Railyn's POV
Umupo ako na sapo ang ulo, kumirot ito noong una pero agad ring nawala ng makasandal ako.
Ilang araw na rin akong narito sa hospital at wala pa ring nagbago sa kalagayan ko. Pakiramdam ko ay lalo pa akong lumala dahil mas nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makahinga ng walang suot na oxygen.
Mabibigat ang hinga ko ng kinuha ko ang papel na nasa gilid ko. Matapos ko itong mahawakan ay muli kong inilibot ang paningin sa paligid, tumingkayad pa ako para tingnan ang isang pasyente doon pero wala na siya. Sumingkit ang mata ko ng basahin ang mensahe na ibinigay niya para sa akin.
"Magaling na ako, salamat sa pagbibigay ng pag-asa sa akin. Sana ikaw rin wag mawalan ng pag-asa," mahina kong basa. Nakasulat ito sa bond paper at idinikit sa salamin. Muling sumilay sa labi ko ang ngiti at saya sa puso.
Sa simpleng ginawa ko may isang tao akong napasaya at nabigyan ng pag-asa. Sana kaya ko rin itong sabihin sa sarili ko, sana kaya ko ring palakasin ang loob ko.
Bakit sa lahat ng pagkakaon na dumaan sa buhay ko ngayon pa ako nawalan ng pag-asa?
Muli akong bumaling ng tingin sa bond paper na hawak ko. Siguro kung hindi ko lang kaibigan si Del nagalit na ang mga doctor sa dami ng request ko.
Nag-umpisa na akong gumuhit dito. Magaling akong magdrawing at libangan ko ito, minsan naman ginagawa ko ito kapag pakiramdam ko wala na akong pag-asa sa isang bagay na gusto ko. Mabilis naiibsan ng mga gawa ko ang lungkot.
Dito ako gumawa ng mga bagong alaala, hindi ko man kita ang mga kasamahan ko ay ginuhit ko ang ginagawa namin. Kahit dito lang nagawa ko ang trabaho ko.
Matapos nito ay ang pamilya ko, masaya kaming kumakain sabay-sabay dahil birthday ko na next month kaya inilagay ko dito na magkakasama na kami at masasaya.
Sumunod sa aming dalawa ni Del, noong mga bata pa kami. Sa ilalim ng puno ng mangga kung saan palagi kaming pinapagalitan ng may-ari dahil madalas naming ubusin ang bunga.
Sa panahon at oras kung saan sabay naming ipinangako na sa susunod na magkikita kami ay nagawa na naming tuparin ang mga pangarap namin.
Gumuhit din ako ng mga doctor habang abala sila sa pag-aasikaso sa mga may sakit na kahit sarili nilang kalusugan ay isinusugal.
Dahil sa artwork kong ito ay napangiti akong muli. Ibinaba ko ang lapis at itinaas ito.
Ito ang tanging pag-asa na kaya kong ibigay sa sarili ko. Balang araw muli ko rin itong masisilayan.
"Wow, wala pa ring nagbago sa galing mo," nagulat pa ako sa nagsalita. Agad kong itinaob sa gilid ang gawa ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
Namumula ba ako? Bakit parang ang init ng mukha ko?
"Bakit mo itinago?" Tanong nito at lumakad palapit sa akin, may social distance kaya hindi siya totally nasa tabi ko.
Kahit pa man nakasuot ito na halos hindi na kita ang mukha ay nasilayan ko pa rin ang gwapo nitong mukha. Malamang mas gwapo na siya ngayon kumpara noong mga highschool pa kami.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa hawak nitong mga gamot, kumunot pa ang noo ko dahil parang isang bouquet.
"Ah oo nga pala, dahil kailangan mong gumaling ito muna. Medicine bouquet, next time na sa flowers kapag pwede na tayong magdate," sabay lapag nito sa table, tumingin pa ako dito na halata ang hiya.
"Si Del na naman may pakana nito!" Mahina kong diin sa sarili. Baka tinukso na naman niya kaming dalawa, nakakahiya dahil sa ganitong sitwasyon pa talaga?
"Kamusta ka na pala?" Tanong nito.
"Ako dapat magtanong kung kamusta ba ako?" Marahan akong tumawa at ganoon rin siya.
"Wala ka talagang pinagbago," dagdag pa nito.
Tumahimik kami ng ilang saglit at parang naging awkward kasi di pa rin siya umaalis.
"Bakit nga pala hindi ka pa umaalis?" Alangan kong tanong.
"Ayaw mo ba akong makasama? Kasi ikaw gusto pa kitang makasama," muli akong umiwas ng tingin dahil sa hiya.
May virus na lahat-lahat bakit ngayon niya pa ako naisipan harutin?
"Sabi nga nila, di ba? Sa panahon ngayon wala na dapat tayong sinasayang na pagkakataon at panahon? Dahil baka mahuli na ang lahat," saad nito mula sa kaniyang malumanay na boses.
"Ginagawa mo ba ito para pagaanin ang loob ko?" Tanong ko pa dito.
Hanggang ngayon nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
"Oo," mabilis nitong sagot at rinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.
"Look, ayokong ganito ka. Hindi ko na nakikita ang Rai na kilala ko noon, yung Railyn na..." Sadya ang pagputol nito sa kaniyang salita.
"Na?" Tanong ko dito habang inaabangan pa rin ang sasabihin niya.
"Na...na classmate ko noon," napangiwi pa ako sa sinabi niya.
"Akala ko ba dapat walang sinasayang na pagkakataon?" Hindi ko alam kung bakit ko ito biglang naitanong sa kaniya. May kung ano na lang sa sarili ko ang bigla itong itinanong.
"Pero akalain mo? Ang Rai-Rai na palaging nangongopya sa math isang sundalo na," pang-aasar nito.
"Parang ikaw hindi nangopya sa akin sa Science, ah? Tapos nagdoctor ka na, dalawa kayo ni Del," pambawi ko pa dito.
Simula noong nagtapos kami ng highschool hindi na kami nagkita-kita dahil sa kurso na kukunin namin. Pero akalain mo? Sa ganitong sitwasyon pa kami nagkitang muli, sa lagay kong hindi siya pwedeng makasama ng matagal.
"Oo nga pala, wag kang aalis," saad nito na ikinatawa ko.
"As if naman makaalis ako dito?"
"Sa buhay ko," sabay tawa nito at biglang lumabas. Tinanaw ko pa ito, maya-maya pa ay bumalik ito. Nakita ko pa ang pagpigil sa kaniya ng isang doctor na kausap ni Del pero mabilis niyang hinawi ang kamay nito para bitawan siya at nagmadaling bumalik sa akin.
"Bakit bumalik ka pa? Alam mo namang bawal kayo masyadong makipag-usap sa mga pasyente," sita ko pa dito kahit na alam kong wala siyang pinapakinggan.
"May ibibigay ako..tadaaa!" Sabay lahad nito ng unan na hugis cactus at may drawing din na cactus.
"Para ka talagang bata, walang pagbabago kahit pa naging doctor ka na," sabay tawa ko.
"Bakit? Ayaw mo ba? Ang cute kaya, parehas kami," sabay sayaw nito ng unan. Natawa naman ako habang ginagawa niya ito, malamang isang parte ng trabaho nitong maging entertainer din.
"Oh, para kapag tulog ka at yakap mo yan parang yakap mo na rin ang tiwala kong gagaling ka. Si Rai-Rai pa ba?" Bakit pagdating sa kaniya gustong-gusto kong marinig ang Rai-Rai? Bakit parang iba ang dating kapag sa kaniya nagmula?
Inilapag niya ang unan at saka ko kinuha.
"Cactus talaga? Mukha ba akong mapanakit?" Biro ko pa dito habang pinipisil ang unan na bigay niya.
"Alam mo ba ang ibig sabihin kapag may isang tao na nagbigay ng cactus sayo?" Napatigil ako sa tanong niya at tumingin sa kaniya.
"Hmmpp... Iniisip nito na bitter ka?" Nakita ko pa ang pag-alog ng balikat nito.
"Cactus represent endurance, tenacity and strength in the face of adversity, kaya nilang magsurvive kahit imposible at ganun ka sa paningin ko. Isa kang matapang at matatag na tao, kaya mong lagpasan ang lahat ng ito," matapos niya itong sabihin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis ito kumpara noong hinabol kami ng aso.
"And I care about you, sa tuwing nakakakita ako ng cactus ikaw ang naalala ko. Sa totoo lang may mga cactus collection ako, iyan ang pinaka favorite ko. Kasi noong ginagawa ko 'yan ikaw ang nasa isip ko, na sa pagkakataong magkita tayo pwede ko ng sabihin ang nararamdaman ko. Kasi kung noong mga highschool pa lang tayo sinabi ko na, alam ko pagtatawanan mo lang ako," napalunok pa ako sa sinabi niyang ito at ibinaba ang ibinigay niya.
"Walang pagkakataon na pwedeng masayang," kibit balikat na saad nito.
"Noong dinala ka dito gusto ko palaging ako ang pupunta sayo pero nagkakaroon ng aberya, palagi akong nasa malayo para tumanaw. Nakakatawa no? Ang duwag ko pagdating sayo," tumawa ito na maypagka-ilang. Nanatiling tikom ang bibig ko sa mga sinasabi niya.
"Alam mo kung may natutunan ako sa kinakaharap natin ngayon? Iyon ay kung may pagkakataon ka pa wag mo ng palampasin pa, nasasayang ang mga panahon na lumilipas," umayos ako ng pagkakaupo at hindi pa rin kumikibo.
"Ngayon mo pa talaga naisip magconfess?" Muli itong natawa.
"Syempre, gusto kong madagdag sa dahilan mo para lumaban," napaiwas pa ako ng tingin sa kaniya.
"Kitams, malakas ka na. Ako lang pala ang gamot mo eh, sabi na. Tama nga ang sinabi ni Del," muli akong bumaling ng tingin sa kaniya.
"Hoy! Anong sinabi niya?" Kung pwede ko lang sana siyang masapak.
"Secret, kapag magaling ka na sasabihin ko," sabay kindat nito.
Bwisit! Ano bang sinabi sa kaniya ni Del? Yari talaga siya sa akin kapag nagpunta siya dito.
Nakatingin ako sa malayo habang iniisip ang sinabi nito, ano kayang sinabi sa kaniya ni Del?
"Hala," gulat akong napatingin kay Rayven na parang may hinahanap sa baba, sumilip pa ako dito para tingnan ang hinahanap niya.
"Anong hinahanap mo?" Kunot noong tanong ko dito.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at nakita ko ang ngiti sa mga singkit nitong mata.
"Wala nahanap ko na, nasa harapan ko lang pala," sabay kindat nitong muli.
"Ganyan ka ba sa lahat ng pasyente mo doc? Ilan na ba naging jowa mong pasyente dito?" Natatawang tanong ko dito.
"Ikaw pa lang kung sakali," pambawi nito.
"Ang lakas talaga ng tama mo,"
"Sayo," sabay kindat ulit. Umiling-iling na lang ako sa ginawa nito.
Bwisit! Kung pwede ko lang talaga siyang suntukin ginawa ko na.
"Kun¡ª" hindi na ako natapos ng may kumatok sa salamin, agad kaming tumingin doon.
"Tinatawagan ka na, tambay ka ng tambay dito mahawa ka pa," saway ko sa kaniya.
"Alagaan mo ang cactus ko, ha?" Sabay turo nito sa unan.
"Pagaling ka ha? Go cactus, my cactus cactus love," sabay sayaw nito na parang sa my sexy love.
"Ang baduy mo, lumayas ka na nga," umirap ako dito bago pa siya lumabas. Tanaw ko pa na parang pinapagalitan siya, ayan napagalitan ka pa tuloy dahil sa akin.
Muli akong napatingin sa cactus pillow at ngumiti, niyakap ko ito habang tuwang-tuwa. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko ng bigyan niya ako nito.
Para akong isang bata na nabilhan ng bagong laruan.
Muli kong kinuha ang sketchbook at nagdrawing muli. This time kaming dalawa ang nasa drawing habang ang paligid ay puro cactus. Tutal sabi niya may mga collection siya ng mapanakit na halaman na ito bakit hindi ko ilagay?
Ibang klase talaga ang dating sa akin ng lalaking iyon. Simula noong highschool walang pinagbago.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakakaramdam na ako ng tagbuti. Hindi na ganoon kasakit ang lalamunan ko maging ang ulo ko. Nakakatayo na rin ako at kaya ko ng huminga ng hindi naka oxygen.
Tumayo ako ay nagtungo sa salamin, muli kong ipinatong ang kamay ko sa salamin para tanawin ang mga magigiting na doctor. Bakas ko sa mukha nila ang pagod pero patuloy pa rin sila sa pagkilos para puksain ang virus.
Nakatitig ako sa malayo ng magulat ako sa pagsulpot ni Rayven. Kumaway ito sa akin at may kinuhang papel at itinapat sa akin. Nasa labas siya ngayon at ito ang ginagamit niya para makapag-usap kami.
"Andito na ulit ang iyong Raven-cetamol. Ang gamot na mamahalin ka na iingatan ka pa," natatawang basa ko.
Dali-dali kong kinuha ang sketchbook sa gilid ng higaan ko at magsulat ng isasagot sa kaniya.
"Nakaka-overdose ba?" Sulat ko dito at pinabasa sa kaniya.
"Nakakaadik lang," sabay tawa ko matapos itong mabasa. Napansin ko pa ang paghinto ng ibang doctor dahil sa pagliligawan na ginagawa namin ni Rayven. Sinita pa siya ng isang doctor pero hindi niya ito pinansin.
Napansin ko pa ang paggesture nito ng ngiti at ginawa ko naman.
Kung noong mga nakaraan ay hindi ako makahinga dahil sa sakit ng dibdib ngayon hindi ako makahinga dahil sa kilig.
Para kaming tanga ni Rayven na nagsign language dahil naubusan na siya ng papel. Hindi ko alam kung ano ng iniisip ng iba niyang kasamahan.
"Bumalik ka na sa trabaho mo," isinulat ko at pinabasa. Umiling pa ito at sumulat, pinagkasya niya ito sa maliit na space sa papel na hawak niya.
"Naka break ako, pero gusto kong sulitin ang oras na kausap ka," basa ko dito. Nagthumbs up pa siya matapos kong tumingin sa mukha nito.
"Ingatan mo sarili mo, bahala ka. Kung kailan pagaling na ako baka ikaw naman magkasakit," sulat ko pa sa papel at pinabasa ito sa kaniya.
"Mukhang may something something na nagaganap, ah? Umuusad na ba lovelife?" Napalingon pa ako ng marinig ito.
"Anong sinabi mo kay Rayven?" Tanong ko pa dito bago muling ibinaling ang tingin kay Rayven na hindi pa rin umaalis sa harap ng salamin.
"Wala, ano bang sabi niya? Oy ikaw ha? Si Rayven lang pala kailangan mo para gumaan lang pakiramdam mo," pang-aasar nito sa akin.
"Umayos ka nga, hindi no! Syempre dahil sa magaling kong doctor na kaibigan. Presenting Dra Dearborn Eirene Luchesca short for Dra. Del," sabay wagayway ko ng kamay ko.
"Mukhang magaling ka na nga, hyper mo na ulit. Sabi sayo, gagaling ka," masayang tugon nito.
"Thank you," napabuntong hininga pa ako.
"Syempre, tungkulin naming mga doctor na mapabuti ang lagay niyo, strong din kaya kami," sabay pakita nito ng braso.
"Nang-agaw ka na naman ng linya," sabay tawa naming dalawa.
"Yung Raven-cetamol mo nasa labas pa rin," sabay turo nito.
Oo nga pala, nawili na akong makipagbiruan kay Del hindi ko naalala nasa labas si Rayven. Muli kong binuklat ang sketchbook at ipinakita sa kaniya ang drawing ko. Kaming dalawa na magkasama, napatigil pa ito at pumalakpak. Muli akong natawa sa ginawa niya.
Kahit doctor na siya hindi pa rin nawawala ang dati niyang ugali na parang bata. Baka nga talaga mabilis akong gumaling, dahil dito sa Rayven-cetamol na ito.
"Bye," paalam ko sa kaniya ng tawagin ito ng isa pang doctor bago muling ibinaling ang tingin kay Del na nakatayo sa gilid ng higaan ko.
"Oh? Bakit ganiyan ka tumingin?" Tanong ko dito.
"Bakit? Ganito naman talaga ako tumingin," sagot nito.
"Konti na lang magaling ka na talaga," masaya nitong saad.
"Makakabalik na rin ako sa tungkulin kong paglingkuran ang bayan," masaya kong tugon.
Muli ko ng magagawa ang tungkulin kong paglingkuran ang bansa ko.
Makakatulong na ako at makakasama ko na muli ang mga sundalo.
May pagkakataon pang magkita kami ng pamilya ko.
"Salamat dahil hindi ka bumitaw sa pag-asang gagaling din ako," isa siya sa naging dahilan kaya nagkaroon ako ng pag-asang sikaping gumaling.
Salamat sa pagpapalakas nito ng loob ko at pagtitiwala.
"Ibinibigay ng Diyos ang isang mabigat na pagsubok sa kaniyang magaling na mandirigma hindi para bumagsak ito, dahil alam niyang kaya nitong lumaban. Ikaw iyon Rai, lumaban ka sa pagsubok na ito," muli kong ramdam ang sigla sa puso ko.
Isang metro man ang layo namin sa isa't isa ang pag-asa sa aming mga puso ay hindi mapaghihiwalay.
Tama siya, isang pagsubok mula sa Diyos ama at ang kaniyang mandirigma.
Lahat tayo ay mandirigma ng Diyos, ang pagsubok na ating kinakaharap ay panadalian lamang.
Lumalaban tayo kasama ang Diyos at mananalo tayo dahil sa kalooban nito.
We're strong
We're brave
We're a fighter
We're a God's warrior
And we are Filipinos.
James 1:3
Because you know that the testing of your faith produces perseverance.