Matapos ang dalawang oras ay nakatanggap siya ng tawag. Mula ito kay Kit at ayon dito ay narito na ang camera niya. Inanyayahan siya nitong mag-dinner sa restaurant ng hotel upang maibigay sa kanya ang gamit.
"Auds, samahan mo ako." Wika niya sa kaibigan paglabas nito ng bathroom. Panandalian itong nag-shower at ngayon ay tinutuyo ang mamasa-masang buhok. Siya naman ay nakaupo sa fully upholstered sofa habang nanonood sa wall mounted 42 inches flat screen TV sa sala ng suite.
"Saan?" Nilingon siya nito saglit habang hinahagod nito ng towel ang buhok.
"Sa dinner mamaya. Nakuha na ni Kit yung camera ko. Ibibigay daw niya mamaya sa restaurant." Sagot niya sa kaibigan.
"Kit." Tila napatigil ito saglit. Nagtanggal muna ng bara sa lalamunan bago nagsalitang muli.
"Sinong Kit Lilac?" Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang kakaiba dito sa biglaang pag-iiba ng reaksyon nito.
"Ah. Yung manager ng hotel. Hindi ko ba nabanggit sa iyo na Kit ang pangalan niya?" Tanong niya rito. Gusto pa sana niyang mag-follow up question at itanong kung kilala kaya nito si Kit pero hindi na lang niya ginawa.
"Hindi ko alam." Bigla na lamang itong nanahimik pagkatapos.
Hinayaan niya na lang muna ito dahil baka marami na namang iniisip ang kaibigan.
Isang buwan matapos siyang bumalik mula sa bakasyon niya sa Pilipinas ay tila may nagbago din kay Audrey. Hindi ito masyadong umiimik. Gayunpaman ay pinipilit pa din nitong maging masaya kapag magkasama sila. Mabuti na lang din at kahit paano ay sumigla itong muli matapos niyang yayain na magbakasyon sila. Audrey would really love to come to this place. She remembered she once told her na isa ang lugar na ito sa mga bucket list ng dalaga. Kaya naman ito agad ang niyaya niya matapos malamang siya ang makakapunta sa Pariston Hotel. Alam niyang may dinaramdam ang kaibigan kaya gusto niya itong pasayahin.
"May gusto kang puntahan ngayon Lilac?" Tanong nito matapos ang ilang sandali. "Pwede tayong mag-ATV. Nabasa ko sa brochure na meron sila noon."
Napapitlag siya.
"Oh! Auds! Really!? Wow, sige." Agad siyang tumayo. Tinignan niyang muli ang kaibigan.
Mukhang guniguni niya lang ang naisip dito kanina dahil muli ding bumalik agad ang sigla sa tono nito.
ATV. Matagal tagal na din siyang hindi nakakasakay ng motor. Mula nang dumating siya sa UAE three years ago ay di pa niya ulit ito nasubukan.
Matapos niyang mag-shower ay kumuha siya ng isang puting t-shirt at maong na pantalon sa closet. Tinernuhan niya ito ng puting sneakers. V-neck t-shirt na kulay gray naman ang suot ng kaibigan.
Ilang minuto din silang naglakad patungo sa ATV area ng hotel. Isang malawak na rough road at terrains ang nakalaan para sa mga gustong mag-ikot ikot sa paligid gamit ang ATV. May race track naman sa bandang kaliwa na para sa Go karting at ilang hindi kalakihang mga kabayo din na sakay-sakay ng mga guests ang nakita nila sa kabila nito.
I should be enjoying. Nasabi niya sa sarili. Pagtapos ay huminga ng malalim at sa wakas ay ngumiti.
Nang nakakuha na sila ng tig-isang sasakyan ay sinimulan na nilang patakbuhin ang mga ito.
She enjoyed riding the four wheel vehicle. Ang hangin ay humahampas sa kanyang mukha at dama niya ang may katamtamang lamig nito. She smelled the soft afternoon breeze from the sea. And it was fulfilling! She even closed her eyes to feel it.
Binilisan pa niya ang takbo.
"Hey, Lilac!" Natatawang tawag ng kaibigan. "Slow down!" Pahabol nitong wika sa kanya.
Kahit kailan talaga ay hindi niya napipigilan ang pagiging fast driver lalo sa ganitong pagkakataon. She was never a reckless driver but there's really this kind of fulfillment when she drives this fast. She has good reflexes anyway at kahit kailan ay hindi pa siya napasama sa anumang aksidente.
Ilang saglit din ang nakaraan bago niya nilingon ang likod upang tignan kung nasaan na ang kaibigan subali't hindi na niya matanaw ito. Dalawang beses na siyang may nalikuan at alam niyang parte pa din ito ng rough road ng ATV premises. Sa bandang ito ay may mga nagtataasang puno at halaman na. She slowed down upang makahabol ang kaibigan. Wala siyang natatanaw na ibang motorista. Mukhang ang parteng ito ay hindi masyadong pinupuntahan. Liliko na sana siya ng may mamataang dalawang ATV na papalapit. Sakay nito ang dalawang lalaki na tila mga ibang lahi.
"Hi babe!" Bungad ng isa sa mga lalaki. May kaitiman ang balat nito at sa wari niya'y kung hindi Indyano ay Pakistani. "Why alone here?"
Nakangisi ang mga ito nang makalapit sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan. She was a bit too far from the hotel at tila ang parteng tinahak niya ay hindi puntahin ng mga motorista. Hindi na nga niya naaaninag sa paligid ang mga nakatusok na flag na nagsisilbing guide. Sa sobrang excited niya sa pagmomotor ay naging careless siya. Hindi niya naisip ang ganitong posibilidad.
"I'm not alone." Sinikap nyang gawing matatag at kaswal ang boses. Nakapihit na ang sasakyan niya pabalik subali't nakaharang naman ang mga ito sa kanya. Ilang dipa ang pagitan nila. Kailangan niyang makaisip ng paraan para itaboy ang mga ito. "I am with someone so please excuse me."
"Oh!" Ang ikalawang lalaki naman ang nagsalita. Nakataas ang mga kilay nito na tila ba hindi kinakagat ang sinasabi niya. "Was that me babe? Waiting for me?" Malisyoso ang mga tingin nito. Tumaas ang mga balahibo niya sa ginawa nito ngunit sinubukan niya pa ring ikubli ang kaba at takot na nararamdaman.
"You won't dare touch me. You won't get away with this you know that. Dubai is not a safe place for people like you. So if I were you, I'd think twice." Siniguro niyang may babala sa tinig niya. Hindi pa rin siya magpapasindak sa mga ito. Kinalma niya ang sarili. Oras na lumapit pa ang mga ito ay paliliparin niya ang motor sa kaliwang bahagi ng daan. Mapuno sa bandang iyon at paakyat ang dinaanan niya kaya delikado kung bigla niyang susuungin iyon. Pero mas nanaisin pa niyang malumpo sa pagdausdos niya sa pagtakas kaysa maging biktima ng mga ito.
Nakita siya nito ng lumingon siya sa bahaging iyon at kaagad itong nagsalita. "You are not that stupid aren't you?" Ini-start nitong muli ang makina.
Humanda siya at binuksan din niya ang makina ng motor. Kinabig niya ang manibela pakaliwa nang isang malakas na tunog ang nagpatigil sa kanilang lahat. May malakas na impact din siyang naramdaman at tila may matulis na bagay ang tumama sa paanan niya. Mabuti na lamang at nakahawak siya ng mahigpit sa kambyo.
Isang humaharurot na tunog ng sasakyan ang papalapit sa kanila.
Huminto ito sa likod ng mga lalaki.
"Get your asses away from here." Isang malalim na boses ang pumailanlang. The voice was filled with so much authority. And danger.
"Now." At pinihit pa nito ang motor na tila babanggain ang dalawa sa harapan. That blank familiar face will definitely kill anyone.
Agad namang kumilos ang dalawang lalaki na hindi magkamayaw kung paano patatakbuhin ang mga motor.
Hindi siya agad nakagalaw sa kinalalagyan. Noon niya naramdaman ang panghihina ng tuhod at panlalamig ng katawan. Mabilis ang pintig ng kanyang puso. Hinahabol niya ang paghinga. Napapikit siya at napahawak sa dibdib ng madiin na para bang kayang pigilan noon ang pagwawala ng tibok ng puso. Shit! She almost got raped!
Big steps walked towards her. His voice was like thunder striking everything which crosses its path.
"Are you an idiot!? How did you think of going to this place!? Hindi mo ba nakitang wala na halos mga taong pumupunta dito? Naghahanap ka ba talaga ng disgrasya?"
Hindi niya nagawang sumagot. She was still shocked. "You could have been raped!"
She shivered at the thought. Rape.
Sa ilang hakbang lang ay nasa harap na niya ito. Marahas ang bawat paghinga nito. His eyebrows were still clashing. He was looking at her.
"Are you okay?" Maya-maya'y wika nito. His voice was now soft but she could still feel the tense. Saglit niyang naisip na may nahimigan siyang pag-aalala rito. Or was it just an imagination? Why will this man feel that way towards her?
"I-I am o-okay." Nang sa wakas ay nakuha niyang magsalita. Napayuko siya at napayakap ang dalawang braso sa sariling katawan. "I'm oka-ay." Nanginginig ang boses niya at napalunok.
Ilang saglit lang ay namalayan na lang niyang napaloob siya sa ilalim ng matitigas at malabakal na mga braso nito.
"Shit. You're shivering." Bulong nito sa kanya. His face rested on top of her head as if telling her she was now safe. His voice was filled with emotions which made her want to burst into tears.
She could feel his soft breathing now. Mukha itong papatay kani-kanina lang at ngayon ay wala na itong bahid ng galit kung hindi pag-aalala. Pag-aalala? Impossible!
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya nang maramdaman nito ang panginginig ng kaniyang kalamnan. Hindi niya alam kung bakit subali't hindi niya napigilan ang pag iyak. She finally felt safe and secured after that terrific moment. She thought she was going to die! At naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito, hindi mapigil ang pag-agos ng luha. Ngayon nag-sink in sa isip niya ang mga posibleng nangyari sa kanya kung hindi ito dumating.
"Shhh..You're safe now, sweetheart. Nandito ako sa tabi mo." His voice was calming and warm. Hinagod nito ang buhok niya. He was caressing her back. She felt secured now more than ever.
Ilang minuto ang nagdaan na nasa ganoon silang posisyon hanggang sa mapigil na niya ang mga luha.
Binitiwan na siya nito. Inabutan siya ng panyo upang punasan ang nabasang mga mata. Tahimik lang itong nakamasid sa kanya habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa sa maong na shorts nito.
"I suppose, I owe you my second life. Thank you." Pagdaka'y sabi niya nang hindi ito kumikibo. Hindi niya magawang magtaas ng tingin at salubungin ang mga mata nito dahil ramdam niya na tumatagos ang mga titig nito sa kanya kaya nanatili siyang nakayuko.
Sa pagkabigla niya ay inabot nito ng kanang kamay ang baba niya at itinaas iyon upang ipantay sa mukha nito.
"I doubt that's the right way of extending your gratitude to your hero." Nakangiti ang isang sulok ng labi nito. "Why can't you look at me chiquita? Afraid? I just saved your life."
Hindi na siya nakaiwas ng tingin sa lalaki. She could feel a shivering sensation down her spine and through her knees. His cool breath fanning her face sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.
"O-of course not!" Sagot niya na pilit pinatatag ang boses. This guy thinks he is god's gift to women! Totoo pala yung mga nababasa niya sa pocketbook.
Tumawa ito at binitiwan ang mukha niya. Damn that smile! Parang biglang pumasok lahat ng liwanag mula sa araw sa masukal na lugar na iyon. His smile wrecked havoc in her uneasy heart.
This is so awkward. This strange man na pangalawang beses pa lang niyang nakita. Kaninang umaga ay galit na galit ito nang makatagpo niya sa beach. Ngayon naman ay masaya itong tumatawa. And what's weirder was that, she found him attractive no matter what character he portrays.
Napailing siya sa naisip. Correction, dangerously attractive. And she should not fall for his wicked schemes or else she already knew what will be the ending.
Tumikhim siya at sinikap magbukas ng kaswal na usapan para mawala ang pagkailang dito.
"I do not know you're name."
Tumitig muna ito sa kanya bago umayos ng pagkakatayo. Naroon pa rin ang pagkaaliw sa mga mata na nakatingin sa kanya.
"Joseph. Joseph Leandro." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Tinignan niya iyon.
"Lilac Montes." Iniabot naman niya ang kamay pero agad ding binawi iyon. Napataas naman ang isang kilay nito sa ginawa niya.
"Nice name. A European flower." Tila ninanamnam nito ang pangalan niya.
"Now that you asked my name ay nakasiguro na akong hindi mo nga ako kilala." Ngumisi ito na ikinalabas ng biloy nito sa pisngi. What the heck!
"You're an arrogant beast." Inilayo niya ang tingin dito. "Why do you have to assume everybody knows you?" Bumangon ang inis niya rito.
"Yeah right." Kibit balikat nitong wika. "So why you took pictures of me kanina sa beach?"
She flicked. She was thinking what to say.
"W-well. I told you already. I was just taking photos." Nauutal niyang sagot dito.
"You said there was only one." Dinugtungan agad nito ang tanong. Tinitigan siya nito nang hindi kumukurap. "You're a little liar."
Napakurap siya at naguguluhang tumitig dito. "There was only one." She insisted.
"Cut the acts young lady." This man was really getting through her nerves. She wasn't lying. But she wasn't sure either. Were there really more?
"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa hotel. Malapit nang magdilim." Wika nito nang hindi na siya nakapagsalita. Hinawakan siya nito sa kaliwang braso upang alalayan sa pagbaba. She refused.
"I can drive." Sinigurado niya dito.
Tumaas naman ang mga kilay nito. "Really, darling?" Bumaba ang tingin nito sa makina ng motor niya. "With your motor well broken? I doubt."
Napakunot noo siya at sinundan ang tingin nito. Nayupi ang ilalim ng makina ng motor niya. Ang gulong sa likod naman ay nabutas. Mayroon palang malaking bato sa ilalim nito. Ito marahil ang dahilan kaya muntikan na rin siyang tumilapon kanina.
Nagulat pa siya nang biglang magmura ito.
"Shit! Your leg!" 'Di nito napigilan ang pag-usal ng mura pagkakita sa dumudugo niyang binti. Ngayon niya lang naramdaman ang kirot nito. Napunit ang parteng iyon ng kanyang pantalon. Siguro ay tinamaan ito nang kung anong matigas na bagay.
Agad itong yumuko upang tignan ang binti niya. "It's bleeding." Sa itsura nito ay tila ito nagagalit.
"I'll bring you back to the hotel." He was speaking with finality in his voice at hindi na siya nakapalag nang iangat siya nito ng dalawang braso. Napakapit na lamang siya sa leeg nito sa pagkabigla.
"I'm okay." She tried to convince him.
"You always say that." Magkadikit pa din ang mga kilay nito. Hindi niya alam kung bakit ito nagagalit.
"Are you mad at me?" She could not help but ask.
Ibinaba siya nito sa ibabaw ng motor sa bandang unahan nito nang nakaharap siya sa kanan upang hindi masaktan ang kaliwang binti niya. Ini-start nito ang makina. Hindi pa rin ito umiimik.
"What about my ride?" She asked looking at the broken bike behind him.
"That motor can rot in there for all I care. You should think of yourself first Lilac." At pinihit na nito paandar ang makina.