Napailing na lang sa amin si Sir Perez saka muling hinarap si Sir Lacson. Sir Perez is a famous professor here in BSU. Binagsak niya lang naman ang buong klase niya sa Architecture last year because of their poor plates.
Matanda na si Sir Perez. May mga apo na nga rin daw ito.
Nagpaalam na rin sa akin si Andy. I thought he has left but he called me.
"May quiz kayo sa calculus?" He asked. I nodded and sighed.
"Nah, don't mind me. Sanay na akong pasang-awa lagi." I smiled at him and give him a thumbs up. "Study hard, future Engineer!"
He waved his hand at me and walked to their college building. I sighed upon thinking about our calculus quiz.
Hindi ko alam kung mapapasa ko ba ito. Kung hindi man ay itatake ko na lang ulit. Marami rin naman ang bumabagsak.
"Your class is later at one in the afternoon." Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
To my surprise, it was Sir Lacson. I greeted him. "Good morning, Sir! Mag-aaral kasi ako ngayon para sa quiz namin mamaya."
His forehead creased. "Study or flirt with your boyfriend?"
I crossed my arms infront of me. "Are you trying to invade my privacy?"
He scoffed. "Just guiding you. You have a lot of failing grades. You should focused on that one."
I bit my cheeks inside to stop myself from smiling. God, hindi ako pwedeng magkacrush sa kanya! Dami na kayang may gusto sa kanya.
"That's why I am going to study because I want to chase those failing grades of mine." Mayabang kong saad sa kanya.
He sighed and looked at his wristwatch. "Do you have time by ten in the morning?"
Ngayon, ako naman ang kunot-noo na tiningnan siya. "Calculus po iyon, Sir. Hindi mo naman hawak ang -"
"You think I'll graduate summa cum laude if I don't know that?"
"Ah...sure, Sir! Pero hindi po ba may pasok kayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"I have free time from ten to eleven. Let's meet at my office." He formally said and left me alone.
Okay, so what's happening? Malamang, tuturuan ka lang naman, Donna! Stop being an assuming ass!
Napanguso ako ng makitang mag aalas-otso palang ng umaga. Shet! Bakit ba kasi ang aga kong nagising eh!
Tumambay na lang ako sa may canteen namin. Next week, magsisimula na ang practice namin para sa parade sa fiesta. My Dad is very busy since last month.
Marami rin siyang inihanda na mga programa. Madalang na nga lang kami magkasabay kumain. Mukhang naging tirahan ni Daddy ang city hall.
Dahil sobrang bored na ako I opened my phone and search for Sir Lacson.
"Weird ha. Wala ba tong facebook?" I murmured.
I tried typing 'Gabriel Lacson', 'Gab Lacson' pero wala talagang lumalabas.
In the end, I gave up the thought of stalking him. I opened my notes in calculus and tried to understand it. Halos sumakit na ang ulo ko pero wala talaga.
May sariling office si Sir. The one near the laboratory room were using every chem is his office.
Nang makitang alas diyes na ay tumulak na ako papunta sa lab room na exclusive for ftech students.
I let out a deep breath and knocked on the door. I am silently biting my tongue when Sir opened the door.
My mouth almost dropped when I saw his face few inches away from me. I gulped and smiled at him.
"Good morning, Sir." I said in a small voice.
Tumango lamang ito sa akin saka nagsimula nang maglakad papasok. Sinundan ko si Sir. Naupo ako sa mini couch ng opisina niya.
Never akong pumasok sa office ni Sir. Kadalasan kasi iyong mga sipsip kong kaklase ang pumupunta dito.
Inilibot ko ang aking tingin sa opisina ni Sir. Tanging ang maliit na couch na ito at ang mesa ni Sir ang nandito. Naka-aircon din ang buong opisina niya.
Wala man lang pictures niya or kahit ano.
"What's the coverage of your quiz later?"
"D11 to D20, Sir." He looked at me. I curiously stared at him.
"You already had your quiz for D1 and such?" I nodded. "What's your score?"
Napalunok ako saka nakayukong sinagot ang tanong niya, "Zero."
I closed my eyes, waiting for his insults again. Tutal ay hobby niya ata ang insultuhin ako.
Five. Four. Three. Two. One.
Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. I heard nothing. I saw him massaging his forehead.
Agad kong narinig ang malakas na tibok ng puso ko nang maglakad na si Sir palapit sa akin.
He sat few inches away from me. I can already smell his manly perfume.
"Memorize these formulas within twenty minutes." He seriously told me.
I stared at him for awhile. May pagkamestizo si Sir. His eyebrows are perfectly shaped. Mahaba rin ang kanyang mga pilik mata, and his lips were kind of small but pinkish. Agad akong napalunok ng tingnan niya rin ako.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Kinuha ang papel na naglalaman ng mga formulas.
I started memorizing it using a small voice. Meanwhile, Sir went back to his seat.
"Miss Pascal, sit here." He motioned me to sit in front of his table.
I obliged and sat quietly. Ngayon ay magkaharap na kami.
He gave me sample questions and asked me to answer it. I pursed my lips trying to identify which formula should I apply for each problem.
"Ang hirap." I groaned in frustration.
Hininaan ko lang ang boses dahil baka marinig niya. Oops, narinig niya nga ata talaga. "Mas mahirap ang quiz niyo. That's just the basic problems."
"Sana lahat kasi gets agad. Yung basic para sa mga matatalino, hard level version one na sa kagaya ko." I ranted while trying to understand the given problems.
He sighed and started scribbling something. In a blink of an eye, he is explaining to me everything.
"Look at your paper. Stop staring at me. Wala sa akin ang problem at sagot mo mamaya sa quiz niyo." Inis niyang saad.
"Sorry." I said and let my eyes drifted on the paper.
Ngunit sa halip na sa papel ay sa kamay niya ito dumako. Wala naman singsing, kaya siguro wala rin itong asawa si Sir.
"May girlfriend ka na ba?" Halos mabulunan ako sa sarili kong laway nang marinig ang tanong ko sa kanya.
"Are you trying to invade my privacy?" He shot back.
Huminga ako ng malalim saka nagpalunod sa malalim niyang mga tingin.
"Ilang taon ka na ba?" Bahagyang kumunot ang noo ni Sir.
Sumandal siya sa kanyang upuan. He pursed his lips.
"If you'll get a perfect score on your quiz in Calculus, I'll tell you." He said, challenging me.
Mukhang malabo ata iyon. I pursed my lips.
"You'll answer my every question if I'll ace my acads. Deal?" I confidently asked him.
He shrugged his shoulders and nodded. "Deal."
I nodded like a little kid. I smiled at him but he's busy looking at his wristwatch. Mukhang may pasok si Sir.
"Sige, Sir! Thank you!" I stood up and slightly bowed at him.
"Miss Pascal." Agad akong napalingon sa kanya.
"I'm sorry for everything." My mouth dropped open.
Now, I'm really confident to ace my class. I'm so curious about you, Sir Gabriel Simone Lacson.