Chereads / Faith mask / Chapter 9 - chapter 9

Chapter 9 - chapter 9

Railyn's POV

"Gumagaling ka na, lumalakas ka na," masayan saad ni Rayven.

"Syempre, Raven-cetamol ba naman eh," sabay naming tawa. Sa totoo lang hindi pa rin ako ayos dahil masama pa rin ang pakiramdam at paminsan ay sumasaki ang dibdib ko. Pero sa tuwing nakakausap ko siya parang nagkakaroon ako ng pag-asa lalo na kapag nababalitaan ko na marami na ring gumagaling.

"Naalala mo noong highschool tayo? Palagi kang sumasali ng singing contest?" Umayos ako ng upo matapos niya itong sabihin.

"Oo pero matagal na rin simula noong huli akong kumanta," hindi na kasi ako nakakasali ng singing contest simula noong naging working student ako.

"Pwede ko bang marinig ulit?" Request nito.

"Hindi ko alam kung ganun pa rin ba ako kagaling," mabilis kong sagot dito habang yakap ang cactus pillow na bigay niya.

"Sige na kahit isa lang, dalawa tayong kakanta.Pleas...Please....Please?" Napakamot na lang ako sa likod ng tainga ko matapos niyang mag pa cute sa harapan ko.

"Oo na," nakita ko naman ang pagpalakpak nito at may kinuha sa bulas niya.

"Ikaw talaga, bakit sobrang pasaway mo? Bakit ba sinisira mo ang sarili mo para sa akin?" Tanong ko pa dito ng makita ang cellphone na nilabas nito.

"Ngayon lang ako magiging matapang, kung hindi ko ito ginawa ngayon baka hindi ko na alam kung kailan ang tamang oras o panahon," napatameme ako sa sagot nito.

"15 years ang sinayang ko, labing limang taon akong nagtago kakahintay ng tamang pagkakataon," dagdag pa nito.

"Pero kahit na, hindi ka dapat sumuway sa utos nila," saway ko pa sa kaniya.

"Minsan kasi hindi na natin alam kung ano ang tama at mali, hindi natin ito makikita sa sasabihin ng iba. Makikita natin ito sa nararamdaman natin," napalunok pa ito sa sinabi niya bago muling nagsalita.

"Tayo ang nakakaramdam hindi sila, tayo ang nasasaktan pero puro sila salita," dagdag pa nito.

Nanatili akong tahimik sa mga sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, alam kong kahit anong sabihin ko ay may ipapang bawi siya.

"Katulad ng sinabi ko, walang dapat nasasayang na panahon at pagkakataon. Sadyang hangal ang pag-ibig, sumusugal tayo sa mga bagay kahit pa hadlangan ito ng lahat."

Isang saglitang katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwartong ito. Magkalayo man ng isang metro ang aming mga katawan tila ayaw humiwalay ng aming mga puso.

Hindi pala ganun kadaling mawala ang nararamdaman mo sa isang tao kahit ilang taon pang hindi kayo nagkita at nagkasama.

Umayos siya ng tayo at binuksan ang video ng kaniyang cellphone.

"A-anong ginagawa mo?" Pagtataka ng isama niya ako sa video, hawak niya ito at nasa front camera.

"Kakanta tayo, you want to give them some strength to fight right? So gagamitin natin ang ganda ng boses mo," sagot nito at napangisi na lang ko.

Kaloka talaga itong si Rayven. Kahit noong highschool number one fan na siya, kaya naging marupok din ako dati, eh.

"God will make a way, start ko," he cleared his throat at nag-start mag vocalize.

"Oh, God will make a way

Where there seems to be no way

He works in ways we cannot see

He will make a way for me

He will be my guide

Hold me closely to His side

With love and strength for each new day

He will make a way, He will make a way~" panimula nito mula sa kaniyang malamig na boses.

"By a roadway in the wilderness, He'll lead me

And rivers in the desert will I see

Heaven and Earth will fade but His word will still remain

And He will do something new today,"

Nakangiti kong kanta habang sa camera niya ang tingin. Pinilit kong ipakita ang maganda kong ngiti mula sa namumutla kong mga labi at saya sa mga mata kong malalim at pagod.

"Oh, God will make a way

Where there seems to be no way

He works in ways we cannot see

He will make a way for me

He will be my guide

Hold me closely to His side

With love and strength for each new day

He will make a way, He will make a way," sabay naming kanta habang hindi maalis sa labi namin ang ngiti at sabay isinasayaw ang mga ulo.

"By a roadway in the wilderness, He'll lead me

And rivers in the desert will I see

Heaven and Earth will fade but His word will still remain

And He will do something new today~" awit kong may sigla sa puso, nakakaramdam ako ng pagkapos ng hininga pero naging maayos ang pagkawala ko ng kanta.

"Oh, God will make a way

Where there seems to be no way

He works in ways we cannot see

He will make a way for me

He will be my guide Hold me closely to His side

With love and strength for each new day

He will make a way, He will make a way

With love and strength for each new day

He will make a way, He will make a way~" sabay naming muli.

Yes, I believe God will make a way. He gives us love and strength.

He is our savior, our father our God.

Kung ano man ang mangyayari sa akin ang lahat ng ito ay malugod kong tatanggapin sa sa ngalan ng kaniyang kalooban.

Jeremiah 17:7

"Blessed is the man who trusts in the LORD."

Habol ako sa paghinga ng matapos ang aming pag-awit pero hindi maalis sa mukha ko ang saya. Sobrang sarap at gaan nito sa pakiramdam, sobrang buti ng Diyos.

Kahit pa man sa panahong ito, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-asa.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya upang hindi ipahalata ang pananakit ng dibdib ko. Maging ang pagpitik ng ulo ko, para akong nasusuka. Pero marahil ay sa puyat. Hindi ako masyadong nakakatulog dahil sa kakaisip sa pamilya ko at sa mga possibilities ng mga mangyayari sa akin.

Ganitong pakiramdam ko noong muling umatake ang paggalaw ng bala sa baga ko. Sobrang hirap ako sa paghinga, kaya bawal na bawal akong magkasakit.

"S-sige na, matutulog na muna ako. Bumalik ka na sa trabaho, mas kailangan ka nila," dumausdos ako pahiga at tumagilid habang yakap pa rin ang cactus pillow na bigay niya.

"Babalik na lang ako dito, bye Rai-Rai," umirap ako sa kaniya matapos banggitin ang pangalan ko na parang bata na iiwan ng nanay para pumunta sa palengke.

"Che! Umalis ka na nga," natawa lang siya matapos ko itong sabihin at lumbas na. Niyakap kong muli ang cactus pillow.

Hanggang kailan kaya ito? Sana matapos na talaga ang lahat ng problemang kinakaharap ng bansa at ng mundo.

Deserve ng mga doctor ang pahinga matapos nito. Tunay na ibinubuwis nila ang sarili nilang buhay para sa laban na ito.

Isang saludo ang dapat sumalubong sa kanila.

Mga tunay na bayani.

Napatingil ako sa pagtitig sa kawalan ng may biglang pumasok.

"Temperature check," saad nito. Umayos ako ng upo at inipit sa kili-kili ang thermometer.

"Ibang kilig dinadala mo sa labi ng iyong ultimate crush," pang-aasar nito.

"Baliw ka, ikaw may dahilan nito ano?" Tanong ko pa dito.

"Bakit? Ang tagal ninyong nagtataguan dito lang pala magkakalabasan," natawa na rin ako sa sinabi nito.

"Gumaganda na ba ang pakiramdam mo?" Pag-iiba nito ng tanong.

"Medyo, magagaling mga doctor ko eh," sabay thumbs up at kindat.

"Nambola ka pa, basta magpagaling ka na. Malapit na birthday mo, uuwi ka pa sa pamilya mo," pandagdag nito sa pag-asa ko.

"Para makapag bigay na rin ng pag-asa sa ibang ganito rin ang kinakaharap na problema," nakangiti kong sagot.

Tumunog ang thermometer at kinuha niya ito.

"36.8, bumaba na rin. Pahinga ka muna para gumaling ka na ng tuluyan," utos nito habang nagsusulat sa clipboard na dala nito.

Hindi na ako nagsalita, tumingin ako sa kaniya at pinagmasdan ito.

"Inaalagaan mo ba sarili mo? Ang laki ng pinayat mo. Bumagsak na rin ang balikat mo, baka naman ikaw ang pumalit sa akin kapag gumaling na ako," umiling lang ito sa sinabi ko natapos ibaba ang hawak na clipboard.

"Kaya ko pa naman. Ang mahalaga ay magamot namin kayong lahat at matapos na ang problema na ito, doon na lang ako magpapahinga," sagot nito mula sa nanlalambot na boses. Maging ang mga mata nito ay bakas ang pagod at hirap.

Ipinapakita ng mga mata niya ang mga bagay na hindi masabi sa salita at hindi kayang ireklamo.

Tunay na hindi sagsisinungaling ang mga mata.

Bakas na bakas dito ang pagod at hirap ngunit bakas din ang pag-asa at pagtitiwala.

Matatapos rin ang problemang ito.

Malapit na.

Panibagong araw, panibagong pag-asa.

Muli akong umupo ngunit masakit ang ulo, hindi ko alam kung anong nangyayari. Noong nakaraan lang ayos na ang pakiramdam ko tapos ngayon parang bumabalik ang sama ng pakiramdam ko at paninikip ng dibdib. Paminsan kumikirot ito pero mas malala ngayon.

May suot muli akong oxygen mask dahil sa hirap na paghinga.

Hapong-hapo akong sumandal at tumingin sa paligid, ngumiting muli dahil sa mga pag-asang nakikita ko sa mga katulad kong may karamdaman.

Saludo din ako sa mga doctor na ibinibigay ng buo ang kanilang puso para sa pagharap at pagsugpo sa virus na ito.

Napabaling ako ng tingin sa sketchbook ko may nakadikit pa ditong sticky note at may nakasulat.

"Life isn't perfect like we imagine but as long as we live we can make it better," napangiti ako ng mabasa ito at muli ko itong binuklat. Sa ngayon ito muna ang kasangga ko, ang mga drawing dito ang kakampi ko.

Nakangiti kong inilipat ang bawat pahina hanggang sa magtungo ako sa pinakahuli kong sketch. Napatitig ako ng matagal dito.

Tatlo kaming naka drawing dito. Si Del, ako at Rayven na nakaupo sa favorite spot namin noong mga highschool kami. Sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng school.

Mas matagal ang titig ko dito, ang bilis pala talaga ng panahon. Noong mga oras na ito hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga pangarap namin, kung saan kami tutungo makalipas ang labing limang taon.

Muling bumagsak ang luha sa mga mata ko. Bakit sa pakiramdam na ito ay dapat ko ng sulitin ang mga sandali dahil maaring hindi ko na muli pa itong makita.

Inilipat ko ng pahina upang muling gumuhin, napatigil ako ng may sulat ito. Umayos ako ng upo at kinuha ang cactus pillow na bigay sa akin ni Rayven, niyakap ko ito at muling ibinaling ang tingin sa sketchbook.

Malamang si Rayven ang gumawa nito. Simula pa noon ay siya lang ang mahilig makialam ng mga gamit ko.

"With God on our side, we have nothing to truly fear," nagulat pa ako ng malakas niya itong basahin. Muli kong isinara ang sketchbook at tumingin sa kaniya, dala niya ulit ang gamot na naka bouquet style pero mas maeffort ang pagkakagawa niya.

Muli akong bumuklat sa sketchbook at sumulat. Hindi ko magawang magsalita dahil sa sakit ng lalamunan ko pakiramdam ko paos na paos ito.

"Hindi ka pa ba pagod kakapabalik-balik?" Napakunot pa ang noo niya matapos itong basahin.

"Kapag mahal mo bibigyan mo ng oras kahit pa pagod ka na," nakangiting mata na saad nito. Muling bumagsak ang kamay ko matapos niya itong sabihin.

Mabibigat ang bawat paghinga ko pero pinipilit kong labanan ang bilis ng tibok ng puso ko na mas nangingibabaw.

"Magpapagaling ka di ba? Pangako mo kay Del? Hindi ka susuko? Gusto ko ipangako mo rin sa akin...g-gusto kong lumaban ka," napaiwas ako ng tingin matapos makita ang pamumugto ng mga mata nito.

"Kasi ako lumalaban din ako, lumalaban ako para sa ating lahat, lumalaban kami. Lahat tayo lumalaban sa problemang ito," rinig ko ang nginig sa boses nito.

Muli akong sumulat.

"Gustong-gusto kong lumaban," itinapat ko ito para mabasa niya. Alam kong kaya niya itong intindihin kahit pa nanginginig ang sulat. Muli kong ipinatong ito sa aking binti at nagsulat.

"Can I have a favor?" Sunod-sunod pa ang tango nito matapos mabasa ang isinulat ko.

"Anything, basta ikaw," sabay lapag nito ng gamot sa table at muling tumayo sa dulo ng bed ko.

"Kahit anong mangyari, please promise me. You'll take care this cute cactus, may sikreto sa loob nito saka mo makikita kapag oras na," nanginginig ang kamay kong ipinabasa ang sulat dito, nakita ko ang reaction ng katawan nito.

"Wag kang umasta na parang ito na ang hiling araw nating mag-uusap!" Alam kong pinapatatag lang nito ang kaniyang boses. Hindi na ako muling sumulat, umiling na lang ako at napapikit, napakagat pa ako sa labi para pigilan ang pag-iyak.

"Don't hold your tears, honey," matapos itong marinig ay tuluyan ko ng naibuhos ang lahat dahilan ng lalong paghirap ko sa paghinga.

Bakit sa maling pagkakataon pa?

For 15 years... 15 fucking years! Bakit ngayon? Bakit sa ganitong sitwasyon kung saan alam ko sa sarili kong hindi ko na ito kayang ipaglaban?

Muli akong dumilat at tumingin sa mga magandang mata ni Rayven. Maganda ang mga nito ngunit kita dito ang mga malungkot na kwentong kaniyang nasisilayan.

"It's not the end, trust me. I love you," wika nito na tila isang magandang musika sa aking tainga.

Pinaghinaan na ako ng loob ngunit nais kong maging makabuluhan ang araw na ito. Nais kong maging mas maganda ang mga sandaling mangyayari ngayon. Gusto kong ngumiti, gusto kong maging masaya...kahit ngayon, kahit ngayon lang.

Pinakalma ko ang sarili ko habang nanatili sa harapan ko si Rayven at pilit pinapatatag ang kaniyang sarili.

Hindi ko alam na ganito rin pala kahirap ang muli naming pagkikita.

Mas lalong gumulo ang utak ko.

Mas lalo akong natakot.

Natatakot ako sa pamilya ko at sa kaniya.

Ano na lang ang mangyayari kung nawala na ako? Mahihirapan din siya at ayokong mangyari yun.

"Ayos ka na ba?" Tanong nito na tinanguhan ko lang.

Tama siya, kailangan kong magpakatatag para sa kanila at para sa pamilya ako. Alam ko may hindi siya sinasabi sa akin pero alam kong may alam siya sa mga nangyayari sa akin.

Mainit ang pakiramdam ko at naninikip ang dibdib ngunit pilit akong humihinga para sa iilang sandali na imamalagi ko dito. Mga sandaling hindi ko na hahayaan pang masayang.

Kinuha kong muli ang sketchbook at sumulat.

"Another favor? Can I talk to my family?" Tumango siyang muli sa sinabi ko.

"S-sandali," nakita ko ang pagtakbo nito palabas.

Hindi tama ang ginagawa niya, hindi dapat siya naka focus sa akin pero bakit ang hilig niyang sumuway sa utos? At ako pa ang naging dahilan.

Wala na nga akong naitulong sa problemang ito dumadagdag pa ako.

Tumanaw ako sa labas upang tingnan siya, pabalik na ito ng pigilan siyang muli ng tatlong doctor. Nakita ko pa kung paano siya magpaliwanag dito ngunit hindi nagawang makabalik sa akin dahil napigil siya ng mga ito.

Piniig ko na lang ang ulo ko habang pinagmamasdan siyang lumalakad palayo kasama ang mga ito.

Malungkot kong ibinaba ang tingin sa sketchbook na hawak ko. Isinarado ko pa ito at itinabi sa gilid, muli akong dumausdos pahiga at tumagilid. Muli kong inangat ang cactus pillow at pinagmasdan ito.

Kung ito na marahil ang huling araw ang importante ay nagawa kong maisulat ang lahat dito. May zipper ang pillow na ito at ipinasok ko sa loob ang sulat para sa kanila, para sa pamilya ko, para kay Del, para kay Rayven at para sa mga taong nasa Frontliners na sinasaalang-alang ang kanilang buhay para sa pakikipagdigma.

Asaan na kaya si Del? Hindi pa niya ako pinupuntahan simula kanina, hindi ko rin siya namamataan na naglilibot sa labas.

Kamusta na kaya ang lagay niya? Sana hindi niya rin pabayaan ang sarili niya.

Pumikit ako para alalahanin ang ngiti ng pamilya ko. Ang bawat isa sa kanila ay nakikita ko sa aking isipan. Ang mga boses nila ay pilit kong inaalala hanggang sa hindi ko namalayan ang mga luhang nasa mata ko.

Ang mga ngiti at boses na iyon. Muli ko pa bang maririnig at masisilayan?

Ang aming masasayang pagsasama at masasayang usap maari pa bang mangyari?

Kung ngayon ako tatanungin kung babalik ako sa nakaraan o mapupunta sa kasalukuyan? Gusto kong bumalik sa nakaraan hindi para baguhin ito, gusto kong maramdaman ang mga bagay sa pangalawang pagkakataon.

Madiin akong pumikit at hinayaan ang sariling lamunin ng lungkot.

Lunod na lunod na ako sa mga luha at sa mga iniisip ko.

Ang hirap maging mag-isa. Kung dito na ako mamamatay hindi na ako mabibigyan ng pagkakataong makita ng pamilya ko.

Isang masaklap ngunit dapat tanggapin na katotohanan.

Pilit ko mang libangin ang sarili ko at patatagin ito. Kusa akong bumibigay kapag nag-iisa, nakakaramdam ako ng mas higit na sakit ng kalungkutan.

I just wanna feel okay again.

Dahan-dahan ang pagmulat ko sa namumugto kong mga mata, hindi ko napansin na nakatulog na naman pala akong umiiyak.

Sapo ang ulong tumayo ako ay ibinaling ang tingin sa sketchbook pero hindi ko ito kinuha.

Muli akong tumingin sa paligid walang pinagbago, nakikita ko ang labis na hirap ng mga doctor na hindi magkanda-ugaga sa pagkilos at pagtulong.

Umupo ako ng maayos at sumaludo. Nais ko itong ipagpapatuloy hanggang sa kung saan aabot ang lakas ko, nais kong gawin ito bilang isang pasalamat sa kabayanihan na kanilang ginagawa.

Hindi ko man sila mapasalamatan lahat ay sana makarating ang pagsaludo ko sa lahat ng doctor, nurses at mga frontliners na walang sawang tumutulong sa ating bansa na lubos humaharap sa krisis.

Pinagpatuloy ko ito hanggang sa ilan sa mga doctors at nurses ang nakapansin. Napahinto sila at yumuyuko na sa pagkakaintindi ko ay pagpapasalamat nito.

Bumibigat na ang pakiramdam ko ngunit itinuloy ko ito. Hindi ko ibinababa ang kamay ko dahil wala ang pagod na ito sa pagod na kinakaharap nila ngayon, tunay na mga bayaning dapat bigyang pugay.

"Rai!" Napatingin ako kay Rayven na hingal na pumasok sa loob. Ngumiti ako sa kaniya habang palapit siya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit namamaga ang mga mata nito, siguro dahil umiyak siya ng hindi siya payagan bumalik.

"R-Rai," malumanay ngunit may panginginig ang boses nito. Kunot noo ko itong tiningnan.

"M-may vaccine na para sa virus na ito," para akong nabingi sa sinabi niya.

"M-may vaccine na, gagaling ka na," masayang saad nito na hinihingal pa sa sobrang saya.

Maging ako ay kinakapos ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang saya ko ngayon, ibig sabihin matatapos na ng tuluyan ang problemang ito? Makikita ko ng muli ang pamilya ko at makakasama?

Makakasama na rin ng mga taong nalayo sa pamilya ang kanilang mga mahal sa buhay?

Sobrang buti ng Diyos.

Agad kong kinuha ang sketchbook at sumulat.

"Masaya ako, hindi masasayang ang lahat ng sakripisyo ninyo. Maging ang mga doctor na namatay para sa pakikipaglaban," mahabang sulat ko dito at pinabasa sa kaniya. Napahawak pa ko sa dibdib ko ng kumirot ito.

Nakangiti akong tumingin sa mukha nitong biglang nawala ang ngiti at tumingin ang mga mata nitong tila may nais sabihin sa akin.

Wala itong sinasabing salita ngunit may tila bumagsak sa aking mabigat na bagay, maging mga kamay ko ay nanginginig. Gusto kong itanong ngunit takot ako sa sagot.

Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at nanginginig ang mga matang titig kay Rayven na mas piniling manahimik. Rinig ko ang bigat ng kaniyang paghinga.

Bumagsak ang tingin ko sa sketchbook book at muling sumulat. Napapikit pa ako habang nanginginig ang papel na hinarap sa kaniya. Mariin ang pikit ko bago ako muling tumingin sa kaniya.

"Nasaan si Del?" Nanatili ang pagtahimik nito na tuluyang nagbigay linaw sa akin. Napabitaw ako sa sketchbook at rinig ko ang paglaglag nito sa sahig. Umuwang ang bibig ko at napatingin sa kawalan ang mga mata kong nilunod na ng luha. Napakapit pa ako sa dibdib ko at tuluyan ng pinakawalan ang sakit.

Walang boses ang pag-iyak ko ngunit mas doble ang sakit ng pakiramdam ko. Para akong nabalian ng ribs, sobrang sakit nito na sa bawat paghinga ko ay lalo itong nadudurog.

"Rai, may pangako ka sa kaniya. Mabubuhay ka, hindi mo hahayaang masayang ang paghihirap niya di ba?" Nagulat ako ng hawakan ako nito pero itinulak ko siya palayo.

Nanlalabo ang mga mata kong tumingin sa kaniya at umiling, nakita ko rin ang mga luha sa mga mata nito. Hindi ko man nais makita siyang ganito pero walang nakakaintindi ng nararamdaman ko. Walang kahit sino dahil walang nakakaramdam nito.

Mariin akong napapikit at humigpit ang hawak sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit nito. Mas masakit ito ngayon at hindi na ako makahinga.

"Rai-Rai, listen. R-Rai!" Sigaw ni Rayven pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil mas nangingibabaw sa akin ang sakit. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.

Namamanhid sa sakit ang buo kong katawan maging ang isipan ko ay hindi na gumagana ng maayos. Wala akong ibang maintindihan sa sinasabi nila, patuloy kong maririnig ang boses ni Rayven na tinatawag ang pangalan ko.

Sa huling pagkakataon para akong bumalik sa nakaraan kung saan nakita kong muli ang ngiti sa labi ng pamilya ko ang masaya nilang

pagtawag sa pangalan ko at ang masasaya naming pagtatawanan.

Nakita ko ang saya naming magkaibigan. Ang masaya naming samahan nila Rayven at Del.

Sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng classroom kung saan maganda at maaliwalas na kalangitan at mabangong simoy ng hangin, kung saan sabay-sabay kaming nangangarap ng magiging buhay namin.

Muling bumalik sa saking isipan ang lahat ng masayang alaala na kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko malilimutan.

Masaya na rin ako para sa bansa ko at sa mga mamamayan. Sa wakas ay tuluyan na ring masusugpo ang problemang ito.

Dahan-dahan akong dumilat at ngumiti, napatingin ako sa isang babaeng nakangiti sa aking harapan inilahad niya ang kaniyang kamay, buong puso at masaya ko itong inanyayahan.

Masaya akong tatanggapin ang kapalaran na ito.

Ang kaguluhan sa paligid ay pinutol ng isang nakakarinding tunog.

Tunog mula sa tuluyang pagtuwid ng linya.

1 Corinthians 13:13

And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.