Third person's POV
"Railyn Santiago, time of death 7:45 pm," bitaw ni doctor Arth matapos tuluyang sumilay ang tuwid na linyang nagpahina sa damdamin ni Rayven.
"N-no... Subukan pa natin, h-hindi pa siya p-patay..." Namumugtong mga mata itong nakiusap habang pinipigil ng iba pa nilang mga kasama.
"Anong nangyari? Magaling na siya hindi ba? Nakaya niya," tanong nitong hindi pa rin makapaniwala.
"Sa virus nakalaban siya, pero hindi sa sakit na meroon siya. Lumala ang sakit niya sa baga noong dinapuan siya ng virus at alam mo yan," malumanay na sagot nito.
"We need to accept it, magkasama na sila ni d-doctora Del," bakas din sa boses ni Dr. Arth ang lungkot sa pagkawala ng kaniyang mahal.
Pinilit ni Rayven kumawala sa hawak ng mga kasama niya ngunit nanghihina ang mga tuhod niya habang titig sa wala ng buhay na si Railyn.
Pumasok sa isipan nito ang mga bagay na masaya nilang ginagawa at pagsisisi sa pagtago ng ganoon katagal na damdamin.
Bakas din sa kaniya ang panghihinayang sa matagal na panahon niyang sinayang dahil sa pagiging duwag.
Sa kabila ng balitang nais niyang ipagpugay ay ang balitang maging ang isa pa nilang doctor ay wala na ring buhay sa parehas na araw kung saan nakarating sa kanila ang magandang balita.
Chronic fatigue ang ikinamatay ni doctor Del.
Isang kabayanihan ang pag-aalay ng buhay para sa paglilingkod. Ito ang palaging bukambibig ni Dra. Del, isa siya sa nagbuwis ng buhay sa gera at laban na ito. Isang pagpupugay sa mga bagong bayani na ibinubuwis ang kanilang buhay para sa bayan at mamamayan.
Walang sapat na papuring salita ang sasapat bilang pasalamat sa kanilang ginagawa.
Isang malamig na pakiramdam at lunod na sa pag-iyak si Rayven habang pinapanood kung paano takpan ng puting kumot ang babaeng kaniyang labis na mahal. Walang ibang pumapasok sa kaniyang utak kung hindi ang mukha nito, ang bawat ngiti at ang lahat.
"S-sandali," pagpigil nito sa isang doctor ng balak itapon ang cactus pillow na bigay niya kay Railyn.
"Akin yan," napatingin pa sila kay Dr. Arth upang humingi ng pahintulot. Tumango lang ito bago niya inabot dito maging ang sketchbook ni Railyn na nais niyang itago bilang isang alaala.
Patuloy ang kaniyang hinanakit ng tuluyan na siyang ilabas. Patuloy ang paghihinagpis ng puso nito ngunit kahit maging dugo pa ang kaniyang iluha hindi na nito kaya pang ibalik ang buhay nila Dra. Del at Railyn.
Sapo ang kaniyang dibdib na napaupo, walang kabuhay-buhay siyang sumandal at tuyo na ang luha sa kakaiyak. Nanginginig ang mga kamay nitong binuksan ang loob ng cactus pillow katulad ng sinabi sa kaniya ni Railyn.
Mabilis ang tibok ng puso ng makita ang pangalan niya dito, nanginginig ang hawak habang binubuksan ito.
Dear Rayven-cetamol
Thank you for being my daily medicine, ikaw ang naging gamot at nagbigay ng pag-asa sa akin.
Sorry kasi sumuko ako at hindi ko nagawa ang pangako ko. Sa oras na nababasa mo ito ay wala na ako,tuluyan na akong bumitaw sa labang ito. Can I have a very last favor? Please pakibigay sa pamilya ko ang sulat ko para sa kanila at kay Dra. Del.
Wag kang malungkot sa nangyari sa akin, gusto kong gawin mong makabuluhan ang buhay mo at wag mong sayangin ang mga panahon na meroon ka para iparamdam sa mga taong mahal mo ang tunay mong nararamdaman.
Sobrang dami kong gustong sabihin sayo ngunit hindi ko alam kung paano ang tamang salita pero isa lang alam ko, mahal kita. Mahal kita kaya gustong-gusto kong kaaway ka noong highschool pa tayo dahil ayokong ipahalata kasi nahihiya akong ako pa ang aamin.
Pinalampas ko ito pero hindi ko alam na makalipas ang 15 years ikaw pa rin pala. Pero sa pagkakataong muli kitang nakita alam ko na dapat na kitang pakawalan.
Mahal na mahal kita, pero kailangan na nating makawalan ang pag-ibig na hindi para sa panahon na ito.
Rai-Rai
Muli siyang nagpakalunod sa luhang mag-isa niyang dinadama habang hawak ang dibdib na tuluyan ng durog na durog sa kaniyang mga nabasa.
Sa pagkakataong ito kailangan na niyang bumitaw sa isang mapait na kapalaran.
Ang panahon na ito ay hindi para sa kanila.
Isang bagong araw na puno ng pag-asa at pagpapasalamat sa lahat ng magagandang kaganapan.
"Covid-19 pandemic case is now close, Philippines and all countries are now Covid-19 free,"
Isang malakas at masigabong palakpakan ang narinig sa buong paligid. Ngayong araw ay tapos na rin ang lahat ng hirap at takot na bumabalot sa mundo.
Mula ngayong araw ay rinig ang iyakan ng saya at ang pagmamahalan ng bawat isa.
Mas bakas sa mukha ng mga doctor, nurses, sundalo, pulis at mga frontliners maging ang mga mamamayan ng bansang ito na nalayo sa pamilya nila ay muli na nilang makakasama ang mga ito.
Ngayong araw nabigyan ng isang pagpupugay ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa gerang ito.
Ang mga namatay para sa bayan ay mga tunay na bayani ng bagong henerasyon.
Salamat sa inyong kabayanihan, hindi man magiging sapat ang salitang salamat ngunit sa isipan at puso ay hinding-hindi kayo mawawala.
Ang buong bansa ay nagpupugay at nagkaisa upang magbigay papuri sa nag-iisang Diyos na tunay ang kabutihang ibinibigay.
'Heal the World'
There's a place in your heart
And I know that it is love
And this place could be much
Brighter than tomorrow
And if you really try
You'll find there's no need to cry
In this place you'll feel
There's no hurt or sorrow
There are ways to get there
If you care enough for the living
Make a little space
Make a better place
Heal the world
Make it a better place
For you and for me
And the entire human race
There are people dying
If you care enough for the living
Make it a better place
For you and for me
If you want to know why
There's love that cannot lie
Love is strong
It only cares of joyful giving
If we try we shall see
In this bliss we cannot feel
Fear of dread
We stop existing and start living
The it feels that always
Love's enough for us growing
So make a better world
Make a better place
Heal the world
Make it a better place
For you and for me
And the entire human race
There are people dying
If you care enough for the living
Make a better place for you and for me
And the dream we were conceived in
Will reveal a joyful face
And the world we once believed in
Will shine again in grace
Then why do we keep strangling life
Wound this earth, crucify its soul
Though it's plain to see
This world is heavenly
Be god's glow
We could fly so high
Let our spirits never die
In my heart I feel you are all my brothers
Create a world with no fear
Together we cry happy tears
See the nations turn their swords into plowshares
We could really get there
If you cared enough for the living
Make a little space
To make a better place
Heal the world
Make it a better place
For you and for me
And the entire human race
There are people dying
If you care enough for the living
Make a better place for you and for me
There are people dying
If you care enough for the living
Make a better place for you and for me
You and for me.
Romans 8:28
"And we know that for those who love God all things work together for good."
----the end-----