Chereads / Faith mask / Chapter 8 - chapter 8

Chapter 8 - chapter 8

Del's POV

Nagmadali kaming umasikaso ng aming sarili. Kanya-kanyang ayos, pagsuot ng mask, gear, footwear, paunang gloves, hairnet,  face mask and lastly ang gloves. Kada suot namin ng PPE ay naglalagay kami ng alacohol sa aming nga kamay, lahat ay taranta sa tuwing sasapit ang umaga.

"Bilisan mo na Doc. Del, maguumpisa na raw," tumango ako kay Doc. Guia nang madaanan niya ako papuntang office.

Sumunod ako sa kaniya at sabay kaming pumasok. Nakapuwesto na silang pabilog at pinatabi niya ako kay Doc. Arth na seryosong nakatingin sa amin.

Sinimulan na namin iyuko ang aming mga ulo upang magdasal. Unti-unting lumalakas ang kanta mula sa speaker na lagi naming pinapatugtug tuwing umaga.

Still - Hillsong

"Hide me now

Under Your wings

Cover me

Within Your mighty hand"

Tahimik lang kaming nakikinig habang nakayuko. Naririnig ko pa ang iba na sumasabay sa kanta.

"When the oceans rise and thunders roar

I will soar with you above the storm

Father, You are King over the flood

I will be still and know You are God

"Find rest my soul

In Christ alone

Know His power

In quietness and trust

When the oceans rise and thunders roar

I will soar with you above the storm

Father, You are King over the flood

I will be still and know You are God"

Sabay-sabay na kaming kumanta,  May luhang lumabas sa aking mga mata dahil dama ko ang kanta.

Pagtapos ng kanta ay sabay naman kaming napaangat ng mukha. Pasimple kong tinulak si Doc. Guia dahil nagbubungguan na ang braso namin ni Doc. Arth.

"Always remember that God is never leave us. Kaya palagi tayong manalangin at magpasalamat sa araw-araw niya tayong ginagabay sa pagsubok na tinatahak natin. Remember our team goal," paunang salita ni Doc. Arth habang kami ay tahimik na nakikinig sa kanya.

"WE WORK AS ONE, WE HELP AS ONE AND WE HEAL AS ONE. OUR TEAM WILL ALWAYS SERVE TO MAKE HEALTHY FOR EVERYONE!" Sabay-sabay naming sigaw.

Pagkatapos naming sabihin iyon ay pumalakpak kami at kaniya-kaniya kaming lumabas sa office.

Narinig ko ang pag-ubo ni Guia nang kami nal ang ang naiwan sa loob ng office. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"Ang kati ng lalamunan ko at sumasakit na rin ang katawan ko,"  tugon niya habang hawak ang isa niyang kamay sa kaniyang lalamunan.

"Uminom ka na ba ng gamot? Baka hindi ka nakatulog kagabi? Kung gusto mo magpahinga ka muna ako na ang bahala sa ina-assign sayo," suhestiyon ko nang makita sa kaniyang mga mata na may dinadamdam siya.

"Ayos lang ako,  ano ka ba. Iinom lang ako ng tubig siguradong mawawala din ito," pagbibigay sigurado niya.

Sabay na kaming lumabas habang hawak ko ang clipboad gamit ang kaliwa kong kamay.

"Sige, basta kung kailangan mo ng tulong tawagin mo agad ako. Kanina ang ganda pa ng ngiti mo tapos ngayon mukhang kabaliktaran na ang nangyari,"

"Nakatitig kasi sayo si Doc Arth pagpasok natin kaya kita tinulak palapit sa kaniya. Sinadya ko pa ngang itulak ka habang kumakanta ako para hindi mo mahalata," natatawa niyang sambit.

"Baliw ka talaga, sabi ko na nga ba sinadya mo iyon," umiiling na saad ko.

May sinasabi pa siya ngunit nang marinig ko ang pangalan ni Doc. Arth ay agad ko na siyang iniwan. Mang-aasar na naman siya sa akin tulad ng dati. Binilisan ko na lang ang paglakad ko para hindi ko marinig ang kaniyang halakhak.

Pumunta na ako sa in-assign sa akin. May mga nurse na umaasikaso sa kanila at ang ibang pasyente naman ay natutulog pa. Nang makita kong maayos naman ang kalagayan ng ibang pasyente ay lumapit ako sa nurse na katabi ko.

"Kamusta na ang lagay nila, hinugasan niyo na ba ang kanilang mga kamay?" Mahinahong tanong ko.

"Opo Doc, yung iba po hindi ko pa tapos icheck ang kanilang temperature," agad niyang tugon.

"Sige,  ako na munang bahala dito. Nagkape ka na ba? Kung gusto mo kumain ka muna para hindi ka agad mapagod. Marami pa tayong gagawin mamaya," mahinahong utos ko.

"Salamat po Doc. Del," tumango ako sa kaniya at muli kong binalingan ng pansin ang mga pasyente pagkatapos niyang umalis.

"Hello po sa inyo, check ko po  blood pressure at heartbeat niyo," nakangiting sambit ko sa babaeng nakahiga sa hospital bed.

Ngumiti siya sa akin at nilapat ko ang stethoscope sa kaniyang dibdib.

"Inhale..  Exhale.." utos ko at agad naman niyang sinunod.

Pinakinggan ko ang kaniyang heartbet at napangiti ako dahil normal naman pati ang kaniyang paghiga.

"Wala ka namang ibang nararamdaman kakaiba sa katawan mo?  Yung lalamunan at paghinga mo?" Tanong ko matapos ilagay sa leeg ang stethescope ko.

"Ayos lang naman po Doc, hindi naman po masyado makati ang lalamunan ko hindi tulad noon pati rin po ang aking paghinga," agad niyang tugon.

"Mabuti naman, kunting stay mo pa dito para tuluyan ka ng gumaling. Magpalakas ka at inumin mo lang ang gamot na binigay namin sayo para agad kang makauwi," nakangiting paalala ko.

"Salamat po Doc," lumuluha niyang wika.

"Walang anuman, trabaho naman ito. Salamat sa pagsunod niyo sa mga payo naming doctor,"

Matapos kong sabihin iyon ay agad ko namang sinuri ang ibang pasyente. Naging abala ako at hindi ko namalayan na malapit na akong matapos sa huli kong pasyente na susuriin. Hindi ko nararamdaman ang gutom, pero randam ko ang pagod at hilo ngunit hindi ko ininda.

Madalas  nakakatulog lamang ako ng tatlo hanggang apat na oras sa sobrang dami kong iniisip at ginagawa. Minsan nakakaligtaan ko na rin ang kumain, imbes na magpahinga madalas sa mga pasyente ko na lang binibigay ang atensyon ko para gamutin sila at makipagkuwentuhan ng sa ganoon ay maging maayos ang kanilang kalagayan.

Nangalay na ang batok, braso, likod at mga paa ko sa kakayuko at pagbibigay gamot sa mga pasyente. Tumingin ako sa aking orasang pambisig at halos magulat ako nang makitang alas-otso na pala ng gabi.

Kumain lang ako ng biscuit at tubig. Ewan ko ba kung bakit wala akong ganang kumain, makita ko lang kasi ang mga ngiti ng mga pasyente ko pakiramdam ko busog na ako.

Pumunta ako sa puwesto kung saan walang tao upang magpahangin. Isinandal ko ang aking likod sa dingding at muling tumanaw sa langit na puno ng mga bituin. Tinanggal ko ang face mask nang makitang wala naman akong makitang tao sa paligid.

"Sana pagkatapos ng virus na ito ay maging normal na ang lahat," bulong ko habang nakatingin sa kawalan.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa. Napangiti ako ng makita ang aking wallpaper kasama ang aking kapatid at aking Ina. Pareho kaming may icing sa mukha, ginanap ito noong birthday ng kapatid ko at sa unang pagkakataon ay umuwi si mommy galing States para magbakasyon.

Napalandas ang mga luha ko nang makita ang kanilang matamis na ngiti habang yakap namin ni mommy ang kapatid ko. Isa sa mga bagay na pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Wala akong ibang hinihiling na sana maging maayos ang kanilang kalagayan kahit wala ako sa tabi nila para alagaan sila.

Hinanap ko ang pangalan ni mommy sa skype para tawagan siya. Napangiti ako nang bigla niyang sinagot ang aking tawag.

"Kamusta ka na anak ko?" Masiglang bungad niya sa akin.

"Ayos lang naman po ako Mi," nakangiting tugon ko kahit may luha pa ang aking mga mata "ikaw diyan kamusta ka na Mi?  Mag-ingat ka palagi, wala ako sa tabi mo para alagaan kita."

"Anak naman, hindi pa ako matanda para alagaan mo ako. Kaya ko pa ang sarili ko. Ako nga nag-aalala dahil expose ka sa virus,"

"Malakas ako Mi, huwag kayong mag-alala. Namiss lang kasi kita kaya ako tumawag. Baka matagal pa bago tayo magkita,"

Nakita ko ang malungkot niyang mata kasabay ng biglaang kirot ng aking ulo ngunit hindi ako nagpahalata sa kaniya.

"Magsalita ka diyan parang hindi na tayo magkikita. Kaarawan mo na sunod na lingo, uuwi ako diyan kahit na anong mangyari,"

"Salamat Mi, alagaan niyo po lagi ang sarili niyo. Si Rain po, pakibantayan niyo na lang po siya, minsan kasi matigas talaga ang ulo niya. Mahal na mahal ko po kayo Mi," nakangiting wika ko pero ang totoo ay sobra akong nalulungkot.

Kung puwede lang na umuwi ako para lang makasama ko sila ginawa ko na.

"Mahal na mahal ko rin kayo ni Rain. Miss ko na kayo anak. Balang araw makakasama ko rin kayo," lumuluhang wika ng aking ina.

Napaluha ako. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan namin, hindi ko alam na may hangganan pala. Kung si daddy siguro ang kaharap ko marahil ay humikbi na ako sa kaniya. Siya lang kasi ang nagpapagaan ng loob ko sa tuwing malungkot ako at ayaw kong ipakita kay mommy na malungkot na naman ako dahil paniguradong mag-aalala na naman siya sa akin.

"Sige Mi, ibaba ko na po ang videocall. Mag-iingat po kayo lagi diyan at magdasal. Kapag dumating ang panahon na hindi na tayo magkakasama lagi niyo pong isipin na nasa tabi niyo lang po ako na nagbabantay sa inyo,"

Agad kong pinatay ang tawag nang marinig ko muli ang kaniyang hikbi habang tumatango. Hindi ko kaya marinig ang kaniyang iyak kaya mas mabuting hindi na muna kami mag-usap.

Tinwagan ko ang aking kapatid. Napangiti ako nang bigla niya ito sinagot.

"Hello ate," masiglang bungad niya at kumakaway pa sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya ng matamis, kahit bakas sa mukha niya ang antok at bagot.

"Ate, kamusta ka na diyan? Nalinis ko na ang buong bahay at nilabhan ko na rin ang mga damit mo. Ang baho ng damit mo, hindi ka siguro nagtawas amoy pawis," ngumingiwing sambit niya.

"Baliw, hindi naman amoy putok ang pawis ko para magtawas," natatawa kong saad at sumimangot siya.

"Miss na kita tibo. Ilang araw pa lang ako dito ang dami ko ng natutunan,"

"Talaga? Tulad ng ano?" Kunot noo kong tanong.

"Tulad ng mahalaga pala ang alagaan natin ang kalusugan. Lagi mo iyan pinapaalala sa akin noon pero ngayon naintindihan ko na, sa ilang araw kong pagkulong dito natuto ako sa gawaing bahay. Siguro kung wala ang ganitong problema hindi ako titino, naalala ko pa dati na lagi mo akong pinagsasabihan tungkol sa pambabae ko kaya naisip ko na siguro kaya hindi ka pumasok sa pakikipagrelasyon dahil natatakot ka na katulad ko ang maging boyfriend mo,"

Napaluha ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na sasabihin niya ito sa akin. Madalas kami dati nagaaway dahil sa pagdala ng mga ka-fling niya sa bahay.

"Kahit na Boyish ka, kahit lagi mo akong sinusungitan, kahit lagi mo akong inaaway at kahit lagi mo ako pinagsasabihan. But still you're the best ate ever, hindi dahil sa tayo lang dalawa ang magkapatid, ikaw lang kasi ang hindi nang-iiwan sa akin. Lagi kang nasa tabi ko para unawain at tulungan ako sa oras na kailangan ko ng karamay. Thank you. Uwi ka na, miss na kita ate. Ipagluluto pa kita ng sinigang na pabirito mo. Promise hindi ko aasiman masyado, sabay pa tayo mamasyal at kukuha ng mga litrato natin na magkasama,"

Nakita ko ang luha sa kaniyang mga mata at hindi ko na rin maiwasan ang lumuha habang tumatawa.

"Mabuti naman at nagmatured ka na. I'm so proud of you Rain, sana pagkatapos ng krisis na ito you change as a better person even though you're a very stubborn. Lagi mong tatandaan na mahal ko kayo ni mommy, lagi ko kayong babantayan kahit malayo ako sa inyo,"

"Ate naman parang lalayo ka na ng tuluyan sa amin,"

"Ayaw ko naman sayangin ang chance na ito para sabihin sayo kung ano ang nais ko. Uminom ka lagi ng gatas na nireseta ko sayo meron pala sa ref, para sa allergies mo at hindi ka kaagad magkasakit. Bye Rain, be safe always..I love you," 

Muling paalam ko bago ko binaba ang videocall. Inangat ko ang aking ulo upang makita ang langit na puno ng mga bituin,  lumanghap ako ng sariwang hangin habang nakapikit.

"Nandito ka lang pala,  kanina pa kita hinahanap," napalingon ako bigla nang marinig ko ang pamilyar na boses. Halos mapaigtad pa ako dahil halos magkalapit na ang aming mukha.

"N-nakakagulat k-ka naman Doc. Arth. A-anong ginagawa n-niyo dito?" Nauutal kong tanong at napaatras ako sa harap niya.

"Hinanap kasi kita hanggang sa napadpad ako dito. Hindi ka pa raw kumakain kaya dinala ko ito para ibigay sayo," sabay lahad ng sandwich na nakabalot pa sa makapal na plastic.

Napatitig lang ako sa hawak niya at muli niyang inilapit sa akin para tanggapin ko,  marahil ay nangangawit na siya.

"T-thank y-you," alanganin kong saad.

"Akala ko hindi mo tataggapin, peace offering ko. Sorry kung madalas napapagalitan kita noong nakaraang araw, hindi lang kasi ako sanay na may umiiyak na babae," napahigpit ang hawak ko sa plastik habang nakayuko ako. Alam ko namang masungit siya at hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad sa akin.

"Alam mo ba noong una kitang nakita sa hospital as a doctor kinuha agad kita para sa medical team ko. Alam mo ba kung anong dahilan ko?" Napalingon siya sa akin at umiling ako.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga at tumanaw sa malayo na para bang may inaalala.

"Boyish ka kasi at masyado kang misteryosa sa akin kaya kita sinusungitan,  ewan ko ba naisip ko kasi iyon lang ang tanging paraan ko para mapansin mo ako," napalaki ang mata ko sa kaniya. Kumalabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"W-what do you mean D-doc Arth?"  Tanong ko sa pekeng tawa para pagtakpan ang pagiging kabado ko.

"The first time I saw you, I know that I have a feelings for you. Because of my ego, I choose to secretly admire you. Hindi halata kasi indenial ako, alam kong wala kang interest sa mga lalake dahil sa boyish mong galaw. Pero noong nakita kitang ngumiti kay Rayven ewan ko ba parang gusto ko siyang sapakin," napapiling niyang tugon.

Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit nakikiliti ang tiyan ko. Marahil ay gutom lang ito o tawag ng kalikasan kaya kailangan kong umalis kaagad bago niya pa mahalata.

"A-alis na po ako Doc. Magra-rounds pa po kasi ako,"

Akmang kukunin ko na ang clipboard na nasa upuang semento nang bigla niya itong inagaw at nilapit ang kaniyang mukha sa akin.

"Hindi ka pa nga kumakain magra-rounds ka na," Napalaki ang mata ko nang niyakap niya ang clipboard ko "kainin mo ang sandwich na ginawa ko para sayo at ako na muna bahala sa trabaho mo. Huwag matigas ang ulo,  nanghahalik pa naman ako lalo na kapag tipo kong babae ang nasa harapan ko ngayon,"

Napaatras ako sa kaniya dahil sa sobrang kalabog ng aking dibdib. Lumunok ako ng laway at halos hindi ako makatingin sa kaniya habang malaki ang kaniyang ngiti sa akin.

Sa takot ko sa kaniyang banta ay napatakbo ako papalayo, bitbit ang sandwich na binigay niya. Narinig ko ang kaniyang halakhak na para bang nagwagi siya sa kaniyang plano.

"Bwesit na Doctor na 'yun!" Bulong ko at padabog akong lumakad papuntang office namin.

"Mukhang badmood ka yata ngayon Doc Ren-Ren?" Pang-asar na bungad sa akin ni Rayven.

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan,  isumbong kita kay Rai-Rai," nakasimangot kong saad at dinaanan ko lang siya.

"Anong kinalaman ni Rai-Rai sa pang-aasar ko sayo?" Natatawa niyang tanong.

"Alam kong may gusto ka sa kaniya,  simula highschool pa lang tayo panay sulyap mo na sa kaniya,  akala mo hindi ko napapansin?"

Nakita ko ang pamumula ng kaniyang tainga at halos hindi na rin siya makatingin ng diretso sa akin.

Humarap ako sa kanya at hinuli ang kaniyang paningin.

"Bakit hindi mo subukang ligawan siya habang single pa kayo pareho? Bahala ka, rinig ko pa naman sa ibang station na may nagkakagusto sa kaniya ikaw din baka maunahan ka," pananakot ko.

Napatawa ako nang makita ang paglaki ng kaniyang singkit na mata na tila nabigla sa huli kong sinabi.

"S-sigurado k-kang m-may ibang nagkakagusto sa kaniya?" Nauutal niyang tanong.

"Bakit nabigla ka pa sa tanong mo? Malamang maganda siya kaya imposibleng walang magtangkang manligaw sa kaniya. Payong kaibigan lang, " sabay tapik sa kaniyang balikat

"Life is short. Kung may  balak kang sabihin sa taong mahal mo gawin mo na hanggat may chance ka pa. Bigyan mo siya ng gift na may malalim na meaning paniguradong kikiligin yun," tipid tawa kong saad.

"Saan nga pala punta mo? Kaninong gamot ang hawak mo? Kay Rai-Rai ba?" tanong ko ng mapansin ang maliit na lalagyang hawak niya.

"Ah, kay Doc. Guia. Under investigation kasi siya dahil sa pangangati ng lalamunan niya at masakit daw ang katawan niya," nabigla ako sa sinabi niya.

"Iyan din ang sinabi niya sa akin kaninang umaga, akala ko kasi nagbibiro lang siya. Pwede bang ako na lang ang maghatid? Gusto ko kasi siyang kamustahin."

"S-sigurado ka?" nahihiyang tanong niya.

"Oo naman, saka wala akong ibang gagawin. At ikaw mag-isip ka na kung ano ang balak mo kay Rai-Rai, ligawan mo hanggat may chance ka pa. Kapag nakakita yun ng guwapo sa paligid baka magsisi ka,"

Halos matawa ako nang makita ang pagtaranta niya,  kinuha ko agad ang gamot sa kaniyang mga kamay bago pa tuluyang mabitawan. Iniwan ko siyang tensyunado. Kung ito man ang tanging paraan para maitulak ko siyang ligawan ang kaibigan ko nakahanda akong gawin ito lagi para sa kaniya.

Panahon naman na siguro para maging masaya sila pareho at siguradong kikiligin na naman ang babaeng 'yun kapag nilagawan siya ng ultimate crush niya.

Napangiti ako sa aking isipan at saglit kong nakalimutan ang banta sa akin ni Doc Arth kanina.

Inayos ko ang aking sarili bago ko tuluyang buksan ang pinto. Tahimik akong pumasok nang makita kong nagpapahinga si Doc Guia, marahil ay natutulog na siya ngayon. Lumapit ako sa lamesa para ayusin ang gamot niya.

"Hindi ko alam na pumasok ka,  akala ko si Doc Rayven," Napaigtad ako nang bigla siyang nagsalita.

"P-pasensya na, akala ko kasi natutulog ka na kaya hindi na ako kumatok," nahihiya kong sambit.

Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa at agad ko siyang inalalayan nang makitang hirap siya sa kaniyang pagkilos para makaupo.

"Masakit pa rin ba ang katawan mo pati ang lalamunan mo?" pag-aalala kong tanong matapos ko siyang paupuin ng maayos.

"Ayos lang naman ako hindi tulad kanina, medyo makati lang talaga ang lalamunan ko," paos niyang tugon at bigla siyang napaubo.

Lumapit ako sa lamesa para kunin ang gamot, sinalin ko ito sa syringe at tinurok ang gamot sa kanyang dextrose.

"Pahinga ka na muna, marahil ay napagod ka sa dami ng pasyenteng ginagamot mo. Huwag mo munang isipin ang trabaho, ako na munang bahala doon. Basta magpahinga ka muna at magpalakas," sambit ko habang inaayos ang nakakabit na dextrose sa kaniyang kamay.

"Kamusta na kayo ni Doc Arth, nag-level up na ba?" May bahid na tudyo sa kaniyang boses.

Napalaki ang mata ko sa sobrang pagkabigla. Narinig ko muli ang kaniyang pagtawa na para bang natutuwa na makita ang hitsura ko.

"You know what?  Bagay kayo, isang manhid at isang indenial. Matagal ko ng kasama si Arth, pinsan niya ang asawa ko at pihikan siya pagdating sa mga babae kaya hindi na ako magtataka kung bakit wala siyang jowa. Akala ko nga ganoon na siya forever eh, kaya lang nang makita ko siyang nakatitig sayo alam mo bang kinilig ako ng sobra?" Natatawa niyang wika.

Napakunot noo ako sa kaniya kahit na pakiramdam ko namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya.

"Baliw ka, itulog mo na lang iyan, kumakati na nga ang lalamunan mo at may sakit ka na, nagagawa mo pang magbiro. Magpahinga ka na muna, kailangan ka namin sa team para buo ulit tayo," ngiwing utos ko.

"Kay Doc Arth ba galing iyang sadwich? Familiar kasi ang plastic at naka ziplock pa," turo niya sa sandwich na hawak ko.

Alanganin man akong tumango sa kaniya na halos hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Sana maging kayo sa huli. Kapag nangyari 'yun I'm the happiest human alive," hindi ako nakaimik sa kaniya at umupo na lang ako sa tabi habang nakayuko. Hinayaan ko lang siyang tumawa hanggang sa tumahimik siya.

Nang mapansin kong nakatulog na siya ay iniwan ko na siya sa kaniyang kwarto.

Lutang ang isip ko at naramdaman kong muli ang pananakit ng aking likod kaya uminat ako at pinaikot ko pa ang aking braso sabay suntok sa hangin.

Narinig ko ang mga tunog ng aking kalamnan pati ang aking mga buto. Naglakad na ako papuntang contamination office para tanggalin ang PPE ko.

Pagpasok ko bumungad sa akin ang staff na aalalay sa akin, nilahad ko ang aking mga kamay para lagyan niya ng alcohol, tinanggal ko ang aking boots, face shield, paunang gloves at gear.Naglagay muli ako ng alcohol sa aking kamay at tinanggal ang aking face mask kasabay ng aking aking hairnet at ang panghuling gloves.

Pumasok muna ako sa wash staff room upang maligo. Nilagay ko ang sandwich sa bakanteng upuan at kumuha ng mga damit na susuotin ko. Minadali ko ang kilos at sinugurado kong malinis ang aking katawan bago magbihis.

Pumasok na ako sa Doctor's office para magpahinga. Nabungaran ko pa ang ibang doctor na payapang natutulog, halatang pagod at puyat dahil sa kanilang paghilik. Iisa lang ang kuwarto na ginagamit namin para sa mga medical team, pero magkahiwalay ang babae at lalake.

Tanging malaking kurtina lamang ang nakaharang at pito kami lahat na nakikitulog dito.

Dim light ang paligid kaya kahit papaano ay hindi ako kita kapag gusto kong kumain dito sa loob. Sinimulan ko nang buksan ang ziplock ng plastic at tahimik akong kumain. Napapikit pa ako nang malasahan ang mayonaise at tuna na siyang palaman ng tinapay.

Nabitin ako sa pagkain ng sandawich pero nabusog agad ako dahil malaki naman ang tinapay dagdag pa sa siksik na palaman.

Tuluyan na akong dinalaw ng antok at dahil sa naramdaman ko ang sobrang pagod ay agad nilamon ng kadilimin ang aking paningin.

Lumipas ang mga araw na ganito lagi ang routine, always praying before work ng magdamagan. 

Ngayong araw aalis na sana kami pagkatapos namin magdasal nang bigla kaming pinigilan ni Dr. Bruce na isa sa mga head Doctor dito sa hospital.

"Nagkukulang na tayo ng PPE. Lalo na ang gloves at face mask. Sa next month pa darating ang ibang PPE kaya sa ngayon ay tiis muna tayo. At saka meron pa tayong problema," napatingin kami bigla sa kaniya.

"Dahil sa dami ng kaso ng may virus ang iba ay piniling pauwiin ng gobyerno dahil sa siksikan na ang mga pasyente dito. Ang kailangan lang natin gawin ay pag-igihan ang ating trabaho,"

Lahat kami ay nabahala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa balita niya.

"Wait lang Doc Bruce," pigil ko nang akmang tatalikod na siya sa amin.

"Yun na yon? Wala tayong ibang gagawin? As in pinauwi kahit na may sintomas sila ng virus?" Naiinis kong tanong na kinabigla nila.

"Hindi niyo ba naisip na ang mga pasyenteng iyon ay maaari silang makahawa? I know I may sounds rude and to tell you, this is against the rules but I don't care. Lahat tayo dito nagsasakripisyo, lahat pagod, kulang sa kain at gusto na ring umuwi makapiling lang ang mahal sa buhay pero paano natin gagawin iyon kung ang taong ginagamot natin ay hahayaan na lang na maaring makahawa ng iba? Hihintayin pa ba nating mangyari iyon? Hihintayin pa ba nating malagasan tayo ng Doctor? PPE pa nga lang pahirapan nang i-provide, gamot pa kaya?  Nandito tayo para magtulungan, kaya nga tayo naging doctor para gamutin sila hindi ang pauwiin sila na may sakit,"

"Ano? Patuloy na lang ba tayo susunod sa bulok na sistema ng gobyerno? Nasa hospital tayo at wala sa malacanyang,  sa lugar na ito tayo ang masusunod dahil sa bandang huli tayo rin naman gagamot kapag may sakit sila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan natin magpanic, ang totoo hindi naman virus ang kalaban natin kundi ang ating sarili. Madali lang naman puksahin ang virus kung patuloy lang natin gawin kung anong sa tingin natin ang tama para sa kalusugan ng nakakarami,"

Walang nagsalita sa kanila, ang iba ay nakayuko at si Doc Bruce ay nakakatigtig lamang sa akin.

"I'll never be sorry, sinabi ko lang ang saloobin ko. Kung ayaw niyo ang sagot ko at galit kayo sa akin, nakahanda akong isuko ang lisensya ko bilang doctor. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko. Excuse me,"

Agad akong tumalikod, kinuha ko agad ang clipboard ko na nakapatong sa lamesa. Inayos ko ang suot kong mask at face shield bago ako tuluyan lumabas ng office.

Sinikap kong maglakad ng normal kahit nahihilo ako. Paggising ko pa lang nakaramdam na ako ng pagod dagdagan pa na ganito ang isyu kaya lalo akong nainis.

Nagsimula muli akong magsuri sa mga pasyente, tumulong na rin ako sa mga nurse na hinugasan ang kamay ng mga pasyente at pagkatapos ay lalagyan ng alcohol. Sinuri ko ulit ang kanilang temparature pati ang kalagayan ng kanilang lalamunan at pagkatapos ay pinainom ko na sila ng gamot.

Inako ko na rin ang naka-asign na trabaho na dapat ay kay Doc Guia. Marami na rin ang under investigation kaya siguro ang iba ay umuwi na dahil sa hindi sapat ang aircon dito pati ang amoy ng hospital.

"Ayos ka lang ba Doc. Del?" Tanong ni Rayven ng magkasalubong kami.

"Oo naman,  ano yang cactus na dala mo?" turo ko sa hawak niyang maliit na unan.

Lumapad ang kaniyang ngiti at alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.

"Ako na muna bahala magbantay kay Doc Guia, puntahan mo muna si Rai-Rai daanan ko na lang siya mamaya," sabay kuha ng isang lalagyanan na may gamot.

"Ikaw pa ba, pagbutihin mo para sagutin ka niya kaagad," narinig ko ang kaniyang pagtawa at agad ko siyang tinaboy papalayo sa akin.

Napangiti akong maglakad papuntang room ni Doc. Guia, binati ko siya pagpasok ko sa loob na tahimik habang nagbabasa ng libro.

"Hindi ka pa ba pagod? Sabi sa akin ni Doc. Rayven ikaw na daw gumawa na dapat ay trabaho ko. Dapat nagpapahinga ka rin,"

Ngumiti lang ako sa kaniya at binigyan ko siya ng gamot at tubig na agad naman niyang tinanggap.

"Balita ko naglabas ka raw ng saloobin. Hindi ko akalain na gagawin mo iyon," tipid tawa niyang dugtong pagkatapos niyang uminom ng gamot.

"Nakaramdam ako ng inis matapos kong marinig na pinuwi nila ang pasyenteng may sintomas ng virus," simpleng saad ko.

"Kaya pala, hindi ka ba natatakot tanggalan ng lisensya? Alam mo naman bawal tayo magcomplain lalo na sa mas mataas pa sa atin,"

"Bahala sila kung saan sila masaya, gagawin ko na lang ang trabaho ko," tamad kong saad habang kinukuha ang ibang gamot na walang laman.

Matapos ko siyang kausapin lumabas na ako kaagad. Nakasalubong ko ang taga linis ng hospita pati ang nurse na agad naman kinuha ang bitbit kong lalagyanan na walang laman.

Nakausap ko na rin ang kaibigan ko at agad muling nagrounds sa aking mga pasyente, nakasalubong ko si Doc Bruce na seryosong nakatingin sa akin.

"Nabilib ako sa lakas ng loob mong iconfess ang saloobin mo sa akin, pinabalik namin dito ang mga may sintomas ng virus at patuloy pa rin silang ginagamot. May nadiskubre naring gamot para sa virus at sana ay maganda ang result para magamit na natin sa kanila. Thank you sa pagmulat ng aking kaisipan, isa ka sa pinaka-hardworking na doctor. Sana malampasan natin ang ganitong krisis,"

Napangiti ako sa sinabi ni Doc Bruce. Napagaan ang loob ko at kahit na masakit na ang katawan ko sa sobrang pagod ay binalewala ko na lang.

"Kamusta ka na Rai, any news about sa inyo ni Rayven?" bungad ko matapos kong tapusin ang pagsuri sa mga pasyente ko. 

Nakita ko ang pamumula ng kaniyang noo at lapad ng kanyang ngiti.

"I'm happy for you at sana tuloy-tuloy na iyan. Magpagaling ka at magpalakas, pagkatapos ng krisis na ito paniguradong kasal na ang susunod," tudyo ko na siyang kinaliit ng kaniyang mata sa sobrang tuwa.

"Pansin kong pumapayat ka at lumalim na ang mga mata mo, hindi ka ba nakakatulog ng maayos? Sabi sa akin ni Rayven napakahardworking mo at halos hindi ka na nagpapahinga," pagalala niyang wika.

"Parte iyon ng trabaho namin bilang doctor. Baka matagalan pa ulit bago kita bisitahin dito. Alam mo bang may nakadiskubre ng gamot? Kaya gusto kong magpalakas ka at mamuhay ng masaya."

Pagtapos kong makausap si Rai, agad akong pumunta sa likod ng hospital. Gabi ngayon kaya walang masyadong pumunta dito lalo na ang mga pasyenteng may sintomas ng virus.

"Nandito ka na naman,  madalas ka bang tumambay sa walang tao?" Halos mapatalon pa ako sa gulat. Tumingin siya sa akin at tinanggal ko ang mask hanggang baba ko para makapagsalita ako ng maayos at umangat ang mukha para tumingin sa mga bituin.

"Noong nabubuhay ang daddy ko, sabi niya noon sa akin kapag gusto kong gumaan ang pakiramdam ko tumingin lang daw ako sa bituin," bulong ko.

"Kaya pala madalas kang tumingin sa bituin tulad ng dati. Malungkot ka ba ngayon?"

"Lahat naman tayo malungkot. Minsan nga naisip ko kung dreserve pa ba natin ang ganito. Tayo nagpapakahirap mag-alaga sa mga may sakit habang ang iba nagkakasiyahan at hindi alintana ang virus. Pero sa tuwing naiisip ko naman na doctor tayo at kailangan natin itong gawin, pikit mata ko na lang tanggapin kahit ang totoo nahihirapan na rin ako,"

Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang aking braso at niyakap ako ng mahigpit, naipit ang mukha ko sa suot kong face shield. Rinig ko ang tibok ng kanyang puso at napangiti ako sa unang pagkakataon ay naramadaman kong mahalaga ako sa pamamagitan ng kaniyang yakap.

"Ayaw kong nakikita kang malungkot, alam kong mahirap pero sana huwag kang bumitaw. You are my strength Del, please fight for me,"

Napapikit ako at napahigpit na rin ang yakap sa kaniya. Dinama ang bawat segundong kasama ko siya ngayon at maaari sanang wala nang katapusan.

"Nakakuha na ng vaccine ang gobyerno natin galing sa ibang bansa, mapupuksa na ang virus Del at mababalik na sa normal ang lahat," masiglang balita niya habang nakayakap kami sa isat-isa.

Napangiti ako sa binalita niya. Napapikit ako nang muling umikot ang aking paningin kasabay sa pagkirot ng aking ulo. Hindi ko maigalaw ang aking katawan nang makaramdam ako ng panghihina hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

Naningkit ang aking mga mata pagkamulat ko. Mabigat ang katawan at masakit pa rin ang aking ulo. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko nang may dextrose na nakakabit.

Rinig ko ang kaguluhan sa labas na tila ba taranta sa paghakbang marahil ay dumating na ang vaccine kaya abala sila sa kanilang ginagawa. Napatingin ako sa maliit na lamesang malapit sa akin, bumugad sa akin ang tatlong pulang rosas at may tatlong candy.

Lumapit ako sa lamesa at kinuha ko ang tatlong candy at sandwich na may mineral water. Napansin kong sa gilid ng sandwich ay may nakasulat din.

"Gusto kitang makasama habang buhay, please take care of yourself. From your handsome Doc. Arth," napangiti ako matapos basahin ang kaniyang sulat na may puso pa sa huling pangalan niya.

Napangiti ulit ako nang makitang may nakasulat din sa likod ng candy, una kong tiningnan ang kulay asul na may nakasulat na 'Cheer Up', ang green naman ay 'Take care' at ang red naman ay 'I Love You'.

Hindi ko alam kung bakit uminit ang mga mata ko at biglang nagsilabasan ang mga luha ko kasabay sa malakas ng tibok ng aking puso.

Agad kong kinain ang sandwich nang makaramdam ako ng gutom at ininom ko ang tubig matapos ko itong maubos.

Napalingon ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at bumungad sa akin si Doc Kim na may dalang maliit na lalagyang may gamot.

"Binilin ka ni Doc Arth sa akin, sabi niya bigyan daw kita ng gamot at magpahinga ka raw muna dito. Akala namin may COVID ka na kaya nag-alala kami sayo, mabuti nalang hindi umabot sa ganun," nakangiting wika niya.

Lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng gamot at tubig na agad ko namang ininom.

"Kamusta na sa labas?" Tanong ko.

"Abala ang lahat dahil dumating na ang vaccine. Sa wakas matatapos na rin ang kalabaryong ito. Ayos na si Doc Guia, kailangan lang niya ng pahinga lalo na't buntis pala siya. Mabuti na lang hindi naapektuhan ang bata sa mga binigay na gamot sa kaniya," muli akong natuwa sa sinabi niya. May narinig kaming sigaw at napalingon ako kay Doc Kim na tarantang magayos ng kaniyang sarili sa kakamadali dahil kailangan na raw siya sa station.

Hindi niya na nagawa pang magpaalam ng maayos sa akin. Napasilip ako sa bintana at nagulat ako nang nagkakagulo na ang mga pasyente sa labas dahil sa vaccine na hinihingi nila. Hindi na ako nakatiis at tumayo ako ng diretso. Binaklas ko ang dextrose sa aking kamay at agad pumunta sa cotamination room para magsuot ng PPE.

Nagmadali na ako sa paglakad, ayaw pa sana akong payagan na magtrabaho ngunit nagpumilit ako. Gusto ko talagang tumulong hanggang sa matapos ang kalbaryong ito.

Agad akong lumapit sa mga doctor na abalang nagturok ng vaccine sa mga pasyente. Kita ang kanilang pag-aalangan ang sa pagtulong ko ngunit ngumiti lang ako sa kanila para kumbinsehin na ayos lang ako.

Naging abala ako,  hindi alintana ang pagod at bigat ng aking pakiramdam. Hindi ko alam kung ilang pasyente na ang aking naturukan hanggang sa namanhid na ang aking mga kamay sa pagturok ng vaccine at panlalabo ng aking mga mata.

"Dapat magpahinga ka, ang tigas talaga ng ulo mo at kahit kailan hindi ka nakikinig sa akin!" Sermon ni Doc Arth sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan hanggang sa bigla niya akong binuhat patungo sa gilid na walang masyadong tao.

"Dito ka lang, kami ng bahala sa mga pasyente," hinalikan niya pa ang noo ko kahit may suot pa siyang mask at agad na bumalik sa kaniyang pwesto para tumulong sa ibang doctor.

Napangiti ako habang tanaw ang malapad niyang likod papalayo sa akin.

Hindi ko akalaing aabot kami ng isang buwan dito, at ang nakakatuwa sa lahat ay nabigyan na rin ng vaccine ang lahat ng pasyente. Masarap sa pakiramdam na bumabalik na rin sa dati at bumabawas na ang bilang na may kaso ng virus. Unti-unti na ring gumagaling ang iba kasam na si Doc Guia.

Sa nagdaang araw ay laging sumisikip ang dibdib ko at muli na naman akong nahilo. Namayat na rin ako, wala kasi akong ganang kumain, lagi akong inaatake ng insomnia at madalas pa akong nahihilo lalo na paggising ko.

Nang makita ko ang papel at ballpen sa aking lamesa agad akong nakaisip ng paraan. Nais kong bigyan ng sulat ang mga taong mahalaga sa akin, sinimulan ko kay Rayven na sana ay alagaan niya ang kaibigan ko, kay mommy pati na rin sa kapatid ko kalakip ang susi ng motor ko na nais niyang hingiin sa akin. Pati na rin kay Doc Arth bilang pasasalamat ko.

Sinikap kong humakbang ng maayos kahit nagdodoble ang aking paningin kasabay ng pagkirot ng aking ulo. Pagkalabas ko ng kwarto,  agad kong hinanap si Rayven para sana siya ang magbigay ng sulat para sa kapatid ko, kaya lang nakita kong masaya siyang nakikipag-usap kay Rai kaya agad akong umatras.

Wala man lang akong nakasalubong kahit sana kapwa ko doctor para humingi ng tulong.

Nanghihina na ako at hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Halos mabitawan ko narin ang sobre na aking hawak hanggang sa may biglang sumalubong sa akin.

"Del? Anong nangyari sayo? Bakit ka lumabas na walang suot na proper PPE?" Nang marinig ko ang boses ni Arth ay napangiti ako kahit mahina na ng katawan ko.

Pinilit kong iangat ang aking kamay na may hawak pang sobre para iaabot sa kaniya.

"A big f-favor p-please? Give this to my B-brother," nanghihina kong sambit hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kaniyang braso.

Mabuti na lang ay agad niyang nakuha ang sobre sa aking kamay bago pa ito mahulog sa sahig.

"T-Thank you and I l-love y-you A-arth,"

Bago ko pa maipikit ang aking mga mata ay nakita ko ang pagtaranta sa kaniyang mukha pati ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi ko na halos maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil sa echo lang ang naririnig ko.

Masaya ako sa narating ko ngayon, hindi man ako namatay sa virus tanda ito na inalay ko ang aking lakas at huling hininga para pagsilbihan ang bayan ko. Ito ang tanging pangarap ko at sana ito na ang huling pagkakataon na muling magbuwis ng buhay ang sinuman para sa kaligtasan ng mga tao.

Wala na akong lakas at nahihirapan na rin akong huminga, ramdam ko ang pagangat ng aking katawan bago ako tuluyan mawalan ng malay kasabay sa pagbagsak ng aking kaliwang kamay.