Chereads / Wild Tigress / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Natigil ang titigan namin ng marinig ang katok ni Manang. I gulped and opened the door. Tahimik lamang na inilagay ni Manang ang meryenda namin sa may study table.

"Salamat po." Yumuko si Sir. His voice is too deep but it is soothing in my ears.

Pinilit kong kumalma habang naglalakad palapit sa may study table. He grabbed one book and brought it with him before seating in front of me.

"You have plenty of books. Don't tell me, hindi ka nagbabasa dito?" I rolled my eyes at him.

"Obvious ba, Sir?"

He laughed at my sudden question. "Yeah. Sayang yung mga libro niyo."

I shrugged my shoulders. "Dad's reading it. Si Mommy kasi ang may gusto ng ganito." I pursed my lips and look around.

Surely, Sir is just being nice to me. I should stop assuming things. Lalo na dahil nag-aassume na nga ako. Delikado ito.

Napansin ko ang pagiging tahimik ni Sir. I pressed my lip in a thin line. Mag-aaral ba kami or what?

"Saan ka pa ba nahihirapan sa acads mo?" Bigla niyang tanong habang ang kanyang mga mata ay nanatili sa librong binabasa niya.

"Chem subjects." I casually told him.

Tumango lamang ito at saka muling pumunta sa science section. Pagbalik niya ay bitbit niya na ang dalawang makapal na chem subjects. Seriously?

"You should read these two books." Halata sa mukha ko ang hindi pag sang-ayon. Of course! Nakakatamad iyong basahin!

"If you had read at least five pages and answered the problems I'll be giving you, then you can ask me five questions." Inilapit niya sa akin ang isang chem book. He slowly flipped the pages until it reaches five and pointed out the activity that I should answered.

Mukha alam na ata ni Sir kung paano hulihin ang kiliti ko ah? Pero, five questions, ibig sabihin yung one fourth na katanungan sa isip ko ay masasagot na!

"Okay." Mataray kong sagot habang pilit na pinipigilan ang mga ngiti ko.

Sir left around six. I invited him over dinner pero busog pa raw siya. Hinatid ko na lang siya sa kanyang sasakyan.

"Sayang naman, Sir! Ipagluluto sana kita eh!" Nabalot ng pagtataka ang mukha niya.

"You know how to cook, huh?"

I mocked him. "Of course!"

"Then cook something for me when I come back here." Hamon niya sa akin.

I dramatically wiped off something on my forehead. "No sweat. What's your favorite?"

"Any Italian pasta would do." He said and slid into his car. He opened his window and looked at me. "Goodnight, Donna."

Damn! Bakit parang ang ganda ng pangalan ko?

Days passed too quick. Masayang-masaya si Daddy dahil successful ang mga programa nung fiesta. Nag champion din kami kaya mas natuwa ako doon. The little things really do make us happy.

"What are your plans for your birthday?" Dad asked while we're having our dinner. Maaga akong umuwi galing school at ganoon din siya.

"Simple birthday -" He cut me off and laugh.

"Hija, isang beses ka lang magdedebut! Let us make it as grand as possible." Pakiramdam ko ay masyadong masaya si Daddy para magwaldas ng pera.

"I'll let you pick your organizer." I nodded.

Hindi ko alam kung sino-sino ang mga ilalagay ko sa invitations. One thing is for sure, I'll have Andy and Sir Lacson for my eighteen roses. Pwede ko namang ipalusot na lang na crush ko rin si Sir. Well, crush ko nga talaga siya.

Dahil masaya naman si Daddy, susulitin ko na. I told my organizer that I want a hollywood aura for my party.

Nakahanda na rin ang dalawang damit na susuotin ko. Daddy hired my favorite chef. The one who taught me how to cook.

"Yung sa invitations na lang ang hindi pa ready, Donna. Give me the list by tomorrow, okay?" Wala sa sarili kong tinanguan si Ate Meg, ang organizer ng debut ko.

Hindi ko kasi alam kung sino ang mga ilalagay ko sa eighteen roses, eighteen candles, at eighteen treasures. Pwede bang three roses, three candles, at three treasures na lang?

Pagkapasok ko sa room, binati agad ako ng mga kaklase ko. I smiled at them. Maybe I can use this chance to invite them, right?

"By the way, I'll be celebrating my...uh...eighteenth birthday this Saturday. I would like to invite you all and...if it's not too much, can I include you sa lists ng eighteen roses, candles, and treasures?" Nahihiya kong anyaya sa kanila.

Hindi ko alam kung lahat ba sang-ayon pero malakas ang sagot nila na payag sila.

"There's the list!" I happily told Ate Meg.

"Thank you! Bukas din ay ibibigay ko na ang mga invitations." Tinanguan ko si Ate Meg.

"Are you excited?" I nodded at Dad's question and chewed my food.

"Iimbitahan ko rin lahat ng nasa city hall and the teachers of BSU." Mukhang marami ang bisita.

I distributed the invitations. Ihuhuli kong ibigay ang para kay Sir. Papayag kaya siya?

"Liam!" Mabilis akong tumakbo palapit kay Liam. Agad kong kinuha ang isang invitation para ibigay sa kanya.

"Uh, birthday ko kasi sa sabado. Nilagay nga pala kita sa eighteen roses. Kung okay lang?" Tinanggap niya iyon ng may ngiti sa labi.

"Sure! Pupunta ako, Donna." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Pumasok na ako sa room namin para ibigay na rin ang mga invitations. Nagmamadali nila iyong tiningnan. They were all shocked after seeing Sir Lacson's name.

"Grabe! Crush mo rin si Sir?" Simangot nila sa akin.

"Marami naman may crush kay Sir, ah!" I defensively said. Mukhang narealize nga nila na tama ako kaya hindi na nila iyon pinansin.

"Pumayag ba si Sir?" I shook my head. "Hindi ko pa si Sir natatanong eh." I bit my lip.

My eyes darted at Charm and her friends. Hindi nila masyadong pinapansin ang invitation ko.

Naglakad ako papalapit sa kanila. "Uh." They all looked at me. "Sana makapunta kayo. Sorry kung nilagay ko kayo sa eighteen candles."

"Mahirap nga naman talaga kapag walang kaibigan." Napayuko ako sa sinabi ni Ella. Totoo naman siya eh.

Sinita ito ni Jerard. He smiled at me. "Pupunta kami, Donna. Pasensya ka na kay Ella ha." I nodded and went back on my seat.

Para akong tanga na hinihintay matapos ang klase nang sa ganon ay makapunta na ako sa office ni Sir Lacson.

I knocked on his office as soon as I got infront of it. Hindi ko rin kasi siya nakita kaninang lunch. Nang mapansin na bukas ang pinto ay tahimik na akong pumasok.

I saw Sir busy infront of his laptop. I coughed and shyly went near him.

"Uh, I don't know if Dad has already invited you but..." I trailed off and placed my invitation on the top of his table.

"My birthday is on Saturday. Uh, I included you in my eighteen roses. I hope you don't mind."

"I don't mind,  Miss Pascal. Thank you and I'll be there."

My heart felt a ray of disappointment. He didn't called me on my first name. Agad akong napalingon ng marinig ang isang halakhak.

"Naku! Ang dami naman talagang may gusto sayo, Sir Lacson!" I froze. He's the President of BSU.

"Your father invited us, hija! Pupunta kaming lahat! Kaswerte mo at pumayag si Sir Lacson. Noong isang araw ay mayroong nag-imbita sa kanya na mag eighteen roses din pero tinanggihan." I felt like my whole face turned red.

Sir Lacson didn't even looked at me. Tahimik na lang akong lumabas sa opisina niya.

Possible kaya?

----

if you want to read this, you can follow me on my wattpad account: penelophie