Chereads / Mr. Grade 10 / Chapter 13 - chapter 11

Chapter 13 - chapter 11

Jay's POV

Buti nalang at magbibigay nalang ng assignment itong matandang teacher nato,wala munang problema.

Nasan na kaya yung katabi ko sa upuan?

Naboboring na ako, gusto kong matulog!

Stress na istress nako sa buhay ko, isinali pa ako sa lintek na contest na yan. Pageant for the next Mr. And Ms. Grade 10? Ang weird pakinggan tsk.

Ako lang ata tong tao na laging bored pag naglelesson sa klase, abnormal ata ako.

Ano kayang pwedeng gawin para malibang dito sa nakaka antok na pagdidiscuss ng teacher na to.

Nilaro laro ko nalang lahat ng bagay na nahawakan ko at makita sa desk ko.

Habang nilalaro ko ang ballpen ko ay napatingin ako sa nakabukas kong bag,may pink na notebook doon.

Teka ito ba yung nahulog ni babaeng iyakin?

At dahil sobrang boring ay kinuha ko ito.

Tsk! Hello Kitty talaga ang notebook?

Nang buklatin ko Ito ay puro drawing lamang ang nakalagay sa mga pages, puro stickman na may kartong damit lang naman ang mga drawing tsk.

pero nang mapunta na sa may kalagitnaan ay mga sulat na ito.

' misyon ko ngayong taon- 03-15-2005

1. Bumili ng hello Kitty bag yung hinihila.

2.wag magka crush na kay James.

3. Wag maging pasaway kay mama.

Tsk HAHAHA ang weird naman pala talaga ni iyakin girl.

Sino si James?kawawa naman talaga.

Nang patagal nang patagal ay ganun padin ang mga nakikita ko sa notebook niya, puro missions sa taon. Weirdo.

Nang nasa may bandang dulo na,nasa tatlo parin ang misyon na nakalagay sa listahan niya, sa taon ito ngayon nakalagay, halatang tumigil siya ng mahabang panahon dati at ngayon lang ulit nagsulat. Ang layo ng agwat ng dates.

My 3 new missions this year

1.Stop being always sad and lonely.

2.Accept my mother and sister's death.

3. Find my father.

What? edi sino kasama niya sa bahay nila? Kaya ba siya umiiyak lagi dahil doon?

Isauli ko na dapat itong notebook na to.

Ibabalik ko na sana Ito sa bag ko nang may nahulog na papel galing sa notebook.

Isang paper airplane na may sticker ng stitch na nakangiti.

This is familiar.

Sa tingin ko nakita ko na ito dati, hindi kaya?

Tinignan ko ulit Ito ng maiigi at naalala ko na ang lahat. Ito nga iyon,katulad ng paper airplane na ginawa ko noon para sa babaeng hinihintay ko lagi sa lugawan, yung babaeng niligtas ko.

As usual nandito nanaman ako sa lugawan ni ate lorna, nagiimis ng mga kalat sa mesa.

Kung hindi lang talaga ako binibigyan ng sahod kada linggo na sapat na para pambili ng mga gamit ko sa school ay matagal na akong lumayas dito at maghanap na ng ibang trabaho.

Nakakasawa mukha ng mga tao dito!ampapanget pa!

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtatapon ng mga basura nang may iutos nanaman ang kamahalan.

"Totoy bumili ka nga ng dalawang kilong bigas sa palengke!eto ang pambili." sigaw sakin ni Aling Lorna.

Wala naman na akong magagawa dahil iniabot na niya sa kamay ko ang bayad, no choice.

"Sige na intoy bumili ka na." ginulo niya ang buhok ko.

"Trese anyos na ako aling Lorna,hindi na ako si intoy noon na gusgusin." inayos ko ang pagkakagel ng buhok ko.

"Aysus,kahit naman tumanda ka na ikaw padin ang intoy namin." kinurot ako neto sa pisnge.

Aray naman!

"Aling Lorna!" Napapadyak nalang ako sa inis.

Nagsimula nang umambon at palakas na Ito ng palakas habang tumatagal, kung minamalas nga naman nasaktuhan pa na aalis ako.

Kinuha ko ang payong na nakasabit sa may gilid ng drawer ni Aling Lorna at nagsimula nang maglakad paalis.

"Akin na sukli ah." kumaway ako.

"Bahala ka,mag ingat sa daan intoy!" Kumaway din ito.

---

"Anong nangyari?" Tanong ko sa mga taong dumadaan at nagsisitulakan.

"Nagkabanggaan yung bus at truck, may mga ibang sasakyan at motor na nadamay." Sabi nung isang ale.

"Maari ho bang makidaan?" Tanong ko,bukod sa daan na Ito ay Wala nang iba pang madadaanan papuntang palengke.

"Naku iho!nagkakagulo na lahat dito, Hindi ka na pwede pang dumaan, depende nalang kung tutulong ka." sigaw ng isang lalaki na abala na silipin ang bintana ng isang kotse na naipit ng isang van.

Dumating na ang mga ambulansya, pulis, at bumbero. Buti nalang at umuulan kaya naibsan kahit konti ang apoy na kumakalat sa mga kotse.

Pero kahit na umuulan,mahirap padin ang sitwasyon, madaming sugatan, naipit at mga umiiyak, nagkakagulo pa ang mga tao.

"Iho tumabi ka muna! may bangkay dito oh dun ka muna sa tabi!" Sinigawan ako neto.

Tumango at sumunod nalang ako sa sinabi niya.

Paano na to? kaylangan kong bumili ng bigas, bibili pa ba ako?

Nang tignan ang kabuuan ng nagkakagulong lugar,may nakita akong awang sa gilid.

Maaring lumusot doon!

Kaya tinahak ko nalang ang daan at nagpatuloy tuloy na sa paglalakad.

Napakaingay ng paligid, may mga rescuers na kaya?

"May nasusunog na building!kaylangan ng rescuers,ambulansya at bumbero tumulong ang kayang tumulong!" Sigaw ng isang lalaking nakatungtong sa kotse.

Ano?! Bakit ganito?

Babalik na sana ako sa lugawan nang may marinig akong humihingi ng tulong.

"T-tulong."

Hinanap ko kung saan galing ang boses, dahil madaming kotse na nakaharang ay hindi ko masyadong makita, idagdag pa ang napakalakas na ulan.

"T-tulungan niyo ako."

Nang tumingin ako sa may bandang dulo sa may gilid, may nakita akong sira sirang bike at may babae na duguan sa tabi nun.

Agad akong pumunta sa direksiyon niya at hinarap siya.

Tinapik ko ang pisngi niya, matutulog na ata, Hindi pwede baka hindi na siya magising.

"Gumising ka kung gusto mo pang mabuhay." Sabi ko sakanya.

Nakaramdam ako ng labis na awa nang makita kong nasasaktan na talaga siya.

"G-gusto ko p-pang m-mabuhay." Sabi neto. Hinang hina na siya.

Tinignan ko kung saan siya may sugat, at nakita ko ang tagiliran niyang may tusok na bakal.

Agad kong tinanggal ang polo ko at pinangtapal iyon sa sugat niya. Naramdaman ko ang pagngiwi niya dahil sa kirot na dulot non.

"A-ayaw ko p-pang m-mamatay tulungan m-mo ako." Sabi ulit neto.

Hinawakan ko siya sa kamay at pilit na pinapakalma, tuloy tuloy ang agos ng luha nito sa mata niya. Kahit puro dugo na ang kamay, braso at damit ko ay hindi ko na ito alintana, ang mahalaga ay mailigtas itong babaeng ito.

"Anong nangyari sakanya?"

May lumapit na rescuer sa amin,sa wakas."May tusok po siya sa tagiliran,may sugat din po siya sa ulo." Sabi ko sa rescuer habang hawak ko padin ang polo kong nakatapal sa tagiliran ng babae.

Chineck neto ang babae at inilagay sa stretcher. "Salamat iho,kung hindi mo siya binigyan ng paunang lunas baka hindi na siya umabot,umuwi ka na baka hinahanap ka na ng magulang mo doon." tinapik ako neto sa balikat.

Nakatingin ako ngayon sa mga taong inaagapan at inilalabas sa kotse.

Nakita ko ding isinara na ang kabilang dulo ng kalsada para wala nang mga sasakyan na makadaan muna.

"Intoy!" Nagulat ako nang nasa likod ko na pala si aling Lorna.

"Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo! saan ka ba nagpupunta! Tara na magkasakit ka pa."

At umuwi na nga kami.

--

Simula nang mangyari yung insidente noon,hindi ko na muli pang nakita ang babaeng tinulungan ko isang taon na ang nakalilipas.

Nandito ako ngayon sa lugawan ni Aling Lorna at naghihintay na may pumasok na customer,kanina pa kasing walang tao dito.

Maya maya din ay nagsidatingan na ang mga customers at nagsiupo nadin sila at humingi ng order nila.

"Ano po order niyo?-" tila napako ako sa kinatatayuan ko at umurong ang dila ko nang makita ko yung babaeng niligtas ko.

"Isa pong order ng lugaw at coke maliit."

Wala na ang mga sugat sa mukha niya at hindi na halata na naranasan niya ang ganoong sitwasyon.

"Kuya ayos lang po kayo?" Kumaway ito sa mukha ko. Doon ako natauhan.

"A-ahm a-ano pa? Y-yun lang ba?" Hindi ko alam kung bakit ako nauutal.

Parang bakla lang Jayrome Alfuedo!

"Opo." sagot niya habang abala siya sa cellphone niya.

Pumunta na ako sa iba pang customers para hingin ang mga orders nila.

Nang oras na para iserve ang mga orders nila ay maingay kong inilalagay ang mga orders sa kanya kanyang mesa nila.

Nang sa babaeng yon na ako magseserve ay biglang naging pasmado ang kamay ko. Nanginginig!

"Paabot po ng paminta." Sabi niya dahil walang paminta sa mesang inupuan niya.

Kinuha ko sa kusina ang bagong salin na pinong paminta at pumunta na sa mesa ng babae.

Nang malapit na ako magabot sa kamay niya ay natisod ako!

Syete!

Naitapon ko ang kalahati ng pamintang pino sa lugaw ng babae.

"Pasensiya na!" Agad kong pinagpagan ang ibang pamintang napunta sa buhok niya.

Nakita at narinig ko ang tawanan ng mga tao sa likod ko. Kahihiyan.

"Ayos lang ayos lang." paguulit niya habang pinapagpagan ang damit niya. Ang bait niya.

Nakakahiya talaga! Buti nalang mabait siya. Parang may humaplos sa puso ko, ang bait niya!

"Kaya tong gawan ng paraan." nginitian niya ako."Nasan lababo ninyo?"tanong niya sakin.

Tinuro ko naman agad kung saan ang lababo at pumunta din siya agad doon.

Kinutsara niya ang napakadaming paminta sa lugaw niya at itinapon sa lababo, bale ngayon ay tama nalang ang dami ng paminta.

"Oh diba,nagawan ng paraan." ngumiti nanaman siya.

"Pasensiya na talaga miss." napakamot ako sa ulo, nakakahiya talaga.

"Ayos lang." bumalik na siya sa lamesa niya. Ang bait bait niya.

Pumasok muna ako sa kwarto ni aleng Lorna at humiga.

Ano ang pangalan niya?bakt ang bait niya? Tatanungin ko siya!

Nang lumabas ako ay wala na siya sa upuan niya.

Sayang!

___

Lumipas ang mga araw ay lagi na siyang kumakain dito sa lugawan,at siyempre todo asikaso ako.

Dito siya tumatambay minsan at gumagawa ng assignments.

Tuwing hapon lang siya nandito,pero ayos lang.

Oo nga at lagi siya dito pero hanggang ngayon ay hindi ko padin alam ang pangalan niya.

Torpe! Aaaaaa.

Ngayon ay pursigido na ako!

Gumawa ako ng eroplanong papel kung saan nasa loob ang number ko at pangalan ko. Nilagyan ko pa Ito ng stitch na sticker.

Habang inaabot ang sukli niya ay pasimple kong inipit ang eroplanong papel sa notebook niya na pink.

'sana mabasa niya!

Lumipas ang araw, linggo, buwan ay hindi na siya muling bumalik sa lugawan.

Malungkot man ay tatanggapin ko, kaylangan eh. Tatanggapin ko nalang.

Pero paano kung coincidence lang?na may ganto din siyang papel na eroplano? pwedeng oo pwedeng hindi.

Isa lang ang paraan, dapat kong alamin.

Sinubukan ko pang maghanap ng bagay o hint para malaman kung siya talaga yung babaeng yon, ang babaeng matagal ko nang hinahanap.

Tinignan ko ng tinignan maigi ang bawat pahina ng biglang.

"Ano yan?" May bumulong sa tenga ko.

Kaya kinabahan ako at tinago agad ang notebook. Lalo na at boses ni Krizelle ang narinig ko.