Chereads / Faith mask / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

DEL's POV

Mabilis ang aking pagkilos sa pag-aasikaso ng aking sarili matapos kong babain ang tawag ng head hospital na aking pinagtatrabahuan. Pagbukas ko ng pinto ng aking apartment ay biglang bumungad sa akin ang kapatid kong may nakasabit pang camera sa kanyang leeg.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nakaalis ka na papuntang States?" Takang tanong ko.

Bagot siyang dumiretso sa loob at humarap siya sa akin na nakasimangot.

"Na-hold ang ticket ko, hindi na ako makabalik sa manila ang daming checkpoint kaya dumeretso na lang ako dito," tamad siyang napaupo sa sofa at tinanggal ang kanyang suot na malaking bag mula sa kaniyang likod.

"Sige dito ka na lang muna," kinuha ko ang iilang facemask sa aking bag at lumapit ako sa kaniya

"Huwag kang lalabas ng bahay na walang suot na facemask, bago ka matulog maligo at mag-alcohol ka agad. Panatilihing malinis ang iyong katawan lalo na  iyong kamay bago ka kumain," saglit ako nakaramdam ng inis nang makita kong ginagaya niya lang ang sinasabi ko ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

"Nakikinig ka ba sa akin Rain?" inis kong tanong.

"Oo na ate, lagi mo na lang iyan sinasabi sa akin pareho kayo ni Mommy. I'm a big boy now kaya ko na ang sarili ko, huwag kang mag-aalala sa akin," sabay kuha niya ng facemask sa aking kamay.

"Huwag matigas ang ulo.  Aalis na ako, aasahan kong susundin mo ang bilin ko sayo. Tawagan mo sila Mommy para hindi sila mag-alala sayo. I-lock mo ang pinto at bintana bago ka matulog," tumango siya at ngumiti.

"Opo, Ingat ate,"

"Ingat ka rin. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka,"

Agad akong umalis at dumeretso sa aking motor. Pagkasuot ko ng helmet ay agad kong pinaharurot ang motor. May mga checkpoint na rin sa bawat kanto at kahit na nagmamadali ako ay wala akong nagawa kundi ang sumunod na magpakuha ng temperature sa kanila. Tinanggal ko ang aking helmet at tinutok ang temperature scanner sa noo ko.

"35.6 po ma'am," ani ng sindalo at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya at muli kong sinuot ang helmet.

"Ingat po ma'am." sigaw niya. Kumaway lang ako at hindi ko na siya nagawang lingunin dahil sa nagmamaneho na ako ng motor.

Pagkarating ko sa hospital ay agad akong tumungo sa locker room para magpalit ng uniform at magsanitize matapos kong ipark ang aking motor.

"Mabuti nandito kana Dra. Del. Pinapatawag ka po sa akin ng head of hospital, may meeting daw po kayo," ani nurse Jen nang sinalubong niya ako sa corridor ng hopspital.

"Bakit daw?" Takang tanong ko.

"Hindi ko alam, emergency daw at kailangan mo raw pumuntang conference office kaagad," kibit balikat niyang tugon.

"Ganoon ba, akala ko may ooperahan kami sa ER. Sige pala alis na ako. Salamat sa info," nakangiting paalam ko at agad tinungo ang conference room na tinutukoy niya.

Habol hininga ako nang makarating ako sa labas ng pinto, inayos ko muna ang aking sarili bago ko binuksan. Napalaki ang mata ko ng makitang kumpulan ng mga doctor na kagaya ko ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Mabuti naman at nandito ka na. Be ready, aalis na tayo within a minute. May nagpositive ng covid sa Quezon at kulang sila ng doctor. Kasama ka sa ipapadala doon, kunin mo na ang mga gamit mo bago pa dumating ang helicopter na susundo sa atin," magsasalita pa sana ako nang biglang pinanlakihan niya ako ng mata "Hindi ako tumatanggap ng 'buts, kunin mo na ang gamit mo sa locker at sabay-sabay na tayong pumunta sa rooftop bago pa dumating ang helicopter."

Wala na akong magawa kundi ang sundin ang utos ng aming medical team leader. Agad akong lumabas at tumungo sa locker room. Hindi na ako nag-abalang magbihis, tinanggal ko lang ang white coat ko na pang-doctor at nilagay ko ito sa aking braso.

Tulad ng sinabi ni Dr. Arthuro De Guzman kanina ay sabay kaming naghintay sa rooftop. Lima kaming lahat, tatlong babae at dalawang lalake kasama si Dr. Art na ubod ng sungit na aming team leader. Sa umpisa ay nag-aalangan pa akong sumakay sapagakat nangangamba akong baka hindi kami magkasya at first time kong makasakay ng helicoptet kaya hindi ko maiwasan ang kabahan.

"Bilisan mo na Dr. Del, we have no time. Kailangan na tayo ng mga pasyente sa Quezon," utos ni Dr. Art.

Napalunok ako ng laway at nilakasan ko ang aking loob. Isa ito sa pinaka kinatatakutan ko ang heights bukod sa madilim. Para akong tuod na hindi makagalaw sa tabi Dr. Arth habang ang mga kasama ko ay panay ngiti. Ganito sila sa tuwing ililipat kami sa ibang lugar, dagdag explore at dagdag skills daw iyon sa amin sa tuwing magrerescue kami sa ibang hospital.

Matapos ang mahigit ilang oras mula Zambales patungong Quezon City ay agad kaming bumaba sa rooftop ng hospital na aming bibigyang serbisyo.

"My fellow Doctors, be focus. Hindi natin nakikita ang kalaban natin kaya dapat tayong maging alisto. Panatilihing malinis ang ating katawan at paligid, nasa kamay natin ang kanilang kalusugan kaya dapat tayong lumaban," panimula ni Dr. Arth sa amin bago kami bumaba sa rooftop.

"Yes, Dr. Arth," sabay-sabay naming tugon.

Agad kaming umalis at sabay kaming bumaba ng rooftop. May mga nagaasikasong nurse sa amin, ika nga daw nila na taga dito sila. Masyado silang nahirapan lalo na't dumadami ang may kasong virus dito.

"Kailangan natin maghiwalay ng member. Kayo Dra. Kim at Dr. Roy ay sa Person under monitor." utos niya sa kasamahan kong Doctor.

"Masusunod po Dr. Art." sabay-sabay nilang tugon.

Lumingon siya sa puwesto namin.

"Kayo naman Dra. Del at Dra. Guia, sa person under invistigation kayo. Suriin niyo sila bago pa umabot sa pagiging positive nila sa virus," utos niya sa amin.

"Masusunod po Doc. Art," sambit ni Dra. Guia samantalang ako ay tumango lang.

"Good, makikipag-cooperate muna ako sa mga head doctor dito. Kayo na munang bahala sa in-assign kong trabaho sa inyo,"

Matapos naming tumango ay nagkanya-kanya na kaming kilos sa loob ng aming pansamatalang office. Sinuot ko ang aking coat pati ang hopital gloves, kinuha ko ang aking checkboard at ballpen bago ako tuluyang lumabas ng office.

"Ako na lang sa kaliwang part Dra. Del tapos ikaw naman sa kanan," nakangiting suhestiyon ni Dra. Guia sa tabi ko.

"Sure no problem," mabilis kong tugon bago ko tuluyang sinuot ang aking facemask.

Tinungo ko ang kanang parte na may nakahelerang pasyente sa bawat higaan. Hindi ko muna sila kinakausap sa ngayon at mas pinili ko muna silang obserbahan.

Nakarinig ako na may umuubo malapit sa tabi ko kaya agad ko siyang nilapitan. Isang babaeng halos may edad na at payat ang kaniyang pangangatawan.

"Ayos lang po ba kayo Nanay?" nag-aalalang tanong ko.

"Medyo makati ang aking lalamunan kaya ako inuubo," nanghihina niyang tugon at muling napaubo.

Agad kong sinulat sa aking checkboard at tiningnan ko ang kanyang bed na may number six.

"Ilang araw na po ba kayo inuubo?" dagdag kong tanong.

"Dalawang araw pa lang po Doc." agad niyang tugon.

Tumango ako at muli ko siyang inalalayan na humiga.

"Sige po, magpalakas po kayo nanay para gumaling po kayo agad. Balikan ko na lang po ulit kayo matapos ko pong suriin ang iba pang mga pasyente," dinukot ko ang tatlong candy sa aking bulsa at binigay ko sa kaniya

"Kainin niyo po ito para maibsan ang kati sa inyong lalamunan,"

"Salamat Doctora," nakangiting sambit niya.

"Walang anuman po nanay,"

Agad akong nagpaalam sa kaniya at sinimulan ko ulit kausapin ang mga pasyenteng may sintomas. May ibang nakikipagbiruan at may ibang nagrereklamo sa akin dahil ayaw daw sila pauwian sa kanilang bahay.

"Isipin niyo na lang po na mas makakabuti ito sa inyo para hindi mahawaan ang inyong pamilya. Napakaimportante ang kalusugan natin, ito lang ang ating paraan para hindi na tayo makahawa pa ng iba," pagpapaintindi ko sa mga panay ang reklamo at tanong nila sa akin.

Umalis ako sa harap nila matapos nilang tumango sa akin. Palihim akong napabuntong hininga, hindi ako maaaring maawa at panghinaan ng loob sa kanila dahil ito ang aking trabaho. Ang palakasin ang kanilang loob upang tuluyan silang dumating.

Sa paglalakad ko ay napalingon ako sa taong kanina pa nakatingin sa kinatatayuan ko suot ang kaniyang sundalong uniporme. pamilyar siya akin kahit hindi ko makita ang buong mukha nito.

Agad akong lumapit dito.

"Rai-Rai? Bakit ka nandito? Kamusta ka na, don't tell me¡ª" nalungkot ako nang makita ko siyang alanganing tumango.

"Ikaw talaga Rai-Rai pa rin tawag mo sa akin? Hindi na tayo mga bata," hindi ko man makita ang kaniyang mukha pero kita ko sa kanyang mga mata na naiinis siya.

"Why not? Pangalan mo kaya yan," natatawa kong tugon at hindi na siya umimik.

"Kailan ka pa dito?" malungkot na tanong ko.

"Kanina lang, lintik na pamangkin ng governor, dinuraan ako sa mukha," inis na tugon niya.

"Eeww.." pag-iinarte ko at agad akong natawa nang makita ko ang paglaki ng kanyang mga mata sa inis.

"Biro lang, naong pakiramdam mo ngayon?"

"Sa ngayon wala pa naman at sana tuloy-tuloy na,"

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Kung ganoon bakit ka nandito kung wala kang nararamdaman?" takang tanong ko.

"Positive kasi ng covid-19 ang dumura sa akin kaya ako nandito," napalaki ang mata ko sa sinabi niya at nakaramadam ako ng takot para sa kanya.

"Patatagin mo lang loob mo, huwag mong isipin ang virus dahil mas lamang ka kesa sa anomang sakit na yan," pagpapalakas ng loob ko sa kaniya.

"Parang alam mo naman ang pinagdadaanan ko. Kailangan ako ng mga kapwa ko sundalo sa labas, ayaw ko naman na dito lang ako pumirme habang ang iba ay ginagawa ang tungkulin nila," may bahid na pagtutol sa kanyang boses matapos ko siyang bigyan ng payo.

"Marahil ay hindi ko alam ang pinagdadaanan mo. Rai, hindi natin nakikita ang kalaban natin, tulad mo nangangamba din kami sa maaaring mangyari sa mga taong pinaglilingkuran natin. Just pray, 'yun lang ang kaya mong gawin sa ngayon. Magpalakas ka pagkatapos ay maaari ka na ulit makabalik sa serbisyo mo," hindi siya nakaimik at tumanaw muli siya sa labas ng bintana. Nilapitan ako ng nurse at lumingon ako sa kaniya.

"Dra. Del, pinapapunta ka po nila Dr. Arth sa Doctor's office," ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Sige, susunod na ako. Salamat nurse.." agad kong binasa ang kanyang nameplate "nurse Julie."

"Walang anoman po Doc." ngumiti siya at agad na umalis sa harap ko.

Lumingon ako kay Rai na hanggang ngayon ay malungkot pa rin ang kanyang mga mata.

"Balikan na lang kita dito mamaya, pasensya ka na sa sinabi ko," tumango lang siya at agad akong umalis sa kaniyang puwesto.

Hindi ko akalain na dito ko pa siya makikita sa hospital at nakakalungkot na isa siya sa maaring mahawa ng virus na ito.