Chereads / Wild Tigress / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

I tried to call my luck but I guess, luck isn't on my side.

Isa lang ang nasagutan ko sa quiz namin na iyon. Napanguso na lang ako dahil hindi masasagot ni Sir ang tanong ko.

There are other quizzes coming. I'm going to do my best to nailed it. Iyon ang naging motivation ko.

Kinabukasan, I tried to act normal the moment Sir went inside our room. The fact is, I can hear my heart beating so wild.

Crush ko ata si Sir? Pero, crush lang naman. Sure, marami kaming humahanga sa kanya.

Nakatitig lang ako sa kanya sa buong discussions niya. I tried to listened but my mind would be occupied to as how good-looking he really is.

"May new crush na ako." I bit my lip while confessing at Andy. Nasa red bench kaming dalawa.

"Wow! Hindi na si Liam? Hoy! Wag mong sabihing ako -" I cut him off. Assuming din to!

"Si Sir Lacson." Pansamantalang kumunot ang noo niya.

"Dami naman talagang nagkakagusto dun eh! Isipin mo sa sa college of arts and sciences lang yun nagtuturo pero hanggang dito sa department namin, kalat siya!" Maangas niyang paliwanag sa akin.

I bitterly crossed my arms. "Well, at least I'm his student." Pagmamayabang ko.

"Exactly! You're his student and his your prof! Hindi kayo pwede!" Pinandilatan niya ako.

Sinapak ko naman ito. "Wala naman akong balak!" I said in defense.

He eyed me with questions in his eyes. Iniwasan ko ang tingin niyang iyon. Ako man ay hindi ko alam ang balak ko.

I've read some articles on facebook about the relationship of a prof and student.

"Maghanap ka na lang ng bagong crush! Kilala pa naman kita!" Ginulo niya ang buhok ko. "Una nako, Donna! May pasok na kami!"

I nodded at him. Maghanap ng new crush? The idea of having a new crush is tiring.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. I patiently wait for Liam to passed by the red bench.

I saw him walking alone. Buti na lang at hindi niya kasama ang asungot na transferee na iyon.

"Liam." I tried to call his attention.

He stopped and looked at me. "Do you have time?"

Kumunot ang kanyang noo. I tried to smile but nervousness is creeping into my system.

I should be nervous! I lied to him!

"Marami kasi akong kailangang gawin..." He trailed off and slightly brushed his hair. "Ano ba iyon?" He moved near the red bench and sat there.

Tiningala niya ako. He's probably waiting for what's the tea that I'm going to spill.

"About your admirer, I'm sorry for lying. I just want to end this lie. That's not me. It's...Charm. I'm sorry."

Hindi ko alam pero matapos kong sabihin iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Charm?" His forehead creased more. "I thought it's Jerard?"

Ngayon ay ako naman ang kunot-noong tumingin sa kanya. Tinutulungan nga pala ni Jerard si Charm.

"Uh...I caught Jerard helping Charm." I shrugged my shoulders.

Matagal bago sumagot si Liam. It looks like he thinks about something and sighed.

"It's okay." He said and stood up.

"You're not mad?" Hindi makapaniwala tanong ko sa kanya.

"No. I already figured out that it wasn't you."

My mouth dropped open. Fuck! All this time! Kalat ba sa campus na bobo ako?

"Anyway, I appreciate your honesty. It's okay, Donna. Don't think too much about it." He smiled at me.

Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang likod ni Liam. Somehow, this makes me feel fine.

Days passed by too quick. Nang mag-uwian na ay nag-ayos na ako ng mga gamit ko. May practice na kasi kaming mga majorette dahil next week na ang fiesta. Pagkatapos naman ng fiesta ay maghahanda na kami ni Daddy para sa debut ko.

I wore a black leggings and gray shirt paired with white converse shoes. I tied my hair in a bun.

May quiz pa kami bukas sa calculus. Hindi ko alam kung pwede ba na magpaturo ulit kay Sir.

Around six in the evening ang practice namin dahil may mga pasok ang mga seniors. Four in the afternoon palang naman.

Pasimple akong umupo sa bench sa tapat ng office ni Sir. Baka sakali lang na mapadaan siya dito.

Inilabas ko ang aking scientific calculator, ballpen at tsaka notebook. I tried to scribble down my notes when I noticed someone standing beside me.

"Sir?" Gulat kong saad habang tinitingnan sa malapitan si Sir.

"How's your quiz nga pala?" He casually asked me without tearing his eyes on my notes.

"I was able to answer only one question." I shyly told him.

I felt his eyes on me. Napayuko na lang ako. Nakakahiya!

"You have quiz tomorrow?" I nodded.

"I'll teach you inside my office." Agad akong nabuhayan dahil sa sinabi ni Sir.

Daig ko pa si The Flash sa pagmamadaling pag-ayos ng mga gamit ko.

Umupo na si Sir sa pwesto niya. I sat on the chair on his table. We're facing each other.

"Why are you wearing like that?" He eyed me from head to toe.

I suddenly became conscious about how I look like.

"Uh, may practice po kami sa majorette mamayang six."

Kumunot ulit ang noo niya. Confusing ba ang mga sinasabi ko?

"How are you going home?" My heart skipped a beat.

"Baka po magpasundo na lang ako sa driver ni Daddy or commute." I smiled and started organizing my things on his table.

"Where are you staying at?" I bit my cheeks inside, stopping myself from smiling.

"San Felipe, Sir." He nodded his head. "Ikaw?" I tried my luck.

He pursed his lips. Kunat talaga. "I'll answer your questions once you ace your acads."

I pressed my lips in a thin line. "Kahit edad mo lang para naman mainspire ako, Sir." Again, I tried my luck.

"How old are you?" He asked me back.

"Seventeen." Hindi ko alam pero nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya. "But! I'm turning eighteen next next week! Maaga kasi akong pinag-aral nila Mommy kaya ganon. Well, I'm going to celebrate my legality in a few days!" Hindi ko alam pero I sounded like someone who's pushing myself to him.

He scoffed and diverted the topic. Napasimangot na lang ako. Ilang taon ka na ba kasi, Sir?!

----

if you have time, please feel free to follow me on wattpad: penelophie