Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Nauna na akong lumabas sa office ni Sir dahil naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Date ba 'to? Ah! Basta para sa akin ay date ito. I giggled.
Sa harap lang ng office niya nakapark ang kanyang BMW. Ngayon ko lang nalaman na sa kanya pala ito. Oh well, at least ay makakasakay ako rito.
Good thing is that wala nang mga estudyante sa building namin. He opened the shotgun door for me. I quietly bit my lip as I slid inside his car.
I watched him turned around and gracefully entered his car.
Ngayon ay narealize ko na kung bakit marami ang mga nagkakagusto sa kanya. He's very handsome. His features are screaming the name of Adonis.
"Why are you staring at me?" I gulped and let my eyes looked at the window.
"Just wondering." I shrugged my shoulders.
I can sense his stares lingering on me. Mas lalo tuloy ako kinabahan.
"Wondering what?" Nilingon ko ito at nakitang nakatuktok lang ang kanyang mga mata sa daan.
"Do you usually do this to your students?" Agad kong tinikom ang aking bibig. Uso rin naman filter, Donna!
Narinig ko ang pag tikhim niya. The car stopped because of traffic. Nasa Magsaysay pala kami.
"What do you mean?" Now, he's intently staring at me.
"Like this one. You, tutoring me, treating me for dinner. Like, it's only the two of us. Do you usually do this?" I bit my tongue. Scared of what his answer might be.
"Not really. Just treating those special students." He lazily said.
I nodded with pure disappointment. I heard him laugh and drive again.
"You should be happy, you're one of those special students." Hindi ko napigilan ang pag-irap ko.
"Yeah. Of course I'm happy!" I faced him. I don't know if bitterness is visible on my face. I just hope, it didn't.
Huminto ang kanyang sasakyan sa harap ng Dad's. Small restaurant palang ito. Lumabas na siya sa kanyang sasakyan kaya ganon din ang ginawa ko.
"What's yours?" Napanguso ako ng magtama ang mga tingin namin.
Nakasuot pa pala ako ng school ID. Buti na lang ata nakasuot lang ng blue polo shirt si Sir. Hindi siya mapaghahalataang prof.
Siguro ay mukha kaming mag jowa? What a sight!
"Pares na lang." Favorite ko kasi iyon though ang hirap niyang lutuin, well for me, mahirap.
He nodded and ordered. Iniwan ko na siya sa counter para maghanap ng table namin. Sa may sulok malapit sa water dispenser ko napiling umupo. We won't attract too much attention here.
Tahimik umupo si Sir sa harap ko. I crossed my arms infront of me after I remembered our condition.
"You said you'll answer my question once I ace my acads, right?" He raised his eyebrow. "I aced my acads, so you need to answer my question now."
Hinawakan nito ang kanyang labi. Tila ba may pinag-iisipan.
"How old are you?" I whispered as I squinted my eyes.
"As far as I can remember, you already asked me a question awhile and I answered it." Kalmado niyang saad.
Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niyang iyon.
"That's not counted!" I groaned in frustration.
"That's something personal. Of course that's counted." He smirked while staring at my reaction.
Inis kong ginulo ang buhok ko. "You're so unfair!" I hissed.
Humalakhak lamang ito dahil sa sinabi ko.
"Brat." He teasingly whispered.
Masama ko siyang tiningnan. "I am not!" I said in defense.
"I won't spoil you, Miss Pascal." He casually said.
Napanguso na lang ako. I'm really disappointed but I can have more chances. That doesn't mean, I'll give up that quick.
Natahimik kami ng dumating na ang pagkain. I silently ate my dinner. Sir ordered fish fillet. Natakam tuloy ako bigla.
I don't know if he caught me staring at his food. My mouth dropped when he sliced few of it and put it on my plate.
Napalunok ako dahil sa ginawa niyang iyon. Ilang taon na ba kasi ito?
I never am a fun of old guys! Kaya gusto ko rin malaman kung ilang taon na ito. Baka mamaya ay may asawa na siya at mga anak.
"Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo tuwing may nililibre kang estudyante mo?" I tried to sound cool.
I just hope he'll buy it. I chewed my last food when he only shrugged his shoulders.
Tsk! Napangiwi na lang ako sa ginawa niya. Ang hirap naman nitong hulihin.
Hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya habang umiinom ng tubig. Ganoon din siya. Pakiramdam ko ay halos nakita niya na ang lahat sa akin. Habang ako ay kuryuso pa rin sa kanya.
Tumikhim ako. "Let's go?" He nodded and stood up from his chair.
Tahimik kami habang naglalakad palapit sa kanyang sasakyan. Walang ni isa ang nagtangkang magsalita.
Naubos ata ang ingay ko dahil sa titigan na iyon.
He opened the door for me. I slid myself inside it at saka siya pumasok na rin.
"You can just drop me sa may church. Maghihintay na lang ako ng jeep." Saad ko upang basagin ang katahimikan namin.
Traffic na naman kasi sa Magsaysay. Hindi ko pa naman kung saan siya umuuwi.
"I'll drive you home." He initiated.
Napatahimik na lang ako. Hindi na ako kumontra pa tutal ay siya naman ang nasusunod.
As much as I want for our ride to get faster, masyadong traffic din sa may San Felipe.
Hindi naman ako hahanapin ni Daddy dahil wala pa iyon sa amin.
"You're silent." Napalingon ako sa puna ni Sir sa akin.
"You're not going to answer my questions, so why would I bother talk?" I mocked him.
"Bata pa talaga." He hissed.
Masama ko itong tiningnan. "Palibhasa ang tanda mo na!" Inis kong saad sa kanya.
Itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa amin. Sa loob pa kasi ng subdivision ang bahay namin.
"Dito na lang." I told him when his car is few inches from my house.
"Where is your house?" Itinuro ko ang malaking bahay malapit sa kung saan niya hininto ang kanyang sasakyan.
"I don't want my Dad to asked me on who accompanied me home. There are a lot of cctvs." I explained.
Nakaparada ang kanyang sasakyan sa may bakanteng lote malapit sa amin.
"Uh, thank you for tonight." I said and opened the door.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Naglakad na ako papunta sa amin.
"Miss Pascal." Agad akong napalingon sa kanya.
"Bakit po?"
"I'm twenty three years old. And I don't have a wife or children." Napaawang ang aking bibig. He trailed off. "I don't have a girlfriend, too."