Chereads / Faith mask / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Del's POV

Pinilit kong maging normal ang araw ko,  kahit mabigat sa kalooban ay kailangan kong tanggapin na walang permanente. Kahit na anong gawing pagsalba ng doctor sa buhay ng tao, kung talagang oras niya na ay wala na kaming magagawa kundi tanggapin ang kanilang pagkasawi.

Inayos ko ang aking sarili, hawak ko ngayon ang sticky note na binigay sa akin ni Rai na nakalagay sa kahon, dumampot ako ng isa at binuksan ko ito.

"Commit to the whatever you do, and all your plans will succeed." Prov. 16:3

Tumulo ang luha ko matapos kong basahin ang nakasulat. Alam kong ganito siya noon kapag gusto niyang magpalakas ng loob sa iba.

Nabigyan liwanag ang aking isipan.

Alam kong magtatagumpay kami sa laban na ito. Hindi man namin makita ang kalaban namin, alam ko na hindi kami pababayaan ni Lord. Alam kong may plano siya para sa amin, pagsubok lang ito sa amin kung hanggang saan ang pagtitiwala at katatagan namin.

Nilagay ko sa aking bulsa ang binigay niya sa akin. Sa bawat nadadaan kong pasyente, doctor at nurse ay binibigyan ko sila ng sticky notes na may nakasulat ng wisdom thought at Bible verse. Pampalakas loob, upang patibayin lalo ang aming pananampalataya sa pagsubok na aming pinagdadaanan.

Muli na naman akong sumuri, may sampung pasyente pa akong aasikasuhin at gagamutin bago ako matapos. Gustuhin ko man sila kausapin at palakasin ang kanilang loob ngunit hindi ko na magawa sapagkat mahalaga ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus sa loob ng hospital.

"Pili po kayo, tapos basahin niyo po ang nakasulat. Pampalakas loob," nakangiting bulong ko sa number 20 na pasyente na aking huling susuriin.

Kumuha siya ng papel na nakapaloob sa kahon. Marahan niya itong binuksan at nakita ko ang pugtulo ng kaniyang luha. Kung anuman ang kaniyang nabasa sana magbigay liwanag at lakas ng loob sa kaniya tulad ng nangyari sa akin kanina.

Hindi ko na siya kinausap, umalis ako matapos kong makasiguradong maayos na siya.

Napabuntong hiniga ako at pumunta sa gilid ng pinto na hindi masyado matao. Binuksan ko ang cellphone ko at muli kong tinawagan si tita.

"Dearborn? Kamusta ka na? Namiss ko na kayo ng anak ko," masiglang bungad niya nang makita niya ako sa videocall na may facemask at protective eyeglasses.

"Ayos lang po ako. Kayo po diyan, kamusta na po ang lagay niyo?" Pinilit kong tapangan ang aking boses.

"Ito mahirap ang sitwasyon lalo na at lackdown sa lugar namin. Bawal kaming lumabas lalo na't tumaas ang bilang na nagkakaroon ng virus," tugon niya "kamusta na kaya ang anak ko? Hindi ko maiwasan ang mag-alala lalo na't nasa labas ang trabaho niya," malungkot niyang dugtong.

Napahangad ako upang pigilan ang pagtulo ng aking luha. Ayaw ko siyang mag-alala dahil paniguradong mag-alala si Rai kapag nalaman niyang pinag-alala ko ang kaniyang ina.

"Ipagdasal na lang po natin ang kaligtasan niya. Malakas po si Rai-Rai alam kong kaya niyang labanan ang virus, may tiwala po ako sa kaniya. Huwag po kayo mag-alala, kapag may balita na po ako sa kaniya sabihan ko po kaagad kayo. Pero sa ngayon kailangan ko po ang dasal niyo para po sa tulad ni Rai na maging malakas ang resistensya at patuloy siyang gabayan," mahabang sambit ko.

Nakita ko ang pagngiti niya kahit na may lumandas na luha sa kaniyang mga mata pababa sa pisngi. Alam kong hindi niya maiwasang mag-alala kay Rai lalo na't Ina siya na hindi kapiling ang kaniyang anak,  ganoon naman siguro lahat ng Ina para sa anak.

Nag-usap pa kami saglit at pagkatapos ay binaba ko na ang tawag. Ilalagay ko na sana ang cellphone sa aking bulsa nang bigla kong nakita ang cellphone number na hindi nakarehistro sa contacts ko.

Naalala ko na naman si nanay Linda, marahil itong number na ito ay pag-aari ng anak niya. Lakas loob ko itong tinawagan,  unang ring pa lang ay kumalabog na ang dibdib ko.

"Hello?" rinig kong boses babae mula sa kabilang linya.

"Hi, si Doctora Del ito, isa sa sumuri sa mama mo," malungkot kong pagpapakilala.

"Kamusta na po si Mama?" Napaluha ako ng marinig ko ang malungkot niyang tanong.

"I'm sorry, hindi nakayanan ng Mama. Kailangan niyang i-cremate kaagad para makaiwas sa pagkalat ng virus," naluluha kong tugon.

"Hindi totoo iyan, malakas po ang aking mama. Sinungaling, hindi!" Umiiyak niyang wika.

"I-i'm s-sorry,"

Hindi ko na nakayanan pang pakinggan ang kaniyang hikbi. Ramdam ko sa bawat iyak niya ang sakit at pangungulila niya sa kaniyang Ina. Sana maging maayos na siya. Mahirap man tanggapin sa umpisa, nanalangin akong sana hindi siya mawalan ng pag-asang magsimula ng panibagong buhay.

"I'm sorry if I lost you nanay Linda," lumuluhang bulong ko sa hangin.

Kinabukasan ay ganito muli ang routine na ginagawa namin sa hospital. Aligaga kami sa tuwing nadadagdagan ang mga pasyenteng may sintomas ng virus.

"Mabuti naman naisipan mong sumabay sa amin," ani Dr. Arth sa pagbasag ng katahimikan namin.

Tumango na lang ako sa kaniya at muli kong pinagpatuloy ang pagkain na nakalagay sa styro plate. Isang linggo na kami dito sa hospital, hindi ko akalain na mabilis lumipas ang araw at ngayon ko lang sila nakasamang kumain dahil sa sobrang abala ko sa trabaho.

Madalas akong hindi kumakain ng tanghalian lalo na't iniisip ko ang pasyenteng nakaasign sa akin na hindi ko pa sinusuri ang kanilang kalagayan. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noon kay nanay Linda, kung maari lang sana ito na ang huli at huminto ang pagpuksa ng virus dito sa Pilipinas.

"Salamat sa binigay mong sticky note, kahit papaano lumakas ang loob ko at nagbigay liwanag sa aking isipan. Naramadaman ko tuloy si Lord na nandito lang siya sa tabi ko," nakangiti ani Dra. Kim na kaharap ko.

"Hindi po sa akin galing iyon Doc, sa kaibigan ko po," tipid ngiting anas ko.

"May kaibigan ka na nandito?  Doctor ba siya?" takang tanong niya habang ngumuya ng kaniyang kinakain.

Umiling ako at inubos ko muna ang panghuling nguya ko sa aking bibig.

"Sundalo po siya, isa sa mga under investigation dito sa hospital,"

Hindi siya umimik. Pagkatapos kong naubos ang pagkain ko, tumayo na ako upang itapon ang aking pinagkainan. Tahimik akong naghugas ng kamay hanggang sa may naramdaman kong may lumapit sa akin.

"Baka gusto mo, pampahyper. Pansin ko kasing matamlay ka nitong mga nakaraang araw," napatingin ako sa tsokolateng maliit na inabot ni Dr. Arth sa harap ko.

"Hindi siya kumakain ng chocolate Doc Art, nagiging antukin kasi siya kapag kumakain ng ganiyang chocolate.," napalingon ako sa boses ni Rayven na ngayon ay katabi ko.

"I'm sorry to interrupt you but I need to talk Doctor Del. May I?" pagsusumamong tanong niya kay Doctor Arth.

Alanganing tumango siya kahit kita sa kaniyang mga mata ang pagtutol. Muli akong hinarap ni Rayven upang ngitian ako at sumenyas na sumunod na lang ako sa kaniya.

Yumuko muna ako sa harap ni Dr. Arth at dinaanan siya matapos kong magsuot ng mask at gloves. Bumuntong hininga ako, may kutob ako na may sasabihin siya sa akin. Ganito siya noon sa tuwing gusto niya ng pribadong pag-uusap. 

Siya ang tinutukoy naming crush dati ng kaibagan kong si Rai. Maputi kasi ito, chinito, matangos ang ilong, matangkad. Masungit ang kaniyang dating pero ang totoo ay mabait naman siya at minsan ay mapagbiro kapag nasa mood. Marahil ito ang dahilan kung bakit nagka-crush ang kaibigan ko dahil pangmalakasan niyang dating at ugali.

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko siya sa medyo dulo ng corridor na nakatayo. Nang makita niya ako ay napatitig siya sa akin.

"Anong gusto mong pag-usapan natin, may gagawin pa kasi ako," bungad ko nang tuluyan ko siyang makaharap.

"Tungkol ito kay Railyn," napakunot noo ako at nakaramdam ng kaba "P-positive kasi siya sa COVID-19," hindi ko na magawang pigilan ang aking mga luha, napaupo ako at napahikbi. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang kaniyang sakit.

"I-imposible, 'diba naging maayos naman ang lagay niya?" lumuluhang dugtong ko.

"Dumating ang result niya kahapon. Nang malaman namin na positive siya ay kaagad siyang nilipat sa ibabg kwarto, puntahan mo na lang siya. Alam kong kailangan ka niya. Hindi niya pa alam ang tungkol sa sakit niya, ikaw na lang bahalang magsabi sa kaniya. Alam kong kaya mo siyang pakalmahin," mahabang wika niya at tinapik niya ang aking balikat.

"Be strong, huwag mong ipakita na napaghihinaan ka ng loob lalo na't mahina ang kaniyang resistensya dahil sa balang nasa baga niya," hindi ako nakaimik hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis sa harap ko. Patuloy pa rin akong umiiyak hanggang sa magsawa ang mata ko. Pagkatapos ay inayos kong muli ang aking sarili bago ako tuluyang humakbang.

Nilakasan ko ang loob ko patungo sa kaniyang kwarto, pilit kong pinipigilan ang aking luha.

"Rai," tawag ko dito at kumaway ako sa salamin nang makita ko siya kaharap ang katulad niyang may sakit.

"Ibang klase ka talaga," nakangiting dugtong ko.

Pinilit kong pahangain ang aking boses kahit ang totoo ay gusto ko nang umiyak sa harap niya.

"Kamusta ang result ng test?"

Napabagsak ang balikat ko dahil sa tanong niya. Hindi siya muling nagsalita, napayuko ako at ayaw kong makita niya na napanghihinaan ako ng loob.

Agad akong napaangat ng tingin at lihim na napabuntong hininga. Alam kong pinipilit niya lang palakasin ang kaniyang loob kaya iyon din ang gagawin ko sa kaniya.

"Pero gagawin naman namin ang lahat para gumaling ka, para gumaling kayo," hindi ko na mapigilan ang lungkot ng boses ko.

Tangina! Kung may kakayahan lang akong tanggalin ang bigat ng kanilang loob ay ginawa ko na iyon sa kanila. Napatayo ako ng tuwid at tumitig sa kaniya.

"Ang dami kayang bilib sayo, strong ka di ba? Alam kong kaya mong gumaling." pagpapalakas loob ko.

"Pwede ba akong humingi ng pabor ulit sayo?"

"Pwede bang makausap ko ang pamilya ko? Kahit sa malayo, gusto ko lang makita ang mukha nila bago pa mahuli ang lahat," napaluha na ako nang makita ko siyang umiiyak. Lumunok ako ng laway para tanggalin ang nakabara sa aking lalamunan.

"Kung magsalita ka akala mo hindi ka na gagaling," lumuluhang sambit ko.

"Parang sinabi mo na hindi kita kayang pagalingin katulad ng pangako ko noong mga bata pa tayo," humihikbi kong dugtong.

"Alam ko naman na magaling kang doctor, kaya kapag may nangyari sa akin wag mong sisihin ang sarili mo. Kasi katawan ko ang sumuko, hindi ikaw," hindi siya makatingin ng diretso sa akin,  pansin kong nahihirapan siyang huminga.

"H-hindi ako makahinga," nahihirapang anas niya hanggang sa napasigaw siya sa sakit na dinadamdam niya.

Agad akong nataranta, tinawag ko ang ibang doctor at agad naman silang nagsilapitan.

"Tangina, Rai!  Huwag kang bibitaw, please. Patunayan mong hindi ka nang-iiwan. Please parang awa mo na. Kumapit ka lang, kaya mo to please Rai, please!" Hindi ko na nakayanan ang aking emosyon na makita ko siyang nahihirapan. Ang hirap, naramdaman ko ulit ang sakit nang nawala si nanay Linda noon. Patuloy pa rin ako sa paggamot sa kaniya para lang bumalik sa normal ang kaniyang hininga. Inayos ko ang kanyang oxygen para bigyan siya ng hangin habang ang iba ay abalang gamutin siya.

"Lumalala ang kondisyon niya dahil sa balang nasa baga nito, mabilis ring humihina ang katawan niya," rinig kong wika ni Doctora na halos katabi ko lang.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng bumalik sa normal ang kaniyang paghinga kahit nawalan siya ng malay.

Thank you Lord for the help.

Lumabas kami ng kaniyang kwarto nang makita ko na maayos na ang kaniyang kalagayan. Nakita ko ang matalim na mata ni Dr. Arth na nakatingin sa akin at nilapitan niya ako.

"We need to talk," agad siyang umalis at sinundan ko siya patungong labas ng hospital. Hindi siya mapakali nang makita ako na tila naiinis sa akin.

"Ang sabi ko sayo huwag kang magpapakita ng kahinaan ng loob. Doctor tayo,  sa dami ng doctor na nakasama ko ikaw lang ang madaling umiiyak habang gumagamot," inis na sermon niya.

"Palibhasa hindi mo alam ang nararamdaman ko," naiinis ko ring wika.

"Baka nakakalimutan mong doctor ako at nagtapos ako sa kursong Psychology bago ako napunta sa kinatatayuan ko!" Sigaw niya.

"Wala akong pakialam kung anong narating mo bilang doctor!" balik kong sigaw.

"Tangina, yung iniyakan kong matanda. Hindi lang siya basta pasyente, may anak siya na naiwan mag-isa na nag-alala sa kaniya. 'Yung iniyakan ko kanina, bestfriend ko lang naman iyon na matagal ko ng hindi nakikita at ang masaklap sa ganito pang sitwasyon. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong maging doctor tapos makikita ko pa siya na ganito. Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan pigilan ang emosyon ko?" Naiiyak kong tanong at hindi siya nakaimik.

"Huwag mo akong sermonan na parang alam mo ang pinagdadaanan ko. Baka nakakalimutan mo na doctor din ako na nasasaktan at nahihirapan pagdating sa taong mahalaga sa akin," umalis na ako sa harapan niya at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Naramdaman kong may nag-vibrate sa cellphone ko galing sa aking bulsa. Nataranta ako nang mabasa ang pangalan ng aking Ina at agad kong pinatuyo ang aking luha.

"Mommy," bungad ko at ngumiti sa kaniya.

"Bakit namumula ang mata mo, may nangyari ba?"

Napayuko ako at pinakalma ang aking sarili.

"Napuwing lang po ako Mi," pagdadahilan ko.

"Nakakapuwing na ba ang pagsuot ng protective eyeglasses?" Dudang tanong niya

"Anak kita, sabihin mo sa akin kung anong nangyari. Alam mo namang handa akong makinig sayo," kaagad nagsilaglagan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi ako at pakiramdam ko mahina akong doctor.

"Natatakot ako Mi, paano kung muli ko na naman silang nabigo? " Umiiyak na tanong ko.

"Anak huwag kang matakot. Hindi mo naman kasalanan ang lahat basta kung ano sa tingin mo ang tama ayos na 'yun. Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang buhay ng tao. Doctor ka, ang trabaho mo lang ay dugtungan ang kanilang buhay na naayon sa kakayahan mo. No matter what happen, I'm so proud of you anak. Don't let the pressure eat you. Magtiwala ka lang sa sarili mo at alam kong kaya mo iyan. Always remember, nagmana ka sa lakas ng loob ng daddy mo. Kung nasaan man siya ngayon ay alam kong proud din siya sayo. We love you as always Anak,"

"Thank you Mi, mahal na mahal ko rin po kayo," pareho kaming napangiti at nawala na parang bula ang bigat na nararamdaman ko kanina. Bumuntong hiniga ulit ako  matapos naming mag-usap sa videocall.

Nagrounds ulit ako at inasikaso ang mga pasyente na naka-asign sa akin. Natapos ako sa aking pag-aasikaso ng bandang alas singko.

Pumunta ako sa cafeteria para bumili ng mineral water nang makaramdam ako ng uhaw, pagkatapos ay dumaan ako sa office para kunin ang aking tablet.

Nakita kong online ang kapatid niya kaya agad ko itong tinawagan.

"Hello Ate Born," nakangiting wika niya habang kumakaway sa akin.

"Nandiyan ba ang mama mo?"

"Nandito po siya, wait lang po puntahan ko lang po siya," tumango ako at biglang gumulo ang video marahil ay tumatakbo ito patungo sa kanyang ina.

"Hello Dearborn napatawag ka? May balita ka ba sa anak ko?" Nakangiti ngunit may bahid na lungkot ang kaniyang mga mata.

Muling bumigat ang aking mga mata.

"Kailangan niyo pong tibayan ang loob niyo," naluluha kong anas.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Positive po ng COVID-19 si Rai," napalaki ang mata niya kasabay ng kaniyang pagluha.

"Nakikiusap po ako na patatagin mo ang loob niya pati rin po kayo, kailangan niya po kayo ngayon. Hanggat maari po sana huwag niyong ipakita na naaawa at nag-alala po kayo sa kaniya. Gusto niya po kasing makausap kayo ngayon,"

Tumango siya at agad pinahid ang kaniyang mga luha. Agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Rai. Halos tingnan na ako ng mga doctor na nakasalubong ko, ngumiti lang ako para ipaalam na ayos lang ako.

Kumatok ako sa kaniyang bintana pagkarating ko. Pinakita ko sa kaniya ang tablet na dala ko, nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha ngunit halatang masaya ang kaniyang mata. Tumalikod ako at dinikit ko lang ang tablet sa salamin para makita niya ang kanyang ina.

"Anak, magpagaling ka lang diyan. Mahal na mahal kita," rinig kong boses ng kaniyang ina.

Humikbi ako at hindi na ako humarap kay Rai, alam kong hindi niya naririnig ang kaniyang ina pero sapat na ito para ipadama sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

Mark 9:23

Jesus said to him, If you can believe, all things are possible to him that believes.