I never thought I'll get to wake up with a bright smile and butterflies in my stomach.
Maraming tao sa bahay. Abala para sa debut ko mamaya. For sure ay talk of the town na naman ito. Dad even hired few media!
"Hi, Dad!" I greeted him and planted a kiss on his cheek.
"Are you ready for tonight?" I giggled and hugged him from behind.
"Thank you. Even though Mom's not here, you never failed to make me feel her existence." My heart is just full of gratitude.
They say no one's perfect. It's true. Mayaman kami, maganda ako. Just when they thought I can have everything in my life, they thought wrong. My Mom died when I was young. I am not smart. But still, I am blessed with such wonderful people. My Dad, Andy - who became my only friend, and Sir.
Sa tuwing naiisip ko si Sir ay hindi ko maiwasang kiligin. Ang gwapo niya siguro mamaya. Kailangan na ako lang ang maganda sa paningin niya!
"I'm gonna fetch my friend pala." Naalala ko si Andy habang kumakain ng breakfast.
Saglit tumigil sa pagnguya si Daddy para tingnan ako. "Friend? You mean your highschool -" I rolled my eyes and cut him off.
"No! I am no longer friends with them, Dad."
Sabi kasi ni Andy ay hindi siya makakapunta dahil wala naman daw siyang susuotin. Kulang din daw ang ipon niya dahil para iyon sa review center na papasukan niya for his board exam. Andy is a man of goals. Sana lang ay kapag naging successful na siya ay isunod niya na sa mga goals niya si Charm.
I wore a simple flowy pink dress and sandals. Magpapahatid ako ki Manong papunta kina Andy. Ang alam ko ay nakatira sila sa may Balatas. Doon ang tambakan ng mga basura dito sa Naga.
Walang kaso naman iyon sa akin. I'll do everything for my friend. Kahit amuyin ko pa ang mabahong hangin sa Balatas.
"Saan ho dito bahay ni Andy Azur?" Hinayaan ko na si Manong ang magtanong tungkol sa bahay nina Andy.
Mukhang kilala siya ng mga taga dito. Itinuro na sa amin ang daan papunta sa bahay ni Andy. Hindi naman pala nila katabi ang tambakan talaga. Malayo-layo na rin doon.
Huminto si Manong sa isang maliit na kulay blue na bahay. Dikit-dikit ang mga bahay dito.
Lumabas na ako at saka nagsimulang kumatok. Binuksan ito ng isang batang lalaki. I squinted my eyes to see the face of Andy reflecting the child's face. Ang cute!
Yumuko ako upang magkalebel ang tingin namin. "Hi! Nandito ba si Andy?"
Ngumuso ang bata saka muling tumingin sa loob ng bahay nila. Maliit lang nga talaga ang bahay nila. Isang palapag lang ito na sementado rin naman. May maliit na sala. Kitang-kita rin ang kainan nila. Lumabas si Andy sa isa sa mga silid. Overall, they have three small rooms.
"Hi!" I gestured a small wave at Andy na mukhang kakagising lang.
"Kuya, anap ka!" Napangisi ako sa kapatid niya. Napakacute!
"Pasok ka, Donna! Shet! Kakagising ko lang!" I rolled my eyes at him.
"Obviously." I made myself feel comfortable at their small house.
Ayokong ipakita kay Andy na maarte ako at mata-pobre. He's the only person who made me feel wanted.
"Wait! Maliligo lang ako!" Mabilis siyang lumabas sa bahay nila. Mukhang nasa labas ang banyo nila.
Tahimik lang akong umupo habang nililibot paningin. Maraming mga pictures ang nakasabit sa pader nila. I walked near it.
Limang magkakapatid sina Andy. Nakaupo sila ng pamilya niya sa isang couch. Sa gitna ay ang mommy at daddy niya. Kandong ng mommy niya ang batang sumalubong sa akin habang kandong naman ng daddy niya ang isang batang babae na mas matanda ng kaunti sa batang lalaki. Sa tabi ng mommy niya ay isang lalaki ulit na mas bata kay Andy, at saka si Andy. Sa tabi naman ng daddy niya ay isang magandang babae. Ito ata ang panganay sa kanila.
Naputol ang titig ko sa masayang larawan ng pamilya ni Andy nang bumukas ang pinto nila. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
Kung sa nanay at ate niya na mukhang kakagaling lang sa palengke o kay Andy na ang tanging natatakpan ay ang kanyang alamat.
My eyes went to his mother. "Ah, hello po. Ako po si Donna. Susunduin ko lang po sana si Andy para sa debut ko mamaya."
Nanlaki naman ang mata ng mommy ni Andy nang dumako ang tingin nito sa anak.
"Bumihis ka nga muna! Akala ko ba si Charm ang gusto mo?" I bit my lip to stop myself from laughing.
"Naka move on ka na ba, Andy?" Sigaw ng kapatid niyang babae na may halong pang-aasar.
Mabilis na lumabas si Andy suot ang isang itim na broad shorts at puting t-shirt.
"Tigilan niyo nga 'yan, ate, Ma! Anak to ni Mayor si Donna tsaka kaibigan ko to!" Siniko ako ni Andy saka nag-aalalang tiningnan.
I shook my head. Ang saya nila. "Nasan yung isa mong kapatid tsaka Daddy mo?"
Pinaupo muna kami ng Mommy niya dahil magluluto daw muna siya ng meryenda. Hindi ko na rin ito tinanggihan pa.
"Naglalaro yun ng basketball sa may court na naman! Si Papa naman nagpapasada. Jeepney driver." I looked so amused about their simple life.
"Sorry ha, wala talaga akong pambili ng damit eh. Yung ipon ko para sa review center ko talaga-" I cut him off.
"It's okay. You're my friend, Andy." Natigil lang ang usapan namin ng tawagin na kami ng Mama niya para kumain ng pansit bato.
"Kumakain ka ba-" Inirapan ko si Andy. Ano bang akala niya sa akin?
Mabilis kong nilantakan ang masarap na luto ng Mama niya. Papadalhan ko sila ng pagkain mamaya nang sa ganon ay parang pumunta na rin sila sa debut ko.
"Salamat po!" Galak na galak kong saad sa Mama niya. Nilapitan ko ang nakababatang kapatid ni Andy saka hinalikan sa pisngi. Ang cute talaga! Sa isang silid naman ay lumabas ang nakababata niyang kapatid na babae. Kakagising lang din ata.
Ngumiti ako sa kanila bago pumasok sa sasakyan namin.
"Ang swerte mo sa pamilya niyo." I said, delighted with the presence of his family.
"Ang swerte ko rin dahil kaibigan mo ako." I added.