Krizelle's POV
Nang makapasok agad sa school ay dumeretso na ako agad sa classroom para hanapin yung nawawala kong notebook.
"May nakita ba kayong notebook na hello Kitty yung design?"
Nagsi-iling iling lang ang mga kaklase ko, saan ko yun mahahanap?
Pumunta ako sa lahat na pwedeng mahulog ang notebook ko, pati na ang rooftop.
Syempre nadantan ko nanaman si Jay doon sa taas kaya sakanya ako magtatanong.
"Jay may nakita ka bang-" natigil ako sa pagsasalita nang nakita kong hawak hawak niya yung notebook ko.
"Bakit nasayo iyan?!"
Hinampas ko siya ng bag ko ng paulit ulit. Tumayo si Jay. "Anong sinasabi mo?!"
"Eh ano yang hawak mo?!"
Nang magbaba siya ng tingin ay nakita nga niyang hawak niya yung notebook.
"N-nakita ko lang kanina diyan sa gilid ng h-hagdanan." sabay turo niya sa hagdan.
"Talaga lang ah.Hindi mo binasa?"
"Hindi."
"Talaga?"
"Hindi nga! kulet." naglagay siya ng earphones niya at pumikit. Siya pa ang sumisigaw?
Binato ko siya ng notebook. "Hoy kinakausap pa kita!"
Agad naman siyang napatayo,malakas ata pagbato ko. "Ano bang trip mo? trip mo ako?"
"Huh? Lakas trip bwiset ka!" Kinurot ko siya. Napasigaw naman siya sa sakit. Buti nga sayo. "Hindi ko nga binasa!tantanan mo ako!" Ulit niya pa.
"You liar!" Hinampas ko ulit siya.
"Ano ba kasing nandiyan at hindi mo gustong ipabasa?" Tanong niya sakin.
Napapadyak nalang ako sa inis."Wala."
"Oh Wala naman pala eh,bakit galit na galit ka sa makakabasa ng notebook mo?" Tanong pa neto.
"Kasi basta!" Kinuha ko na ang notebook at lumayo sakanya,pabalik sa room.
3rd person's POV
"Cute." Sabi ng binata nang makababa na ng tuluyan si Krizelle.
"Kaylangan ko ngayon ay makita ang balat mo sa likod ng leeg mo!" Napasuntok Ito sa hangin at ngiting ngiti.
Umalis na si Jay sa rooftop at dumaan muna sa cr para magayos ng sarili.
"Baliw na nga ata ako, bakit ako nag gel?kaylan ba ako nag gel?" Tinapon ng binata ang plastic ng gel na nilagay niya sa ulo niya at ginulo gulo nalang ang buhok niya, pabalik sa dating anyo nito.
Kumakanta kanta pa ang binata habang patalon talon na naglalakad patungong classroom nang bigla siyang may napansin.
"Huh? bagong transfer?" Usisa niya at sumilip sa nagkakagulong mga tao.
At bigla siyang napangiti ng nakita ang mukha ng lalaking pinaguusapan at bulong bulongan ng lahat.
"Insan!" Kumaway ito.
Krizelle's POV
"Dali dali sali na kayo! minsan nga lang nagkaroon ng sunod sunod na meeting eh!" Sigaw ni bench sa aming lahat.
"Ang ingay mo! ano masaya ka kase may meeting? Eh bumabagyo na nga!"
Kinurot eto ni Lila.
Umuulan kase ngayon,baha na sa kalsada. Hindi pa kami pinapauwi kasi hindi makalabas sa school dahil sa sobrang lakas ng hangin.
"Laro na tayo!" Pumadyak si bench na parang bata.Isip bata.
Napansin ata netong patingin tingin ako sakanya kaya dinuro niya ako.
"Anong tinitingin tingin mo diyan,gwapo ako noh?" Nagpogi sign eto at ngumiti.
Napatawa nalang ako dahil sa kakwelahan niya
Is this true? I'm laughing? For so many times,ngayon lang ulit. Start na ba ito ng pagbabago ko? Jokey wag umasa.
I suddenly smiled.
"Uyy,para saan yang ngiti na yan ha?" Tumabi na pala sa akin si Althea,hindi ko napansin.
"Wala lang."
"Aysus,bakit nga?" Pangungulit niya.
"Can I ask a question?" Para maiba ang usapan.
Binuksan neto ang pagkain niya "Ahm sige,ano yun?"
"Ano kasi, may payong ka ba? naiwan ko kasi yung akin eh."
"Ah sorry ah wala na eh,sa iba nalang, magtatanong ako." nginitian niya ako. Okay lang naman.
Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw ang loko loko na si Bench. Problema non?ah yun pala, pinaghahampas na ni Lila kase nandaya sa spell bingo na nilalaro nila.
"Tawa ka diyan Krizelle!sumali ka kaya, pati ikaw Althea" itinaas neto ang kamao niya.
"Ayaw." sabay naming sabi ni Althea.
"Kumakain pa ako eh." habol ng katabi ko. Nako, anong idadahilan ko? Lahat sila mga nakatingin na sa akin,hinihintay ang magiging sagot ko.
Anong sasabihin ko? Hala siya. "Ano kase-"
"Okay halika na!" Hindi na ako pinatapos ni Bench at hinila na ako agad. Atat lang kung atat? No choice.
"Spell bingo!" Sabay sabay naming sigaw.
"Saglet habol kami!"
Sabay sabay kaming napatingin sa sumigaw,si Jay.At nasa likod niya si-
What?!
Noooooo!
Nasa likod niya ang ex ko!
"Ey ebriwan, meet my pinsan." Inakbayan ni Jay si Genesis James.
"Genesis nga pala." ngumiti Ito ng tipid.
Alam ba niya na dito din ako nagaaral? buti nalang talaga at second name na james ang sinabi ko kina Enzo kundi lagot na.
Dali dali naman silang pumwesto sa gusto nilang pwesto, hindi padin tumitingin sa akin si Genesis.
This is insane.
"Spell bingo!" Sabay sabay ulit nilang sabi.
Nagsimula na silang kumanta ng chant ng spell bingo.
"-limang piso bingo!" Tinuro ako ng lahat pero ang mga mata ko nasa kanya padin.
Napagtanto kong hinihintay na nila ako kaya inalis ko na ang tingin sa kanya,at naghanap ng pwedeng apakan ang paa, at napatingin ako sa mga mata nila.
At nang mahagip ko ang mata ni Jay,nahalata kong malungkot ang mga mata niya. Ganto na ba yung sinasabi nila? na makikita mo sa mata yung totoong nararamdaman ng isang tao?Kung ganon bakit malungkot siya?
Nilakihan ko ang hakbang ko patungo sa kinaroroonan ni Cess, pero sa kasamaang palad ay hindi ko naapakan ang paa niya.
"Humanap ka na ng kikindatan dali" siko sakin ni Monica.
Lahat sila malapit sa akin,pero Isa lang ang hindi. No way, bakit sa lahat ng tao siya pa? at dahil ayaw kong kindatan si Genesis ay iba nalang ang kinindatan ko,si Fame, tuloy natalo ako.
"Next time kasi wag yung nasa malapit ang piliin, mas ayos nang yung malayo ang piliin kaysa sa malapit, kase pag malayo di ka don masasaktan." pangangaral ni Mae.
"May pinaghuhugutan besh?" Tawa nina Monica at Althea.
At nagpatuloy ang paglalaro nila hanggang mapagod sila, madami dami din kase sila.
Nang matapos ang laro nila ay nag aya nanaman si Bench, this time habu habulan naman.
"Tara sa court!" At nagsipuntahan din kame,covered naman ang court at hindi na umuulan, Sayang suspension na sana eh.
Nang makapunta doon ay nadatnan naming naglalaro ang ibang mga kaklase naming lalaki, kasama na doon si Enzo, Andrei, at Kenneth.
Napatingin ako kay Kenneth bigla, bagay pala sakanya kapag walang salamin, mas kita ang features ng mukha niya.
"Tapos ka na bang tumitig?" Nagulat ako, nasa tabi ko na pala si Enzo, certified lutang na ata ako.
"Hindi naman ako tumititig." umiling iling ako.
"Tsk,Hindi raw pero titig na titig kay Kenneth,tss." iniwanan ako bigla.
Problema non?
---
"Taya ka na!" Sigaw ni Andrei sakin, buti nalang at hindi napansin ng iba na malamya ang boses ng baklushang na ito,buti walang nakakapansin.
At nagsimula na nga akong tumakbo nang tumakbo, nagulat ako ng bigla akong bumangga kay Jay.
"Aray ha, oh taya."pinalo ko siya. Oops napalakas ata.
Imbis na habulin ako pabalik ay tinawag ako neto,at ang mga baliw kong kaklase naman ay nagsisitakbo paden kahit na nakahinto itong taya na ito sa harap ko.
Seryoso, sabog ba kaming lahat?
"Wait krizelle.." halatang hinihingal siya.
"Bakit?" Lumalayo ako sakanya, mahirap na baka tatayain ako neto bigla.
"Talikod ka nga."
"Ano ako uto uto? tatayain mo ako eh!"
"Hindi, promise."
"Ayaw."
"Sige na!" Sigaw niya. Oo na nga, nakakahiya sakanya eh,siya pa galit. Tumalikod na ako sa kanya. Ngayon anong ganap?
Nagulat ako nang bigla niyang hawiin ang buhok ko, para saan yun?
"Hoy anong ginagawa mo?"
Humarap ako sakanya,at nakita ko ang ngiti niyang nakakaloko nanaman.Huh?
"Anong meron?" Nagtataka kong tanong.
Ngumiti lang ito,with matching hawak pa sa batok.
"Ano ngang meron?" Paguulit ko.
"May balat ka pala sa likod ng leeg mo." Sabi niya sakin.
"Oh ano naman?natutuwa ka na doon?" Napatawa nalang ako bigla.
Iniwan ko nalang siya doon at nagsimula nang tumakbo, pero bago tuluyang makalayo ay tinignan ko siya ulit. Nakangiti siya, sinusuntok at pinanggigigilan si Kenneth.
Okay that's weird.
Nang bumalik sa room ay nakita ko si Genesis na busy maglaro sa cellphone, bigla ako netong hinarang.
"What's the matter?" I asked. "Can we talk?"
"Sure-" naputol ako sa pagsasalita nang may umakbay sa akin, nang lumingon ako ay si Enzo ang nakita ko.
"Sorry may pupuntahan kami eh, next time nalang." ngumiti ito,halatang peke.
Hinigit niya ako patungo sa labas ng room. "Why?" I asked him.
"Siya ba si James?" Halata ang lungkot sa mga mata niya. Halata o assumera ako?
"Y-yes" napayuko ako.
"Wag mo siyang kakausapin." madiin niyang sabi.
"Why?"
"He's not worthy, pagkatapos ka niyang saktan. Paano ka ba niya sinaktan?anong klaseng lalaki siya sayo? please tell me krizelle, I want to know him better, I want to know my new classmate."
I looked upon his eyes,there's a glint of pain. Don't tell me, Gusto niya ako,
Gusto ba niya ako?