Chereads / Faith mask / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Railyn's POV

Sobrang inip na inip na ako dito. Medyo nakakaramdam na rin ako ng masamang pakiramdam, mainit ang paghinga ko maging ang mga mata ko. Masakit na lalamunan maging dibdib ko ay naninikip, huli akong nakaranan ng ganitong sakit noong mga highschool pa kami.

"Ano na kayang ganap sa labas?" Tanong ko sa sarili at napaupo. Hindi ako makatulog ngayon, gusto kong lumabas para tumulong sa mga kasamahan ko pero hindi pwede sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko pa nakakausap ang pamilya ko, wala silang alam na ganito ang kalagayan ko at ayoko rin mag-alala sila.

Inalis ko ang kumot sa katawan ko. Inilibot ang paningin sa paligid. Narito pa rin ako sa maliit na kwarto, tinanaw ko pa ang mga nasa gilid ko. May isang malaking salamin ang pumapagitan sa amin, nakikita ko na ang ilan ay nakahiga at talagang naghihina.

Tumayo ako at inilapat ko ang mga palad ko sa salamin. Tanaw ko ang mga abalang medical team na hindi magkanda ugaga sa kanilang trabaho, wala ako sa lagay nila pero alam kong maging sila ay hirap na rin.

Hindi ko ito gusto, hindi ko gustong manatili lang dito. Hindi ako sanay na manatili lang sa isang tabi habang nakikita ang iba na nagpapakahirap.

"Rai-Rai," agad akong napatingin sa tumawag.

"Ano ba? Bakit Rai-Rai ka ng Rai-Rai?" Inis kong saad dito. Sinabi ng hindi na ako dapat tawagin sa palayaw ko noon. Ang baduy kaya.

"Okay kalma ka lang," umayos ako ng tayo at sumandal sa salamin.

"Tingin mo? Mamamatay na ba ako?" Napatigil pa ito sa paglalagay ng mga gamot.

"Strong ka di ba? Bala nga di ka nagawang mapatay eh. Remember? Maging sa katawan mo iniiwasan ka ng bala," napangisi ako sa sinabi nito.

"Joke ba yan?" Tanong ko dito.

"Depende sayo, kung natawa ka...siguro," rinig ko pa ang mahina nitong pagtawa.

"Hindi ka ba takot na mahawa?" Hindi siya agad sumagot sa tanong ko. Inayos niya muna ang mga gamot na nasa lamesa. Sa sandaling ito ay nakatitig lang ako sa kaniya na may suot na PPE, nakagloves at suot ang facemask.

"Ikaw ba noong nagsundalo ka takot kang mamatay sa bala?" Tanong nito at humarap sa akin. Malayo kami sa isa't isa, kahit pa man parehas na may takip ang bibig namin ay rinig namin ang nais iparating ng bawat isa.

"Hindi, kung sa kapayapaan at kalayaan ng bansa ko ang ginagawa ko isang karangalan ang mamatay para sa ipinaglalaban namin," napakibit balikat pa ito sa sinabi ko.

"Exactly, bakit pa ako nagdoctor? Katulad mo sa kinakaharap ng ating bansa, mga mandirigma rin kami sa gera na ito. Kung natatakot kami, sino ang gagawa ng ganitong bagay sa mga kababayan natin?" napauwang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Kaya magpalakas ka ng katawan, para saan pang nakapasa ka sa training niyo noon. Strong ka di ba? Nagawa mo pa ngang magsundalo," kumawala ako ng malalim na paghinga. Nahirapan man ako dahil masakit sa dibdib ay ginawa ko pa rin, napahagod pa ako dito habang nakasandal pa rin.

"At sinabi ko sayo noon na ako ang magpapagaling sayo. Ito na tayo, kaya nga ako nagdoctor dahil sa pangako ko," napatango ako sa sinabi nito.

"Sabagay, hindi pa nga ako nakakapag-asawa mamamatay agad ako? Virus lang ito, single ako," matapos ko itong sabihin ay sabay pa kaming natawa. Pampawala lang ng stress at pagod niya.

"Kahit kailan ka talaga, may nararamdaman ka na nga nagagawa mo pang magbiro," dagdag pa nito.

"Syempre, hindi naman hihinto ang mundo kapag dinamdam ko ito. Hindi naman ako gagaling agad kapag umiyak ako, strong ako di ba? Hindi ako pwedeng umiyak," sabay pakita ko sa kaniya ng braso ko at pinisil ko pa ito.

Sa ganitong sitwasyon nakukuha pa naming tumawa at alam ko na sa kahit anong sitwasyon walang kahit sino ang pumipigil sa pagtawa. Hindi titigil ang mundo kapag umiyak ka ng umiyak, bakit hindi natin subukan maging masaya sa araw-araw.

"Mag-iingat ka palagi ha? Kailangan ka ng mga kasama mo, wag mo ako gayahin. Nawala ako sa pagkakataon na mas kailangan ako," marahan pa akong napalunok dahil sa sakit ng lalamunan ko, maging sa paghinga ko ay hirap ako dahil sa pagbarado ng ilong ko.

"Gusto mo bang malaman anong nangyari sa nakahawa sayo? Iyong pamangkin ni Gov?" Muli akong napatingin sa kaniya.

"Kagabi sinubukan niya ulit tumakas, ayun napaaga tuloy siya," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hinabol siya, sa kakatakbo niya ayun nasagasaan. Hindi nga sa virus namatay sa katigasan naman ng ulo," saad nito. Hindi ko tuloy alam kung maawa ba ako o magpapasalamat na wala na ulit siyang mahahawa dahil sa katigasaan ng ulo niya o maawa ako dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na gumaling.

"Another one?" Hindi ko mawari ang tono ng boses niya matapos itong sabihin.

"Even si Governor nahawa niya, noong araw na nagpahintulot itong bigyan ng travel pass nahawa siya nito. What a life," itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay.

"Karma is a bitch?" Tanong ko pa.

"Sige na, magpagaling ka na. Kailangan ka pa ng pamilya at ng bansa," muling saad nito.

"Uminom ka palagi ng tubig. Oo nga pala nakausap mo na si tita?" Bumagsak ang tingin ko matapos niya itong sabihin.

"Hindi pa nga eh, pwede bang tawagan mo siya para sa akin? Pero 'wag mong sasabihin na nasa ganitong kalagayan ako. Ayoko nag-aalala sila, sabihin mo na busy lang ako pero kakausapin ko rin sila kapag okay na. Please?" Pakiusap ko dito. Nakita ko pa ang pagbagsak ng balikat niya at marahan na pagtango.

"Sige, basta palagi mong iisipin na gagaling ka ha? Bahala ka yung crush mo noong highschool tayo doctor na rin siya dito, bahala ka sabi ko pa naman sa kaniya na crush mo siya," mabilis nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung pwede ko lang siya lapitan kinurot ko na siya.

"Hoy! Ang tagal na nun, nakakahiya! Paano kung makita niya ako?" Nakakaloka naman, ano na lang kaya ang inisip nun? Ang tagal na panahon na sinabi pa niya.

"Wala na, nasabi ko na," rinig ko pa ang mahinang hagigik nito.

"San¡ª" napatigil siya sa pagsasalita ng may kumatok sa salamin at pinapalabas na siya.

"Lumabas ka na, ang tigas ng ulo mo. Sinabi na kasi sayo na bawal matagal makipag-usap, magkikita pa naman tayo eh," sita ko pa dito. Tumango pa siya sa isang doctor na nasa labas.

"Mag pagaling ka ha? Hindi ka pa nakakapag-asawa," dagdag pa nitong biro.

"Opo, Dra. Del," sabay saludo ko dito. Sumaludo rin siya sa akin. Magkalayo man kami ngayon alam ko magkalapit pa rin ang aming isipan.

Matatapos din ang unos na ito.

"Ahh.. Dra. Del, may isa pa akong hiling. Pwede ba pagbalik mo dito magdala ka ng sticky notes at ballpen?" Napahinto pa ito sa paglabas at humarap sa akin. Hindi ito nagsalita pero tumango siya bilang isang tanda ng pagpayag nito.

Tuluyan siyang lumabas, sinundan ko siya ng tingin. Para pa siyang pinagalitan ng doctor na kumatok kanina.

Muli akong lumakad palapit sa higaan ko. Umupo ako dito habang ang isip ay lumipipad, tulala sa malayo at hindi alam ang pakiramdam.

Kailan pa ba ito matatapos?

Hanggang kailan pa matatakot ang lahat?

Hanggang kailan pa mag-aalala ang mga magulang para sa anak?

Hanggang kailan pa mangangamba ang sambayanan?

Sana sa lalong madaling panahon ay matapos na ito.

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa kawalan ay napansin ko ang pagkakagulo ng ibang nurse at doctor. Napatayo ako at muling lumakad sa malapad na salamin, tinanaw ko iyon.

Napakapit pa ako sa dibdib ko, habang ang mga luha sa mata ay hindi na mapigil. Nakita ko kung paano pa nila sinubukang buhayin ang matandang iyon ngunit hindi rin nila nagawa.

Agad akong napasandal at marahan na dumausdos paupo, niyakap ko pa ang mga tuhod ko at hindi na napigil ang maiyak.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot para sa sarili ko.

Paano kung hindi na ako gumaling? Hindi ko na makikita ang pamilya ko. Hindi ko na makikita pang muli ang mga ngiti sa labi nila? Hindi ko na maririnig pang muli ang masayang pagtawag nila sa pangalan ko. Ang sermon ni mama na nakakaligalig sa tainga ko, hindi ko na ba muling maririnig?

Paano kung hindi na ako gumaling? Ano na mangyayari sa kanila? Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko, hindi ako pwedeng mamatay.

Pero hindi nila pwedeng malaman na ganito ako, ayokong mag-alala sila sa maaring mangyari sa akin.

Pero paano?

Paano ko papatatagin pa lalo ang loob ko?

Hindi ako pwedeng maging mahina.

Para sa pamilya ko, sa bansa at sa mamamayan. Kailangan ko magpakatatag.

Gusto ko maging matatag.

Kailangan ko maging matatag.

Day 10

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, walang nagbago sa pakiramdam ko. Nanunuyong lalamunan at matigas na ubo, sa tuwing uubo ako sumasakit ang dibdib ko.

Bawal pa naman sa akin ito, maaring masugat ang baga ko sa paggalaw ng bala dito.

Hindi ito pwedeng operahan dahil tumakip na ang tissue dito, mas magiging delikado ang operasyon kung tatanggalin ito.

Dahan-dahan akong tumayo at umupo. Maging ang ulo ko ay sobrang sakit, mariin pa akong napapikit at idiniin ang ulo sa pader. Umuwang ang bibig para dito kumuha ng hangin.

Muli kong idinilat ang mga mata ko, lumingon sa table kung saan nakita ko ang sticky notes na hiling ko. Napangiti pa ako matapos itong makita.

Mabigat man ang paghinga ko ay pinilit kong kuhanin ito. Napatingin pa ako sa salamin kung saan tanaw ko ang iba pang positive sa virus. Tulala rin sila at bakas sa kanilang mukha ang lungkot, gusto kong magbigay ng pag-asa sa kanila.

Gusto kong magbigay ng pagkakataon na mapalakas ang kanilang loob na gagaling sila at makikita rin nila ang kanilang pamilya.

Sumulat ako ng mga favorite quotes at idinikit ko sa salamin, kumatok pa ako sa salamin para maagaw ang attention nila. Hindi nga ako nagkamali nang mabasa nila ito ay nakita ko ang ngiti sa mga mata nila at ang pag-asa.

"With God on our side, we have nothing to truly fear," muli kong basa dito.

Sa ganitong paraan ay gumagaan ang loob ko. Ang mga pag-asa sa mukha nila ay pag-asa na rin sa puso ko.

Masarap sa pakiramdam makakita ng taong nagkakaroon ng pag-asa dahil sa iyo at nagkakaroon ng lakas ng loob para lumaban.

Hindi ko man ito maibigay sa sarili ko ay ibibigay ko ito para sa iba.

Para sa ganitong paraan lang makatulong ako. Hindi kasi ako sanay na uupo lang sa isang tabi habang nakikita ang paghihirap ng iba. Ayos lang kahit na nahihirapan ako o nakakaramdam ng sakit, ang mahalaga ay nakikitaan ko ang iba ng saya at pag-asa.

May mga pamilyang maghihintay sa ating lahat.

May mga mahal tayo sa buhay na naghihintay sa ating muling pagbabalik.

May mga naghihintay para muli nila tayong mahagkan.

Habang may buhay may pag-asa.

Habang nasa piling at kasama natin ang Diyos palaging may pag-asa.

Sa kung ano man ang kahahantungan ko, ito ay kaloob ng Diyos.

Kailngan kong maging matapang para sa ibang tao.

Virus lang ito, matatapang na pilipino tayo.

Isaiah 26:4

"Trust in the LORD forever, for the LORD GOD is an everlasting rock."