Chereads / Faith mask / Chapter 1 - Chapter 1

Faith mask

Cactushoney
  • 10
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 45.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Collaboration with Ermz

******************

Railyn's POV

"Temperature check lang madam," saad ko ng huminto ang sasakyan nito sa harapan namin, si Valdez ang nagcheck ng ID nito maging ang travel pass.

"35.9," sabay pakita ko sa kaniya ng thermal scanner. Umirap lang ito at isinara ang bintana ng sasakyan niya.

"Stay safe, madam!" Sigaw ko dito at kumaway pa.

"Sanayan na lang talaga, kumain ka na ba Santiago?" Agad akong napatingin kay Sebastian.

"Hindi pa, maya-maya na siguro," sagot ko dito at muling humarap sa lalaking nakamotor.

"35.7" saad ko dito.

"Salamat boss," balik nito at umalis.

Napahilot pa ako sa batok ko dahil sa ngalay. Maging ang katawan ko ay pagod na pero kailangan itong gawin para sa kaligtasan ng bansa. Marami ang galit sa amin dahil sa paghihigpit na ito ang hindi nila alam ay para rin ito sa kaligtasan ng lahat. Para sa mga pamilya na uuwian natin at sa mga mahal sa buhay na naghihintay sa ating pagbabalik.

Naniniwala ako na matatapos rin ang crisis na ito, pero sa ngayon kailangan talaga ng maiging paghihigpit sa mga papasok at lalabas ng lugar na ito.

"37.5, pwedeng itabi niyo muna ang sasakyan?" Tanong ko sa isang lalaki.

"Ngayon pa talaga? Ang tagal kong naipit sa traffic na yan tapos papababain mo lang ako?!" Galit na sigaw nito.

"Sorry sir, sumusunod lang. Hindi namin kayo pwedeng palagpasin dito, para hindi na rin tumagal pa lalo sumunod na kayo," sagot ko naman. Tinitigan ako nito ng sobrang sama at ipinatong pa ang siko sa bintana ng kaniyang sasakyan.

"Hindi mo ba ako kilala?" Maangas na tanong nito, napangisi pa ako sa sinabi niya.

"Pamangkin ako ng governor kaya 'wag kang epal, okay?" Napatingin pa ako kay Valdez at tinanguhan ko ito bilang simbolo na kaya ko na ito. Inangasan ko rin ng tingin ang lalaking ito, wag niyang maliitin na babae lang ako.

"Bakit ser, hindi ba dinadapuan ng virus ang kamag-anak ng mga opisyal? Bakit sinabi ba sayo ng Covid-19 na 'ay kamag-anak to ni governor hindi ako lalapit dito'. Nakakausap mo ba siya ser? Baka naman pwede mo na palayasin," mapang-asar akong tumingin dito. Kung makikita lang niya ang ngisi sa labi ko baka maging doble pa ang galit nito. Rinig ko rin ang pagtawa ng mga kasama ko matapos ko itong sabihin.

"Pilosopo ka rin, eh no? Bakit ba hindi niyo na lang ako padaanin?" Napaatras pa ako ng bigla niyang buksan ang pinto ng kotse at lumabas, hinawakan niya pa ako sa kwelyo.

"Baka lalong tumaas temperature niyo ser," mariin pa itong napapikit at itinulak ako na agad namang nasalo ni Sebastian.

"Valdez, samahan mo na muna si ser sa medical team, 37.5 ang body temperature ng pamangkin ng Governor," madiin kong bigkas sa dulo. Inayos ko pa ang uniform ko at hinawi ito para sa susunod na sasakyan.

Ibang klase talaga ang ibang andito. Ang hihirap pakiusapan, hindi lang naman ito para sa amin. Ginagawa namin ito para sa lahat ng pamilyang maaring maapektuhan ng kumakalat na virus.

"Hindi ka pa ba pagod?" Tanong ni Sebastian.

"Sa panahong ito hindi tayo pwedeng mapagod," sagot ko dito. Sa ganitong sitwasyon walang salitang pagod, walang salitang ayaw na. Para sa lahat, para sa bansang ito at sa mga mamamayan.

"Kumain ka na muna, ako na dito," agad akong napatingin kay sir Flores ng kuhanin niya sa akin ang thermal gun.

"Mamaya na,"

"Sige na, alam ko gusto mo na rin makausap ang pamilya mo," kahit hindi ko makita ang bibig nito ay alam kong nakangiti siya. Nakatakip man ng facemask nakita ko naman sa mga mata nito. Tumango ako at umalis na doon, sinilip ko pa ang lalaki na pamangkin daw ni Gov. Nakaupo pa rin siya doon at halata sa mukha ang pagkainis.

Matapos ko maghugas ng kamay at magdisinfect ay nagtungo na ako sa iba pa naming kasama na kumakain.

"Haaayyy! Sarap.." Singhap ko ng mailapat ko na rin ang likuran ko sa upuan. Mariin pa akong napapikit dahil sa sarap ng pakiramdam, saglit pa ay kumawala ako ng malim na paghinga bago ko kinaha ang cellphone ko.

"Kain ka na," sabay lapag ng styro na may lamang pagkain, ngumiti ako at nagpasalamat. Matapos kong itapon ang facemask ay agad akong nag-alcohol.

Pag-open ko ng facebook ay agad akong tumawag sa bahay. Higit tatlong linggo na kami dito sa Quezon para magbantay. Minsan sa gabi kami gumagala para humuli ng mga pasaway at matitiigas na ulong lumalabas ng bahay.

"Hello, ateee~" kaway ng mga kapatid ko sa camera, sa ngayon dito muna kami mag-uusap. Hindi pa ako basta makabalik sa bahay dahil mas gusto kong tumulong sa bansa. Alam ko na sa awa ng Diyos matatapos din ang problema ng mundo.

"Kamusta kayo dyan? Oy! 'wag kayong pasaway ha? Wala ng lalabas," sita ko sa kanila matapos sumubo ng pagkain.

"Ngayon ka pa lang kakain ng tanghalian mo? Anong oras na," sita ni mama. Muntik pa akong mabulunan, namiss ko na sa bahay. Dati bawal na bawal sa amin hindi kumain sa oras, buong bahay hanggang kapitbahay rinig na ang sermon ni mama na hindi matatapos hanggang gabihan.

"Hindi porket sundalo ka malakas ka na, ingtan mo rin sarili mo lalo na sa ganiyan, makakasalamuha ka ng iba't ibang tao. Hindi mo pa alam kung may sakit ba sila," dagdag pa nito. Kahit maingay ang mga tumatahol na aso sa kabilang linya ay rinig ko ng malinaw ang sermon sa akin.

"Kaya ko na po ang sarili ko ma, kayo ang mag-ingat dyan. May mga stock naman kayo dyan iwasan na lumabas, hirap na magkasakit," saad ko pa. Muli akong umayos ng upo at uminom ng tubig.

"Basta palagi ka mag-iingat, magdasal ka rin palagi..." Dahan-dahan kong ibinaba ang baso, narinig ko rin ang ngarag na boses ni mama na naiiyak. Huminga ako ng malalim para pigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko.

Matapang ako, dapat maging matapang ako. Hindi ito ang panahon para maging mahina, walang panahon sa kahinaan.

"Sige ma, usap na lang po ulit tayo bukas," sabay kaway ko sa camera. Gusto ko man sila makausap ng matagal pero kailangan ko ng bumalik sa trabaho.

"Ingat kayo palagi, 'wag na palabasin yan si Jonathan, sipain ko iyan pag-uwi ko. Gala ng gala," pabiro ko para lang alisin ang drama sa usapan.

"Hala, si ate kamo. Hindi naman ako lumalabas, eh," sabay kamot nito sa ulo.

"Sige na, babalik na ako sa trabaho. Love you all, muah.." muli akong kumaway sa kanila at saka pinatay ang tawag.

Sa pagkakataon na ibaba ko ang cellphone nakaramdam ako ng lungkot, nakaramdam ako ng pag-iisa. Pero trabaho ko ito, dapat handa ako sa ganito. Malapit ako sa pamilya ko, noon ayaw nilang magsundalo ako pero dahil matigas ang ulo ko sinuway ko sila.

"LUMAYO KAYO!!" Mabilis akong napatayo ng marinig ko ang sigaw na iyon.

"Anong nangyayari?" Aligaga kong tanong. Katatapos ko lang kumain kaya hindi ako agad nakapaglagay ng facemask, agad akong nagtungo sa kaguluhan.

"Sir, kumalma kayo," mahinahong pakiusap ng nurse. Tumingin ako sa lalaking pinapakiusapan niya, andito pa pala itong pamangkin ni Gov?

"KUNG KANINA NIYO PA SANA AKO PINAALIS!" Sigaw nitong muli.

"Lahat kayo! Malalagot kayo sa tito ko, sinabi ko ng pamangkin ako ng governor!" Napahawak pa ako sa sintindo ng muli niya itong sabihin.

"Ser, bakit ba hindi kayo makaintindi? Kaligtasan ng lahat ang nakasalalay dito, walang pinipili ang virus kahit kung sinong ponciopilato ka! Kahit pa ikaw ang pinakamayaman sa mundo, kapag tatamaan ka ng virus tatamaan ka!" Inis na sigaw ko dito. Bakit ba ang simple na lang hirap pa siyang iintindihin? Siguro naman sa magandang paaralan ito nag-aaral, bakit ang liit ng utak niya para sa simpleng paliwanag?

"Ikaw pabida ka rin eh no? Ano ba mapapala mo pagtapos nito? Tataas ba ranggo mo? Sipsip ka rin, eh!" Inis na sagot nito habang diniduro ako na akala mo ay buong pagkatao ko minamaliit niya.

"Hindi lang po ito para sa amin, para sa at-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong duraan nito sa mukha, napapikit pa ako ng tumalsik ito malapit sa mata ko.

"Sin-aaahh.. Bitawan niyo ako!!" Rinig kong pagwawala nito. Hindi ko nakita ang nangyari dahil nakapikit pa rin ako, napunasan ko lang ang dura niya ng abutan ako ng tissue. Nang makadilat ako nakita ko na siya sa loob ng sasakyan, nakaposas ito habang may suot na facemask. Kita ko pa ang pagwawala nito.

"Grabeng bastos naman," naiiling kong saad.

"Sige, babalik na ako sa trabaho," paalis na sana ako ng bigla akong harangin.

"Hindi ka na muna pwedeng bumalik sa trabaho," napakunot ang noo kong tumingin kay sir Flores.

"B-bakit po?" Utal kong tanong.

"Positive ng Covid-19 ang lalaking iyon," mabilis tumigil ang mundo ko ng sandaling marinig ang mga salitang iyon. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko. Nanginginig maging ang kalamnan ko, pinagpapawisan ako ng malamig at mabilis ang kabog ng dibdib.

"Sinubukan niyang tumakas sa hospital noong nalaman niyang positive siya, naharang mo siya kaya galit na galit ito," paliwanag ng nurse.

"P-pero paano nangyayari nagkaroon siya ng travel pass?" Lito kong tanong, paano siya magkakaroon ng travel pass kung una pa lang alam ng positive siya?

"Over use of power, sabi nga niya. Pamangkin siya ng governor," laglag balikat akong napatingin dito. Mabilis nabawi nito ang lakas ko, mabilis akong pinaghinaan ng loob.

Pamilya ko ang unang pumasok sa utak ko ng mga sandaling ito. Pangarap ng mga kapatid ko, mag-isa akong bumubuhay sa pamilya. Ako ang nagpapaaral sa kanila, paano na lang kapag namatay ako? Paano ang pamilya ko?

"Kailangan mong dalhin sa hospital ngayon, person under investigation ka na dahil sa pagtalsik ng laway nito derekta sa balat mo," wala akong ibang maintindihan. Wala akong ibang maisip. Parang naging bato ako sa kinatatayuan ko ngayon, ayoko ng gumalaw pa.

Sa sobrang blanko at lutang na nararamdaman ko ngayon hindi ko na alam ang iba pa nilang sinasabi, pinasuot lang nila sa akin ang mask at pinasakay ng sasakyan. Tulala ako sa kawalan at walang ibang laman ang isipan kung hindi ang pamilya ko. Gusto kong umiyak pero ang mga luha ko na mismo ang ayaw bumagsak.

Habang paalis kami nakita ko ang pagdisinfect nila sa paligid. Nakatingin pa sa akin ang iba naming mga kasamahan.

Malakas ang loob ko kaya pilit kong pinatatag ang damdamin ko. Gusto kong bumigay pero hindi pwede, sundalo ako. Dapat malakas at buo ang loob ko.

Isa itong klase ng digmaan na kung saan hindi karahasan ang magiging sagot sa kapayapaan.

Isang klase ng gera kung saan lahat ay mga mandirigma.

Isang klase ng gera kung saan hindi nakikita ang kalaban.

Isang gera kung saan lahat ay maaring masawi.

"Under investigation ka lang, any medical history?" Tanong isang doctor na na kausap namin.

I cleared my throat.

"M-meroon po," huminto ito sa pagsusulat at hinarap ako.

"Noong nag-aaral ako ng elementary nagkaroon ng kaguluhan, tinamaan ako ng bala at tumama ito sa baga ko pero hindi na ito inoperahan. Kaya simula noon kailangan kong palakasin ang baga ko," mahina kong saad. Nakita ko pa ang pag-iling nito.

"Habang hinihintay ang result dito ka muna mananatili. Matatatagalan ito, bawal kang lumabas at makipaghalubilo sa iba maging sa pamilya mo," saad nito. Patuloy akong nakatingin sa malayo habang nanlulumo ang pakiramdam.

"Doc, mamamatay na ba ako?" Deretsyong tanong ko dito mula sa nanlulumo kong boses.

"Kung maagapan natin ito ng mas maaga, hindi. Basta makinig ka lang at wag magpapasaway," matapos niya itong sabihin ay napagulo na lang ako sa buhok ko.

May mga sinabi pa si Doc bago niya ako samahan papasok sa isang kwarto, hiwalay daw ang kwarto ng mga positive at PUI pa lang.

Naglalakad kami habang inililibot ko ang paningin sa paligid, ang puting kisame maging ang mga puting pader at sahig. Ang amoy ng hospital. Kung sakaling magtatagal ako dito, sa araw-araw ito ang makikita at maamoy ko.

Paano na lang ang mga katrabaho ko? Paano na lang ang pangako ko sa pamilya ko na kahit anong mangyari uuwi ako ng ligtas at patuloy akong tutulong sa bayan ko.

Paano na ang mga naging pangako ko? Sino na lang ang tutulong sa kanila? Hindi ko alam kung makikita ko pa ba ang labas o hindi na, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko.

Sa paglalakad ko may isang tao ang umagaw ng attention ko. Bumagal ako sa paglalakad upang mas tanawin ang taong ito.

Abala siya sa pakikipag-usap sa mga pasyente. Mabilis akong napangiti, it's been a long time since the last time na nag-usap kami.

"Del," bulong ko sa sarili at tuluyan akong napahinto sa paglalakad. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa mga taong naroon, hanggang sa napatingin siya sa gawi kung saan ako nakatayo.

Napatigil pa ito ng ilang saglit at tila minumukhaan ako. Maya-maya ay nakita ko ang pagsingkit ng mga mata nito, hindi ko man makita ang ngiti sa labi nito ramdam ko.

After a years, ito na pala kami. Natupad na ang mga matagal na naming pangarap.

Ang paglingkuran ang bansa at ang bayan.