Chereads / Together with Him / Chapter 27 - TWH: Chap 25

Chapter 27 - TWH: Chap 25

Tuwa sa kanyang mukha

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko sa side table. Alas otso na ng umaga. Tila mas lalo akong nagising ng maalalang nasa kwarto nga pala ako ni Markeus at tulog pa rin siya sa tabi ko habang nakayakap sa akin. Gusto ko pa muna siyang titigan pero kailangan kong sagutin ang tawag. I checked the screen and it's Max.

"Hello?" medyo paos pa ang boses ko dahil kagigising ko lang.

"Ano 'yan? Kagigising mo pa lang? Aba naman ang sarap ng buhay!" biglang umungol si Markeus sa tabi ko dahil naiingayan ata sa lakas ng boses ni Max. Umupo ako sa kama pero ang braso ni Markeus ay nasa bewang ko pa rin. Tatanggalin ko na sana pero pinahiga niyang muli ako at sinubsob pa sa leeg ko ang mukha niya. I sighed.

"Sino 'yon, Fionna?! Pucha, nasa motel ka ba?!" napangiwi ako sa sigaw at sinabi niya. Narinig kong tunawa ng mahina si Markeus sa tabi ko.

Nilayo ko muna sa amin ang phone at tinapik 'tong katabi ko.

"Markeus gumising ka nga. Anong oras na oh. Over time na 'yang braso mo sa bewang ko," napa-igik ako ng halikan niya ang leeg ko. Hinampas ko siya sa braso at umupo ako sa kama.

"Tigilan mo 'yan kalandian mo, Markeus ha. Ang aga-aga," panenermon ko sa kanya. He pouted and sat on the bed too. His hair was ruffled but damn, he looks hot and handsome in the morning. How could he do that? That's a bit unfair on my side!

"Oy buhay ka pa ba diyan, Fionna?! Magaling bang shooter 'yang naka-sex mo?" napairap ako sa tanong niya. Mukha siyang tuwang-tuwa sa tinatanong niya. Napa-iling si Markeus at tumawang muli.

"Stop it, Max. Hindi ako buntis, hindi ako nakipag-anuhan at isa pa wala ako sa motel 'no. Ibinaba ko sa sahig ang paa ko, nakatalikod kay Markeus.

"Eh talaga? Sayang naman. Gusto ko pa namang magkaroon na ng inaanak," she laughed on the other line.

I fakely laughed. "You're funny, Max. Bakit ka ba napatawag?"

She sighed. I shut my eyes when I felt Markeus' arm was snaking around my waist again. He's being too clingy! Bakit ba siya ganito, eh hindi naman kami mag-jewa? Ano 'yan harot-harutan lang tapos bukas-bukas iiwan din?

He put his chin on my shoulder.

"Eh kasi 'yung ex mo si Jerico ang kulit," my brows furrowed at that. What's with Jerico? I'm sure Markeus have heard it too so he shifted his weight beside me and looked at the phone.

"What's with him?" I asked.

"He wants to meet you raw kasi-"

"She's not going, pakisabi sa ex niya," nagulat ako ng magsalita sa likod ko si Markeus. Mukhang nagulat din si Max dahil sa biglaang pag-sagot nitong lalaking 'to.

Jusko, magiging armalite na naman ang bibig nitong si Max lalo na't narinig niya 'yung boses ni Markeus!

"Wait a minute, ghurl," sinapo ko ang noo ko. Tatanungin na nito kung s Markeus talaga ang narinig niya.

Pero halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa hindi ko inaasahang tanong niya!

"May proteksiyon ba kayo, ghurl?! Hayop ka ghurl, si Markeus 'yan ghurl dapat hindi ka na nagpo-proteksiyon!!" sabay tili niya sa kabilang linya. Hindi na nakayanan ni Markeus na hindi tumawa ng malakas.

Ako naman ay parang nahihiya sa pinagsasabi ni Max.

"'Yun lang ba sasabihin mo? Send mo na lang sa'kin kung saan at anong oras kami magkikita. Pupunta ako, pakisabi," at pinatay ko na ang tawag. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag-hilamos. Sumunod naman sa akin si Markeus. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Tinitingnan niya lang ako sa salamin. Nang matapos akong mag-hilamos ay naalala kong hindi ko nga pala 'to kwarto kaya wala akong sariling towel. Liningon ko siya at nagtanong.

"May ibang towel ka pa ba dito?" he looked at my back.

"Just use my towel," I nodded and wipe my face to remove the water dripping on my face down to my neck. Nang matapos ay lumabas na ako ng bathroom at lalabas na sana ng magsalita siya.

"Where are you going?" I turned to him.

"I'm gonna brush my teeth on my room," he pointed the bathroom.

"I have new toothbrush there. Obviously it's not still use so just brush your teeth here," I nodded and walked back through the bathroom again. I leaned on the sink to find a toothbrush.

"Where?" I startled when I felt his hand on my waist then pointed the toothbrush just above the sink. I quickly stood up straight.

"I'm sorry, I didn't see it," he just nodded and walked out. I sighed and placed both of my hands on the sink as I  stared at myself on the mirror. Kalma, Fionna.

'Wag kang kiligin, wala naman kayong label.

"Are your things all in there?" tanong niya kay Rebecca na nasa labas na ng pintuan ng condo. Hindi siya naging mabait sa akin pero nakakaawa naman siya.

"Yes," maikling tugon niya. Nakayuko pa rin siya hanggang ngayon. Hawak niya ang isang maleta niya at bag sa likuran niya. Bumunot si Markeus ng pitaka galing sa bulsa niya at binuklat iyon. Nalaglag ang panga ko ng makita ang makapal na purong isang libo sa loob nito.

"Here, pang-cab mo," inabot niya kay Rebecca ang limang libo. Ha? Five thousand, pang-taxi lang niya? Nagpapatawa ba itong lalaking ito? Naglabas muli si Markeus ng limang libo. Pakiramdam ko mahihilo ako sa nilalabas niyang pera ngayon.

"And for your food and other expenses," tinanggap nama iyon ni Rebecca at nagpasalamat.

"You're welcome. 'Wag ka ng babalik dito," mapait at malungkot na ngumiti si Rebecca sa amin.

"Ihahatid na kita, Rebecca," anang ko at susunod na sana sa kanya ng pigilan ako ni Markeus.

"Let her be. She can do it by herself. She's not a kid anymore," I nodded and looked at Rebecca as she walked inside the elevator when it opened.

"Let's go inside, I'm hungry," umirap ako sa kanya. The side of his lips rose, amused.

"Diba sabi mo hindi ako pwede kumain ng ng mga pagkain na sa pera mo galing? Bakit kita ipagluluto?" mataray kong tanong. He chuckled and pinched my nose. Hinampas ko ang kamay niya.

"Hindi ko naman sinabing kakain ka rin," I gritted my teeth and just walked inside the unit. Bahala siya diyan, kakain ako sa labas!

I was just wearing my bra on the top as I was thinking what should I wear this breakfast outside. I'm in front of the full-lenght mirror and placing the crop tops in front of me if it does look good on me whenever I wear it.

"The white looks good on you baby," I jumped out of shocked when I heard him on the side. I quickly cover my chest with a crop top! My cheeks burned. Damn it! Kailan pa siya nandito?! Nangma-manyak ba siya?!

He chuckled. "Calm down, baby. Naka-bra ka naman hindi nakahubad," then he sat down on my bed still staring at me. I ran inside the bathroom, getting all of my clothes and calmed myself as I was leaning on the door. I locked it. Mamaya pumasok pa siya rito.

Umiling na lang ako at sinuot ang sinabi niyang white spaghetti crop top. I was just wearing a maong short too paired with a sneakers. The spagetti crop top is underneath my black blazer and it looks good with it! I tied my hair into a messy bun. I put a lip tint on my lips and a cheek tint on my cheeks obviously.

"Damn baby, you look good with that outfit," komento ni Markeus. Umikot ang mga mata ko.

"Stop calling me baby. It's making me uneasy," his brow shot up. He leaned both of his hands on the bed and still staring at me.

"Why? Do you want me to call you love than baby? It sounds cute though," I heavily sighed and just shrugged at him.

"Whatever," at lumabas na ako sa kwarto ko. He was wearing a button-down shirt and a faded jeans. He paired it with a designer shoes. His hair was a bit dishielved but it doesn't decrease how good looking Markeus was.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Kakain?" tumaas ang kilay ko.

"You can just eat here, Markeus. You're just wasting your damn energy."

"So? I want to eat you," he then shrugged. Kumunot ang noo ko.

"What?!"

"Ayoko ng umuulit," at nauna na siyang lumabas sa pintuan. I frustratedly sighed and just followed him inside the elevator. He's a jerk you know?

"Where are we eating?" I asked as he was driving and his eyes focused on the road. He quickly glanced at me and the road again.

"Starbucks," I nodded.

"Are we nearing it already?" I asked him.

"We just started to drove off a few minutes ago baby. Medyo matagal pa tayo," he seriously replied. Hindi ko na siya sinagot at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Kinausap ko ang sarili ko sa isip ko.

Bawal mahulog sa taong wala kang kasiguraduhan, Fionna. Pilitin mong huwag lalong mahulog sa kanya. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli lalo na't alam mong hindi ka rin naman magtatagal sa tabi niya. I gripped on my seatbelt and my lip.

Ayoko ring mas lalo pang mahulog sa akin si Markeus dahil siya ang mas dehado dito kung sakali. Ayaw ko siyang masaktan. Para na rin akong pinatay kung makita ko siyang nasasaktan sa pag-alis ko paalis ng bansa.

Pero ang tanong, masasaktan nga ba siya sa pag-alis ko?

I shut my eyes. Hindi natin alam na baka okay lang sa kanya na wala ako. Syempre makakapag-bar ulit siya kagaya ng dati noong hindi niya pa ako nakikilala. Makakasalamuha ulit siya ng mga babaeng nakaka-pares niya sa kama. Hindi katulad ng nandito ako ngayon para na siyang nakakulong sa kulungan.

"What are you thinking baby? Is there something bothering you?" umiling ako sa kanya at ngumiti na lamang. Pinakatitigan niya pa ako ng sandali bago siya tumangong muli at mag-seryoso ulit sa pagma-maneho.

Nagulat ako ng gumapang ang kanyang kamay sa kamay ko. Ipinatong niya iyon sa malapit sa level na nasa gitna namin. He then smiled at me and kissed the back of my hand.

Parang natunaw ang ang puso ko sa ginawa niya at sa tuwang nakikita ko sa mukha niya. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana ganito na lang siya kasaya bawat oras at araw ang lilipas.