kisame. He could not think straight. He couldn't believe these people traced where he was.

A few more seconds at sa wakas ay nakapagdesisyon na siyang tignan ang nilalaman ng nakumpiskang camera. Tumayo siya at tinungo ang kinaroroonan nito. Ininspeksyon niya ang camera. Mukhang nagkalamat ang lente nito. Marahil dahil iyon sa pagkabagsak niya sa sofa kanina. The camera looks a bit expensive. At mukhang pang-pro ang lens nito. Let's see ano ang laman mo.

Ibinaba niya ang SLR sa lamesitang kaharap at pagkatapos ay kinuha ang laptop sa loob ng closet. Nang maibaba niya ang laptop sa center table ay hinawakan niya ang camera upang kunin ang memory card at ipasok ito sa laptop.

Pinagmasdan niyang mabuti ang mga folders na lumabas sa screen. Maraming lamang litrato ang card base sa mga folders na ito. Inuna niyang buksan ang naglalaman ng latest date kung saan naroon ang picture niya. Nilakihan niya ang litrato at di niya napigilang suriin ito. Isa iyong half body shot. Ang kuha niya ay naka-side view na nakaharap sa malawak na karagatan. Tamang tama ang focus ng litrato na ang subject ay nasa isang gilid upang bigyang daan ang espasyo ng background. The sunlight which hit the sea water bounced on him that it made his body and face shimmer. He was like a shining sculpture of a Greek god. Maging ang posture niya sa kuhang iyon ay maganda ang pagkakaanggulo. The background was a bit blurry which made the subject well defined. It was almost a perfect shot. Almost.

Napakunot ang noo niya. This woman really knew how to take pictures. Ilang sandali pa niya iyon tinitigan subali't agad ding inalis roon ang kanyang isip. He should focus on the woman's identity. Kung isa ito sa mga media ay siguradong marami pa siyang makikita sa mga kuha nito.

Inilipat pa niya sa mga susunod na litrato. There was also another picture of him, this time ay close-up. Another close-up photo. Isa pang picture na whole body na tila pang cover ng magazine. And the last one was also a whole body shot pero mas naka-focus naman ito sa background.

"And there she said it was only one."

Napapailing siya sa isiping iyon.

Binuksan pa nya ang mga sumunod na litrato. Most pictures were sceneries which were taken at the hotel. Hindi maipagkakailang magaganda ang mga shots nito. Then her picture popped up. He stopped there.

Nakangiti ito sa kuha suot ang bestida nito kanina. Ang background ay ang dagat sa ibaba ng hotel. Hawak nito ng kanang kamay ang sumbrero na nakasuot sa ulo. It was also a half body shot at dahil mataas ang resolution ng litrato ay nagawa niya pa itong i-zoom. He looked at her picture for a very long time na tila ba sinusuri ang bawat detalye. She looked very ordinary and yet not. Dumako ang tingin niya sa mga mata nito at huminto doon.

How can someone have very expressive eyes? Her smile looks so genuine.

After a while he made a few more tap with his mouse. Then a video of her popped on his screen.

He wanted to stop right there but he couldn't. Curiosity about this girl filled his mind and he could not resist it. He wanted to see more of her. He clicked it.

"Nandito ako ngayon sa Miracle Garden. Such a very nice place they have here! There are lots of varieties of flowers. Look!" Magiliw na nagsasalita ang babae sa video habang isa-isang ipinapakita ang mga bulaklak sa camera na kumpul kumpol at may iba't ibang hugis. Mukhang alam nito ang pangalan ng lahat ng bulaklak na madaanan. She was laughing. At nakakahawa ang masiyahing boses nito. He even thought it felt warm that he wanted to laugh with her. He enjoyed watching her.

"I really love it here so much." Saglit itong napahinto at unti-unting nawala ang ngiti.

Tila nagbabara ang lalamunan nito na nagpatuloy. "Sana ay kasama kita dito Brian. I missed you so much Brye and I love you."

"I'll see you. I promise."

The video already ended a few minutes ago.

But he was left astounded. He didn't know where the sudden desolate feeling came from. It felt like a needle was piercing him in the chest.

Tumunog ang telepono sa bedside table sa loob ng cuarto makalipas ang ilang minuto. Ilang sandali muna ang pinalipas niya bago tuluyang tumayo upang sagutin ito.

He answered the call with a bored annoyed voice. "Yes?"

Nakilala niya ang boses sa kabilang linya. "Bro, it's me. Naabala ba kita?" Tila double meaning nitong biro sa kanya. Mukhang iniisip pa yata nitong may kasama siyang babae sa suite niya.

"Always, Kit." Sagot niya.