Chereads / Wild Tigress / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Nang mag-aalasais na ay nagpaalam na ako kay Sir. I won't push my luck this time.

Nagpaalam na ako kay Sir. He only nodded at me. I quietly leave his office.

Pumunta na ako sa pavilion. Halos five minutes pa bago mag ala-sais pero nandito na rin naman lahat. Nagsimula na kaming magstrectching. After nun ay tumuro na ng mga steps ang leader namin.

"Five minutes water break!" She shouted.

Agad akong pumunta sa bag ko at saka uminom ng tubig. I wiped my sweat away. Sa kabilang side ng pavilion ay nagsstretching din ang mga basketball players.

I saw Liam and he waved at me. I gave out a small smile. I wonder how can someone like Liam exist. Mukhang hindi siya nagagalit eh.

We practiced again. It was around eight in the evening when we're done.  I wonder if Sir is still here? I doubt it.

Pumunta muna ako sa restroom para magpalit ng plain white shirt. I tied my hair in a bun.

Pumanhik ako sa office ni Sir. The lights were closed. Maybe he already went home.

Lumabas na ako at saka naghanap ng jeep. I prefer to commute. Baka busy din iyong driver ni Daddy.

True to what I expected, wala pa si Daddy pagdating ko. Madalas siyang ganito kapag may fiesta. Marami rin kasi ang dumadayo lalo na sa parada.

Maaga akong nakatulog, dala siguro ng pagod. I almost crawled into my bed ng mapagtanto ko na ten am ang pasok ko, subject ni Sir iyon.

If this is just a usual class, it would only took twenty minutes of my time inside the bathroom. But since this Sir Lacson's class, halos abutin ako ng isang oras sa banyo.

Wednesday ngayon kaya washday. Nagsuot ako ng maiksing black denim skirt. I paired it with a sky blue v-neck top. I tied my top so that it would look like a crop top. I wore my black block heels.

Para akong makikipag-date sa ayos ko. Nag-apply din ako ng nude matte lipstick.

Nalate ako sa pagpasok. Hindi ko naman masyadong sinadya iyon. I just made sure that Sir would eyed me from head to toe.

I sweetly smiled at him bago umupo sa pinakaunahan. I don't know but his jaw kinda clenched.

"Blooming ah!" Narinig kong asar ng iba kong mga kaklase.

Sus! Pplastic din eh! I smiled at them. "Inspired lang." I giggled.

Sir coughed that made us all quiet. Nainis din ako na hindi niya man lang ako tinitingnan. Hello! Nag-ayos ako para sayo! Cooperate naman diyan!

Lunch time came. Since same naman ang karinderya na kinakainan namin, nagpasimple ako na hinihintay siya.

Nang makitang papalapit na ito ay saka ako nagkunwaring nakikisiksikan para makapag-order.

It seems like Sir haven't noticed me yet. It's okay. The moment he got his order, nagmamadali ako sa pagbili ng akin.

I bit my cheeks inside. Baka mahalata ako.

I coughed in front of him. "Hi, Sir! Pwede pong makitable?" I innocently asked.

He shrugged his shoulders. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-upo ko sa mesang iyon.

Tahimik lamang si Sir na kumakain. Sabagay, mayroong ibang taga BSU ang kumakain dito. Mahirap nang magkaroon kami ng issue kaya naman kinontento ko na lang ang sarili ko sa pagsulyap sa kanya.

"You done eating?" Halos mabilaukan ako sa tanong niya. I nodded at him.

Tumango lang ito saka umalis na. Tsk! Akala ko pa naman yayayain ako na sabay na kami sa pagpasok.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang umalis na rin. Hindi siya papasok sa klase namin para sa chem dahil may special quiz kami sa calculus

I know I studied so well last night. Pilit ko rin na inintindi ang tinuro niya sa akin.

"I'll gonna have the answer for my question number one." I murmured to myself.

Excited na akong sagutan iyon dahil agad din naming ichcheck. Ibig sabihin, agad ko rin na malalaman ang sagot sa mga tanong ko.

I pursed my lips the moment I got mine. Napatingin ako kay Charm sa tabi ko. I would want to wish her goodluck but the words doesn't came out from my mouth.

I wonder how it feels like to be a part of their friendship? Mukha kasing ang saya saya nila. Naiingit ako. I only have Andy and...Sir.

I doubt it if Sir is my friend. Malay ko ba na marami pala kaming tinutulungan niyang mag catch up diba?

Walang pawis kong sinagutan ang mga tanong na iyon. Nang ibalik ang papel ay laking tuwa ko ng makakuha ng second to the highest score. Siguro naman ay pwede na ito.

"Nagcheat ata." Agad akong napalingon sa nagsalita nun.

"Excuse me? Are you talking about me?" Maarte kong saad bago naglakad papalapit sa kanila.

Grabe naman! Bawal bang nag-aral lang talaga ng mabuti?

Inirapan ako nito, "Hindi porket anak ka ng mayor eh ganyan kana! Binoto namin siya kaya nandiyan siya!"

I rolled my eyes at her. "Sino ba may sabing iboto mo ang Daddy ko? Kahit naman hindi ka magboto, mananalo pa rin siya." Tumikhim ako at saka masama siyang tiningnan.

"Insecure rat. Mag-aral ka kasi!" I scoffed and went back to my table to get my things.

Agad akong pumunta sa office ni Sir. Nakalock iyon. Baka may pasok pa iyon. Maaga pa naman. It's around four in the afternoon palang. Wala naman kaming practice kaya habang naghihintay ay tumulak ako sa canteen para bumili ng pagkain.

I went back around five but it's still lock. I can't wait for another day! I played on my phone until I heard some footsteps. It's already dark! I checked my watch to see that it's already six in the evening. Ang dilim na agad!

"Sir!" I fixed myself and greeted him.

He looked shocked at my presence. I smiled at him and showed my answer sheet in Calculus.

He opened the door and went inside his office. I followed him there. Umupo ito sa kanyang upuan.

Inilahad ko sa harapan niya ang papel ko. He looked at me with amusement in his eyes.

"Hindi ako ang nag-top pero ikalawa ako sa may highest score!" Mayabang kong utas.

"Wow! Congrats! You're learning, huh." He told me while his eyes remained on my paper.

"Though, sinabihan ako ng iba kong mga kaklase na nag-cheat daw ako." Inangat niya ang kanyang tingin sa akin. "Pero hindi naman ako nagcheat! Nakinig kaya akong mabuting sayo tsaka pinag-aralan ko talaga yan!" I defensively said, scared that he might not believe me.

"I believe you." He casually said and stood up.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. At least, may isang tao na naniniwala sa kakayahan ko.

Inayos niya na ang mga gamit niya saka naglakad palabas.

"Let's have dinner. I'll treat you."